Chapter 49 - Ace of Clubs

1 YEAR AGO (SEPTEMBER 23, 2018)

Dahil sa maulang panahon, halos bawat pamilya sa siyudad ay di na lumabas at iilan na lamang ang gustong mag-mall o pumunta sa mga dapat nilang lakarin. Sa isang madilim na kwarto, may isang lalake na hindi na napapansin ang oras dahil sa kaka-scroll nito sa Facebook sa kaniyang PC.

"Pang-limang beses na ito," wika nito sa sarili habang tinitignan ang nakapost sa wall ng kaibigan. May i-shinare kasi itong viral post. Isang asong walang awang pinaglaruan ng isang gang. Sinagasaan daw ng motor at tinadyakan hanggang sa mamatay ito. Mayroon ding ilang mga nakakuha ng video ng mismong ginawa ng gang pero dahil marami sila, hindi na nila ito napigilan pa. Nareport na ito sa pulis. Pero dahil mayaman ang pamilya ng karamihan sa mga gang members, napiyansahan agad at tumahimik na ang issue patungkol dito. A case of animal cruelty that has been ignored and silenced because of money.

Binuksan ng lalake ang kaniyang drawer sa ibaba ng table kung saan nakapatong ang kaniyang monitor. Mula dito ay kinuha niya ang isang itim na business card. Walang masyadong detalye na nakasulat kung sino ang nasa business card. Isang pangalan lang at cellphone number ang nakalagay dito. Ayon sa nagbigay sa kaniya, ang cellphone number sa card na iyon ay isa lamang sa maraming number na meron ito. Ang number na ibinigay sa kaniya ay para lamang sa iilang tao, kasama siya.

"Reaper of Souls…" basa niya dito bago idinial sa kaniyang cellphone ang number ng tao.

Naka-ilang ring bago sumagot ang tao sa kabilang linya.

"Oh, ikaw pala. Kumusta? Kung tumawag ka sa akin ngayon, ibig sabihin, kailangan mo ng tulong na ino-offer ko sa iyo, tama?" sagot ng tinawagan niya.

"Oo. Kailangan kong iligtas sila. Walang magawa ang mga pulis!"

"Meaning?"

"Ako ang gagawa ng paraan! Kung hindi sila ikukulong ng pulis at hindi rin naman nila pagbabayaran ang mga ginagawa nilang masama, ako na mismo ang magpaparusa!"

"Pheeeew. Okay. Dauphin Café. 4PM. Puntahan mo ako doon. Ibibigay ko sa iyo ang murder plan na gusto mo. Clean, swift and perfect."

Hindi na binigyan ng pagkakataon ni Janus na sumagot pa ang lalake na tumawag sa kaniya. Ibinaba na niya ang tawag nito nang maibigay ang pangalan ng lugar kung saan sila magkikita. Tumingin ito sa screen ng kaniyang laptop at nakita ang isang shared post.

"Hindi ko aakalaing may mga ganitong tao! Walang awang sinagasaan ang aso ng kanilang mga bike at hindi pa nakuntento! Pinagtatadyakan hanggang sa mamatay! This is animal cruelty mga bessy! Nakapagpiyansa na sila after na mahuli ng mga pulis! Palibhasa, mayayaman ang pamilya! Pasikatin natin sila! Mga hayop!"

Isang video kung saan ginagawa ng biker gang ang nasabing animal cruelty at ilang mga litrato ng mga miyembro ng gang ang nakapost. Fake name din ang gamit ng original poster. Marahil ay sa takot din nitong siya ang balikan ng pamilya ng gang.

