Isa-isang inimbestigahan ang dumating na kapamilya ng biktima.
Una ay si Armida Quisumbing, ang ina ng biktima. Ayon sa kanya, wala namang nakikitang dahilan para magpakamatay ang anak. Wala naman din siyang nakikitang mabigat itong problema na dahilan para magpakamatay siya.
Pangalawa ay si Socrates Quisumbing, ang kaniyang nakababatang kapatid. Isang engineer sa kabilang bayan. Hindi sila masyadong magkasundo ng namatay na kapatid. Isa sa mga dahilan ay dahil laging pinapaburan ng kanilang mga magulang ang kaniyang kuya pagdating sa bahay at palaging kinukumpara na mas successful ito kaysa sa kanya. Nasa katamtaman ang tangkad nito at balingkinitan ang katawan.
Pangatlo ay si Clemencio Quisumbing, ang kanyang nakakatandang kapatid. Isang sports coach sa isang paaralan. Wala silang hindi pagkakaintindihan ng kanyang kapatid na namatay. Palagi silang magkasundo. Sa katotohanan nga ay malaking fan ito ng basketball team na pinapangasiwaan niya. Katamtaman din ang tangkad nito ngunit kita sa kanyang katawan na palagi ito sa gym.
Pangapat ay si Irina Mendez, isang life coach at nagtuturo ng judo sa dojo na pinasimulan ng kaniyang ama nang buhay pa ito. Matagal na silang magkasintahan ng namatay at wala naman siyang maalala na nasabi nito na kagalit niya o nagaway man sila.
Nang mapakinggan ni Inspector Antonio ang bawat statement, nilista niya ito sa kanyang notebook. Mapagbigay namang ipinaalam ni Winston kina Josephine ang nalaman nila patungkol sa mga kapamilya. Hindi lubos akalain ni Kaeden na ganoon kalaki ang impluwensiya ng mga Garcia sa probinsiya, na maging ang mga pulis ay kayang magbigay ng mga impormasyong ganito sa kanila.
Sa isang banda, hindi ang mga kapamilya ang inaalala niya. Ito ay ang pagkahulog ng biktima. Ayon sa ibinigay ni Winston na detalye kanina, may isang bagay na naglalaro sa kanyang isipan. Nahulog nga ba siya o inihulog? Kagaya nga ng sinasabi ni Hailey, may nakakapagtaka sa nangyari.
Pinansing mabuti ni Hailey ang lugar. Nang makita niya ang pinsan na seryosong nag-iisip, napangiti na lamang ito at naisipang bigyan ng clue ang binata.
"Nakakapagtaka ano? Paano kaya magpapatihulog lang ang isang tao sa lugar na ito? Tsaka tignan mo yung biktima. Hindi naman siya maliit. Maybe you need to map it out, no?" baling niya agad sa pinsan at nginitian ito. Kinuha nito ang shades niya sa dalang bag bago umalis sa lugar. Alam niyang naintindihan ni Kaeden ang ibig niyang sabihin. The faculties of Hailey's analytical mind are quite faster than her cousin's, but for her to meddle with the technicalities and the pesky police job is not her style. Para kay Hailey, nakakaabala masyado ang makipag-usap at katrabaho ang mga pulis. Naalala niyang nasabi ng kaniyang tito Red na kapag malaki na siya, maaaring siya ang tumulong kina Basil sa paglutas pa ng malalaking krimen ng bansa. She's just lazy and refused to do so.
"Map it out? Come to think of it. The height, the distance, the weight…"
Pinuntahan ni Kaeden at Josephine ang mismong lugar kung saan nahulog ang biktima. Tinignang maigi ng binata ang buong lugar. Sa totoo lang hindi nakakapagtakang maraming mahuhulog dito dahil higit saw ala itong guard rail, para itong nakakatakot daanan at isang kamali lang ng driver, maaari kang mahulog. But that's only natural if the person is driving. Too many questions. The scene where it happened, the clothes of the victim and how it happened. At kung isa man itong krimen, how did the killer exactly kill the victim and successfully throw him out down of the cliff?
Bumalik sila sa kanyang sasakyan sa ibaba at kumuha ng ballpen at isang bond paper mula sa kaniyang file case. Sinimulan niyang isulat ang mga detalyeng alam niya at iniayos ito.
"T-these numbers…if we were to make a parabola and check whole equation, this is…"
Napansin ni Josephine na nagulat si Kaeden nang maisulat ang nasa isip nito. She recognizes the formula but she doesn't know how it relates to the case. They took the same units in Physics, Trigo and Calculus, but she's not really into those kaya wala naman siya masyadong maintindihan dito.
"Ano yan?" tanong nito.
"Look. Considering that we graph the whole cliff and since we know all the measurements regarding the case, if we solve this out, malalaman natin kung suicide ba talaga ang nangyari sa biktima, or not," paliwanag niya.
"I get that. But what I mean is, maybe you should start explaining it to me slowly," ngiti ng dalaga sa kanya. Sinimulang isulat ni Kaeden ang bawat parte ng formula at ipinakita ito sa kanya.
"Like I said, kailangan mong i-explain – "
"This formula shows that this is not a simple suicide, Josephine."
