Samantala abala naman si Jace para sa paghahanda sa lugar kung saan nila gagawin ang team building. Tinulungan naman siya ng kanyang bestfriend na si Alec.
Si Alec ay nasa taong 26 anyos, isa siyang bisexual at hindi din maiaalis sa kanya ang pagkakaroon ng magandang katawan at gwapong itsura. Kaya kahit sino ay magugustuhan siya.
Habang nasa isang caféteria....
"Alec, alam kong ikaw ang makakatulong sa akin pagdating dito." Ani ni Jace
"Sure! Ikaw pa ba, eh ang lakas mo sa akin!" Tugon ni Alec
"Salamat bro!" Ani ni Jace
"Teka lang? Bakit pala parang natetense ka? eh team building lang naman ang gagawin?" Tugon ni Alec
Napansin kaagad ni Alec ang pagiging balisa ni Jace.
"Ah kasi.. ano.. may inimbita kasi akong guest." Ani ni Jace
"Guest?? Sa team building? Wow! Girlfriend mo ba?" Tugon ni Alec
May halong inis ang pagatatanong ni Alec. Sa madaling salita hindi alam ni Jace na gusto siya ni Alec.
"Hindi ko naman siya girlfriend. Kaibigan ko lang siya simula pa noong bata pa kami." Ani ni Jace
"Oh! I see! sige na. Pag-usapan na natin ng matapos na tayo." Tugon ni Alec
Kaagad nagplano ang dalawa para sa magiging event. Naglagay din sila ng ilang palaro para mas maging effective ang team building. Magiging camping ang set up nila para mas may thrill.
"Alec, ikaw na lang ang MC namin. Para kasama ka din namin." Ani ni Jace
Hindi na nakatanggi si Alec sa paanyayang ito ni Jace.
"Sige. Wala din naman akong magagawa kung tatanggi pa ako." Tugon ni Alec
"Alam ko naman kasi na hindi mo ako tatanggihan." Ani ni Jace
"Ano pa nga ba. So, ano? ok na ba ang plano?" Tugon ni Alec
"Yuph ok na! Thank you uli bro." Ani ni Jace
Matapos ang pag-uusap ng dalawa nagpasya na silang mag hiwalay.
"So bro, saan ka pupunta after this?" Ani ni Jace
"Sa gym.. ikaw?" Tugon ni Alec
"Ah pupuntahan ko si Clary.. susunduin ko muna siya bago ako pumasok sa office." Ani ni Jace
Hindi na umimik si Alec.
"Ok ka lang?" Ani ni Jace
"Ah oo! Sige na aalis na ako." Tugon ni Alec
Napakibit balikat na lamang si Jace. Umalis naman si Alec at nagtungo na sa gym. Sumunod ay umalis na din siya.
Pagkarating niya sa labas ng kumpanya ni Clary, kaagad niya itong hinanap sa guard. Pinaderetso naman siya sa reception area para doon na magtanong. Binigyan naman siya ng permiso ni Clary na umakyat sa taas.
Habang naglalakad siya sa hallway ng opisina, pinagtitinginan naman siya ng mga babaeng empleyado. Batid sa mga mukha ng mga ito ang kilig habang siya ay dumadaan.
"Jace!" Ani ni Clary
Biglang napawi ang mga mata ng empleyado ng makita si Clary.
"Clary.. hi.." tugon ni Jace
"Anong ginagawa mo dito?" Ani ni Clary
"Sinusundo ka. Wala ka kasing sasakyan pauwi ayaw ko na magcommute ka." Tugon ni Jace
Hindi maitatago ni Clary ang kanyang pagbublush kaya naman dali-dali niyang niyakag si Jace sa loob ng kanyang opisina.
"Halika sa loob. May ipapakilala din ako sayo" ani ni Clary
"Sige." Tugon ni Jace
Pagdating nila sa loob, pinakilala naman kaagad ni Clary si Isabelle kay Jace.
