"This is it, pancit! Cebu!" pakitang gilas ni Hailey sa dalawang kasama niya, walang iba kundi si Kaeden at Josephine. Isinama ng dalaga ang dalawa sa kaniyang Cebu tour. Naimbitahan kasi ito sa isang night event, kung saan maraming mga kilalang personalidad ang dadalo. Nabalitaan ng organizer na nasa Pilipinas si Hailey kaya agad naman siyang inimbitahan.
Pinuntahan nilang una ang mga kilalang spots sa Cebu at tsaka naisipang kumain sa isang kilalang café doon. Hindi parin alam ni Kaeden ang rason kung bakit kailangan nilang sumama. Si Josephine lang naman ang gustong sumama dahil hindi pa raw ito nakakapunta ng Cebu.
"Pwede naman kayo nalang dalawa. It could be your girl's day off. Bakit pa ako kailangang sumama dito?" reklamo ng binata sa pinsan.
"Cous, once in a while you need to wind up from stress. Lalo na at lagi kang hinihila ni Inspector Basil sa mga delikadong kaso niya no. Besides, opportunity mo na din to learn the beautiful architecture here. Baka pwede mong gawing material sa bagong design ng pinapagawa sa iyong building."
Ang tinutukoy ni Hailey ay ang project niya na kontrata mula sa isang mayamang German national, ang "Apple Mall". Gusto ng German national na kahugis ng isang mansanas ang mall na ipapatayo niya sa Baguio.
Habang naguusap ang tatlo, isang lalake ang lumapit sa upuan nila at napansin na si Hailey ang isa roon. Nagulat ito dahil hindi niya inaasahang makikita ang dalaga dito.
"M-ma'am Hailey!?" wika ng lalake.
Isang katamtamang tangkad at maputing lalake ang lalakeng ito. Naka-brush up at parang kagagaling lang sa barberya sa ayos niya. Naka-gray tshirt ito na may nakasulat na "DRAYBER" at lumang maong.
"Mitchell!" tawag ni Hailey sa binata. Siya si Mitchell Magno, isang taxi driver na nakilala niya sa MIA (Manila International Airport) ito. Ang unang napansin ni Kaeden dito ay ang intensyonal nitong pagiiba ng kanyang accent habang kausap ang pinsan. Maging si Josephine ay napansin ito kaya natawa.
"Hoy Mitchell, bakit ba ganyan ka magsalita. Why are you suddenly mimicking Aling Dionisia's accent? Also, that's rude, ha…" tanong ni Hailey dito.
"Sensya na ma'am. Nakiki-blend in lang naman ako," sagot ng binata, at ibinalik ang kanyang talagang tono.
"Trust me, walang ganyan magsalita dito sa Cebu," patawang pagpapangaral ni Hailey dito. Pinaupo ito sa isang banda ng kanilang table at nakipagusap sa mga ito. Hindi ito mahirap maging kaibigan. Nakakatawa, maraming kwento at alam makipag-barkada – ito ang ilang mga napansin ni Kaeden kay Mitchell kaya siguro madaling naging kaibigan ito ng pinsan niya. Hindi naman ito masyadong matanda pero para bang napakarami na nitong alam. Marahil ay dahil sa mga nakakausap niyang mga pasahero sa araw-araw.
"By the way, Mitchell. Hindi ka naman siguro napunta dito para mag-taxi driving, no?" tanong uli ni Hailey habang nilalaro sa kanang kamay ang paubos na niyang milk tea.
"Ay ma���am, andito ako dahil sa nag-hire sa akin na maging driver niya ng ilang araw dito sa Cebu. Dati na po akong nakapunta dito kaya alam ko ang daan. Yung client ko po kasi, sikat na race car driver. Pero sabi niya parang hindi daw siya makapagdrive ngayon dahil parang napagod siya sa huling karera niya. eh, binayaran ako ng malaki-laking pera kaya di na ako nakatanggi."
"Enough with the 'po' Mitchell. We're almost of the same age," wika ni Hailey bago tuluyang ubusin ang kaniyang iniinom.
"Sorry, ma'am."
"And that too. Hailey nalang. Di ba sabi ko, I consider you as a friend? So dapat name ko lang."
Napansin ni Kaeden ang nasabi ni Mitchell na race car driver. Iisa lang ang alam niyang sikat na race car driver sa Pilipinas. Ang dating model ng WARAS Jeep and Luxury Cars, si Stephen Curtis. Nang makita nila ang kanyang angking galing sa karera, mabilis siyang nakilala at sinuportahan ng masa hanggang sa nakipagkarera na ito sa iba't ibang bansa. Dahil sa kaniya, naging world class ang Pilipinas sa WRC o World Racing Competition. Bukod sa kaniyang WARAS Bayani, mayroon din itong Toyota Sprinter Trueno AE86. Ayon sa mga magazines, paborito niya ang AE86 dahil idolo daw nito si Takumi sa anime na Initial D.
