Chereads / The Day you love me. I die / Chapter 9 - Chapter 9

Chapter 9 - Chapter 9

Nagtungo ang dalawa sa bahay ni Clary. Wala pa ding imik si Clary hanggang sa makarating sila sa loob. Kaya naman naglakas loob ng magsalita si Isabelle

"Clary.. im sorry.. sorry kung hindi ko sinabi sayo." Ani ni Isabelle

Tumingin si Clary at hindi pinansin ang sinabi ni Isabelle.

"Isabelle, nagseselos nga ako.. but why!" Ani ni Clary

"Mahal mo na ba si Jace?" Tugon ni Isabelle

"Hindi ko alam! Ang alam ko lang pagkasama ko siya ang saya-saya ko, kapag nakahawak ako sa kanya feel ko super safe ako." Ani ni Clary

"My Gosh! Clary nafall ka na kay Jace.. at habang nafafall ka minamahal mo na rin siya." Tugon ni Isabelle

"Hindi ko alam ang gagawin ko.. nagseselos ako ng wala sa lugar, nasasaktan ako ng walang dahilan. Shit! I hate this!" Ani ni Clary

"Clary.. control your emotions.. ayaw kong matulad ang lahat sa ex mo na si Raphael. Na umabot sa punto na ikaw lang ang nagmamahal matapos niyang makuha ang gusto niya sayo." Tugon ni Isabelle

Napaupo si Clary at napaisip sa sinabi ni Isabelle patungkol sa nakaraan nilang dalawa ni Raphael. Hindi naman maiwasan ni Clary na maalala lahat ng kanyang pinagdaanan dito.

🖤🖤🖤 FLASHBACK 🖤🖤🖤

++ Clary & Raphael ++

Si Raphael ang first boyfriend ni Clary, nagkakilala sila sa party ni Isabelle. Hindi naman maiiwasan na hindi siya mapansin sapagkat napakaganda niya ng gabing iyon. Samantala isa si Raphael sa pantasya ng nakararami. Matipuno at may makisig na pangangatawan, mataas at higit sa lahat may biloy ang magkabilang pisngi.

Habang nasa Party, maingay at nagsasayawan ang mga tao lumapit si Raphael kay Clary.

"Hi... are you alone?" Ani ni Raphael

Hindi marinig ni Clary

"What?? Hindi kita marinig!" Tugon ni Clary

Inilapit ni Raphael ang kanyang bibig sa tenga ni Clary at nagsalitang muli.

"Ang sabi ko sino ang kasama mo." Ani ni Raphael

"Ah. Si Isabelle, bestfriend ko siya.. ikaw sinong kasama mo.?" Tugon ni Clary

"Ah kasama ako ng kaibigan ko dito. Bestfriend mo pala siya." Ani ni Raphael

"Oo.." tugon ni Clary

"Im Raphael.." ani ni Raphael

"Clary.." tugon ni Clary

Napansin ni Raphael na tila hindi interesado sa kanya si Clary, kaya naman gumawa ito ng paraan para makuha ang loob nito.

Umalis sandali si Raphael, at kumuha ng maiinom. Pagbalik niya, iniabot kay Clary ang isang basong red wine.

"Clary para sayo." Ani ni Raphael

"Thanks! Teka nga bakit mo ba ginagawa to? Hindi naman kita date." Tugon ni Clary

"Wala gusto ko lang na makilala kita." Ani ni Raphael

Ayaw ni Clary na kinakausap siya ng ibang tao lalo na at hindi niya ito masyadong kilala.

"Ok! So thanks again and please leave me alone. Hindi kita kilala." Ani ni Clary

"Kaya nga ako nagpapakilala." Tugon ni Raphael

Tumayo si Clary at iniwan si Raphael.

"Have a nice evening. I have to go." Ani ni Clary

Napakagat ng labi si Raphael sa ginawang ito ni Clary. Si Clary pa lang ang unang babaeng nakagawa sa kanya ng ganito. Naging hamon naman ito para kay Raphael.

Tinungo naman ni Clary si Isabelle, at pagkarating niya doon ay kaagad siyang nagsumbong.

