Ilang buwan din ang nakalipas nang mangyari ang insidente sa Cebu kung saan namatay ang isang kilalang personalidad sa business world. Hindi parin nakakalap ng ebidensya sina Inspector Phillip at ang kaniyang mga kasamahan. The investigation was stalled dahil wala silang makuhang kahit isang lead sa nangyari, hanggang sa napagdesisyunan ng nakakataas na posisyon na humawak muna sila ng mas maliliit na kaso habang wala pang progreso sa nangyaring krimen. Hindi na rin tumanggi ang team nila dahil sa totoo lang ay para lang silang bulag araw-araw na hindi alam kung saan titingin para umusad ang kaso ng mga namatay. Pagod na rin silang magpaliwanag sa bawat pamilya ng biktima kung ano na ang masasabi nila tungkol sa kaso dahil palagi din namang ganoon, walang progreso.
Sa isang tabi, sikretong nagiimbestiga si Winston ng San Rafael patungkol sa isang tao na sa tingin niya ay kaugnay sa mga nangyayaring krimen sa San Rafael. Nagtaka kasi siya dahil simula nang mangyari ang kaso ni Irina, hindi na nawala sa kaniyang isipan ang nasabi nito nang binisita niya si Irina sa selda. Nag-request kasi si Irina na kausapin siya ng kahit na sinong imbestigador mula sa nangyaring kaso niya, at napilitang si Winston ang ipadala para alamin kung ano ang gusto ng preso.
"Hindi ako ang may plano nang lahat ng iyon. Mayroong isang taong kumontak sa akin para isagawa ang plano. Magaling magsalita at nabighani ako sa murder plan na ini-offer niya."
Ito ang nasabi ni Irina sa kaniya nang pabulong, na para bang ayaw niyang marinig ito ng mga kasamang pulis sa visiting room.
Ito ang nagbigay sa kaniya ng kyuryosidad dahil ang mga katagang ito din ang nasabi ni Inspector Basil at nang ilang malalaking mga police officers sa isang PNP National Meeting. Ito ang matagal nang kalaban nilang mga pulis, si "Master Murderer from Hell", isang crime planner na naghahanap ng mga vulnerable victims na gawin ang mga plano nitong klase ng pagpatay.
Binuklat ni Winston ang kaniyang Field Notebook at tinignan ang mga nakalap niyang impormasyon. Inisa-isa niyang pinagtagpi-tagpi ang bawat nakasulat doon, na para bang isa itong jigsaw puzzle na gusto niyang mabuo ang lahat ng pangyayari.
July 30, 2019. Bago nangyari ang San Rafael Cliff Incident Case, mayroong mga bagay na hindi napansin ng mga pulis. Fortunately, ito ang hindi nakatakas sa mata ni Winston. Naalala niya ang sinabi ng isang nagtitinda ng taho na nakausap niya nang magtanong-tanong siya sa malapit sa pinangyarihan ng krimen.
Ayon kay Mang Berting na taho vendor, nakita niyang may kausap sa cellphone si Irina bago mangyari ang krimen. Hindi niya alam kung ano ang pinaguusapan nila ng kausap niya dahil karamihan sa mga ito ay ingles na hindi niya maintindihan, dahil ayon sa kaniya, grade 5 lang ang natapos nito. Pero ayon sa kaniya, nakita niyang parang seryoso ang pinaguusapan nila at lagi niyang naririnig ang "plan" sa usapan nila.
Ito ang isa sa mga nakasulat sa notebook ni Winston. So, kung totoo ang hinala niya, maaaring kasangkot si Irina sa iniimbestigahan ng buong kapulisan.
"Kung totoo ang nasa isip ko, may malaking posibilidad na binigyan ng murder plan si Irina ng isa sa mga iniimbestigahan namin. Pero hindi ko pa ito pwedeng i-report kay Inspector. These are just speculations…" wika niya sa kaniyang isip at pumunta sa sumunod na pahina.
Ayon kay 'Nay Lumeng na may ari ng isang karinderia sa San Rafael, nang mangyari ang krimen at kasalukuyang iniimbestigahan si Irina ng mga pulis, may isang lalake ang umorder ng arrozcaldo at kare-kare. Sigurado daw si 'Nay Lumeng na hindi taga-San Rafael ang lalake. Hindi niya matandaan ang mukha nito dahil naka-sumbrero at nakayuko habang kumakain. Pero napansin ni 'Nay Lumeng na nang matapos daw kainin ang arrozcaldo niya ay tumingin ito sa crime scene at matamang pinapanood si Irina at ang mga pulis. Nasa ibaba kasi ng insidente ang karinderia ni 'Nay Lumeng kaya halos isang tanaw lang ay makikita ng mga tao kung ano ang nangyayari. Nang makita daw ng lalake ang isang binata na kausap si Irina, napansin daw niyang ngumiti ito, bumalik sa harap ng karinderia at umorder na ng kare-kare. Pinilit ni 'Nay Lumeng na tandaan kung ano ang hitsura ng lalake pero hindi niya talaga matandaan.
"Ay, naalala ko, hijo! Yung pagsasalita niya, kakaiba!" alala ng matanda nang paalis na sana si Winston.
"Paano pong kakaiba, 'nay?"
