Chereads / Case Book of Detective Kaeden (TAGLISH) / Chapter 51 - Matilda's Puzzle: File 1

Chapter 51 - Matilda's Puzzle: File 1

Halos hindi makapaniwala si Josephine na kasama nila sa iisang mansion sina Dustan, Stephen at Matilda. Kasama din nila ang indie actress na si Hilda Cordel at Johann Choi. Naroon din ang ilang mga managers at event organizers na nakisama sa mansion. This is a good time for Kaeden, dahil inaasahan niyang sana ay walang mangyaring hindi maganda. Dahil sa mga nangyari sa mga nagdaan, marami sa mga kaibigan niya ang natatakot daw makasama siya dahil baka may mamamatay. Alam niyang biro lamang nila ito pero hindi maalis sa isip niya ang bagay din na iyon.

Tinawag ng dalawang kasambahay sina Kaeden na pumunta sa lounge at naroon daw ang ibang guests. Ngayon niya lang napansin na napakaganda ng structure ng mansion. Fusion ng 1931 French and 2016 US Architecture ang interior. May ilang mga modern painting sa bawat kwarto. Napansin niya din na may reproduction sila ng The Kiss na painting ni Gustav Klimt.

"This mansion is impressive. Kaya pala tinawag nila itong The Fusion, dahil talagang naghalong classic and modern ang architecture. See, maganda talaga na nakasama ka dito, cous!" wika ni Hailey sa pinsan habang naglalakad sila papunta sa lounge. Tama ang pinsan niya. The whole mansion is like stepping into the past and the modern time. Sa lounge, naroon sina Matilda, Stephen, Dustan, Mitchell, Hilda, Johann at ang mga event planners. Naroon din si Jules na hinihintay silang makaupo at parang may sasabihin ito.

"Thanks for coming, everyone. Actually, this mansion is owned by my father. As you all may already know, most of my brothers are successful in their business. Since I am the least productive one, my father gave this to me as my inheritance. Ito nalang daw ang maibibigay niya sa akin, as financially, hindi niya ako matutulungan. Anyway, the reason I gathered you all here is to thank you all for the very successful event. Pero hindi lang yan, you get to stay in this mansion for a few days. Going back to your homes after the event is surely stressful. Kaya kahit dito muna kayo. I also prepared a few tickets and package for all of you to enjoy Cebu's places."

Nagpalakpakan sa tuwa ang bawat isa sa lounge. Nagkatinginan pa nga sina Matilda at Dustan na natuwa sa nasabi ni Jules. Unang una hindi kasi sila nakapunta sa mga great places ng Cebu. They were always on the shooting for this particular movie they starred in, at ito lang ang chance nilang makapag-relax man lang.

"It's already six. I asked my maids to prepare the meal for us a few minutes ago. Please enjoy yourselves around the mansion. Mamayang 7:30, please be on the Dining Room."

Umalis si Jules na kinausap ang ilan sa mga kasambahay na iayos na ang Dining Room.

"Say, should we all relax a bit? Billiards muna tayo, guys!" wika ni Stephen sa kanilang lahat.

"I'll pass sa billiards. But I'll play Poker or something like that. Pang-girls!" sagot naman ni Hilda.

Tumungo ang lahat sa Game Room, samantalang ang mga event organizers naman ay pumunta sa Indoor Garden. Gusto nilang makita ang mga Succulent Collection ni Jules. Balita kasi nila ay mahilig sa halaman ang binata.

Naglaro ng billiards sina Kaeden, Dustan, Matilda at Stephen. Sina Mitchell at Johann ay naglaro naman ng Chess. Sina Hilda, Josephine at Hailey ay naglalaro ng Poker.

Mabilis natapos ang unang round ng billiards nina Kaeden. Hindi kasi matawaran ang galing ni Dustan sa billiards. Hindi pala nito nasasabi sa kanila na personally trained pala siya ni Efren "Bata" Reyes, kaya ganito nalang ito kagaling.

Tumingin ng malagkit si Matilda kay Kaeden at umupo, hawak ang cue ng billiards at isinandal ang ulo nito sa kamay na nginitian siya.

"So, I heard na anak ka ng isang dating kilalang detective?" tanong nito. Kilala kasi ang ama niya. Some of the toughest cases and even in their few days of statute of limitations ay na-solve ng kaniyang ama. Tumango lang si Kaeden at binigyan niya rin ng ngiti ang dalaga. He doesn't want to admit it, pero talagang napakaganda ni Matilda. Kahit wala itong make-up at hindi inayos ang kaniyang buhok, pang-Miss Universe na ang ganda nito.

"Well, this game bored me. Magaling kasi ang isa diyan eh. How about this, entertain me with a puzzle na narinig ko sa kaibigan ko. He loves mystery so much and when we were in the set of one of my films, nakwento niya sa akin sa break time namin. I modified the story, because I want you to solve it."

Tumingin ang iba kay Matilda nang marinig ang nasabi nito. it really sounds interesting.

"Treat it as an armchair detective solving. Game ka?" ngiti uli ni Matilda sa binata.

Sa totoo lang, hindi makatangi si Kaeden sa kaniya dahil bukod sa kagandahan ng nagtatanong sa kaniya, nabuhay ang kuryosidad nito sa kung ano ang sinasabi nitong mystery.