"Bwisit! Akala mo kung sino." Ani ni Clary

"Oh ano ang nangyari? Sorry busy ako dito sa loob kaya hindi pa ako nakakalabas." Tugon ni Isabelle

"May lalaking lumapit sa akin, si Raphael kinuhanan ako ng wine." Ani ni Clary

"Ah si Raphael..nako ganun talaga siya." Tugon ni Isabelle

"Napakahambog! Akala mo kung sinong kagwapuhan." Ani ni Clary

Natawa si Isabelle sa mga reaksyon ni Clary

"Haha. Baka mamaya yang pagkainis mo maging way para mafall ka." Tugon ni Isabelle

"No way! Hindi yan mangyayari." Ani ni Clary

"Let's see. Halika na bumalik na tayo sa party." Tugon ni Isabelle.

Lumabas ang dalawa at nagtungo sa party area. Nakisali sila sa nagsasayawan, samantala nakita ni Clary na nakatingin lamang sa kanya si Raphael. Hindi niya ito pinansin at nagpatuloy lamang sa pag sasayaw.

Nang matapos ang party ni Isabelle pasimpleng lumapit sa kanya si Raphael.

"Isabelle..." ani ni Raphael

"Yes?" Tugon ni Isabelle

Naglakas loob na si Raphael na hingin ang number ni Clary mula kay Isabelle

"Ano kasi.. uhm... pwede ko bang hingin sayo ang number ng kaibigan mo..??" Ani ni Raphael

"Sinong kaibigan? Madami akong kaibigan." Pabiro ni Isabelle

"Si Clary... I felt something for her." Tugon ni Raphael

"Love at first sight? Ganun ka? Hoy Raphael pag ang kaibigan ko umiyak lagot ka sa akin." Ani ni Isabelle

"Hindi pa nga kami iiyak na agad ang naiisip mo" tugon ni Raphael

"Naniniguro lang ako. Dahil ayaw kong nasasaktan si Clary." Ani ni Isabelle

"Wala pa bang nagiging boyfriend si Clary?" Tugon ni Raphael

"Wala pa.." ani ni Isabelle

"Yown! Sige na ibigay mo na sa akin" tugon ni Raphael

"Saglit hahanapin ko lang." Ani ni Isabelle

Napangiti naman si Raphael ng makita niyang hinahanap na ni Isabelle ang number ni Clary, Malaki naman ang tiwala ni Isabelle kay Raphael kaya naman walang duda niya itong ibinigay sa kanya.

"Ok na? Save it.. and don't tell her sa akin mo nakuha ang number niya" ani ni Isabelle

"Yes thank you.. promise hindi ko sasabihin" tugon ni Raphael

"Isa pa. Alam kong malinis ang intension mo sa kaibigan ko." Ani ni Isabelle

"Oo naman. Pag sinaktan ko si Clary kalimutan mo ng naging magkaibigan tayo." Tugon ni Raphael

"Talaga! Gagawin ko talaga iyon. Clary is like my sister." Ani ni Isabelle

"Sige na.. magpahinga ka na din. Salamat nag enjoy ako sa Party mo." Tugon ni Raphael

Matapos makuha ni Raphael ang numero ni Clary, nagpaalam na din siya at umuwi. Samantala nakatulog na si Clary sa kwarto ni Isabelle.

"Hay Clarissa... nakatulog ka na naman sa kama ko. Lakas mag inum daig pa ang lalaki." Ani ni Isabelle

Binihisan ni Isabelle si Clary at matapos ay nagpahinga na din siya sa tabi nito. Pagkarating naman ni Raphael sa kanyang bahay. Kaagad naman siyang nagpadala ng mensahe kay Clary,

"Hi miss sungit.. wag ka naman masyadong masungit. Ang ganda ganda mo pa naman. Sige na good night."

-Raphael

Pagbaling ni Isabelle napatingin naman siya kung kaninong telepono ang may ilaw. At nang tingnan niya ito kay Clary pala, kaya nabasa niya ang text ni Raphael.