---
Unang pinaimbestigahan ni Kaeden sa mga pulis ay ang customer na laging tumitingin kay Frenchesca. Siya si Rowaldo Bentrez, matagal nang house boy at hardinero ng isang mayamang pamilya. 52 years old. Pinakamalapit na suspek sa pangba-blackmail dahil halos nasa magkaparehas lang na henerasyon sa biktima. Napag-alaman ng mga pulis na dati pala itong gaffer ng isang nagsara nang kumpanya noong 1986.
Si Ritchie Espiritu, 25 taong gulang, ang cashier ang sumunod na hinanap ang detalye. Ayon sa imbestigasyon, maagang nawala ang kaniyang mga magulang. Naninirahan ito sa isang lumang condo at nagsa-sideline sa weekends bilang isang "moveout" boy – o yaong mga naghahakot ng gamit ng mga taong maglilipat ng bahay.
Personal naman na minanmanan ni Alfred ang iba pang maaaring maging suspek, pero lumipas ang isang araw ay wala parin itong makitang maaaring magpakita na ito ang hinahanap nilang gumagawa ng blackmail.
Sa pangalawang araw, naisipan ni Kaeden ang mag-on-location investigation. Una niyang pinuntahan ang tinitirhang condo ni Ritchie. Luma ang pintura ng condo na dalawang palapag lamang. Naka-model ito sa mga Japanese Old Condo, kaya maaari mong puntahan at walang security guards na kailangan dahil nakatira lamang sa itaas ang mismong may-ari ng condo at naniningil ng renta kung kinakailangan.
Napansin niya ang mga basurerong dumating na hinakot ang basura ng buong condo. Nilalagay nila ito sa clear plastic bag para madaling i-segregate kung kinakailangan. Dahil sa segregation code, kinailangang magbago ng mga basurero ng paraan para hakutin ang basura – dahil sa local government order.
Linapitan ni Kaeden ang mga basurero at doon niya nakita ang ilang plastic bag na may marka na "2-F". ito ang mismong marka sa pintuan ng unit na inuupahan ni Ritchie. Puro papel. May ilang mga newspaper itong laman at ilang noodles wrappers. Halatang mabilisan lang ang kinakain ng binata dahil sa hirap ng buhay at trabaho nito.
"No time to check the internet, perhaps? Kaya sa newspaper siya kumakalap ng balita…"
Kaeden thought it was an obvious statement. Ang blackmailer ay gumamit ng newspaper sa pagte-threaten sa biktima. Pero, at the same time, it makes Ritchie someone who can easily be detected as the suspect of the crime. Knowing this, alam niyang hindi niya dapat ipahalatang siya ito.
Pangalawang pinuntahan niya ang regular customer na si Rowaldo. Naisip niyang hindi magsasalita ang matanda hangga't hindi pulis ang magtatanong sa kaniya. Kaya si Alfred ang lumapit dito at ipinaalam ang pakay nila sa kaniya. Habang pinuputol nito ang mga hindi kailangang sanga ng mga halaman sa hardin, sinimulan ni Alfred ang pagtatanong sa matanda.
"Mr. Bentrez, gusto ko lang malaman kung ano ang koneksyon mo sa may-ari ng Mycroft Café na si Frenchesca Honorio?"
Tumingin sa kaniya ang matanda na para bang binabasa kung ano ang ibig nitong sabihin. Ibinalik niya muli ang tingin sa mga halaman bago sumagot sa kaniya.
"Dati akong gaffer sa studio na pinagtrabahuan dati ni Frenchesca. Hindi niya siguro ako maalala kasi part timer lang naman ako noon. Tsaka, mabilis siyang lumipat ng kumpanya dahil hindi rin naman talaga maganda ang patakaran sa pinagtatrabahuan ko noon. Karamihan sa mga model na nandoon ay X-Deal, dahil hindi pa naman talaga sila sikat sa industriya. Mga probinsyana na nagnanasang magkaroon ng break sa siyudad, o yung mga taga siyudad namang feeling nila isang break na ang maka-xdeal ang kumpanya."
