Chereads / Case Book of Detective Kaeden (TAGLISH) / Chapter 62 - Art Movement: File 1

Chapter 62 - Art Movement: File 1

"It seems stress have been piling up for you, inspector. Kailangan mong mag-wind up, a way to release all that stress, or else, it would come against you someday. Maaapektuhan ang trabaho mo," paliwanag ni Dr. Crisanto Quirino, ang psychiatrist ni Basil at matagal na din niyang kaibigan. Nakilala niya ito fifteen years ago, and mula noon, dito na siya nagpapatingin sa mga issues niya sa buhay – the stress and pressures in his life, this man is his solution.

"You can say that. Actually, balak nga ng asawa ko eh magbakasyon man lang daw sana ako ng isang buong linggo para makapag-bonding naman kaming mag-asawa. Isa pa, lumalaki na ang anak ko na hindi ko masyadong nakakasama," sagot ni Basil, habang ineenjoy ang pagupo sa isang relaxing chair na kadalasan inuupuan ng mga pasyente ng doktor.

"Do that. Aba, mahirap din na laging wala ka sa tabi ng pamilya," ngiting sagot ng doktor. Hindi lang sa parte ng problema nakakatulong si Crisanto. May ilang mga kasong nahawakan ang inspector na siya ang nagbigay ng advice kung paano mabigyan ng solusyon. Pero ayon sa kaniya, mas mahalaga ang malamang healthy ang kaisipan ng kaniyang pasyente kaysa makialam sa mga trabaho nila sa imbestigasyon.

"Yeah. That recent case was a headache. Pinakinggan namin ng halos kalahating oras ang sermon ng Senior Superintendent. Sa totoo lang eh halos gusto na naming umuwi lahat."

"Recent case?"

"Yung tungkol sa model na blinackmail ng isang caretaker ng dating sikat na photographer. Yung may-ari ngayon ng Mycroft Café."

"Ahhh, nabasa ko nga sa newspaper. Suicide daw."

"As it should be. Natagpuan namin lahat ang ebidensya doon at patunay na siya nga ang nangba-blackmail. Kaya lang para sa mga nakakataas gusto nilang ayusin namin agad dahil siguradong kapag mas malaki pang balita, siguradong walang tulugan at uwian na naman," pabirong sagot ni Basil at tumingin sa bintana. Totoo ang sinasabi ng kaniyang psychiatrist. Kailangan niya ng bakasyon.

---

Sa mga oras na iyon ay naging busy naman ang buhay ni Kaeden. Ganoon din si Josephine, na pinipilit ng kaniyang ina na tignan ang kanilang jewelry business. Sa laki ng yaman ng mga Garcia, halos hindi na alam ni Josephine kung anong business nila ang uunahin niyang tignan. She is the daughter of two business giants in their time after all. Naisip lang niya, may isa ding anak ng isang business giant. Ang nakakaasar na kaibigan ni Kaeden, walang iba kundi si Chelsea. Inalis na lamang niya sa kaniyang isipan ang babae at sinimulang tignan ang kanilang negosyo. Sa totoo lang, mas nanaisin niyang magtrabaho at magsimula sa sarili niya kaysa hawakan ang mga malalaki nang negosyo ng kaniyang mga magulang.

Isang buong linggo na iniayos ni Kaeden ang kaniyang mga architectural plans. Kailangan na kasi ng isang malaking Japanese company ang kaniyang mga designs na gagamitin sa ipapatayong dam site. Binili ng local government ng Baguio ang proposal ng Japan, at ang nakahawak sa pagpapagawa ng buong building ay ang local government, pero ang teknolohiyang gagamitin ay galing naman sa mga electronics genius, ang Japan.

Tumingin siya sa kaniyang wristwatch. Alas nuebe palang pala ng umaga. Naisipan niyang kumain ng agahan nang nagring ang kaniyang cellphone. Alam niyang siguradong si Josephine na ito. Maaaring gusto nitong kumain sa labas. Pero nang tignan niya ang screen ng kaniyang cellphone, nagulat siya at isang hindi inaasahang tao ang tumatawag sa kaniya. Si Sienna, ang car show model at car dealer ng isang kilalang automobile brand.

"Hello, Ms. Sienna?"

"Kaeden! Kumusta?"

"I'm fine. What's up at napatawag ka?"

"Well, you see, inindian ako ng ka-date ko eh. Pinakilala kasi ng kaibigan ko, baka daw siya na ang mister right, pero wala naman, hindi dumating. Andito lang ako sa Mycroft Café, I was thinking maybe we can just grab some breakfast together. Malapit lang naman sa inyo, di ba?"

"Ahhh, yes…yes, it is. Wala pang isang sakayan."

"Great! I'll be waiting."

"Sure."

Nagtaka siya dahil sa totoo lang ay hindi sila gaanong close ni Sienna. Sure, she is the car dealer who took care of his car back then, pero other than that they are just that as friends. Hindi pa sila talaga masyadong nagkakausap.

---

As he has suspected, hindi lang basta isang breakfast ang invitation ni Sienna. Alam niyang mayroon pa itong gustong sabihing iba. And this, is what the breakfast is really for.

"Wala kasi akong partner eh, so I was hoping you could help me to be my partner sa art exhibit. I heard you love paintings, so I was thinking na ikaw ang makakatulong sa akin," paliwanag ng dalaga na parang pinapractice ang pagpa-puppy eyes para lang mapapayag siya na sumama sa kaniya sa sinasabing art exhibit.

"When is this? Saan?"

