Ilang mga pulis ang inassign nilang humawak sa kaso ni Basil. Bawat isa ay maagang nagimbestiga at naghanap na ng mga possible suspects na may personal grudge sa inspector. Ang nakakapangamba dito ay halos wala silang kahit isang makita. Kanina pa halungkat ng halungkat si Alfred pero wala siyang mahanap sa recent file.
Tinawagan niya na rin ang ilang mga naging kasama nila sa joint forces at wala din.
"Paano kung hindi ito personal grudge? Paano kung isang bagong kaso ito?" wika ni Alfred sa isipan niya. Ito ang kanina pa pabalik-balik sa kaniyang isipan. Isang bagong kaso ito at isang mensahe ng warning na kapag hindi parin tumigil ang inspector sa pakikialam ay papatayin na siya sa susunod.
---
Matamang binabantayan naman ni Kaeden si Basil sa ospital. Dala nito ang isang basket ng prutas at inaasahang magigising sa ilang oras ang pulis. Ilang minuto pa ay pumasok si Alfred at kinumusta ang inspector sa binata. Inaasahan nilang mamaya ay magigising na ito.
"Mabuti nalang at hindi natamaan sa puso si Inspector. Inaalam pa namin kung sino ang gumawa nito," paliwanag ni Alfred kay Kaeden.
"Hindi kaya past grudges sa mga nahawakan niyang kaso?" tanong ng binata.
"I don't think so. Halos hinalungkat na namin ang mga nahawakang kaso ni Inspector for the last five years, but we can't see any connection. Mukhang baguhan ang shooter at hindi niya natamaan ng mabuti ang target niya."
Tumahimik ng kaunti si Kaeden at inisip kung ano pa ang maaaring maging rason para gawin ito kay Basil.
"Isa pa, lahat ng mga nahuli namin sa field work, nasa kulungan. I have a hunch na isa itong kapamilya ng nakulong. Pero so far wala kaming nakikita na pwedeng gumawa nito based on their alibi," patuloy ni Alfred.
Umalis ng kaunti si Alfred at sinabing babalik na lamang ito kung gising na si Inspector Basil. Tinawagan din niya ang mga kasamahan sa police force kung may bago silang lead. Naiwan si Kaeden na nakatingin kay Basil at iniisip kung sino ang pwedeng gumawa sa kaniya nito. Napansin niyang nagva-vibrate ang kaniyang cellphone. Nilagay niya ito sa silent mode para hindi niya mabulabog ang mga ibang pasyente.
Bagong number. Hindi niya kilala ang tumatawag. May kaba na dumaan sa kaniya bago sinagot ang tawag.
"Kung gusto mong mabuhay si Josephine, pumunta ka sa malapit na abandoned building sa provincial high school. Kung hindi ka darating, mamatay ang babaeng ito."
Boses ng isang lalake! Tantya niya dito ay nasa 45 anyos ang tumawag. Kinabahan siya sa narinig. Hindi kaya isang prank call lang ito? Pero paano nalaman ng caller ang number niya, kundi kung nakita niya ito sa cellphone ni Josephine!
"Makinig ka sa akin. Kung tatawag ka sa pulis o sa kahit sinong kakilala mo para tulungan ka, hindi mo na makikita ang babaeng ito," patuloy ng caller. Pinarinig niya rin ang boses ni Josephine na nagpupumiglas at halatang natatakpan ang kaniyang bibig. Alam niya ang boses ng dalaga. Si Josephine nga ito!
Mabilis siyang tumakbo palabas ng ospital at nagdrive papunta sa abandoned building. Walang oras siyang sinayang para mailigtas si Josephine. Sigurado siyang konektado ang kidnapper na ito sa nangyari kay Inspector Basil. Kailangan niyang mapigilan ito bago pa ito makagawa ng mas masamang krimen!
---
Medyo madilim ang abandonadong gusali. Dahil bakasyon na ng mga estudyante, walang kahit isang naroon na pagala-gala. Tinawagan niya ang number ng caller at hinintay na sumagot ito. Ilang segundo lang na pagring ng kabilang linya ay sumagot ito.
"Nandito na ako sa loob."