"Baylands Studio, tama?"
"Oo. Isa si Frenchesca sa mga mabilis na sumikat kaya parang naging regular siya doon sa kumpanya, kaya lang, hindi talaga maganda ang ugali nung may-ari, hanggang sa mawalan na ito ng mga taong gustong makipag-transact pa sa kanila."
"Kung isa kang gaffer ng kumpanya noon, maaaring mayroon kang kopya ng mga ilang newbie shots at xdeal shots ni Frenchesca noon, na ginagamit mo ngayon para iblackmail siya na magbigay ng pera, tama?"
Tumingin muli sa kaniya ang matanda at tumawa lang ito sa nasabi ng pulis. For him, it sounds ridiculous.
"Sir, gaffer lang ako. Hindi ako cameraman o kaya director ng movie studio. Wala akong karapatang dumampot ng mga kopya ng shots ng mga model. Hindi ako ang hinahanap mong blackmailer."
"Kilala mo pa ba ang mga photographer at director noong nagtatrabaho ka sa kumpanya?"
"Ah, oo. Ang photographer na palaging andoon kapag xdeal ay si Juan Ricardo, siya yung photographer na kumukuha ng pictures ng mga bagong model o kaya yung mga kumikita na sa kani-kanilang mga photobook. Ang alam ko, buhay pa yun at nandito parin sa Pinas. Yung director, si Enrico Sanchez. Kaya lang, ang pagkakaalam ko, patay na siya. Last year lang."
Agad na sinulat ni Alfred ang mga ito sa kaniyang notebook at nagpaalam kay Rowaldo. Sinundan siya ng tingin ng matanda at napailing lang na bumalik sa kaniyang mga alagang halaman. Habang nasa police car, iniisip ni Alfred ang maaaring koneksyon ng blackmailer sa biktima. Ang pinakamalapit na suspect ngayon ay ang buhay pang photographer. What if he had those photos stored, and now that he needs money, he wants to expose those pictures for money?
Pero ang underlying question sa isip ni Alfred ay kung bakit photos pa ni Frenchesca ang naisip niyang i-expose. The woman is already out of her prime. Sure, people would usually be concerned about their younger photos getting exposed out there, pero – isn't it a better game to show photos of new models now with them earning millions?
---
Pinuntahan ni Alfred ang bahay ng photographer na si Juan Ricardo. Contrary to his belief, mayaman parin ang photographer. There is no need for him to expose anything at all. He had all he wants. Living in a large mansion, two maids, three expensive cars – what else would he need money to extort from a merely café owner?
Pinaghanda agad ni Juan ng kape ang isa sa kaniyang mga kasambahay at inimbitahan si Alfred sa salas para doon magusap. The place is cozy, alam niyang hindi ito mumurahing mga sofa lang.
"Pagpasensyahan mo na at medyo matagal ako bago nakapagrespond sa tawag niyo. Sa katunayan niyan ay kababalik ko lang ng Pilipinas. Nasa Canada ako ng sampung taon. Kakarating ko lang dito months ago. Eh ang dami palang kailangang gawin dito sa Pilipinas ngayon bago tuluyang mapasa-iyo ang mga lupa at bahay," paliwanag ni Juan na may masayang tono sa kaniyang boses. Walang nababasa si Alfred na kung anumang kaba sa tao kung siya nga ang blackmailer. But then again, the best criminals don't show their weaknesses, especially to a police officer.
"Okay lang, sir. Alam niyo naman siguro ang dahilan kung bakit andito ako ngayon."
Tumango lang si Juan at tumingin sa labas ng kaniyang bahay.
"Unfortunately, officer, wala akong kopya ng mga sinasabi mong pictures ng model na si Frenchesca. Most of the company's stored photos were either washed away by the storm noong 1981, or the earthquake noong 1991. The company once had this archive that lasted even after 4 years of its bankruptcy. The late director had the archives, but sadly, wala na din siguro. He died without anything on his possession. Nabalitaan mo naman siguro, the director died with debts."
