Malamig na hangin, matatayog na puno at mga masasarap na pagkain – ito ang humarap kina Kaeden, Hailey at Josephine sa pangunang araw nila sa ticket na naibigay ni Jules. Hindi nila akalaing marami palang koneksyon ang binata. Vacation package such as this one only happens once in a blue moon.
"Honestly, sana buong buwan ganito ang bakasyon!" ngiti ni Kaeden sa dalawang kasama at sinimulang kumain ng mansanas. Nasa isang outside restaurant sila habang hinihintay ang inorder nilang breakfast meal. Mayroon kasing free fruits sa bawat table na pwedeng kainin habang hinihintay ang inorder mula sa menu.
"You deserve it. Eh, aside sa mga projects mo as an architect, lagi ka pang kinukulit ni Inspector. Pero lately, parang hindi na. Busy na sila ni Sir Alfred," sang-ayon ni Josephine sa binata. Napansin kasi niyang noong na-assign si Alfred na partner ni Inspector sa kanilang mga kaso, hindi na masyadong tumatawag ang inspector para humingi ng tulong sa binata. Ayon pa sa pulis, mayroon daw silang importanteng kaso na kailangang tutukan.
Naalala ni Kaeden kung paanong laging nasisira ang bakasyon niya o ni Josephine dahil may krimen. Ang pinakahuli niyang bakasyon ay sa Vicente Cruz, kung saan sa mismo pang malapit sa kanila nangyari ang krimen. Tumatak sa kaniya ang narinig mula kay Miranda bago siya dalhin sa presinto.
"Hindi ako ang nag-plano nito."
Naalala niya ang pangalan ng taong sabi niya ay nagplano sa nangyaring krimen.
"Master Murderer from Hell."
Dalawang beses nang tinanong ni Kaeden si Basil patungkol patungkol dito pero paiwas ang sagot ng pulis. Mayroon bang nalalaman ang pulisya patungkol sa taong ito pero ayaw lang nilang idisclose ang information patungkol sa kaniya? Ayon sa Uncle Jun niya, ito daw ay isang matinik na serial killer na hinuhuli ng kanyang ama nang matagal na panahon pero hindi parin nahuli hanggang ngayon. Nasabi rin ng matanda na ang Master Murderer from Hell ay hindi pa nalalaman hanggang ngayon kung sino siya – ang alam lang ng lahat, ay gumagawa siya ng mga murder plans na binibigay sa mga taong mayroong kasamaan sa puso – those that desire to murder someone.
"Kat-kat! Kat-kat! Come here! Let's go back!" tawag ng isang dalaga habang hinahabol ang tumatakbo niyang aso, isang white poodle. Maputi ito at nasa 4'11 ang height, mahaba ang buhok at napaka-ganda ng pagkaka-taas ng kaniyang mga pilik mata. Napansin ito ni Kaeden nang madaan sa kanila ang aso. Mabilis niyang hinuli ang poodle at hinintay ang dalaga na lumapit sa kanila.
"Hala, thanks, kuya! Ang kulit talaga ng aso namin na ito," wika ng dalaga. Kinarga niya agad ito nang iabot sa kaniya ni Kaeden ang aso.
"Sure. It's a cute poodle. Siguro gusto rin niyang mag-enjoy sa lugar. This place is really wonderful," biro ng binata. Nakatingin naman si Josephine sa kaniya at tinignan ang aso. Tinaasan niya ng kilay si Kaeden dahil nararamdaman nito na attracted na naman ito sa beauty ng dalaga. Cute faced kasi ito at talagang kakaiba ang mata nito. Hailey was just there, smiling and looking how her cousin would react.
"Thank you, again. Uhm, are you guys tourists? May i-o-offer ako sa inyo as a sign of thank you."
"Ah, oo. Actually, galing kami sa isang event, pero we're here because our organizer gave us tickets," si Josephine ang sumagot.
"Well then, if gusto niyo tumira ng ilan pang araw, why not stay in our mansion? May gaganapin kasing art exhibit doon sa loob tomorrow night."
"Uhm, well we actually have – " hindi naituloy ni Josephine ang sagot dahil agad na sumabat si Kaeden sa kaniya.
"Art exhibit? Paintings?"
"Yes. Nandito kasi ngayon si Elmer Buencamino, and dad was able to borrow him for the rest of the week para sa isang house art exhibit. Mostly politicians and people in the show business lang ang pupunta. Siguro andun din ang mga ibang mahihilig talaga sa paintings ni Elmer," paliwanag ng dalaga. Si Elmer Buencamino ay isang sikat na painter galing pa ng Bulacan. He usually travels, so most of his paintings are seen all over the country.
"I can't help but to say yes, then. Ako nga pala si Kaeden – that's Josephine and the girl over there is Hailey, pinsan ko."
Ngumiti ang dalaga sa dalawa at ibinalik ang tingin sa binata. Her gorgeous smile was like a flower that fully bloomed during the spring – like a rose that finally bloomed and the fragrance is starting to mesmerize those that are in devoid of strength.
"I'm Chelsea. Chelsea Castiglione. Nasa malapit lang dito ang mansion namin. Just tell the taxi na dalhin kayo sa Mansion de Dama de Noche. I'll see you there, ha. If the guard asks sino kayo, just make sabi na I am your friend."
Matapos masabi ni Chelsea ito ay agad siyang nagpaalam sa kanila. Ibabalik lang daw nito ang aso at may pupuntahan pa daw itong lugar. Nginitian lang siya ni Josephine at ginaya nito ang paraan paano siya magsalita nang makaalis na ang dalaga. Natawa naman si Hailey sa inasta ng kaibigan at tumingin kay Kaeden na dense and clueless kung bakit. Wala namang ginagawang masama si Chelsea sa kanila.
