Chereads / Case Book of Detective Kaeden (TAGLISH) / Chapter 32 - Curious Case of the Kind Professor: File 2

Chapter 32 - Curious Case of the Kind Professor: File 2

Matapos niyang gawin ang relationship chart, taimtim niyang inisip kung paano nagkabuhol-buhol ang bawat parte ng lahat. Ngunit sa gitna ng nangyari, hindi rin mawawala sa isip niyang baka talagang namatay ang matanda sa katandaan. Ang pinanghahawakan lamang niya sa ginagawa niya ay ang salita ng asawa ng guro at ni Mercedez.

Una niyang binisita si Edel. Naisalba pa nila ang napaghirapang bahay ng ama, ngunit halata na din na halos walang gamit sa loob. Nasisigurado niyang naisanla na ito ng pamilya ni Edel para lamang mabayaran ang utang. Ipinagmalaki ni Edel ang kanyang mga spices, na siyang ginagamit niya sa pagluluto. Ipinasyal si Kaeden sa kanyang Spices Room, kung saan naroon ang ilang shelf ng iba't ibang klase ng spices na nakalagay sa malalaking mason jar. Thyme, Basil, Oregano, Star Anese, Ground Mushroom, Lemon Grass at marami pang iba. Ito ang makikita roon.

"Ito lang ang kayamanan ng aking ama na natira sa mundo, Kaeden," wika niya sa binata. Dating magaling na chef ang kanyang ama, at siya ang unang nagipon ng mga spices doon, at minana niya lamang ito nang mamatay ang ama.

"Kaya pala hinahanap-hanap ko ang Beef Steak na nakain ko noong isang araw, dahil hindi basta-basta ang nailalagay na seasoning," papuri niya. Natawa ng bahagya si Edel at inanyayahan siyang magkape sa sala.

"Alam mo Kaeden, mas sasarap ang mga pagkain mo kung may spices. Kahit yaong mga simpleng hamburger o potato fries kung tamang seasoning at spices ang gagamitin, mas magiging malakas ang flavour na matitikman mo sa kinakain mo."

Hindi nagtagal ay tila naalis sa kanyang isipan na isa sa mga suspect si Edel. Sunod niyang pinuntahan ang pinagtatrabahuan ni Edgardo. Malinis at malawak ang zoo, hindi rin ito kasing ingay ng ibang nakita niya. Kaeden dislikes the zoo in a few reasons. Ilan kasi sa mga nakikita niyang zoo ay hindi napapangalagaan ang mga hayop at nai-stress ang mga ito, na mas nagiging dahilan ng kanilang pagkabihag at pagkamatay.

Napansin niya ang mga tigre na inaalagaan ni Edgardo. Malulusog ang mga ito at tahimik na natutulog sa kanilang haula. Pinaunlakan siya ni Edgardo na makipagusap sa kanya. Ayon sa kanya, hindi niya dinadamdam ang mga ginagawa sa kanya noon ni Osman, lalo na at patay na ito, ayaw niyang magtanim pa dito ng sama ng loob.

"Hindi ka na dapat nagtatanim ng sama ng loob kahit ganoon ang ginawa niya. Naiintindihan ko naman kung bakit niya ginawa yun. Masama naman talaga tumanggap ng suhol," paliwanag niya.

"But I can sympathize, Sir Edgardo. Naipagamot po ba ninyo ang inyong ina?"

Napangiti ito at tumingin sa malayo. Inilagay niya ang kanyang kamay sa magkabilang bulsa ng pantalon at hinarap siya.

"Oo. Pero hindi nakayanan ni Mama ang operasyon. She died after."

"I'm sorry to hear that, Sir. Sana hindi ko nalang naitanong."

"Don't worry about it, wala naman tayo talagang magagawa. People pass, my boy. Ganoon talaga. Hindi natin kailangan pang pag-isipan ang mga bagay na nangyari na."

Ngumiti ang binata sa kanya. "Hindi ako makapaniwala na may katulad pa ninyo sa mundo, sir. Most people would blame Sir Osman," patuloy niya. Tinawanan lamang siya nito. Ginala ni Kaeden ang kanyang mata sa mga hayop. Napansin niyang may kakaiba sa whiskers ng mga tigre. Parang pinutol ang mga ito. Naitanong ito ni Kaeden kay Edgardo at nasabi niyang parte daw ito ng grooming na ginagawa sa kanila ng mga animal groomers na kasama nilang zookeeper bawat anim na buwan.