"So he could have been the one na nagbablackmail sa model, dahil siya ang may hawak ng archives, tama?"
"Ganun na nga, officer. Hmmm, teka…"
"Ano yun, sir?"
"Ang naaalala ko, I had a black plastic box where I had archives and notes of my X-Deal photoshoots, starting from 70s – 90s. Kaya lang, that was when I was still living with my grandparents. Since they died, napilitan akong ibenta yung bahay, go abroad and work, just to afford this mansion. Ang alam ko nasa bodega yun noon na kasama sa mga ipinalagay ko doon sa basement, pero come to think of it, wala siya doon."
"Ano po ba exactly ang laman pa ng black box?"
"Well, you see, when I was younger, I did have some crazy thoughts. May mga notes ako doon ng bawat model na may X-Deal photoshoot sa akin. I also took shots of them in different rooms. With their consent naman yung iba. But I was particular na aside from Frenchesca, I had five models na may mga risqué shots talaga na kinuha ko for my personal collection."
Tumawa lang si Juan nang makita ang expression sa mukha ni Alfred.
"I tell you, that was long ago. But I never intended to sell them to anyone or use it to blackmail someone. Those were like my collection only. Pero ang nakakapagtaka, when we moved out into this mansion, sabi sa akin ng mga caretakers ko, naisama naman daw. But I don't have it right now."
"Did you use a delivery service of some sort?"
"Yeah, I think I did. Blue Hamster Delivery Services."
Dito na nagkaroon ng tamang hinala si Alfred. Habang iniinom ang kape at nakipagkwentuhan sa photographer, alam niyang number 1 suspect na ngayon si Ritchie. Nagtatrabaho ito sa Blue Hamster Delivery Services.
---
Inireport ni Alfred ang lahat kay Basil, at itinawag naman kay Kaeden. It seems plain and simple for a crime, Kaeden thought. Para bang ang linis at madali lang hanapin ng mga pulis ang lahat. Though clearly, kung nasa kamay ni Ritchie ang mga litrato, and he recognizes Frenchesca, he is the one who sent all those blackmail letters.
Mabilis na pinareport si Ritchie sa interrogation room para imbestigahan. Nahanap kasi nila na isa sa mga naging client nila sa delivery ay ang bahay ng yumaong Soledad at Juancho Ricardo, grandparents ni Juan Ricardo.
"Alam namin na ikaw ang isa sa mga moveout boy ng pamilya Ricardo. Identified ka rin na ikaw ang isa sa mga naghakot sa bahay na iyon ayon sa record ng kumpanya kung saan ka nagtatrabaho," tanong ni Basil sa tahimik na si Ritchie. Nasa Observer's Room naman sina Kaeden at Frenchesca, na nakikinig sa interrogation.
"Ritchie, kung ako ikaw magsalita ka na. Mahahanap at mahahanap din namin ang mga pictures na iyon sa kwarto mo kung dumating ang warrant," patuloy ni Basil.
"Wala akong alam sa mga sinasabi niyo. Part-time lang ako doon at wala akong maalalang black box na sinasabi niyo."
"Balita ko ay dalawang buwan ka na raw na hindi nakakabayad sa renta mo. May utang ka din dawn a 50,000 sa isang loaning company at hindi ka pa nakakapagbayad. Isang malaking rason kaya mo ginagawa ang pangba-blackmail ng pera, hindi ba?"
"Sinabi nang wala akong alam dyan! Wala akong alam dyan sa mga pictures na binibintang niyo sa akin!" galit na sagot ni Ritchie at napatayo dahil sa naririnig na paratang sa kaniya.
"Relax ka lang. umupo ka. Malalaman din natin yan kapag nahalughog na namin ang condo unit mo," kalmadong sagot ni Basil sa kaniya. Sinenyasan si Alfred na nakatayo sa loob para alamin ang progress ng warrant. Lumabas agad si Alfred at nang makitang naaprubahan na, mabilis silang lumakad para halughugin ang unit ni Ritchie. Nakakaisang oras na silang naghahanap pero wala parin silang makita. Idinial agad ni Alfred ang numero ni Basil sa kaniyang cellphone para ipaalam ang report. Wala silang mahanap na black box o kaya kahit isang litrato ni Frenchesca sa unit.
