Hindi maiwasan ni Basil na tumingin sa orasan ng kanilang opisina. Napakatahimik kasi nito, lalo na't wala masyadong natatao sa lugar dahil sa maraming kasong hawak nila. Silang dalawa lang ni SPO2 Alfred ang nasa opisina at kanina pa sila naglalaro ng chess. Hindi na nila maiwasang magtanong bakit sila lang ang walang natatanggap na kahit na anong trabaho. It has been months since the ordered chase sa mga crime planners na hinahanap nila, pero parang nagbago ang hangin at ni kahit isang balita ay wala silang natatanggap mula sa mga nakausap nila sa meeting.
Tumayo si Alfred at kinuha ang isang tea stick sa kaniyang drawer. Nakita niyang may mainit pang tubig sa thermos sa kanilang opisina kaya naisipan niyang mag-tsaa muna.
"Santiago, isn't it too quiet? Parang hindi yata normal ito," tawag sa kaniya ni Basil nang makita siya nitong nagtitimpla ng tsaa niya.
"There's a chance na nakatunog ang tatlo sa ginagawa natin. It's been a month but nothing has ever come out. Isa pa Inspector, hindi mo pa ba sasabihin kay Kaeden ang totoo tungkol sa pagkamatay ng pamilya niya? He's on the right age to know."
Umiling lang ang kausap ni Alfred sa nasabi. If there's someone fitting to tell about what really happened to Kaeden's family, it would be Jun.
"I don't think it's necessary ngayon. Hindi tayo ang nararapat na magsabi sa kaniya. Naisip ko lang, kung may magsasabi man ng katotohanan, si Jun yun.
Habang naguusap ang dalawa, biglang nagbukas ang pintuan ng kanilang opisina. Tumingin ang dalawa at tinignan kung sino ang nagbukas nito. Pumasok sa opisina ang isang babae na nasa kaniyang fifties. Kilala ni Basil ang taong ito. Si Frenchesca Honorio, ang may-ari ng Mycroft Café, kung saan nagtatrabaho ang kaniyang pamangkin na si Eric.
"Ma'am Frenchesca!? Anong maipaglilingkod namin sa inyo? May kalokohan bang nagawa si Eric?" agad na tanong ni Basil sa kaniya.
"Ah hindi, Inspector. I actually came here to consult you of something," sagot nito. Hindi nagsayang si Alfred ng oras at pinaupo sa harapan ng desk ni Inspector ang bisita. Bumalik naman siya sa kaniyang pwesto, malapit sa kung saan nandoon sina Inspector.
"Ano yun, ma'am?" tanong ni Basil dahil nakita nitong parang balisa ang kausap.
Binuksan ni Frenchesca ang kaniyang shoulder bag at kinuha ang isang black envelope. Ibinigay niya ito kay Basil at hinintay na buksan ito. Tumingin sa kaniya si Basil bago niya binuksan ang laman ng black envelope. Mga litrato. Nang makita ni Basil ang mga litrato, agad niyang ibinalik sa black envelope. Ipinagtaka ni Alfred kung ano kaya ang nasa litrato na iyon at agad na ibinalik ng kaniyang superior ang mga ito.
Kilala ni Basil ang nasa litrato. All of them are in risqué. Napakagandang babae ang nasa picture, but most of the poses are suggestive. Some of them are even over the top. The woman in the pictures are no other than Frenchesca herself nung kabataan niya. Frenchesca was indeed a beauty in her youth. She was like an Asian version of Audrey Hepburn. Hindi alam ni Basil na may ganitong mga larawan ang boss ng kaniyang pamangkin, and to be honest he doesn't know what does it have to do with the problem she is having right now at kailangan niya ng consultation mula sa pulisya.
"Inspector, those are my photos 22 years ago. As you know, bago ako nagaral ng culinary arts, dati akong model ng isang company. Sa totoo lang, mahirap ang pamilya ko at hindi nila kayang tustusan ang pagaaral ko noon. I had no choice but to accept the offer of doing modeling para may pangkain kami at pang-aral ko. I never told my parents before that I was doing these…" paliwanag ni Frenchesca sa kaniya.
Muling tinignan ni Basil ang mga larawan. May isang bagay siyang napansing kakaiba sa mga litrato. They were not taken as if she was posing for a modeling gig. They were taken as if it was a side man or a paparazzi taking pictures of a certain personality.
"I recognize some of the photos there. Yan yung ginawa kong modeling para sa isang portfolio ng maliit palang na kumpanyang The Starlight noong araw. Those are for sale noon. Pero may ibang mga litrato diyan na alam kong kinuha ng lihim. As you may have seen, maaaring kinuha niya ito pasekreto sa mga fitting room o kaya sa model's room. I have been getting these black envelopes for the past few weeks already. May kasamang sulat ang mga litratong yan."
Nagkatinginan sina Basil at Alfred sa narinig. Someone with an ill intention and probably as they already have in mind, blackmailing.
Ipinakita ni Frenchesca ang isang sulat na ang bawat letra ay cutout sa mga newspaper. Classic letter na ginagawa ng mga taong cautious at nananakot.
"FERGUSON ROAD. WHITE TRASH CAN. MARCH 10, 2020 – 2:00PM. 75,000. Kapag wala ang pera sa basurahan sa oras na iyan, lalabas sa publiko ang mga litrato mo. You know that this is not the only thing I can do."
Nang mabasa ito ni Basil ay ibinigay niya ito kay Alfred para mabasa ng partner ang threat. Limang araw pa bago ang deadline. It means, hindi lang ito ang kopya ng litrato na maaaring nasa blackmailer. There could be more.