"Mabuti kung ganun. Pero wala diyan si Josephine. Tinago ko siya sa isang lugar dito sa siyudad. Mayroon kang isang oras bago ang pagsabog ng ilang bahagi ng siyudad at pati na rin ni Josephine! Good luck sa paghahanap, detective!" sagot ng kidnapper. Malakas ang pagtawa nito at pinarinig uli ang tinig ng dalaga sa kaniya.
"A-ano!? May nilagay kang bomba dito sa siyudad!? Nasaan si Josephine!?"
"Tungkol sa bomba…hmmm…", parang nagisip na tono ang sagot ng kidnapper bago itinuloy ang sasabihin.
"The bomb is somewhere the hungry beast is awakened, near the slain warrior. The woman is located on where the winds are formed. Good luck."
Matapos niyang sabihin ito ay ibinaba ng kidnapper ang tawag. Hindi nagsayang si Kaeden ng oras at agad na itinawag ang lahat kay Alfred, pero sinabihan itong maging silent ang action ng mga pulis para hindi mahalata ng kidnapper na gumagalaw sila. Sigurado siyang kung nasa malapit ang kidnapper na ito, alam niyang gumagalaw o may ginagawa ang mga kapulisan patungkol sa kaniya o sa kaniyang tawag.
"Ano ang ibig sabihin ng kidnapper na hungry beast? Where the winds are formed? Isang poetry code? Kailangan kong malaman kung ano ang ibig sabihin ng kidnapper, kung hindi, siguradong sasabog ang bomba at hindi ko na maabutan pang buhay si Josephine!"
Ito ngayon ang naglalaro sa isip ng binata. Sino ang kidnapper? Nasaan ang bomba at si Josephine? Ano ang ibig sabihin ng poetry code? Agad siyang bumalik sa kaniyang sasakyan at nagdrive pabalik sa ospital. Kailangan niyang makausap si Alfred patungkol sa kidnapper at kung pwede silang tumulong ng palihim.
---
Trienta minutos na ang lumipas pero walang pumapasok sa isip ni Kaeden kung ano ang ibig sabihin ng kidnapper. Tinawagan na ni Alfred ang kanilang mga asset para isafety ang mga tao kung sakaling alam na nila ang kinaroroonan ng bomba. Ang iba naman ay iniassign na niyang rumonda para maghanap ng mga lugar na maaaring pagdalhan ng kidnapper sa hostage.
Habang nagiisip si Kaeden sa labas at tinitigan ang isinulat niyang note na sinabing clue ng kidnapper ay narinig niya ang dalawang batang naglalaro sa tabi.
"Alam mo bang may mga multo daw dito kapag madilim sa gabi? Kakainin ka daw nila!" panakot ng mas malaking bata sa kalaro.
"Meron ba talagang multo sa dilim na kumakain ng tao? Parang wala naman!" sagot ng maliit na bata.
May ideyang pumasok sa isip ni Kaeden nang marinig ito.
"Lugar kung saan naroon ang gutom na halimaw. Isang lugar kung saan maingay na parang tinig ng isang halimaw ang maririnig. Ang mga generators!"
Tinawagan niya agad si Alfred at itinawag na maaaring ang mga bomba ay itinago ng kidnapper sa generator room ng ospital. Ang sinasabi ng kidnapper na slain warrior ay walang iba kundi si Inspector Basil! Lumakad kaagad ang kapulisan at pumunta sa generator room. Gulat sila nang makita ang isang nakakabit na C4 explosive. Tinawag nila agad ito kay Alfred at agad naman nilang nadismantle ito ng walang hirap.
Kaunti na lamang at maaaring sumabog ang C4, mabuti na lamang at nahanap nila agad ito.
"The wind, where it all started. Ano ang ibig sabihin nito!? Wala na kaming oras!"
"Kaeden! Alam ko na ang ibig sabihin ng second line ng poetry code! I solved it and we are going there now!" wika ni Alfred na lumabas mula sa hospital room.
"Ang ibig sabihin niyan ay ang lugar kung saan naroon ang mga ulap, di ba? May isang building dito sa Baguio na makikita mo ang mga ulap na bumababa, ganun din ang fog. Hindi tag-ulan ngayon pero makikita mo ang mga ulap na bumababa kasama ang araw!"