Chereads / The Day you love me. I die / Chapter 7 - Chapter 7

Chapter 7 - Chapter 7

Mag aalas sais na ng umaga, tapos na ang trabaho ni Jace. Tiningnan niya ang kanyang telelpono kung may message si Clary. Subalit wala siyang nakita. Nagtungo namn siya sa parking Area upang kuhanin ang kanyang motor.

Pagdating niya doon, nakita niya si Cassandra na nagkaproblema sa kanyang kotse. Kaya naman nilapitan niya ito kaagad.

"Ok ka lang Cassandra?" Ani ni Jace

"Yuph ok lang ako TL. Nagkaproblema lang ang kotse ko." Tugon ni Cassandra

"Anong nangyari? Patingin ako baka may maitutulong ako." Ani ni Jace

Ipinakita ni Cassandra ang kanyang kotse kay Jace. Napansin ni Jace na hindi basta basta magagawa ang kotse ni Cassandra.

"Kailangan na natin itong ipakuha sa mekaniko." Ani ni Jace

"Oh shit! Ano ba yan." Tugon ni Cassandra

"Wait ako na ang tatawag ng mekaniko. May kilala ako na mahusay at garantisado." Ani ni Jace

Tumawag si Jace sa mekaniko.

"Salamat TL!" Tugon ni Cassandra

Mayamaya pa ay dumating na ang tinawagang mekaniko at kaagad na ikinabit ang lubid upang maipahila ito patungo sa talyer. Pagkaalis ng mekaniko, kaagad naman nagtanong si Jace.

"So.. Cassandra paano ka uuwi?" Ani ni Jace

Nag-isip si Cassandra.

"Maybe commute TL." Tugon ni Cassandra

"Saan ba ang bahay niyo?" Ani ni Jace

Ipinakita ni Cassandra ang address niya kay Jace. Kaagad naman nag-aya si Jace.

"Malapit ka lang pala sa subdivision na tinitirahan ko. Halika na sumabay ka na sa akin at idadaan na kita." Ani ni Jace

"Nako TL wag na.. nakakahiya, isa pa maaga pa naman." Tugon ni Cassandra

"Sabi ko sayo Jace na lang.. sige na sumabay ka na sa akin." Ani ni Jace

"Nako. Hindi na Jace.. ok lang ako, kaya ko naman." Tugon ni Cassandra

"I insist! Halika ka." Ani ni Jace

Iniabot ni Jace ang helmet kay Cassandra. Ayaw itong tanggapin kung kaya..

"Oh teka Jace! Anong ginagawa mo?" Tugon ni Cassandra

Ikinabit ni Jace ang helmet kay Cassandra

"Ok. Tara na.." ani ni Jace

Walang nagawa si Cassandra kung hindi ang umangkas at pumayag sa pagpupumilit ni Jace. Humawak lang si Cassandra sa balikat ni Jace.

Naglalakad naman si Isabelle patungo sa Gym ng aksidente niyang matanaw si Jace sa harapan ng isang Gate. Kaagad naman niya itong sinigawan.

"Jace!" Sigaw ni Isabelle

Lumapit si Isabelle kay Jace at natanaw ang kausap na babae.

"Sino yun?" Sambit ni Isabelle sa kanyang sarili

Nang makarating si Isabelle kay Jace. Kaagad naman niyang ipinakilala ang kanyang kasama.

"Isabelle, si Cassandra katrabaho ko." Ani ni Jace

"Oh. Hi.. I'm Isabelle nice to meet you." Tugon ni Isabelle

Tinitigan ni Isabelle si Cassandra simula ulo hanggang paa. Napataas ang kilay nito ng mapansing maganda ito at kaaya-aya.

"Nice to meet you too Isabelle. I'm Cassandra, Cassy for short." Ani ni Cassandra

Ngumiti si Isabelle at nagpaalam na.

"Oh sige na. Mauna na ako.. mag bubukas pa ako ng gym." Ani ni Isabelle

"Sige Isabelle.. have a good day" tugon ni Jace

Pagtalikod ni Isabelle, nagpaalam na din si Cassy.