Sunod niyang pinuntahan si Tommy. Ayon sa hardinero, hindi parin mawawala sa isip niya ang lahat ng ginagawa at nasabi sa kanya ng amo. Ngunit magalit man daw siya at isumbat ang lahat sa puntod niya ang lahat, hindi naman maibabalik ang lahat. Inintindi na lamang niya ito at sa susunod ay hihingin ang kanyang kalayaan sa asawa ni Osman. Napansin niya sa hardinero na marami na itong kalyo at naamoy niya sa kamay nito ang bango ng lavender.

"Lavender lang po baa ng pangunahing bulaklak dito sa mansion?"

"Marami, pero gusto ni Osman na ang nakikita ng mga tao ay ang mga lavender. Dulo ng mga lavender, doon ko tinanim ang mga oregano. Sa maliit na bakuran naman andoon ang thyme, rosemary at basil. Mayroon din gulay ditto. Yun ang mga ginagamit ni Edel sa pagluluto. Ayos di ba? Laging fresh ang mga spices niya."

"Si Chef Edel ba mismo ang kumukuha ng mga spices?"

"Hindi. Ako ang nagdadala sa kanya. Si Chef Edel na ang gumagawa sa kusina. Si Chef Edel na din ang gumagawa ng mga juice at ilang iniinom naming dito sa mansion. Kung wala ang mga kasambahay, si Berto ang katulong ni Chef Edel sa pagluluto."

Mas nagiging maluwag ang relationship chart ni Kaeden nang makauwi siya. Ilansa mga ito ay naputol at inilagay niya sa ibang anggulo.

"One of the things the detective should do is that he should investigate in different angles. When the perspective is angle to where you see it is changed, you will see reasons and leads on a different perspective. A detective does not only see the mountain in one side and conclude it as a tall one."

Isang paalala ito na nabasa niya sa notebook ng kanyang ama. Ito ang kanyang ginawa. Kailangang makita niya sa ibang perspective ang kaso. Sa kasalukuyan, kailangan niyang alamin kung paano ng aba namatay ang biktima. Nausea, vomiting and diarrhea. Ito ang nararamdaman ni Osman bago siya namatay. His heart just stopped and died. May idea na pumasok sa isip niya. Tungkol ito sa hardin ni Osman.

"Hindi kaya…"

Dumaan sa isip niya ang nasabi ni Amara sa kanya. Ginagawang tsaa ang ilan sa kanilang mga halaman doon.

"Kailangan kong bumalik sa hardin. Kung hindi ako nagkakamali, nandoon ang sagot sa tanong ko!"

---

Hindi naintindihan ni Amara ang dahilan kung bakit hiningi ni Kaeden ang kanyang permiso na puntahan ang hardin at maglakad doon para tignan ang mga halaman, pero pumayag ito. Mabilis na nilakad ng binata ang hardin at sumuot sa kahabaan ng mga lavender. Habang nilalakad niya ang bawat linya, nahanap niya ang nais niyang makita. May isang halaman na naroon na kakulay ng lavender ngunit ibang klase ito ng halaman.

"Sabi ko na nga ba! Maaaring ito ang ginamit ng salarin para patayin si Sir Osman!"

Kumuha siya ng isang pares ng surgical gloves sa kanyang bag at agad na isinuot ito. Kinuha niya ang halaman at inilagay sa isang taped cellophane. Kailangan niya itong ipakita kay Inspector. Kailangang imbestigahang mabuti ang kaso. Kung hindi siya nagkakamali, siguradong hindi isang case of oldness ang pagkamatay ni Osman. Isa itong murder.

Devil's Helmet. Ito ang halamang natagpuan ni Kaeden. Kilala ang halaman sa pangalang Aconitum. Tinatawag din ng iba ito na Wolf's Bane.

"Kapag pumasok sa katawan ng isang tao ang kahit na maliit na dosage ng aconitum, siguradong magkakaroon ng gastrointestinal problem ang tao. Magkakaroon din siya ng mainit at nagaapoy na pakiramdam sa kanyang bibig at tiyan. Hindi ako magtataka kung paano nagawang mapatay ng salarin si Sir Osman. Matagal na proseso ang ginawa niya. Pero hindi nakapaghintay ang salarin. Gumawa siya ng paraan para madala agad ang hustisyang inaasam niya."

