Chereads / Case Book of Detective Kaeden (TAGLISH) / Chapter 36 - Friend's Request: File 3

Chapter 36 - Friend's Request: File 3

Hindi mapakali si Troy na hindi parin nila malaman ano ang kinuha ng criminal sa matanda, at kung bakit ito pinatay. May naglalaro sa isip niya pero wala siyang sapat na ebidensya para makapunta sa naiisip niyang konklusyon. Naisipan niyang kung mayroon mang nakakaalam talaga ng tungkol sa matanda, ito ay ang kaniyang mga kapamilya.

"I guess I have to wait for them," usal niya at tumayo sa kinauupuan para magtimpla ng kaniyang kape. Kakatayo palang niya nang tumunog ang kaniyang laptop. Isang message mula sa kaniyang DISCORD server.

SLINKY444: This might not help much, pero kung meron kang dapat pagdudahan ay yung mode of killing. Hindi ako naniniwalang kasing simple lang na dahilan ang pera sa kasong hawak ng mga pulis na iyan at ng kaibigan mo. You should check each background that the people around her have. Mas magkakaroon ka ng mas tamang thoughts kung sino ang pumatay at bakit. I just learned this from a book I've read.

"Background? Oo nga no. Ang anggulo ng kaso na tinitignan namin ay iisa lang. Hindi kaya…"

Mabilis niyang pinasalamat ang kaibigan sa server bago tinuloy ang pag-iisip habang tinitimpla ang kape. Kailangan niyang i-research sino ang bawat tao sa buhay ng matanda.

---

"Inspector, have you checked what I had in mind?" tanong na Kaeden kay Basil, habang kausap niya ito sa telepono. May isang naisip si Kaeden na maaaring makakatulong sa kaso. Nasa kwarto ito at nakaupo sa kaniyang planning desk nang maisip ang isang bagay na pumasok sa isip niya habang nagtatrabaho.

"As you have guessed, hindi talaga clear ang background niya. Pero may mga sources kami na maaaring makapagsabi kung sino siya talaga. I think we missed a very delicate part of this case."

Sumandal kaunti ang binata sa upuan. Mas lalong naging maliwanag sa kanya ang lahat. May isang punto na nagsasabing hindi si Fulgencio ang killer at hindi rin ito basta-bastang pagnanakaw na naging murder lang. There's something else.

"Na-contact mo na po ba ang family ng biktima to confirm if what I was asking is true?"

"Well, nakausap ko yung isang anak niya. Yung panganay. Apparently, their mother had an affair way back when she was younger. Nagkaanak siya sa lalake but her husband found out na hindi niya anak yung bata. So when the baby was born it was given agad sa lalake. Hindi daw nila nakita at narinig ang patungkol sa lalake for almost 26 years. Hindi na din nila nakilala yung kapatid nila sa labas."

Kung tama ang nasa isip ni Kaeden, kaunti nalang ang gugugulin nila at makikita nila ang buong liwanag ng kaso. Sa narinig niya sa Inspector, mas nagtibay ang kanyang deduction kung sino ang killer at ang paraan. The method of killing is simple, but what it makes it mysterious is bakit kailangan niyang gawin ito.

"Considering na tama ako, Inspector…what do you think is the motive of the killing?" tanong niya. Kung may mas nakakaalam ng mga nasa isip ng isang criminal, ito ay ang kaibigang pulis. Matagal na ito sa ganitong trabaho at siguradong lahat na ng nasa isip ng isang criminal, mapa-psychotic o hindi, alam na niya.

"Ahead of you. May kaibigan akong criminal psychologist na nagsabi sa akin na maaaring ang isang tao ay gawin ang ganyan dahil mayroon siyang drive of hatred. Maaaring galit siya sa biktima. Maaari din na may sarili siyang isipin tungkol sa biktima, which may have led the killer to do it."

"Hatred?"