"I can't believe that people like him exist, though. To the extent na gusto niyang patayin ang mga taong gumagawa nito," patuloy ni Janus habang naiisip ang hitsura ng kaniyang kliyente. Naalala niyang hindi lang ito ang unang beses na may animal cruelty sa lugar. Ayon nga sa kaniyang kliyente, pang-limang beses na ito. Ang una ay ang pagsunog ng buhay sa isang pusa at kinuhanan pa ng video. The man behind the crime was later caught, pero nakalaya nang makapagpiyansa. Ang pangalawa ay tungkol sa naging viral din na pamamalo sa mga aso hanggang sa mamatay ito. Hindi nila alam kung sino ang gumawa nito, dahil naka-maskara ang taong iyon. Pero kilala ni Janus kung sino ito. Pangatlo ay ang tungkol sa zookeeper na hindi pinapakain ang mga hayop sa zoo at minsan ay pinapahirapan pa niya. Natanggal sa trabaho ang zookeeper. Yun lang ang tanging nakayanang gawin ng may ari ng zoo para isalba ang sarili sa magiging komento ng taong-bayan sa kanila. Ang pang-apat ay ang nabalitaang pagmamaltrato ng isang piggery sa mga baboy. Tinatadyakan, inuupakan at kung anu-ano pa kung hindi tumatalima ang hayop sa kanila. Same as the zookeeper, they weren't actually punished for their crimes.

Medyo mahina pa ang mga batas patungkol sa animal cruelty sa bansa. If Janus were to rate it, talagang nasa mababa pa ito. Hindi pa masyadong established ang mga batas dito at wala din namang pakialam ang ilang mga senador sa patungkol dito dahil nageenjoy lang naman ang mga ito sa kung ano ang recent issue at nakikita silang pinaguusapan. Not that he's politically inclined nor hate it – in fact, pabor sa kaniya ito para makakita pa ng ibang kliyente.

Tumayo siya sa kinauupuan at kinuha ang remote sa kaniyang study table. Itinutok niya ito sa wine shelf niya at pinindot ang red button. Umikot ang shelf at huminto nang maipakita ang hidden stash ng napakaraming mga folder at libro. A remote controlled hidden safe.

"Let's see. Ano kayang ibibigay ko sa kaniyang murder plan? Sigurado akong uunahin niya yung sumunog sa pusa. Let's see…the theme is FIRE. Siguro, yung plan na iyon, teka…"

Ang hidden safe niya na iyon ay mga folder na naglalaman ng halos nasa isang libong murder plans. Bawat isa ay may tema, bawat isa, caters to who needs it. Nang makita niya ang plan na nababagay sa kliyente niya, kinuha niya ito sa shelf at napangiti nang makita ang buong structure nito.

"Bingo. Well, let's start with this."

---

2 DAYS AGO, SEPTEMBER 21, 2019

Umugong ang balita sa mga sunod-sunod na pangyayari.

VIRAL PEOPLE ON ANIMAL CRUELTY, ALL DEAD! VIGILANTE KILLING, POLICE SUSPECTS.

Headline ng isang kilalang pahayagan ng bansa. Nakangiting binabasa ito ni Sam habang umiinom ng Earl Grey sa isang tahimik na café. Alam ni Sam na ang may gawa nito ay walang iba kundi ang partner niyang si Janus.

"Ito siguro ang kliyente ni Janus na sabi niya ay hindi niya gusto kung paano ito magpangaral ng hustisya. Funny, this person wants justice, but in his own way," wika ni Sam sa kaniyang isipan.

"So, while Ace of Clubs is doing his thing on giving out justice out there, andito ang mokong sa Cebu para sa isang kliyente. If I remember correctly, he calls that client as the Ace of Spades. Yung tungkol sa kidnapping-rape-slay case."

Nasa Cebu rin si Sam. Hindi para sa trabaho bilang murder planner kundi para mag-enjoy at bumalik sa kaniyang buhay bilang ordinaryong tao. Nakikihalubilo sa madla na parang isang ordinaryong citizen lamang. Kung sino siya, si Janus at ang kanilang boss lang ang nakakaalam.

"Excuse me, uhm…" wika ng isang binata, kaya natigil si Sam sa kaniyang pagbabasa. Tumingin si Sam dito at nginitian.

"Yes? Nu yon?" tanong niya dito. Napansin niyang may kasamang babae ang binata. Maputi at mahaba ang buhok nito. Modest apparel. Tantiya niya dito ay maaaring koreana o half. May binubulong ito sa binata.

---