---

Nang maisumite ni Kaeden ang kanyang report kay Inspector Basil, pagtataka ang unang sumalubong sa binata. Hindi kasi niya inaasahang ito mismo ang gagawa ng lakad at humingi ng tulong. Dahil sa pinagsamahan nila, agad na pinakinggan ni Inspector ang lahat.

Unang inimbestigahan ni Kaeden si Chef Edel. Muli niyang binisita ito at tinignan ang mga spices niya. Nasabi ni Edel na sa ibang bansa pa galing ang mga spices, samantalagang ang ibang mahahanap sa bansa ay galing sa hardin ni Osman. Unang-unang napansin niya kay Edel ay marunong ito sa mga halaman. Kung ikukumpara pa kay Tommy, parang mas marunong pa bilang hardinero si Chef Edel. Ayon sa kanya, kailangan ito sa pagiging isang chef, lalo na sa katulad niyang nasa spices ang specialty.

Sumunod si Berto. Hindi ito masyadong nagsasalita, ngunit sinigurado niyang wala siyang alam sa nangyayari sa kusina o sa hardin, dahil nananatiling inuutusan lang siya ni Amara. Nasabi niyang isang araw ay nagpakuha si Amara ng mga halaman sa kanya.

Nagpaunlak naman si Edgardo na bisitahin ni Kaeden ang kanyang trabaho. Naranasan niyang magpakain ng mga hayop sa loob ng ilang oras. Napansin niya na laging nagsusuot ng bota si Edgardo.

"Sir Edgardo, lagi ba kayong naka-bota kung nagtatrabaho kayo?"

"Para makapanigurado ka. Kasi, mahirap na kung masugatan ka o hindi kaya makagat ka. Kaya kami nakabota palagi para protektado na rin sa mga inaalagaan naming dito sa loob ng zoo. Kasama na rin na pampapogi sa aming mga zookeepers!" biro niya.

Napansin niyang hindi pa nahugasan ni Edgardo ang bota niya. Natanong niya ito at nasabi niyang noong ilang linggo pa niya ito hindi nahuhugasan dahil pai-iba iba sila ng ginagamit sa zoo. Sa zoo, mayroon silang rasyon ng bota bawat tatlong buwan, at ayon sa kanya, nakahilera silang lahat para gamitin niya at para maiwasan na ang paghuhugas dito. Para sa kanya, masyadong nakakatamad ang iisang bota lang ang ginagamit. Natawa ang binata dahil minsan ginagawa niya din ito sa mga damit niya.

Huli si Tommy na kanyang inimbestigahan. Ayon sa kanya, paborito ni Osman ang Lavender Tea. Kaya talagang pinapaalagaan sa kanya ang mga halamang iyon. Hiniram ni Kaeden dito ang kanyang Pruning Shear. Idinahilan niya dito na kailangan niyang kumuha ng ilang halaman bilang remembrance, at ibabalik nalang niya ito kinabukasan. Hindi naman nagatubli ang hardinero na ibigay sa kanya ito.

Lingid sa kaalaman ng lahat, agad na ibinigay ito ni Kaeden sa mga pulis. Gayon din na kinuhanan niya ng ilang mga bagay sina Edgardo at Edel lingid sa kanilang kaalaman. Kailangan niyang malaman kinabukasan ang resulta ng mga pulis.

---

Maagang tumawag sa kanya si Inspector Basil dala ang magandang resulta.

"Kaeden, makinig ka. May nahanap kaming traces ng aconitum sa dalawang bagay na binigay mo. Base sa imbestigasyon mo, ibig bang sabihin nito kailangan mong malaman kung sino sa kanila ang nagbigay ng Aconitum sa biktima?"

"Inspector, isa lang sa kanila ang tunay na salarin. Isang bagay nalang ang kulang para malaman ko kung sino ang tunay na gumawa ng krimen. If possible, sana magawan ng paraan na magkaroon ng autopsy."

"I can't ensure you, pero tutulungan kita sa abot ng makakaya ko. Kailangan kong masabi ito sa mas nakakataas."

"Maraming salamat, Inspector."

Isang asawang maaaring may maitim na balak, isang chef na baon sa utang, isang hardinerong kailangang bayaran ang utang kay Osman, isang zookeeper na namatay ang ina at tinaggalan ni Osman ng trabaho at isang houseboy na nabuhay sa panlalait ni Osman. Silang lima – suspect sa biglaang pagkamatay ng guro, ngunit sa isip ni Kaeden ay nakatatak ang taong iyon – ang tunay na mukha ng salarin!