"At kailangan ba talagang kasama ako sa pupuntahan mo?" tanong ni Kaeden kay Josephine habang inaayos ang kaniyang mga gamit sa isang backpack. Ilang damit, isang pocket notebook, ballpen at iba pang personal na gamit. Ayon sa kaibigan, nais nitong magbakasyon sa family cottage nila sa Vicente Cruz. Gusto din daw nitong malaman kung kumusta na ang mga kaibigan niya roon at kung may pinagbago na ang lugar.
"Siyempre naman! Do you really think pupunta ako doon ng mag-isa? No way. Besides, wala ka din namang ginagawa di ba?" sagot ng dalaga sa kaniya. Ito ang lagi niyang sinasabi sa binata kahit na alam niyang mayroon itong pinagkakaabalahan, o kaya binabasang libro na nais nitong tapusin.
"How did you know I'm not busy? Hindi ko pa nga natatapos itong house design para sa isang client ko, di ba? This is due next month!"
"Puwede mo namang gawin yan pagkatapos eh. Ilang araw lang tayo doon. Kung boring doon, hindi ko rin gustong magtagal!"
Mula sa salas kung saan sila nagtatalo ay bumukas ang pintuan mula sa hall at doon ay lumabas si Jun; ang nagiisang natitirang kamag-anak ni Kaeden.
"Oh, tama na muna yang labing labing niyo. Kaeden, tawag!" pabirong wika ng matanda at ibinigay ang cordless phone sa apo. Napailing nalang ang binata at tiningnan ang kaibigan, na agad siyang pinandilatan bago bumalik sa pagaayos ng kaniyang bagahe.
"Si Mr. Garcia po ba?" tanong ni Kaeden kay Jun. Agad na napatawa ng saglit ang matanda.
"Hindi, pero kliyente mo. Masugid!" sagot nito. Mabilis na kinuha ng binata ang cordless phone mula kay Jun at sinagot ang tawag. Nang marinig niya kung sino ang nasa kabilang linya, agad itong napakamot ng ulo. Walang iba kundi si Inspector Basil.
"First time, long time, Kaeden! Kumusta ka na?"
"Inspector! Mabuti naman. Anong balita?"
"Eto, bakasyon ko sana, pero naging impyerno. Matinding kaso."
"Ganun ba? Wala naman sigurong kaugnayan itong tawag mo sa kaso, di ba?"
Napatawa ng bahagya ang inspector. Sa tagal na nilang magkakilala, hindi parin niya makuhang maitago ang pakay niya sa binata.
"Actually, meron. Nandito kami ngayon sa Vicente Cruz, may kaso kaming kailangang tapusin dito. It has roots on a cold case."
Nang marinig niya ang lugar kung saan naroon ang Inspector, napatingin siya kay Josephine na nagtaka naman kung bakit. Napapikit ang binata habang pinakinggan ang detalye ng kaso. Pakiramdam ng binata ay may galit sa kaniya ang mundo, at laging nakabuntot sa kaniya ang mga ganitong bagay. Nang maibaba niya ang telepono, agad na tinanong ni Josephine kung tungkol saan ang tawag.
"Seems like sa pupuntahan nating lugar, may isang kasong hawak si Inspector Basil. It's about a death threat and possible murder case. Alam mo ang mas nakakagulat pa doon?"
"Ano?"
"Yung family na nakuwento mo sa akin na naging kapitbahay niyo, well, seems like sila ang involved sa kaso."
Nagulat ang dalaga at nagtaka kung ano ang nangyari. Dahil sa narinig, mas lalong pinilit nito si Kaeden na bilisan ang pagiimpake. Maaga silang bumiyahe patungong Vicente Cruz. Umabot na limang oras at maghahapon na nang marating nila ang vacation house. Napansin nilang may ilang police mobile na naka-park sa malapit.
---
Hindi parin matanggal sa isip ni Basil ang nabasa niyang lumang newspaper. Parang may kung anong mahikang bumabalik sa isipan niya ang mga naging resulta ng kanilang imbestigasyon. Hindi kaya may hindi sila nakita nang mga panahong iyon? Hindi kaya isang malaking pagkakamali ang naging desisyon nila sa kanilang findings? Dahil sa ayaw na ring tumagal pa ang kaso, napagkasunduan noon ng mga mas matataas na opisyal na tapusin ang kaso sa pinakamabilis na paraan.
Naalala niyang marami ding naimbestigahan na mga witnesses nang mangyari ang insidente. Surprisingly, tila nawala ang karamihan sa mga documented files ng kanilang investigation, interview reports at kung anu-ano pa.
"Nakakapagtaka, saan nga ba napunta ang mga yun? Ang alam ko, maging si SPO3 Navales noon, hinahanap ang mga reports pero wala na siyang mahanap," wika ni Basil sa kaniyang isipan. Naalala niyang tawagan si Henry Navales, ang officer on case nang mangyari ang insidenteng iyon noon.
Kaunting ring lamang sa cellphone ng kabilang linya ay agad na itong sumagot.
"Inspector Navales?"
"Oh, napatawag ka? Out of the blue!"
"Still remember the case dito sa Vicente Cruz? Yung hinahanap mo yung interview at reports ng mga residente?"
Hindi agad sumagot si Inspector Navales. Tila, mayroon itong iniisip bago siya nagbigay ng sagot sa kausap.
"Ah oo, pero wala akong nahanap talaga. Alam mo na, same old same old. Mukhang may mataas na involved."
Isa itong bell ringer para kay Basil. Ibig sabihin, mayroon din itong hinala na hindi basta-basta ang nangyari, at may isang malaking tao na involved sa kaso.
