Chereads / Case Book of Detective Kaeden (TAGLISH) / Chapter 29 - Curse of Almira Murder Case: File 6

Chapter 29 - Curse of Almira Murder Case: File 6

Matapos ang paguusap nilang iyon ni Troy sa telepono, mabilis siyang bumalik sa upuan at sinabi ang lahat sa mga kasama. Bawat isa sa kanila ay nagkatinginan na para bang ang pinakamalaking harang sa misteryo ay tuluyang naglaho na parang bula.

"I'll forgive your friend for now, Kaeden. Hindi ko muna huhulihin ang scavenger na nasabi niya, dahil gusto kong matapos ang kaso na ito. Anong nasa isip mo ngayon?" tanong sa kanya ni Inspector.

"Ang pumatay sa mayamang pamilya na iyon ay si Carlos. He became wealthy a few years later. Inunti-unti niya ito just to feign suspicions. Isa sa mga anak ng pamilyang iyon ang naka-survive, went missing and probably came back later. I have a hunch that whoever it was, isa sa mga Monteverde. Ang taong iyon, namukhaan niya si Carlos na pumatay ng kanyang mga magulang. Unable to bear that someone knew his crime, pinatay niya ang buong pamilya."

"And the four bodies?" sabat ni Alfred.

"History repeated itself. Someone from the Monteverdes survived and is starting to kill the Sembranos one by one. Alam kong hindi pa ito ang huling pagpatay na gagawin ng taong iyon."

"So what are you planning?"

"Ayon dito sa family picture na binigay sa akin ng kaibigan ko, kilala ko na ang killer. We know who did it. Pero kailangan natin siyang mahuli sa akto. What we have are still theoretical, kailangan natin ng matibay na ebidensya."

"You're right. We need to pin down this person before it's too late. Tsaka na natin siya maiimbestigahan sa ibang parte ng kaso kung nahuli na siya," sagot ni Inspector. Kung ang isang ebidensya ay circumstantial lang o theoretical, mahirap itong tanggapin sa korte o papansinin man. Kaya nagiisip silang hulihin sa akto ang salarin para ito ang ipataw sa kanyang kaso: Attempted Murder.

---

Nirequest ni Kaeden na makita ang mga recent pictures ng buong pamilya Sembrano. Cebu, Baguio, Manila, Surigao, Batangas, Bataan. Halos lahat ng magagandang lugar na inooffer ng lugar ay napuntahan na nila. Napansin ni Kaeden na kasama na din nila ng matagal ang kasambahay na si Miranda. Lagi itong naka-long sleeves. Sa mga beach, lagi lang itong nasa tabi na naghihintay o hindi kaya naghahanda ng pagkain.

"Inspector, ano na pong balita? Bakit niyo kami tinawag dito sa sala?" tanong ni Marco sa Inspector, habang ang ina naman nito ay nasa kanyang likuran.

"Nahuli na po kasi namin ang salarin. Pero hindi pa po naming pwede iharap sa inyo ngayon for security reasons. Kapag pwede na ninyo siyang makita, tatawagan po naming kayo."

Tila liwanag ang sinabing iyon ni Inspector para sa salarin na nakikinig sa nasabi niya.

"Totoo nga ang sinasabi ng taong iyon! Susuko din ang pulis dahil wala silang makitang salarin. Ang sinasabi nilang nahuli nila ay siguradong isa sa mga napagbibintangan lang na nakaaway ni Carlos!" wika ng salarin sa kanyang sarili.

Matapos alisin nina Inspector ang kanilang gamit at dinismiss ang kanyang tauhan, nagpasalamat ang pamilya sa kanilang serbisyo. Nawala ang pangamba ni Karina na maaaring sa susunod ay sila naman ang patayin ng salarin.

Sa gabing iyon, naisipan ni Marco na puntahan ang basement. Hindi niya alam kung bakit, pero alam niyang maaaring dahil sa pagpunta niya dito ay may nalaman ang kanyang kapatid na hindi dapat. Hinalungkat niya ang mga gamit ng kanyang ama at isa-isang tinignan ang mga ito; libro, lumang diary at iba pa. sa kadiliman ay ngumiti ang salarin at nilabas ang tinatago nitong kutsilyo. Dahan-dahan siyang lumapit kay Marco at akmang sasaksakin na sana niya ito nang bumukas ang ilaw ng basement.

"Hindi mo iyan magagawa. Drop your weapon," agad na sambit ni Alfred at tinutukan ang salarin ng baril.

Nagulat ang salarin nang makita ang lahat ng pulis na nakahandang humuli sa kanya.

Lingid sa kaalaman ng lahat, lihim na kinausap ni Basil si Marco tungkol sa nalaman nila at hiningi ang tulong na magkunwaring hindi niya alam ang lahat. Pinaliwanag sa kanya ang kailangan nitong gawin para mahuli sa akto ang salarin.

"Long sleeves. Ang rason kung bakit lagi kang nakalong sleeves, dahil may sunog ang iyong mga kamay. Tama, ikaw ang nabuhay na anak ng mga Monteverde, Miranda. Ikaw ang salarin sa pagkamatay ni Carlos at Crisanto Sembrano!" sambit ni Kaeden sa salarin.

"A-anong sinasabi niyo, Sir? Andito lang ako para tawagin si Sir Marco para sa hapunan," depensa ni Miranda.

Dahan-dahan namang pinulot ito ni Miranda at binasa ang nilalaman nito.