"You mean – "
"Yes. Tignan mo ang lugar. No guard rails. Sometimes it's windy. Considering we don't get the weather and air resistance and continue with this formula, makikita mo kung paano possible ang sinasabi ko."
"The first thing we need to think of, ay ang oras na nasa hangin ang katawan ng biktima nang mahulog ito. Then the other factors. The height of the cliff, represented by y, which then you can calculate with x which is the position of the body from the cliff – in different velocities (Vx) of a person leaving off a cliff. The factor we must consider adding is the (t) or time in the air. Ang distance travelled vertically ay depende sa acceleration ng gravity. We can get that of course with the known value how to get the gravity."
"So you're saying – what exactly?" lito pa rin na tanong ng dalaga. Hindi nito makuha ang nais ipunto ng kaibigan.
"That means to be able to actually fall on the cliff like that – hindi siya by jumping."
"You mean – "
"Yes. Someone threw the victim."
"This means – someone out there is the killer…"
"Hindi mo na kailangang lumayo. The criminal is one of the family members. We just need to find the evidence."
---
Naisipang tanungin ni Josephine si Winston kung ano pa ang nakita nila sa initial investigation nila sa katawan ng biktima. Ayon sa kanilang report, may nakitang gusot sa kaliwang bahagi ng damit ng biktima at sa pantalon nito. kakaiba ito dahil maayos na maayos ang pagdadamit ng biktima, pero bakit parang nahila ang kanyang damit. Kung nagpatihulog man siya, hindi magagawa ng debris sa ibaba ng bundok na gusutin ng ganoon ang kanyang damit.
Ayon pa sa kanila, ang naunang bumagsak sa katawan ng biktima ay ang kaniyang likuran. Ito ang unang-unang nakatanggap ng blunt force trauma bago nabagok ang kanyang ulo. It seems unusual na nagpatihulog ka yet likuran mo ang unang nakatanggap ng impact.
Pinakuhanan ng dalaga ng background ang bawat isang kapamilya. Hindi naintindihan ni Winston ang dahilan pero dahil sa dami ng naitulong ng pamilya ng dalaga, hindi nila ito hindi mapagbigyan. Agad na itinawag ni Winston sa kanyang kasamahan na gawin ang nais ni Josephine.
Habang hinintay ang impormasyong kailangan nila, pinuntahan nina Kaeden ang pinakamalapit na Café sa bayan. Hindi parin maalis sa isip ng binata ang formula na naisulat niya.
"Sino sa mga dumating ang nagtapon sa biktima? And how can the criminal do it, especially at siguradong manlalaban ito. Was he drugged before being thrown out? If that's the case, two potential suspects will be apparent. Kung hindi naman, two suspects will be the most suspicious. But, unless we have a definite report of what exactly is known about them and the victim, I can't give any better reasoning out of this."
Habang iniinom ni Josephine ang kanyang matcha tea ay tumunog ang kanyang cellphone. Text message mula kay Winston.
"Armida. 72. She is doing bonsai trees as hobby. Still healthy at walang sakit. Before the incident happened, nakita daw ni Socrates na nagaway ang mag-ina dahil hindi niya gustong pahiraman si Arnold ng pera para sa gagawing sariling IT business. When the incident happened, she was at home alone."
"Socrates. 27. Magaling siya sa paggawa ng mga hardware-based software at kilala siya ng mga napakaraming technological firms dahil sa skills na meron ito. Bago mangyari ang biktima, napagalamang nag-away ang magkapatid dahil nang humiram si Socrates sa ina ng pera, agad itong binigyan, samantalang siya, ay hindi man lang mapahiraman. When the incident happened, he was invited to an opera show."
"Clemencio. 39. No qualms with his brother. Pero naalala ni Socrates na may isang hindi napagkaintindihan ang magkapatid. It was about Arnold's girlfriend, Irina. Supposedly, Clemencio met Irina in a group date with co-workers and friends. Nakatulog si Clemencio sa sobrang pagod nang tumawag daw sa kanya si Irina at si Arnold ang nakasagot. Eversince then, for some reason, naging close ang dalawa at nakalimutan ni Irina si Clemencio. Magaling lang talagang makialam sa buhay ng kanyang kapatid si Socrates, na ayon sa kanya, si Arnold mismo ang nagkwento sa kanya nito. Clemencio has a right arm injury, according sa kanya, galing sa baseball. Before the incident happened, nasa faculty room siya ng paaralan at nagpapahinga."
"Irina. 28. Aside from being Arnold's loyal girlfriend, talagang passionate ito sa pagtuturo ng judo. Ayon mismo kay Irina, may mga hindi naman sila hindi pagkakaintindihan minsan ng boyfriend pero hindi umaabot sa puntong gusto nilang magbreak. Lagi nilang napagaawayan ay ang ina ni Arnold na napaka-strikto at ayon sa kanya, ay hindi siya gusto para sa anak. Bago nangyari ang insidente, nasa isang café ito at kumakain ng lunch."
Habang binabasa at pinagaaralan ang mga bagay na ito, may mga tanong na pumitik sa deduction na naiisip ni Kaeden.
"If what I think is true, kung siya ang killer, paano niya nagawang itapon ang katawan ni Arnold? Considering the alibi, what if this can be proven to be true? But I am certain that if I find something more important, mapapatunayan kong ang taong yun ang killer."