"Now that you mention it, may hinala ka bang isang malaking tao ang involved dito? Siguro nabalitaan mo na ang nangyari ngayon dito sa Vicente Cruz…"
"Oo. Ingat ka buddy, hindi basta-basta yan. Kung opinion ko tatanungin mo, maaaring may koneksyon ito sa insidente. I researched it before you did. May kutob akong may alam ang biktimang si Carlos Sembrano sa nangyari noon."
Napabuntong-hininga si Basil sa narinig. Natawa na lamang ang kausap sa cellphone.
"That means it's a load of work for you, buddy. Pero if you need my assistance, pwede akong magbigay ng impormasyon," wika ng kaibigan kay Basil.
"Salamat, pare. Sige, kailangan ko nang bumalik sa bahay ng biktima."
Pagkatapos maibaba ni Basil ang tawag, agad niyang kinuha ang mga dokumento at lumang dyaryo. Inilagay niya ito sa isang karton at dinala palabas ng opisina. Kailangan niyang basahin ito kahit sa bahay nila, para mapag-aralan ang positive points na magpapatunay na may koneksyon ito sa insidenteng nangyari noon.
Missing details. Ito ang nasa isip ni Inspector Basil sa mga nababasang dokumento. Ang alam niya, may isang bagay na hindi matukoy sa insidente.
"Nakakapagtaka. Talagang may isang bagay na hindi ko matandaan nang mangyari ang insidente. Hindi kasi ako ang humawak nito. Ang nabigay lang sa amin na info ang pinagtiyagaan naming basahin. No wonder this case is bugging me. May kakaiba," wika niya sa kanyang isipan. Ito ang unang beses na hindi niya alam ang gagawin. Habang binabasa ang report ng ibang officers sa kaso, nagring ang cellphone niya.
Si Kaeden.
"Oh, Kaeden! Napatawag ka? I think this is the first time na tumawag ka."
Narinig niya ang buntong hininga sa kabilang linya.
"Inspector, kumusta na ang kaso mo dito sa Vicente Cruz?"
"Dito? Ibig mong sabihin nandito ka?" nasorpresang tanong niya sa binata.
"Opo. Actually niyayaya niya akong magbakasyon, and guess what, of all places, dito pa sa bahay bakasyunan nila. I don't like this place, Inspector. Parang hindi magtatagal ang katawan ko dito."
Natawa siya sa nasabi ni Kaeden. Pero maging siya ay hindi niya gusto ang lugar.
"Ano ang balak mo? Kailangan mong magbakasyon dito."
"Inspector, tulungan nalang kita sa kaso. If I'm here to kill time and have my vacation, mas magandang ubusin ko nalang sa pagtulong. Para hindi ako maburyo dito. Siguradong hindi na naman ako mageenjoy sa kakakulit ni Josephine."
Napaisip si Inspector. Tamang-tama. Hindi na siya mismo ang kailangang humingi ng pabor sa binata. It has been years since he last asked Kaeden to help him crack a case. It was a tough one. But this one is eerie. Nagdesisyon siyang sabihin ang detalye sa binata at humingi ng opinion tungkol dito. Matagal na hindi nagsalita si Kaeden habang iniisip kung ano ang posibleng direksyon ng imbestigasyon.
"Inspector, kung maaari, I want to ask a favor. Tungkol sa faulty wiring incident, gusto kong malaman kung ano ang tungkol sa pamilya Monteverde. Maaaring nandito ang golden key sa golden question ninyo."
Nabuhayan ng loob si Inspector. Hindi niya matanto, pero tuwing ang binata ang kausap niya, tila napapalapit sila sa paglutas ng kaso.
"Sige. Makakaasa ka. May i-se-send lang ako sa iyong mga litrato sa Whatsapp mo. I want you to see the pictures of the Monteverdes and the vic's family."
"Sige, Inspector. Salamat."
Matapos ibaba ni Kaeden ang kanyang telepono, tila nabalot ang kanyang buong katawan ng kakaibang kuryente. Hindi niya alam kung ano ito, ngunit nang marinig niya ang tungkol sa kasong hawak ni Inspector Basil, nagkaroon siya ng matinding sigla. It's as if the tingling sensation of learning about the case makes him get more excited and alive.
"Weird. Parang may nabasa akong tungkol sa kasong ito. Hindi ko na maalala kung nasaan. Or am I just imagining?" wika ni Kaeden sa sarili. Binuksan niya agad ang kanyang Whatsapp at tinignan ang mga litratong binigay ni Inspector.
"Inspector, kung maaari, I want to ask a favor. Tungkol sa faulty wiring incident, gusto kong malaman kung ano ang tungkol sa pamilya Monteverde. Maaaring nandito ang golden key sa golden question ninyo."
Nabuhayan ng loob si Inspector. Hindi niya matanto, pero tuwing ang binata ang kausap niya, tila napapalapit sila sa paglutas ng kaso.
"Sige. Makakaasa ka. May i-se-send lang ako sa iyong mga litrato sa Whatsapp mo. I want you to see the pictures of the Monteverdes and the vic's family."
"Sige, Inspector. Salamat."
Matapos ibaba ni Kaeden ang kanyang telepono, tila nabalot ang kanyang buong katawan ng kakaibang kuryente. Hindi niya alam kung ano ito, ngunit nang marinig niya ang tungkol sa kasong hawak ni Inspector Basil, nagkaroon siya ng matinding sigla. It's as if the tingling sensation of learning about the case makes him get more excited and alive.
"Weird. Parang may nabasa akong tungkol sa kasong ito. Hindi ko na maalala kung nasaan. Or am I just imagining?" wika ni Kaeden sa sarili. Binuksan niya agad ang kanyang Whatsapp at tinignan ang mga litratong binigay ni Inspector.