"Consider this, Kaeden. Kilala mo ang biktima pero hindi ka niya killala. For some reason, you hated her to the point where you don't want her existence. The only way you can achieve that is murdering her. The reason is either you were neglected, did not recognize you or just don't want to acknowledge you."

May isang parte sa isip ni Kaeden ang naglaro, na nagbigay ng isang liwanag sa kaso.

"Hindi kaya…"

"Inspector, I think I know what happened. Pero kailangan muna nating hanapin si Fulgencio. I can only clear my deduction if we get him. I think he knows something that we need to know when the crime happened."

"We're doing our best. Marami na kaming dispatch para hanapin ang mokong. Sabihan kita kapag nahanap na namin siya."

"Salamat po. Kung tama ang nasa isip ko, isang napakababaw lang ang dahilan kaya nangyari ang krimen na ito."

Hindi agad na sumagot si Basil. Parang may naisip din ito at hindi alam kung dapat ba niyang sabihin sa kanyang kausap.

"Nung buhay ang ama mo, ito ang sabi niya sa akin. May mga tao talagang kahit sa mababaw na dahilan ay kaya nilang pumatay. Marami sa kanila ay talagang walang awa, kung titignan mo sa kanilang mga mata."

"I just hope hindi ganun ang killer, Inspector. That maybe it was done out of desperation. Ayokong makakita ng isang taong pumapatay dahil lang sa laro."

Isang mahinang pagtango lang ang sinagot ni Basil bago niya ibaba ang telepono. Naalala niya kasi ang ama ng kaibigan. Nasabi din niya ito noon, nang buhay pa siya. Isang kaso ang hawak nila noon patungkol sa isang serial killer na hindi pa nahuhuli dahil sa talino nitong gumawa ng mga orchestrated crimes. Nanindig ang balahibo ni Basil dahil naaalala niyang hindi pa nila nahuhuli ang serial killer na iyon. Pero nang maaksidente si Red, bigla ding nawala ang serial killer, na para bang kaya lang gumagawa ng krimen ang killer ay para gumalaw silang dalawa at lutasin ang kaso.

Ang masaklap pa, kilala ni Basil ang serial killer na ito. Dati niyang kaibigan. Si Seth Boa Vista, ang pinsan ni Red na ama ni Kaeden. Isang naligaw sa landas na private investigator at naging isang serial killer. Ang tawag niya sa kaniyang sarili ay "Master Murderer from Hell". Matagal na panahon din itong nawala, at ilan sa mga krimen na ginawa nito hanggang ngayon ay hindi parin sarado.

---

3 DAYS LATER

Mabilis na tumakbo si Fulgencio sa kakahuyan para takbuhan ang pulis na humahabol sa kaniya na may kasamang mga aso. Pero hindi nagtagal at nacorner siya ng mga pulis nang palibutan nila ang mga possible exits na pupuntahan ni Fulgencio.

"Alam mo pare, sumuko ka na. Hindi ka na makakatakas. Kapag gumalaw ka pa, hindi ako magdadalawang isip na barilin ka sa paa para di ka na tumakbo pa. Sumuko ka nalang, di ka pa masasaktan."

Itinutok ng pulis ang baril nito kay Fulgencio. Pinatunayan nitong hindi siya nagbibiro.

"HInding hindi ako magpapahuli sa inyo! Alam kong ididiin niyo lang ako sa kasong hindi ko naman ginawa!"

"Wala kaming order na idiin sa kaso. Kailangan lang ni Inspector ang salaysay mo kung ano ang nangyari. Kung nagpakita ka kaagad hindi ka na sana napapagod ng ganito kakatakbo at tago ng tago sa amin."

"Hindi ako ang pumatay sa matanda! Nagtalo kami pero hindi ko siya pinatay!"

"Mas malalaman pa namin ang tungkol diyan kung sasama ka sa amin, Fulgencio. Hindi ka namin sasaktan. Pinapangako namin yan!"

Hindi napigilan ng pulis ang sarili sa narinig niya. Madali itong maubusan ng pasensya sa mga ayaw sumunod agad sa batas.