"Next week. Monday. Sa Quezon City. Sa isang art exhibit ng ilang mga kilalang painters. Well, it's a must na may partner ka since the theme is about love. Ya know, today's February, so kinakailangan na by partners. I hope I am not getting a lot of your time. Alam kong busy ka but really, I have no one to ask."

"An almost 9 hours ride, before we can arrive. Well, wala naman akong meeting sa lunes, so I think I can accompany you."

Napangiti si Sienna sa narinig. At last hindi siya mapoproblema sa art exhibit. Sa totoo lang ay ayaw niyang pumunta pero kailangan niya dahil ayaw niyang hindian ang kaibigan niyang painter doon sa art exhibit. Bukod sa isa ang painter na iilan sa kaniyang kaibigan, nais niya ding makita kung ano ang meron sa painting world at tila nagiging isang malaking money making business ito sa kasalukuyan.

Binuksan ni Sienna ang kaniyang Prada shoulder bag, at kinuha mula roon ang ticket ng art exhibit.

"Here's your ticket. Trust me, this is one big exhibit."

Kinuha ni Kaeden ang ticket at binasa ang front side ng ticket.

"ASIAN ART EXHIBIT UNITED. FEBRUARY 10, 2021.���

"Are you sure about me though?" tanong ni Kaeden sa dalaga. He is talking about the woman's fame. Kilala si Sienna sa buong pilipinas. To think that a normal person without fame would be the ones to accompany her would rather be something weird for her to do, or, at least, hindi nababagay na ito ang kasama niya sa nasabing event.

"Don't worry. Naku, ang mga nangmamata lang naman sa mga ganoong event eh yung mga feeling may pakialam sa buhay ko no. Kita mo nga dito sa Mycroft, hindi naman sila nakikialam o nagpapatanong, o kaya humihingi ng autograph. Come on, like you, isa lang naman akong simpleng car show model. Hindi ako si Matilda Locsin para pagpiyestahang hingian ng autograph!"

Naalala ni Kaeden ang nasabi ni Sienna na artista. He just felt a different feeling about her. He doesn't know what it is, but her gaze is just very hypnotic. Para bang magkakainteres ka sa kaniya as you look into her eyes. He noticed this when they met personally. Hindi niya alam kung ito rin ang nararamdaman ng ilan sa kaniyang mga kasamahang artista or if it's just him.

"Baguio Culture, you know that," pabalik niyang sagot kay Sienna.

In Baguio, wala masyado pakialam ang mga tao sa mga artista. You would see an actress like Katherine Bernardo or Julia Montes walking in Session Road but no one is batting an eye. Hindi kasi mahilig sa artista ang mga taga-Baguio, and it has been well documented. They are not as fond as Manila with actors and actresses.

Napailing lang si Sienna sa excuse ng binata. Pero sa totoo lang ay mas gusto niya ang atmosphere ng Baguio. Silent and peaceful. The bustling noises in Manila and the heat isn't just her style. She lived in Manila for ten years and she felt Baguio is just her new hometown.

Napansin ni Kaeden na ang art exhibit ay may isang parte na nagkaroon siya ng interest. They promised to show amateur painters during the 1923, mga pilipinong naging pioneer ng Fauvism at Cubism sa Pilipinas, who, unfortunately, died without their works being known. May auction din na magaganap.

---

The whole trip was draggy for both Kaeden and Sienna. Kahit na sa non-ordinary bus sila kumuha ng ticket papuntang Manila, both of them felt there was not a time for them to actually rest in the trip.

"You know, I feel really hungry all of a sudden. Kaya lang, we're in Pasay. Ano naman kaya ang pwede nating kainin dito?" reklamo ni Sienna. Sa sampung taon siyang nawala sa Manila, halos marami na rin ang nagbago at hindi niya alam kung saan pupunta.

"Has it really been ten years for you? Imposibleng wala kang car show sa Manila?" pabirong tanong ni Kaeden sa kaniya.

"Well, I do. Pero we are always with a manager who takes care of our trips and landing locations. Doing this, na-ah."

"Well, kung gusto mo talagang kumain, there's one good place in Bacoor. We can always go there, go to Quezon City after."

"That's two trips, Kaeden."

"But you're hungry, right?"

Walang nagawa si Sienna kundi sumunod sa kaniya. Para sa kaniya, this is the first time she would be going out with someone near her age. She's already 32, while Kaeden is 28. Halos hindi mo makikita sa mukha ni Sienna na 32 na siya, as she really looks young. She always brags the "Asian genetics" whenever she is asked why she looks like 23.

Dumaan ang tricycle na sinakyan nila sa isang ramen house. Ayon sa binata, ang ramen house na iyon ay nagse-serve ng authentic Japanese ramen, dahil ang may-aring babae ay nag-asawa ng isang Japanese ramen chef. The two old couple have always been in Kaeden's mind whenever he goes for a good ramen in Cavite.

Habang kumakain ang dalawa ng inorder na ramen, naalala ni Sienna ang nasabi sa kaniya ng kaibigang si Valerie tungkol sa art exhibit. Naalala kasi nito ang sinasabi niyang may isang urban legend ang mga artworks ng isang amateur painter noong 1978 na si Ben Tudio.

"Have you heard the painter named Ben Tudio?" tanong ni Sienna sa binata.

"Ben Tudio?"

"Isang painter na magsimulang magpaint around 1978. He's getting famous daw nowadays nang ma-discover ng isang sikat na art critic ang kaniyang mga gawa."

"Unfortunately, I haven't heard of him."

"Well, here's the thing. Sabi ng kaibigan kong si Valerie, there is an urban legend about this painter. Not sure if true, but no one ever said it being false as well."