"Yun bang parang pilit na tagalog kung magsalita? Tapos, naalala ko pa pala. Yung damit niya. nakasumbrero siya pero tanda ko pa naka-tshirt lang siya at maong na pantalon. May nakasulat sa t-shirt niya. Hindi ko na matandaan eh! Yung apo kong si Trisha, baka alam," sagot ng matanda at tinawag ang apong si Trisha, nasa labing pitong taong gulang. Ayon kay Trisha, hindi din niya matandaan kung ano ang nakasulat sa tshirt ng lalake. Ang natatandaan lang niya, kakaiba ito kung magsalita. Parang iniiba iba niya ang pananalita niya. May accent daw. At nang paalis na pagkatapos magbayad ng lalake, napansin niya na pumasok na ito sa kaniyang sasakyan. Magarang sasakyan. Kung hindi daw siya nagkakamali, yung logo ng sasakyan, parang tatlong letter O. Color Black.
"Audi!" sigaw ni Winston sa sarili. Isang lalakeng naka-tshirt na kakaiba kung magsalita. Magara ang sasakyan at nakatingin sa kanila habang iniimbestigahan si Irina. Bakit kaya?
Naisip ni Winston, kung sakali, may nakita ang CCTV sa di kalayuan kung sino ang driver ng magarang sasakyan o di kaya'y saan pumunta ang sasakyan. Plate number; kailangang malaman ni Winston ang plate number. Hindi na siya nag-aksaya ng oras at ini-start ang kaniyang sasakyan. Mabilis na tinungo nito ang opisina ng may connection sa CCTV sa buong lugar at tignan kung mayroon pa silang kopya ng CCTV files ilang buwan na ang nakakaraan.
---
Hindi na naramdaman nina Basil at Alfred ang puyat matapos na maubos nila ang isang bowl ng ramyeon na inorder nila sa SHIN RAMYEON PALACE, isang Korean Food Stall ilang lakad lang mula sa station ng pulis. Napangiti naman ang koreanong may-ari na si Park Min Ho nang makitang ubos ang bowl. Matagal-tagal na ding negosyante sa bansa ang koreano at marunong na din sa wika. Nasa trenta y siete anyos na ito pero dahil sa kaniyang strict diet, ayon sa kaniya, ay siyang dahilan kaya bata parin ang hitsura nito.
"Let me guess, may bago kayong kaso?" tanong nito sa dalawa.
"As usual, hindi ka parin nagkakamali. Ilang buwan na kaming nagkakaroon ng overnights. Hindi na nga ako nakakauwi ng ilang araw. Siguradong nag-aalala na naman ang asawa ko," sagot ni Basil dito. Si Alfred naman, nakatingin lang sa isa pang baso ng makgeolli na iniinom niya. Natawa si Min Ho sa nasabi ng pulis at binigyan siya ng isang box ng mandu.
"Kailangan mong umuwi. You should at least give that to your wife. Alam mo, naaalala ko sa iyo ang tito Go Hyun ko. He was a member of the Violent Crimes Unit One nung buhay pa siya. Meron kasing isang kaso silang hinawakan, maybe twenty years ago na, kung di ako nagkakamali. Hindi kasi nila mahuli-huli yung isang serial killer. My tito had a lot of overnights just like you probably are having now."
Kinuha ni Basil ang box at tinignan mula sa cellophane frame ng box ang mga masasarap na mandu. Siguradong magugustuhan ito ng kaniyang asawa.
Matapos na makain lahat ang inorder nila, napagdesisyunan ng dalawa na bumalik muna sa presinto. Kaya lang, nais bisitahin ni Basil ang kaniyang asawa bago magpapaalam na muli para bumalik sa opisina. Napansin ni Alfred na ginagamit parin ni Basil ang kaniyang isang lumang basic flip phone. Ayon sa kaniya, gusto lang niyang maging praktikal. May camera ito pero hindi kasing ganda nang mayroon na ngayon. Para sa kaniya ay hindi naman niya kailangan ang isang makabagong cellphone, lalo na at kulang ang sahod niya ayon sa kaniya par amakabili ng bagong modelo.
"Inspector, kumuha ka na kasi ng bagong cellphone. Pinagtiya-tiyagahan mo pa yan. May murang maganda ngayon," biro ni Alfred sa kasama. Natawa lang ang kausap at nagpaalam. Maglalakad nalang daw ito dahil ayaw gumastos ng 8.50 pesos na pamasahe pauwi. Nailing nalang si Alfred dahil pwede naman silang magtaxi at siya nalang ang magbayad. Isa ito sa mga napapahanga siyang ugali ng boss nila. Kahit malaki-laki naman ang sahod niya bilang inspector, hindi ito magastos at marunong magtipid.
Nakakailang lakad si Basil nang makatanggap ng text message mula sa kilala nitong pulis sa ibang lugar. Nagtaka ito dahil ito ang unang beses na mag-text ito sa kaniya. Ngunit alam niyang patungkol ito sa kaso dahil kaya lang nila alam ang contact numbers ng bawat isa ay dahil doon sa kaso.
"Inspector, may nalaman ako tungkol sa kaso. May message ako sa iyo doon sa Police Portal. Tawagan mo ako kapag may gusto kang malaman. PO1 Winston ito ng San Rafael."
Ang Police Portal ay isang secret social software na gamit ng kapulisan kung saan doon sila naguusap patungkol sa kanilang mga kaso. Para itong Yahoo Messenger, pero exclusive lamang ito sa kanilang mga pulis at ang server ay hawak ng Philippine National Police.
Mabilis na pinindot ni Basil ang CALL button at hinintay na sumagot si Winston. Hindi nagtagal ang pagriring at agad na sumagot ang nasa kabilang linya.
"PO1 Winston? Napatawag ako agad dahil nakita ko na ang message. Anong ibig mong sabihing may nalaman ka tungkol sa kaso?"
"Sir, I think nasa malapit lang ang isa sa mga kasamahan ng mastermind."
Ang mastermind na tinutukoy ni Winston ay walang iba kundi si Master Murderer from Hell.
"Anong ibig mong sabihin? May lead ka bang nakuha?"