Sinenyas agad ni Basil mula sa Observer's Room ang resulta. Dito na nahulma sa isip ni Kaeden na hindi sila nag-isip ng tama sa imbestigasyon. There was rather something off from the start. Something simple they themselves overlooked. Pinuntahan niya agad ang interrogation room at kinausap si Ritchie.
"Ritchie, naaalala mo pa ba kung sino ang nandoon nung naghakot kayo ng gamit?" tanong ni Kaeden. Kapag ang nasa isip nito ang isasagot ni Ritchie, alam niyang ito na ang hinahanap nilang tao.
"Ang caretaker lang nila. Dahil nasa abroad naman daw ang may-ari ng bahay, siya ang inatasang magbukas ng bahay para mailagay na namin lahat sa truck."
"Inspector, hindi si Ritchie ang may gawa ng pang-ba-blackmail. We were wrong from the start. Ginamit niya si Ritchie para maiwala tayo sa imbestigasyon. Since the caretaker had the keys, maaari siyang maghakot ng kung anu-ano doon sa bahay. That includes the black box. If we can get hold of the black box from the caretaker, then he is our guy."
Mabilis na lumakad sina Basil at Kaeden para hanapin ang caretaker. Ngunit isang napakalaking balita ang bumigla sa kanila.
Natagpuan nila ang caretaker na patay na, left side of head shot. Gun in right hand. Nasa kwarto rin nito ang black box, naglalaman ng ilan pang litrato ni Frenchesca at ng lima pang models.
"So, we have one cased solved. Alam nating ang caretaker ang gumagawa ng blackmail letters, pero ang tanong, why would he commit suicide?" wika ni Basil habang hinihintay ang forensics para imbestigahan ang lugar.
"Konsensya?" sagot ni Alfred.
"Or that something came up. Why would someone risk his life dahil lang dito?" patuloy naman ni Kaeden, na nakatingin sa bangkay.
"Most likely, this would come up na sucide. Kapag sinabi ng nakakataas na i-rule out ito bilang suicide, yun ang lalabas. I would go with Alfred. Let us deal with this, Kaeden."
Tumango ang binata at ipinaubaya sa mga pulis ang pangyayari. It just seems so off that hindi pa naman nila nacocorner o nalalaman na siya talaga ang buong may kagagawan ng blackmailing pero magpapakamatay ito. Why would someone who knows he isn't cornered yet, commit suicide so he can't be taken by the police?
---
"So, why did you do that? You killed the caretaker, eh mahuhuli din naman na ng mga pulis?" tanong ni Sam kay Janus, na siyang nagda-drive ng sasakyan nila papunta sa bahay ng kanilang boss.
"Fan ng tatay ko yung model. Eh, naalala ko lang na kahit patay na siya, I think he wouldn't like his idol model getting harassed by someone. I just leveled up the punishment," paliwanag niya. napailing lang si Sam dahil sa totoo lang, Janus could've just waited for the police to arrest the suspect and that's it.
"Nasa policy ko kasi yan eh. Sometimes, I do justice," patuloy ni Janus.
"Well, all of us have our own policies. Nakakapagtaka lang at hindi nila inimbestigahan pa ang krimen. You made it like suicide, but surely, meron at merong magiisip otherwise."
"Police ruled it out as suicide. I made it so believable to be like that."
Ngumiti lang si Sam at tumingin sa bintana ng sasakyan. Napansin niya ang Mycroft Café na pagmamay-ari ni Frenchesca at nakita ang maraming taong dinadagsa ito. The people got interested of her again, dahil sa pangyayari. In a way, it was like a blessing. Dahil doon sa blackmailer at sa mga balita tungkol sa nangyari, she got popular again.