Sinubukang tawagan ni Jace si Clary upang itanong kung magpapahatid ito. Subalit hindi pinapansin ni Clary ang kanyang tawag, habang nasa loob ng taxi. Malayo ang tingin ni Clary, nakarating na sila sa labas ng kumpanya ngunit hindi pa bumababa si Clary.
"Ms. Nandito na tayo." Ani ng driver
Nagulat si Clary sa boses ng driver
"Sorry kuya.. salamat.. tawag na lang ako mamaya kung anong oras ako uuwi." Tugon ni Clary
"Sige.. mag iingat ka, uhm payo ko lang.. kung ano man ang tumatakbo sa isipan mo, hanapan mo na kaagad ng kasagutan, mahirap ang may dala-dalang ganyan." Ani ng Driver
Napawi ang emosyon ni Clary, napalitan ito ng kaunting ngiti
"Sige na kuya! Salamat uli!" Ani ni Clary
Umalis na ang taxi, at pumasok na si Clary sa loob. Pagkarating niya doon, inisip pa din niya kung sino ba si Cassandra.
"Ugh! Clary.. clary... wake up! Focus! Focus!" Sambit niya sa kanyang sarili
Ilang sandali, nakatanggap siya ng mensahe mula kay Jace. Umakto siyang normal at sinagot ito.
🖤 CONVERSATION 🖤
+++ Jace & Clary +++
"Hey Clary.. nasaan ka? Ok ka lang ba?"
"Yes Jace im fine thanks.. nasa office na ako"
"Bakit hindi ka nagpahatid sa akin?"
"Jace! hindi mo naman ako responsibilidad kaya ok lang kahit na hindi mo ako ihatid at sundo."
"Clary... pupunta ako jan, mag-usap tayo ng personal."
"Wag! Busy ako sige na magpahinga ka na may trabaho ka pa mamaya. At saka baka may nagiintay pa sayo."
Hindi na sumagot si Jace.
🖤 END OF CONVERSATION 🖤
Hindi makapag concentrate sa kanyang trabaho si Clary. Kaya naman nagpasya siyang umalis at nagtungo sa trabaho ng kanyang bestfriend na si Isabelle.
Abala naman si Isabelle sa pagcocoach kay Cassandra. Kaya hindi niya namalayan na tumatawag pala si Clary bago pa man ito magtungo sa kanya. Nang makarating roon si Clary, nagulat si Isabelle at biglang napahinto sa kanilang ginagawa.
"Wait.. babalik ako." Ani ni Isabelle
Pinuntahan kaagad ni Isabelle si Clary.
"Clary.. anong ginagawa mo dito?" Ani ni Isabelle
"I can't work.. naiinis ako.. i dunno what to feel." Tugon ni Clary
Napakamot sa ulo si Isabelle, nagpaalam saglit kay Clary upang puntahan ang kanyang bagong client.
"Wait me here. Babalikan ko lang client ko at tatapusin ko na muna ang workout namin." Ani ni Isabelle
"Thank you Isabelle. Sorry at naaabala pa kita." Tugon ni Clary
"It's nothing. Sabi ko naman sayo nandito lang ako lagi para sayo. Sige na wait mo ako mamaya tayo mag-usap" ani ni Isabelle
Nagtungo na si Isabelle patungo kay Cassandra pagdating niya doon nagpaalam siya kaagad.
"Sorry Cassandra, but i need to stop our workout." Ani ni Isabelle
"No problem coach, pagod na din ako.. sige na salamat bukas na lang uli." Tugon ni Cassandra
Kaagad na nagtungo si Isabelle sa shower room upang maglinis ng kanyang katawan at magpalit ng damit. Samantala, nagtungo naman si Cassandra sa pinaglagyan niy ng gamit.
Pagdating ni Cassandra, nakita niya ang isang babae na nakaupo at pansin niya ang bigat ng pinagdadaanan nito.
"Hi.. are you ok?" Ani ni Cassandra
Kaagad namang sumagot si Clary
"Uhm! Yeah im fine thanks.!" Tugon ni Clary
Upang makausap muli, gumawa siya ng paraan.