"Hey Best! meet Jace." Ani ni Clary
"Hi" ani ni Jace
"Hello" tugon ni Isabelle
"Jace this is Isabelle. And Isabelle this is Jace" ani ni Clary
Nagkamayan ang dalawa. Napatingin naman si Isabelle kay Clary na may halong mga ngiti.
"So iiwan ko na muna kayo ni Clary." Ani ni Isabelle
"Teka! Diba may lakad pa tayo?" Tugon ni Clary
"Ha? Wala naman tayong lakad. Sige na, uhm Jace ikaw na bahala kay Clary! And nice to meet you again" ani ni Isabelle
"Pero.." ani ni Clary
Nagmamadaling umalis si Isabelle na may halong ngiti sa kanyang mga labi. Masaya siya para sa kanyang kaibigan. Makalipas ang ilang segundo naiwan na silang dalawa sa loob.
"So.. anong oras ka uuwi?" Ani ni Jace
"Hindi ko pa alam. Bakit ka pa kasi nagpunta dito?" Tugon ni Clary
"Wala lang. Susunduin kita tapos ihahatid kita sa bahay mo." Ani ni Jace
Bumubulong sa hangin si Clary..
"Ano ba naman ito. Hindi pa nga kami abot na ang sundo." Sambit ni Clary sa kanyang sarili
"May sinasabi ka?" Ani ni Jace
"Ah wala.. sabi ko mamaya pa ako." Tugon ni Clary
Tumingin si Jace sa lamesa ni Clary. Nakita niyang ayos na ang lahat at nakapatay na ang kanyang computer.
"Bakit? Tapos ka na naman sa work mo ah." Ani ni Jace
"Hindi pa ako tapos. Madami pa akong gagawin Jace." Tugon ni Clary
Sa hindi inaasahang pagkakataon kumatok naman si Lea para sabihin kay Clary na tapos na ang work niya. Si Lea ay ang sekretarya ni Clary.
"Ms. Clary, excuse me.. wala na po kayong ibang appointment for today." Ani ni Lea
Nanlaki ang mata ni Clary sapagkat sumalungat ang kanyang sinabing dahilan kay Jace. Samantala nakangisi naman si Jace habang napapakamot sa kanyang ulo.
"Sige Lea thank you. Makakuwi ka na." Tugon ni Clary
Pagkaalis ni Lea
"See wala ka ng work. So let's go." Ani ni Jace
Wala ng nagawa si Clary kung hindi ang pumayag sa paanyaya ni Jace. Lumabas na sila sa opisina niya at nagtungo sa parking area.
Kinuha ni Clary ang helmet kay Jace. Matapos ay sumakay na ito. Naging kalmado lamang siya at walang imik.
"Tahimik ka ata.." ani ni Jace
"Last na ito Jace.. hindi ito tama."tugon ni Clary
"Paano naman na hindi naging tama?" Ani ni Jace
"Wala sige na tara na. At baka malate ka pa sa work mo." Tugon ni Clary
"Sige na kapit ka na sa akin." Ani ni Jace
Kumapit muli si Clary sa mga bewang ni Jace. At pagkatapos ay pinaandar na niya ang motor. Dahan-dahan lamang na pinatakbo ni Jace ang motor upang maging kampante lamang si Clary.
Nang makarating sila sa labas bahay ni Clary. Nagpaalam naman kaagad si Jace.
"Thank you...Jace" ani ni Clary
"Wala yun. So aalis na ako papasok pa ako sa work. Bukas anong oras ka papasok?" Tugon ni Jace
"Sige na Jace.. umalis ka na baka maabot ka pa ng traffic. Salamat uli. Mag iingat ka." Ani ni Clary
Nang makaalis si Jace, kaagad na pumasok si Clary sa loobng kanyang bahay. Walang pagsidlan ang saya na kanyang nadarama. Lumalakas ang tibok ng puso niya habang naaalala ang lahat ng ginagawa ni Jace para sa kanya.