"Sige na TL. Ay este Jace, pasok na ako sa loob." Ani ni Cassy

"Sige na. Magpahinga ka na see you later." Tugon ni Jace

"Sige na Jace mag iingat ka din, salamat sa paghatid." Ani ni Cassy

Pinaandar ni Jace ang motor, isinuot ang helmet at ngumiti ng isang nakasaya. Bumusina siya tanda ng kanyang pagpapaalam. Nang makaalis na si Jace pumasok na si Cassy sa loob.

Dumating naman si Clary sa Gym upang magtraining kasama si Isabelle. Binati niya ng masigla si Isabelle.

"Good morning" ani ni Clary

"Morning din. Start na tayo?" Tugon ni Isabelle

Pansin ni Clary na tila wala sa mood si Isabelle. Kaya nagtanong siya

"Ok ka lang? May nangyari ba?" Ani ni Clary

"Uhm. Wala naman.." tugon ni Isabelle

Habang nageensanyo ang dalawa hindi mapakali si Clary sa kinikilos ng kanyang kaibigan. Himinto siya sa ensayo at muling nagtanong.

"Isabelle! Tell me what's wrong?" Ani ni Clary

Umupo si Isabelle sa isang tabi, sumunod naman si Kaagad si Clary.

"So ano ang nangyari?" Ani ni Clary

"Hindi ko alam kung paano ko sasabihin sayo." Tugon ni Isabelle

"Handa ako.. so sabihin mo na kung ano yang dinadala mo." Ani ni Clary

Tumingin si Isabelle direkta sa mg mata ni Clary. Huminga ng malalim at saka nagsalita.

"Nakita ko si Jace." Ani ni Isabelle

"Ha?? Saan?" Tugon ni Clary

Tila iba ang nararamdaman ni Clary sa pagkakasabing ito ni Isabelle

"Malapit lang dito sa gym, may inihatid siyang babae si Cassandra." Ani ni Isabelle

Napaupo ng tuluyan si Clary, napaisip siya kung sino si Cassandra sa buhay ni Jace.

"Sino siya? Bakit kailangan pa siyang ihatid?" Ani ni Clary

"Hindi ko alam.. sabi niya katarabho niya. pero iba ang kutob ko.. iba ang nakikita kong saya sa mga mata ni Jace, habang pinakikilala niya sa akin si Cassandra." Tugon ni Isabelle

"Baka kaibigan lang niya, oh katrabaho nga niya.. Oh baka naman.. ewan ko.. ughhhh!!!!" Ani ni Clary

Naiinis si Clary sa kanyang nalaman.

"Sorry.. sana pala hindi ko na sinabi sayo.." tugon ni Isabelle

"Nagseselos ako! Pero bakit kailangan kong magselos! Naiinis ako Belle.." ani ni Clary

Naiiyak si Clary habang nagsasalita, kaagad naman siyang niyakap ni Isabelle.

"Tama na yan.. aalamin muna natin ang katotohanan kung anong meron ba sa kanilang dalawa." Ani ni Isabelle

Hindi sumagot si Clary, maya-maya naman ay may pumasok na isang babae. Pagtingin niya, nanlaki ang mata niya ng makita si Cassandra.

"Clary it's time... baka malate ka na sa trabaho mo." Ani ni Isabelle

"Sige na.. aalis na ako.. magkita na lang tayo mamaya" tugon ni Clary

Matamlay ang mukha at kilos ni Clary ng lumabas sa gym. Hindi na niya sinabi kay Clary na ang babaeng pumasok sa Gym ay walang iba kung hindi si Cassandra.

"Hey.." ani ni Cassy

"Oh hey.. so bakit ka nandito.?" Tugon ni Isabelle

"Ah mag iinquire lang ako para sa work out." Ani ni Cassy

"Sure wait tawagin ko lang ang isa kong katrabaho." Tugon ni Isabelle

Pinigilan siya ni Cassy.

"Pwede bang ikaw na lang maging coach ko?" Ani ni Cassy

"Ha? Ako??" Tugon ni Isabelle

"Oo ikaw.. diba kaya mo din naman akong ihandle sa work out?" Ani ni Cassy

Hindi na nakatanggi si Isabelle sa kagustuhan ni Cassy. Naging official coach niya si Isabelle at binigyan niya ito ng schedule para sa kanilang araw at oras ng training.