"Alright," simpleng sagot nito.

Mabilis namang nakinig si Dustan at Stephen sa dalaga. Kasama nila si Kaeden na tila batang gustong malaman ang kwentong kababalaghan ng kanilang nakakatandang kapatid. Narinig din ito nina Josephine kaya tinapos nila ang bawat laro nila at nakinig sa nakakaimbitang kwento ng dalaga.

"Seems everyone, not just Mr. Detective here is interested. Well then, let me put the first part of the story."

***

MATILDA'S STORY

8:00PM, December 2, 1992.

Katatapos lang ng local radio DJ na si Trisha Bermudez ang kaniyang programa. Nang makitang papasok na sa studio ang DJ ng susunod na programa, agad niyang iniayos ang kaniyang mga gamit, kinuha ang coat nito at isinuot bago umalis. Pumunta ito sa malapit na telephone booth at tinawagan ang bahay nila. Alam niyang naroon na ang kaniyang asawa. Kaya lang, walang sumasagot.

"Na-traffic lang siguro. Kasagsagan na naman ng rush gift buying," aniya sa kaniyang isipan. Isang customer representative ang kaniyang asawa sa isang communications company. Kamakailan, ginagawa ng kaniyang asawa ang lahat ng makakaya para maipromote n asana gamitin pa ng mga tao ang beepers dahil pinaplano nilang gawin itong mas maganda pa at mas marami nang maaaring gawin dito.

Nang makalabas na ito sa Radio Station Building ay agad na itong pumara ng taxi pauwi. Wala pang isang oras ay nasa bahay na ito. Napansin niyang wala pang tao dahil kahit isang ilaw sa bintana ay wala. Bubuksan n asana niya ang gate nang makitang wala ang padlock. Maging ang mismong pintuan ng bahay nila ay hindi naman naka-lock sa loob. Kinabahan agad ito at binuksan ng dahan-dahan ang pinutan.

"Chito?" tawag nito sa asawa. Walang sumasagot. Kinapa niya sa malapit ang switch ng ilaw. Pagka-bukas ng ilaw ay nakita niyang halos wala namang nagalaw sa bahay nila. Nasa isip kasi nito ay baka may nakapasok na magnanakaw at ninakawan na sila na hindi nila namamalayan.

Tinawag niya uli ang asawa pero walang sumasagot. Dumiretso ito sa kwarto nila pero wala roon ang asawa. Naisip niyang baka sa sobrang pagod ay nagiisip na siya ng kung anu-ano. Hinubad niya ang coat niya at isinabit sa kanilang coat holder. Binuksan niya ang drawer niya at kinuha ang isang pakete ng sigarilyo doon. Matagal na siyang pinagsasabihan ng asawa na itigil ang paninigarilyo pero hanggang ngayon ay di niya ito magawa. Recently, nababawasan niya ang paninigarilyo. Kaya lang hindi niya talaga ito mabitawan ng isang handaan lang. Pumunta ito sa top floor nila at sinimulang sindihan ang sigarilyo. Hindi na niya binuksan ang ilaw doon dahil napansin niya na napakaliwanag ng buwan. Isa ito sa dahilan kaya nila binili ang bahay dahil natatapatan ito ng ilaw ng buwan madalas. Nakikita rin ang mga bahay ng nasa ibabang bahagi ng siyudad.

Nakakapagod ang trabaho niya sa radio program. Bukod kasi sa isang shift niya bilang DJ ng isang music and advice program, sa umaga ay kailangan pa niyang pumasok para naman sa kaniyang morning cooking program. Tinatalakay nila ang ilang mga bagong recipe at minsan, naidadaan na rin ang kaunting chismisan kasama ang kaniyang magiging guest sa programa.

Matatapos na niya ang kaniyang sigarilyo nang maramdaman niyang parang may ingay sa loob ng bahay. Alam niyang hindi siya nag-iisa. Pero inisip niyang baka isa na naman sa guni-guni niya ito at kailangan na niyang matulog. Hindi na niya siguro hihintayin ang asawa.

Papasok na sana siya sa loob nang makita ang isang may katangkarang tao nan aka-fitted bonnet, may hawak na kutsilyo at palapit sa kaniya. She knew instantly na isa itong magnanakaw o higit pa. hindi nagsalita ang magnanakaw at agad siyang sinunggaban. Nataranta si Trisha kung ano ang gagawin. Itinulak niya ang lalake at agad na kumaripas ng takbo sa loob ng kwarto. Nakita niya ang miniature metal figurine ng The Thinker na nakadisplay malapit sa mga flower vase at kinuha itong mabilis. Bago pa man makalapit sa kaniya ang magnanakaw, tila gumana ang adrenaline nito na pagka-hampas sa ulo ng magnanakaw ay agad itong natumba sa kinatatayuan. Hindi nagtagal ay nakita nito ang dugo na dumaloy sa sahig. Hindi niya alam kung patay na ang magnanakaw. Nabitawan niya ang figurine at nilapitan ang magnanakaw. Dinahan-dahan niyang inalis ang fitted bonnet ng lalake at halos hindi siya makapaniwala sa nakita. Si Chito, ang kaniyang asawa!

"Chito! Hindi! W-what have I done!?"