"We will do our best to track down sino ang gumagawa nito. Pero, gusto kong makipag-cooperate ka sa amin. People who ask money by blackmail usually are impatient. Siguradong tatawagan ka niyan o magbibigay ng bago pang mga sulat. We will investigate this right away para mahuli ang sinumang gumagawa nito," pangako ni Basil at ibinalik ang mga litrato kay Frenchesca.
Ipinaliwanag din ni Frenchesca na nang una, sampung libo lang ang hinihingi nito. Parehas din na lugar ang gusto ng blackmailer na lugar na paglalagyan ng pera. Nasabi nito na hindi niya napigilang ibigay ang gusto ng blackmailer, pero ngayon ay humihingi na ito ng mas malaking pera. Natakot din ito, lalo na't iba na ang mundo kung saan malaki na ang impluwensya ng social media. Maaaring masira ang reputasyon niya bilang chef, lalo na't kasama siya sa isang napakalaking association ng mga kilalang restaurant at chef sa bansa.
---
Habang inaayos ni Kaeden ang kaniyang mga gamit sa attaché case niya, pinapakinggan niya ang pinapaliwanag ni Alfred sa kaniya patungkol sa nangyari kay Frenchesca. It's an old case of blackmailing and to be honest he knows na kaya naman nina Basil at Alfred na lutasin ito.
"Sir, I think both of you can solve it," sagot niya dito.
"There's that. Pero hindi naman alam saan magsisimula. These photos were years ago. Kung sinoman ang may hawak nito, it's really impossible to track since we have to find people na kakilala niya noong kapanahunan niya. We'd have to scour the whole country."
Tumingin sa kaniya ang binata at nakita nito sa kaniyang mga mata ang ibig sabihin ni Alfred. It means he wants a clue to where to start. Sabagay, tama naman siya. For crimes like this, it's hard to find someone from 22 years ago.
Huminto ng kaunti si Kaeden at umupo sa silya. He looked at Alfred as if he is leading the policeman in the same line of thought.
"Probably someone who has a grudge sa biktima. Could be a long-time fan. Worst case, someone who needs money and happens to find the photos from somewhere."
Umiling si Alfred sa huling nasabi ng kausap.
"I can't find there anywhere on the internet. The model photos, yes. Pero the super obscene photos, no."
Sumandal si Kaeden sa back guard ng silya at nagisip. Inalala niya ang mga nasa notebook ng kaniyang ama at naalala ang isang bagay.
"Find the common connection. For blackmail crimes, it usually has a reason and need."
"I think, kailangan mong magsimula sa isang common connection. Let's say for example that the blackmailer has more photos like this. It is likely na gagawa pa siya ng ibang threats right after this one. Let's say hindi nabayaran ng biktima ang pera. What happens now? He would release the photos. But at this kind of times, it's hard because of the Cybercrime Division. Madaling mahahanap ang nagupload just in case he or she is using a computer and IP he or she owns. So what would the blackmailer do? Threaten the victim more."
"And then?" dagdag ni Alfred, habang nililista ang nasabi ng kausap.
"Let's say 22 years ago the stalker had these photos. Now he is trying to get money by threatening the person in the picture. The most possible case na may hawak ng litrato, someone with the same age bracket as the victim. Someone who needs money. Who knows she has money? Someone close to her."
"In our initial investigation, we checked her friends and family. Most of them are well off. Kaya sigurado akong malabong isa sa mga kaibigan niya o kapamilya niya. Gusto kong pumunta sa third point ng hypothesis mo, yung may taong may kailangan ng pera. Siguro doon muna ako hahanap ng simula."
Tumingin lang kay Alfred ang kausap at ang nasa isip nito ay ang nasa kaniyang pangatlong hypothesis. Isang taong may kailangan ng pera. Ito yung taong nagkataong may nakita siyang litrato ng biktima 22 years ago. For something like that to happen, iniisip niyang imbestigahan din ni Alfred ang mga taong kahit kakilala lang ang biktima. Maging ang mismong nasa café niya na mga regular customers ay pinalagay niyang maaaring subject. Most of the time, the blackmailers would stay as a regular customer para manmanan ang biktima.
Tatlong araw bago ang deadline ng blackmailer, nakapag-imbestiga sina Basil at Alfred malapit sa café ng biktima. Una nilang napansin ang isang customer na tingin ng tingin sa mga cashier at sa biktima na nasa kitchen corner. Parang minamasdan niya kung kailan lalabas ang patissier para ibigay ang order ng mga customer. Pangalawa ay ang cashier mismo nilang si Ritchie Espiritu. Nalaman nilang kaya naging cashier ang lalake sa café ay dahil matagal na siyang fan ni Frenchesca nang model pa siya, hindi dahil sa pagiging isang kilalang patissier. Sa ngayon ay itong dalawa palang ang nakikita nilang maaaring may intention na gawan ang biktima ng masama.
"I am not convinced," ito ang nasabi ni Kaeden nang ilagay niya sa isang relationship chart ang mga litrato at impormasyon na natanggap niya online mula sa dalawang kaibigang pulis.
"Anong ibig mong sabihin?" tanong ni Basil sa cellphone.
"It looks too clean and simple. Parang sinasadya ng blackmailer na ito ang lumabas sa imbestigasyon niyo. At this time alam kong alam na rin ng blackmailer na siguradong tatawag ng pulis ang biktima. So, it is only natural that whatever leads about him as the criminal could have been erased or fabricated. Sigurado akong hindi siya basta-basta magpapahuli."
Ibinaba ni Kaeden ang tawag ng kaibigan at tumingin muli sa relationship chart.
"I think we're looking at it the wrong way. It sounds so odd that after 22 years someone who has the photos of someone would just ask for money. They could've done it 22 years ago, right after they took the photo. Why would it just be now?"