"Loko ka ba!? SPO4 ako pero andito ako para kausapin ka. Hindi ako magsasayang ng oras para habulin ka kung hindi ka namin kailangan at ang statement mo!"

Kumalma si Fulgencio nang marinig ang ranggo ng pulis. Hindi nga naman basta-basta pupunta ang isang mataas na opisyal kung hindi siya importante.

"S-siguraduhin niyo lang. hindi talaga ako ang pumatay!"

Tumango lang ang pulis at sinenyasan ang iba na posasan siya. Nilapitan niya si Fulgencio at kinausap bago ito ilakad papunta sa police mobile.

"Kailangan lang naming malaman ano ang nangyari sa loob ng bahay ng biktima at kung ano ang nakita mo. Iniimbestigahan na ng department kung sino talaga ang tunay na pumatay. Maswerte ka, kasi kung hindi matalinong mga pulis ang humawak sa kaso, ikaw kaagad ang sasabihing killer."

Matapos niyang masabi ito ay dinala na siya sa ibaba ng bundok para dalhin sa polisya. Mabilis namang idinial ng pulis sa kanyang cellphone ang number ni Basil para ipaalam ang lahat. Siya si SPO4 Ricardo Buscarile, isa sa mga magagaling na pulis ng bansa, at kasama ni Basil nang nasa academy pa lamang sila. Nang maging pulis ang dalawa, mabilis silang umangat dahil sa mga achievements nila sa paghuli ng mga criminal at mga successful hostage taking negotiations.

"Pare, ayos na. Paparating na yung pinapahuli mo. Walang hiya ka, ako pa talaga pinagod mong maghabol. Maswerte ka, malakas ka sa akin!" wika nito sa kausap at saglit na tumawa.

"Salamat pare. Alam ko kasing mas mabilis kapag ikaw. Siguradong tinakot mo na naman yan."

"Kailangan! Siya nga pala, involved na naman dito ang anak ni Red, no?"

"Unfortunately, oo. Kaibigan ni Kaeden ang humiling ng request sa kaniya na tulungan siya. Apparently, the friend is a close person sa victim."

Napabuntong-hininga si Ricardo. Naniniwala siyang nasa dugo na ng mga Boa Vista ang pagiging konektado nila sa mga ganitong klase ng buhay. Naalala niyang hindi pa nahuhuli ang serial killer na hinuhuli nila ni Red noon. Naniniwala siyang kapag naging matunog ang pangalan ni Kaeden, maaaring lumabas muli ang taong iyon.

---

Kinuhanan agad ni Basil ng statement si Fulgencio. Ayon sa kanya, nagtalo lamang sila ng matanda nang oras na iyon at umalis na siya. Nangako siyang ibabalik na lamang nito ang pera. Ito nga sana ang gagawin niya kinabukasan, hanggang sa matunugan niyang patay na ang matanda at siya ang hinihinalang pumatay, kaya tumakas na lamang siya.

May mga bagay siyang nasabi na nakaagaw sa pansin nina Kaeden at Basil nang sinabi niya ito. Bago pa siya tanggalin ng matanda, may lagi itong tinitignang litrato. Para daw itong pamilyar sa kanya pero hindi niya maalala kung nasaan, pero namumukhaan niya ito. Nagulat na lamang nga daw siya kasi kamukha ni Romy ang nasa litrato.

"Akala ko nga boyfriend ng matanda eh, kasi malay ko ba kung kahit matanda na siya eh gusto niyang magka-boyfriend ng bata? Uso naman yun ngayon eh," wika ni Fulgencio at mahina pa ngang tumawa sa harap ni Basil habang kinukwento ito.

Tinapik ni Kaeden ang balikat ng kaibigan at sinenyasan ito. Tumango naman si Basil at lumabas ng investigation room. Isa lang ang ibig sabihin nito, alam na ni Kaeden ang buong pangyayari at handa na niya itong sabihin sa kanya. Tinawagan nila agad si Troy para sabihin sa kanya ang lahat.