"You escaped that fire. Nakaligtas ka sa sunog na iyon. Nareport kang patay pero sa totoo lang ay nangibang bayan ka lang. Matapos kang kalimutan ng mga tao, iniba mo ang pangalan mo at nabuhay na normal. Mula sa araw na iyon, sinumpa mong babalik ka at pagbabayarin ang mga Sembrano," patuloy ni Inspector.

"Pero sa anong dahilan? Hindi namin kailanman sinaktan ang mga Monteverde!" tanong ni Karina.

"Hindi niyo alam ang buong kwento, Ma'am. Your husband was a thief. Bago kayo yumaman, may isang pamilyang mayaman sa kabilang bayan. Pinatay sila. One of the children, however, survived. He went missing after a few years."

"At siya si Antonio Monteverde. He probably knew who killed his parents. Namukhaan niya ito at kinausap si Carlos tungkol dito. Sa takot ni Carlos na mabunyag ang lahat, he had to do something. It was that arson that happened. Hindi faulty wiring ang lahat. Binayaran ni Carlos ang mga bombero at sinabi nilang faulty wiring ang lahat ngunit sa katotohanan ay may nangyari pang iba. Hindi ba ako nagkakamali, Miranda?" patuloy ni Kaeden.

Ngumiti si Miranda at tumingin kay Karina.

"Tama siya. Ang asawa niyo ang pumatay sa mga magulang ng aking ama. Nalaman ito ng aking ama nang mamukhaan si Carlos. Siya ang isa sa mga limang magnanakaw na pumunta sa bahay ng lolo ko, at binaril silang lahat. Sinunog ang bahay nila para walang matirang kahit na anong iimbestigahan ng mga pulis. Nang magusap ang aking ama at si Carlos, natakot siyang ibubunyag ng aking ama ang nangyari. Walang awang sinunog uli ni Carlos ang aking pamilya, gaya ng ginawa nito sa aking lolo at lola. Binayaran niya ang mga bombero para hindi sila magsalita. Hindi faulty wiring ang dahilan, dahil sa araw na iyon, naroon si Carlos na pinapatay ang aking pamilya! Dahil gusto niyang yumaman, pumapatay siya ng tao!"

"H-hindi magagawa iyan ng aking asawa!" sigaw ni Karina.

"Bakit hindi niyo tanungin sina Inspector? Alam kong maipapakita nila ang mga litrato at mga ebidensya! Walang awa niyang pinagsususunog kaming lahat! Kaya andito ako para ibalik lahat ng mga ginawa niyang kasalanan, dahil kailangan niyang magbayad!" sagot ni Miranda.

"Ano ang naging kasalanan sa iyo ni Crisanto?" tanong uli ni Karina.

"Nahanap niya ang dating mga litrato ko kasama ang aking pamilya. Namukhaan ako ni Crisanto, kaya't walang kailangang gawin kundi patayin siya."

"Sa tingin mo ba ay kamatayan ang sagot sa kasalanan niya?" tanong ni Kaeden dito.

"May iba pa bang paraan? Wala kang alam sa hirap na dinanas ko dahil sa ginawa niya!"

"Killing begets killing. Revenge will born revenge. Paulit ulit lang, Miranda. Kung anuman ang inani nila sa iyo, siguradong gagawin nila iyon sa iyo. Walang mabuti sa paghihiganti," sabat ni Josephine, na nasa likuran ni Kaeden at Alfred.

Ngumiti lamang si Miranda at sumunod na humalakhak ng malakas.

"Dumating na din dito ang lahat…" wika niya at pinulot ang kutsilyo sa sahig. Kahit na anong saway ni Inspector ay hindi niya ito pinakinggan. Bago pa man niya saksakin ang sarili, nabaril ni Alfred ang kutsilyo sa kanyang kamay at nabitawan niya ito. Nang mapaupo siya sa sahig, agad na pinosasan ng mga pulis si Miranda.

Habang dinadala siya sa police mobile, narinig ni Kaeden na may sinasabi si Miranda sa sarili.

"Hindi ako ang may plano nito."

Paulit-ulit.

"Ano ang ibig mong sabihin na hindi ikaw ang may plano nito?" tanong ni Inspector Basil sa kanya.

Ngumiti lamang si Miranda sa kanya at ang kanyang mga patay na tingin ay siyang nagpalamig sa kanyang katawan.

"Inspector, hindi ako ang nagplano nito."

"Sino ang nagplano?"

"Master Murderer from Hell."

May kuryenteng bumalot sa katawan ni Inspector sa narinig na sagot ni Miranda. Narinig niya na ito. Ito ang hindi pa nila nahuhuling serial murderer, na siya ding gustong hulihin noon ng ama ni Kaeden. Nang makita ni Miranda ang gulat sa mukha ni Basil, tumawa ito, habang pinipilit siyang ipasok sa loob ng mobile.

"Inspector, kilala niyo po ba kung sino siya?" tanong ni Kaeden sa kanya.

"Kaeden, umuwi na ka na sa inyo. Ako na ang bahala dito. Tapos naman na siguro ang araw ng bakasyon ninyo ni Josephine di ba?"

Hindi na nagtanong pa si Kaeden. Tumango na lamang ito at sinamahan si Josephine pabalik sa rest house. Ngunit habang paalis sila, nakita niya ang bakas na takot sa mukha ng Inspector. Sino si Master Murderer from Hell?