Agad silang lumabas sa art exhibit at naghintay ng taxi. May isang taxi na agad na pumarada sa kanila at hinintay kung sasakay sila o hindi. Mabilis nilang pinara ang taxi at sinabi ang address na pupuntahan nila.
"Mitchell!?" gulat na tawag ni Kaeden sa taxi driver ng makita niya ang mukha ng driver nang masabi nila ang address.
"Kaeden? Aba, bakit andito ka sa Quezon?"
"Long story, kuya. Let's go."
"Okay. Kwento mo nalang habang nagda-drive ako. Isang oras at kalahati ang aabutin bago natin marating itong address na ito."
"Nagtataka lang ako na lahat na ata ng lugar nagda-drive ka…"
"Kakatapos lang ng kontrata ko na driver ni Sir Stephen. Naisipan kong mag-sideline uli."
---
Pagod na humiga si Josephine sa kaniyang kama at naisipang tignan ang social media sa kaniyang cellphone bago tuluyang matulog. Napansin niyang may friend request si Chelsea sa kaniya. Sa totoo lang, ayaw niyang i-accept ito, pero kung hindi niya iaaccept, iisipin ni Chelsea na isa siyang threat sa kanila ni Kaeden. She had no choice but to accept it.
Naisipan niyang i-check ang Facebook ni Kaeden pero wala siyang kahit isang post. Sinunod niyang tinignan ang Instagram ng binata at nakita niya ang isang post na may nakatag.
"Art exhibit. The paintings are amazing. Thanks for inviting me, @RealSiennaLegarda!"
Tumaas ang kilay ni Josephine sa nakitang post. Sa totoo lang ay hindi niya maimagine kung bakit nagiging dense sa kaniya si Kaeden. She has been showing the signs that she likes him. Actually, high school pa lamang sila. Alam niyang minsan, Kaeden has been responding to her feelings, but at the same time the moment that other women are inviting him to parties and such, agad namang pumapayag ang binata.
"Aba, at si Sienna Legarda pa talaga!" reklamo nito at ibinaba ang cellphone niya matapos na makita ang mga comments sa post kung saan tinatanong nila kung paano niya nakilala ang sikat na car show model at shampoo commercial model.
---
Unang rumesponde sa crime scene ay ang unit nina SPO2 Melchor Urquidez. Kasama sila sa isang malaking investigation unit ng Manila Metropolitan Police Department. Nang makalap ng mga forensics ang detalye ng crime scene, tinawagan niya ang kasamang si PO3 Bok Dela Cruz. Ito ang pinaka-buddy niya sa mga imbestigasyon at kasong hawak ng kanilang unit.
"Bok, ano to!? Magbabakasyon sana ako kasama ko ang asawa ko bukas. Ikaw naman, di ba magbo-Boracay sana kayo? Pambihira, wala na nga tayong pahinga dahil sa nakaraang COVID2019, ngayon naman may kaso tayong hahawakan?" reklamo ni Melchor sa kasama.
"Oo nga sir eh, pero wala eh, di yata tayo tinatantanan ng mga problema."
"Ano yun, parang si Mike Enriquez nalang ba ang mga krimen dito sa Quezon City?"
"Parang ganun na nga, sir."
Napasinghot na lamang sa asar si Melchor at inalis ang kaniyang sombrero nang marinig ang sagot ng buddy.
"Pero sir, may balita ako sa iyo na siguradong magugustuhan mo."
"Ano, Bok? Ano ang magandang balita mo? Amuse me."
"Sir, andito yung nasa commercial palagi sa tv habang nanonood tayo ng rerun ng Columbo."
"Yung sa shampoo?"
"Yes sir. Balita ko, kaibigan yata nila yung anak ng biktima. Nasa salas siya sir. Hindi lang yun sir. Kasama din niya yung nababalitang partner nung Senior Inspector sa Baguio."
Seryoso na ang tingin ni Melchor sa buddy at nagpasama papunta sa salas. Doon, nakita niya nga ang model ng shampoo na nakikita nila palagi sa commercial ng tv. She is the real deal. Melchor always had the thing for long haired women with great body. Sa totoo lang, hindi maitatago sa kahit sinong lalake ang mabighani sa ganda ni Sienna. She has this beautiful black hair, beautiful eye lashes, deep black eyes and kissable cherry colored lips. She has the charm of Erika Sawajiri with the beauty of Miru Shiroma.
