Chapter 50 - Chase Begins

Halos hindi magkamayaw ang mga fans ng bawat celebrity na nasa PINOY SIKAT TAMBAYAN EVENT. Bukod sa mga taong gustong magpapicture, mayroon din yung fans na gustong mahawakan ang kamay o kaya makahingi ng autograph sa mga celebrity.

"Ji-Yeon! Dali! Magpapicture na tayo kay Hailey!" wika ng isang binata na lumapit sa kinaroroonan ni Hailey. Mabilis na sumunod ang dalaga sa kasamang si Rei. Ang dalawa ay magkasintahan na taga-Baguio pa at dinayo ang Cebu para lang makita ang ilan sa mga hinahangaan ni Ji-Yeon na mga celebrity na sina Hailey, Stephen Curtis at Matilda Locsin.

Si Josephine ang nagboluntaryong kunan sila ng litrato, habang si Kaeden naman ay pinuntahan si Stephen Curtis para makapapicture at makausap man lang kahit ilang minuto.

Di mapigilan ng organizer na si Jules ang mapa-palakpak dahil unang organized event niya ito pero napakaraming pumunta. May nagrereklamo pa nga ani bakit sa maliit na venue ang event. Kung sinabi daw nito agad ang venue, ang mga fans nalang daw mismo ang magdodonate para sa ibang venue nalang daw. Para sa kaniya ay compliment ito para sa isang job well done. Nangako naman itong may susunod pang ganitong event at sa mas malaking lugar na ang pagdadausan.

Natapos ang event na halos walang kahit isang hindi masayang fan. Bawat lumalabas sa venue, may hawak na autograph sa celebrity cards nila habang ang ilan naman ay masayang kinakabit ang kanilang personalized sign mula kay Stephen Curtis. Pauwi na sina Kaeden nang tawagin si Hailey ng organizer na si Jules. Nasa thirties na ang organizer, pero napakabata pa din nito tignan. Charismatic. Siguro, ito ang isa sa mga dahilan kaya't madaling napapayag ang mga bigating artista sa isang hindi naman officially sponsored ng mga networks nilang event.

"Hailey! Thanks for coming! Actually, gusto ko sana kayong imbitahan," wika nito.

"The event is successful thanks to you. Thanks for inviting us! Ako ang dapat magpasalamat sa iyo, Jules. Saan ba?"

"Well, see…gusto ko kasi magpa-thank you party lang sana sa inyong mga celeb na pumunta dito. Unfortunately, the others are not able to come. Sina Stephen at yung driver niya, Dustan at Matilda lang yung pumayag. Baka naman pwede ka sumama? Of course, kasama na rin yung bodyguards mo."

Tumingin muna si Hailey sa dalawa. Kanina pa nagniningning ang mga mata ng dalawa dahil narinig na makikita nila doon si Stephen at Matilda. Fan kasi ni Matilda Locsin si Josephine. Napanood na nito almost all the movies Matilda starred in. Clicks, The General's Wife, Asian Measures…you name it. Lahat yan napanood ni Josephine.

Binalik ni Hailey ang tingin kay Jules at walang nagawa kundi pumayag.

***

Hindi maintindihan nina Alfred kung bakit tila napaka-seryoso ng hangin sa loob ng meeting room ng opisina nila. Tatlong dibisyon ang magkakaroon ng meeting, ang kanilang Investigations Department, ang Public Safety at pinakahuli ang SCU (Special Countermeasures Unit). Halos lahat sina Alfred sa Investigations Department ay nagkakatinginan kung bakit pati ang Public Safety ay involved sa meeting na ito. Alam nilang hindi masyadong magkasundo ang dalawa, lalo na at feeling nila ay lagi silang nag-aagawan ng trabaho o destino.

Nang nasa loob na ang lahat ng natawagan sa meeting, humarap sa kanila ang limang magpapameeting. Si Inspector Basil Del Valle ng Investigations Department, si Officer Donald Igualdo at Officer Emilio Barameda ng Public Safety at sina SPO4 Ell Bonifacio at PO3 Voltaire Inosencio ng SCU.

"This is an emergency meeting. Hindi ko na siguro kailangan pang sabihin yan sa inyo. Buksan ninyo yung white folder na nasa desk ninyo at tignan niyo ang bawat detalye," paunang sabi ni Basil sa kanila.