"Excuse me, naupuan mo kasi yung towel ko." Ani ni Cassy
"Oopss sorry hindi ko nakita." Tugon ni Clary
Habang kinukuha ni Cassandra ang kanyang towel, pinagmamasdan naman niya mula ulo hanggang paa si Clary. Namangha ito sa ganda ng hubog ng katawan ni Clary, kaya naman nagtanong siya.
"Nag ggym ka din ba?" Ani ni Cassandra
Tumingin at medyo naiinis na si Clary sa panay na pagtatanong ni Cassandra
"Uhm! Yes why?" Tugon ni Clary
"Nothing.. sorry. Masyado akong matanong" ani ni Cassandra
Dahil nalaman ni Jace na wala sa opisina si Clary, isang lugar lamang ang unang pumasok sa kanyang isipan kung saan matatagpuan si Clary.
Maya maya naman ay isang tagpo ang hindi inaasahang nangyari. Dumating si Jace sa Gym at tinawag si Clary.
"Clary!" Sigaw ni Jace
Napatingin ang dalawang babae sa likurang bahagi.
"Jace!?" Ani ng dalawa
Sabay na nabanggit ng dalawa ang pangalan ni Jace. Nagkatinginan sila, at walang idea si Cassandra kung sino ang babaeng kaharap niya. Samantala nagkaroon naman ng kutob si Clary kung sino ang kanina pa niyang kausap.
"Ikaw siguro ang Cassandra!" Sambit ni Clary sa kanyang isipan
Lumapit si Jace, nagulat na lamang siya ng makita niya ng malapitan sina Clary at Cassy.
"Clary.? Cassy? Magkakilala kayo?" Ani ni Jace
"Hindi! Ngayon ko lang siya nakita." Ani agad ni Clary
"Ako rin, ngayon ko lang siya nakita" tugon naman ni Cassy.
Ipinakilala ni Jace ang dalawa sa bawat-isa.
"Cassy, si Clary nga pala childhood friend ko. Uhm Clary si Cassandra ka work ko." Ani ni Jace
Tumaas ang kilay ni Clary.
"Nice meeting you!" Ani ni Clary
"Thanks nice meeting you." Tugon ni Cassandra
Paglabas ni Isabelle, nanlaki ang kanyang mga mata ng makita niya ang tatlo. Hindi niya ito inaasahan kaya hindi niya alam kung ano ang kanyang sasabihin kay Clary.
Subalit upang makaalis naman sa harap ng dalawa si Clary, gumawa siya ng paraan sa pamamagitan ni Isabelle.
"Isabelle! Aalis na ba tayo?" Ani ni Clary
Kaagad naman itong nakuha ni Isabelle
"Ha! Oo tara na! Ready na ako." Tugon ni Isabelle
Nagpaalam na si Clary sa dalawa. Sinubukan namang pigilan ni Jace si Clary.
"Clary sandali mag-usap tayo!" Ani ni Jace
Aksidenteng nahawakan ni Jace ang mga kamay ni Clary sa harap ni Cassandra. Napatingin naman kaagad si Cassandra sa kamay ng dalawa.
Tila huminto ang mundo nina Clary at Jace habang magkahawak ang kanilang mga kamay. Lumakas naman ang tibok ng puso ni Clary. Kaya napabitaw siya at tumingin kay Jace.
"May lakad pa kami ni Isabelle." Ani ni Clary
Nabatid ni Jace na tila iba ang pinapakita ni Clary. Samantala kaagad namang sumingit si Cassy.
"Jace, girlfriend mo ba si Clary? Yung totoo?" Ani ni Cassy
"Yung totoo? Magkaibigan kami ni Clary." Tugon ni Jace
Napatango na lamang si Cassy sa sagot ni Jace. Umalis naman sina Isabelle at Clary, habang naglalakad ang dalawa, patuloy namang nakamasid si Jace kay Clary. Nakita siya ni Cassy kaya Dahan-dahan siyang umalis.
Hindi na namalayan ni Jace na mag-isa na lamang siya. Habang naglalakad ang mag bestfriend, hindi naman kinikibo ni Clary si Isabelle, nagkaroon ito ng tampo sapagkat hindi nito sinabi na si Cassandra na pala ang kanyang kaharap.