"Hoy, ang conyo nung crush mo ah!" asar ni Josephine kay Kaden.
"Look, I don't know what you're up to. But she's offering something I can't refuse. You know I like paintings. Also, I wanna meet Elmer Buencamino. He's a famous artist and a national treasure," pagtatanggol naman ni Kaeden.
"Asows. Ang sabihin mo, gusto mo lang makita uli yung Chelsea!" sabat naman ni Hailey. She is putting more wood to the flame. She wants to test kung ano ang gagawin ni Josephine sa kaniya. The sad part is Kaeden shrugged it off and didn't see how Josephine is jealous – in a way, the girl was more charming than she is. Pero, ang iniisip nalang ni Josephine ay hindi naman talaga siguro interesado si Kaeden kay Chelsea.
***
Mansion de dama de Noche. Bukod sa malawak ito, ang gate entrance nito ay mayroong mga nakatanim na dama de noche, ganun din sa loob papunta sa mismong mansion. It has a circular entrance and the cemented path is surrounded by a garden of different flowers. Five storey mansion ito at nasa isang mataas na bundok. Mayroon kasi itong sariling daan papunta roon, na naka-bukod sa mismong daan sa siyudad. Alas kwatro na ng hapon nang makarating sina Kaeden sa mansion.
"Wow, this is striking. Ang dami ko nang nakitang mansion pero this is just luxurious," wika ni Hailey nang makababa sila ng taxi at nakita ang masion. Binati sila ng isa sa mga limang security guard na nakapalibot sa mansion. Tinanong nila kung sino sila at nang masabing kaibigan sila ni Chelsea, tinawagan niya sa icom ang security guard sa loob para icompirma kay Senorita Chelsea nila kung may kilala silang Kaeden, Josephine at Hailey. Nang makumpirma na ay agad silang pinapasok sa loob. Naglalakad palang sila papunta sa main door ay nagbukas agad ito at naroon si Chelsea na sinalubong sila. Naka-glass violet dress ito at halata na hinihintay silang dumating.
"And here I thought you guys are not coming. Pasok na kayo, the maids are going to make handa of the paintings. The chef is also making luto na ng mga French and Italian dishes," paliwanag niya. nang makitang excited si Kaeden na makita ang paintings, hinawakan niya ang kanang kamay nito at hinila papunta sa loob ng mansion.
"Wait, I want to show you something. It's a painting we bought from Finland!" imbita niya sa binata at agad na iginiya ang binata sa loob ng mansion. Naiwan sina Hailey at Josephine na hawak ang kanilang mga bag. Binitbit agad ni Josephine ang bag ni Kaeden nang maiwan niya ito at tumingin sa kaibigan.
"Gosh, hindi ko talaga makaya yung pagka-conyo niya. And what's with this hawak kamay?" reklamo niya kay Hailey.
"Look, Phine…she's just excited. Baka walang kalaro yung tao. Baka walang kaibigan."
"Hailey, she's not a little girl. She's around 24!"
Umiiling na pumasok sa mansion si Hailey at hinila na rin si Josephine para makapagpahinga na sa kanilang ibibigay na kwarto. Sa totoo lang, nakakapagod din ang ginawa nilang beach jogging noong umaga at pagkukuha-kuha ng picture sa mga magagandang lugar. Pagkapasok nila, may dalawang kasambahay sa mansion na sinamahan sila sa kwarto nila sa second floor. Isang malaking kwarto ang ibinigay sa kanilang dalawa, samantalang katabi naman nila ang kwarto ni Kaeden. Ang master's bed room naman ay nasa third floor.
Namangha si Josephine sa kwarto nila ni Hailey. Mayroong mga naka-sabit na mga painting doon na alam nilang hindi man galing sa sikat na pintor, ay napakaganda nito. Isa sa mga ito ay ang isang larawan ng isang babae na may hawak na mga bulaklak. The art style is a fusion of western and Japanese art style. Ayon sa detail plate ng painting na nasa ibaba ng frame, ang painting ay nabili nila sa isang street painter sa Turkey.
"It's like staying in a five-star hotel, don't you think?" wika ni Hailey sa kasama. Maging siya kasi ay nagandahan sa structure ng kwarto nila. Dalawang malalambot na kutson ng kama at napakaganda ng pagkakalagay ng mga closet at table – parang wala nang hahanapin pa ang guest kung talagang doon siya lalagi.
"So, saan na yung dalawa? Don't tell me buong gabi eh titingin lang sila ng painting!?" balik uli ni Josephine sa kasama. Hailey sighed and tapped her friend's head.
"Phine, do you think my cousin would really fall in love that quickly? Kahit naman maganda yung si Chelsea, eh – ikaw parin ang nasa puso nun, no! Sure, hindi kami nagkita ng matagal but I know my cousin. Di ka nun ipagpapalit dahil lang sa isang babae na kakakilala lang niya. Dense din yun sometimes. Kahit na anong gawin ni Chelsea, hindi yun makaka-gets! Kaya kung ako sa iyo, stop worrying! Pinapakita mo lang na selosa ka pala talaga!" paliwanag ni Hailey at pinakalma ang kaibigan. Huminga nalang ng malalim si Josephine at tumingin sa mga dama de noche mula sa bintana. Truly, the flowers bring beauty to this wonderful mansion.