"Kasama namin ang Public Safety at SCU because of an important case we have to solve. Not just one case, but one big case. Ilan sa inyo ay hindi pa siguro pulis nang mangyari ang kaso, or some of you may have been digging this case o nadiscuss sa inyo sa academy," patuloy ng inspector. Tumingin muna ito sa mukha ng kaniyang mga kasama at sa ilang opisyal na naroon din sa meeting room.

Nagkatinginan din ang mga magkakasama sa bawat department. May ilan na parang may ideya na sa sasabihin ni Basil, samantalang ang mga bago sa academy o kaka-assign lang ay may pagtataka sa kanilang isipan, dahil usually, hindi naman sila tinatawag sa mga ganito kalaking meeting.

"Have you ever heard of the name Master Murderer from Hell?" tanong ni Basil sa kanila. Ilan sa mga naroon ay nagbulung-bulongan kung ano ang ibig sabihin nito.

"You may have heard of it from your superiors. Hindi ako nagtataka na iilan lang sa inyo ang nakarinig dito. Some departments kept very silent dito. Together with the Public Safety and SCU, kailangan naming i-breakdown sa inyo ang mga nangyayari sa bansa patungkol dito. Master Murderer of Hell is an unknown identity. He is a man who likes to see people murder each other. He hands out these murder plans to people na kailangan ang serbisyo niya. In shorter words, isa siyang serial killer. A very educated one. Hindi siya mismo ang pumapatay. He looks for people who wants to murder someone, entice him to use his murder plans for a perfect crime and let that person execute it for him."

Tumayo si SPO4 Ell at itinuloy ang sinasabi ni Basil.

"Noong una akala ko chismis lang ang patungkol sa kaniya. It has been a common urban legend sa department namin matagal nang panahon. I was still on my first assignment sa Riot Police Department nung narinig ko ang patungkol sa kaniya sa aming Senior Inspector nung araw. Ang naunang Special Countermeasures Unit, nagassign sila ng tatlong detective para tutukan ang kaso. Unfortunately, those three are already dead. May mga nalaman sila sa kanilang imbestigasyon, at yun ang ibibigay namin sa inyo na basis ng inyong intel sa serial killer na ito."

Bawat isa sa loob ng meeting room ay binuksan ang ibinigay sa kanilang investigation file. Nasa isang clipped folder ito at nasa 78 pages. Nilalaman nito ang bawat kaso na pinaghihinalaang kasangkot si Master Murderer of Hell.

"Everyone, your very agenda is to conduct your own secret investigation about him. Keep it secret from the others. Kayong mga natawag dito ang nirekomenda ng inyong mga superiors dahil naniniwala silang kaya niyong dalhin ang kaso. Your assignment is to investigate and find out who Master Murderer of Hell is. As you already know, isa ako sa mga naging head ng investigation sa kasong ito almost 20 years ago. We of course, concluded that his identity is Seth Boa Vista, isang dating magaling na detective ng departamentong ito. However, we already know that he died from a shootout a year later after we found out his hideout. If he is the Master Murderer of Hell, then that should have been the end of it. Pero hanggang ngayon, andito parin siya. He is alive and well. We have another bad news, even. Gaya ng mababasa niyo from the three investigators on the case who died, he has two partners now. We are facing three master murder planners here. They seem to have a pattern. Master Murderer of Hell usually plans intricately on using science and literature on his murders. The second one uses magic tricks and occultic murder tricks, while the last one, which we believe is a woman, uses puzzles and leaves a lot of codes. She likes to play around the emotions of the executioner of her plans as well. Basically, these three are saying to our faces that we, the police department and the whole police force, are idiots."

May isang pulis sa investigations department na itinaas ang kamay at tumayo para sabihin ang nasa isip nito.

"Inspector, SPO4, what are our stand here? Hindi natin alam kung nasaan sila o kung saan ang operation nila. We are digging blindly."

Tumango ang ilan sa mga kasama nito. Tama siya. They don't know the face of their enemy o kung saan sila gumagalaw.

"That is precisely our first problem, officer. Kailangan nating malaman kung saan sila o anong kaso sila involved. We have to dig kahit ang pinakamaliit na kaso sa bawat lugar. Kayo ang naatasan dito sa Luzon, as you all are here. Ilan sa inyo dumayo pa sa kani-kanilang lugar. We have to find a connection. A person. A lead. Whatever it is. Kung may hawak kayong kaso o anumang on progress na murder cases, you must find if some of them had contact with someone who might have given them instructions. Of course, hindi sila magsasalita agad o sasabihin ito, so you have to be careful," sagot ni SPO4 Ell.

***