"Si Stephen Curtis ba ang tinutukoy mong nag-hire sa iyo?" tanong ni Kaeden dito.
"Oo bro. na-starstruck nga ako eh. Sa TV at sa Facebook ko lang nakikita yun. Nung makita ko sa personal nagulat ako. Akala ko kapangalan lang niya yung tumawag sa akin."
"Ah, that guy who went to Germany! Nakita ko na siya isang beses. Teka, bakit andito siya sa Cebu? " sabat ni Hailey.
"Para doon daw sa PINOY SIKAT TAMBAYAN na event daw dito sa Cebu?"
Nagulat ang tatlo. Ito kasi ang event na pupuntahan din nina Hailey. Mabilis na kinuha ni Hailey ang kaniyang cellphone sa bag at tinignan ang calendar event sa Facebook. Nakita niya na may bagong post ang organizer na si Jules Ortigas. Listahan ng mga confirmed nang pupunta sa event. Sumaglit na sumandal sa kanan si Josephine para makitingin sa listahan.
"Hala, pati sina Dustan Angeles at Matilda Locsin!?" gulat na wika nito habang nakatingin sa screen ng cellphone ng kaibigan.
"Sino sila?" clueless na tanong ni Hailey.
"Sikat silang mga youtubers dati. Pero dahil sikat na, kinuha na sila sa indie films. Nanalo din sa ilang Cannes Film Festival. You probably saw them before sa youtube, nagtrending. Best love team daw sa indie films. Kita Ka Niya was their best film so far."
"I'm being educated here. Matagal na ako sa youtube pero ngayon ko lang sila nalaman. Maybe because I don't want to associate myself that much dito sa Pilipinas. Ngayon lang ulit."
Nagpaalam naman sa kanila si Mitchell na aalis na daw at pupunta na sa hotel kung saan andoon daw si Stephen. May pupuntahan daw sila na lugar at gusto ng racing celebrity na magenjoy habang nasa Cebu. Bukas pa kasi ang event. Napakaraming oras para i-enjoy ang isang napakagandang siyudad ng bansa. Ang tatlo naman ay maghahanap pa ng hotel para makapagpahinga ng ilang oras bago gumala. Ang nasa isip ni Kaeden ngayon ay kung saan siya makakakain ng masasarap na Cebuano Dishes. Kung maaari, gusto niya ding makausap si Stephen Curtis kinabukasan. Isa sa mga hilig kasi ni Kaeden ay ang patungkol sa sasakyan. He likes Toyota, Subaru, Honda and Suzuki cars.
---
5:00PM. Sa isang mataong karinderya ay may isang lalakeng katatapos lamang ubusin ang kaniyang inorder na bulalo. Si Janus. Nang mapunasan ang kaniyang bibig, kinuha niya sa bulsa ang kanyang cellphone at binuksan ang calendar event sa kaniyang facebook. Tumingin siya sa mga nasa listahan ng pupunta sa PINOY SIKAT TAMBAYAN na mga imbitadong celebrities. May isang tao doon na naging interesado siya dahil may kasama daw itong dalawa bilang "bodyguard" na kailangang nasa loob ng event. Walang iba kundi si Hailey.
"So, we have a joker around. I thought I have laid out all my cards in order. My ace is on the deal, but I never realized na may isa palang joker sa deck. Parang unti-unti kong naiintindihan ang ibig sabihin ni boss nang masabi nito ang tungkol sa ama ni Kaeden na naging tinik sa kaniyang lalamunan nang matagal na panahon. Boss had to lay all his cards para lang mapatay ang detective na iyon."
Para kay Janus, isang malaking challenge na nandoon si Kaeden. May alas ito sa mismong event. Ibig sabihin, may isang tao sa mismong event na binigyan niya ng murder plan. Whoever it is, it's fully confidential. Paano gamitin ng client niya ang murder plan, he doesn't care. To be honest, he doesn't like the client. He preaches a lot about justice, just like the other client na pinakilala niya sa kanilang boss.
"Ace of Spades and Ace of Clubs are already present. Both Ace of Hearts and Diamond are still on slumber."
May tawag si Master Murderer kay Janus. Dahil sa angking galing nito sa mga out of this world na klase ng murder tricks and plans, ang tawag sa kaniya ay "Reaper of Souls".
---