That is how Kaeden explains her beauty.
"Alam mo Bok, talagang ang ganda niya no? Parang Sora Aoi ang ganda niya."
"Sir, may asawa ka na. Tsaka, Sora Aoi? Sigurado ka dyan?"
Nilapitan ni Melchor sina Raffy kasama ang kaniyang mga bisita, kasambahay at secretary para hingian ng kaunting mga statements. Ayon sa kaniyang mga kasambahay, matutulog na sila nang marinig nila na parang may kausap ang kanilang amo, pero dumiretso sila sa kanilang quarters para magpahinga. Hindi nila aakalaing pagkatapos nito ay mangyayari ang hindi nila inaasahan.
"Well, ayon sa forensics, Mr. Tudio, your father was shot in a point-blank range. The bullet belongs to a 9MM handgun. Right now, masasabi kong hindi siya lisensyadong baril. Probably even modified. Might belong to thugs who are hiding in this country," paliwanag ni Melchor kay Raffy.
"Sir Raffy, may alam ba kayong rason kung bakit may taong gustong patayin ang inyong ama? Hindi kasi kami kumbensido pa kung bakit may gustong pumatay sa inyong ama," patuloy ni Bok. Dahil sa totoo lang, walang kahit na anong nakikitang motibo ang mga pulis bakit pinatay ang isang pintor na si Ben Tudio.
"Wala akong alam. Hindi pala-kaibigan ang aking ama. Pili lang ang kaibigan niya at sa totoo lang they are all in good vibes. Kaya naisip ko na kung may nakaaway siya, ay yun sana ang may motibo para patayin siya. Besides that, wala talaga akong maisip."
Ilang minutong naging tahimik ang salas. Doon binasag ni Kaeden ang katahimikan nang maisip niyang iisa lang ang motibo at bakit may pumatay sa biktima.
"I think, I know the motive, sir Raffy."
Tumingin ang lahat sa kaniya at sinimulang ipinaliwanag ang motibo.
"Just for that urban legend?" hindi makapaniwalang tanong ni Raffy. Para kasi sa kaniya, it is a ridiculous excuse for murder.
"It might be a ridiculous one, sir, but, what if that person believes na talagang may tinatagong yaman ang iyong ama? That there are codes hidden in the paintings?"
It is a reasonable motive. If argument with friends is out of the question, the only remaining thing that makes the murder becoming real, is about the urban legend, the codes in the paintings and the hidden wealth.
Kaeden knows it's time for the police to uncover the truth. Are there really codes in the paintings or none?
---
Inisa-isa ng forensics na tignan ang patungkol sa mga paintings. Pinakiusapan ni Kaeden si Melchor na balitaan sila sa resulta. Pumayag ito, sa pangakong tutulong siya sa pagresolba agad nila sa kaso dahil gusto niyang magbakasyon kasama ang asawa sa Tagaytay.
Matapos isa-isahin ng forensics ang mga painting sa mga paraan para makita nila ang sinasabing mga codes, nagulat ang lahat sa narinig na report ng Forensics Team.
"We've found something sa isang painting. Don't know what it means. We are still investigating the other paintings. Hinahanap ng mga kasamahan ko kung may iba pa silang makikitang numero, letra o kung anumang figure sa halos limampung painting," paliwanag ng forensic leader.
"Would you mind telling us, kung anu-ano ang mga natagpuan niyong codes?" tanong ni Kaeden. This time, his interest has been fully heightened. Whatever the codes are in the painting, should at least tell them what is the motive of the killer for murdering the painter.
"This will be a long night. Nakita namin ang nakatagong mga numero sa painting niya noong 1979, sa "Street of Love". Here you go," sagot nito at ibinigay kay Kaeden ang isang piraso ng papel kung saan nakasulat ang sinasabing code.
24 25332452 442315 252431311542 1144 4311334424112234 35114225
Sunod na tumingin sina Raffy, Sienna, Melchor at Bok.
"Random numbers? Probably a safe code number?" suhestiyon ni Sienna.
"Too long for a safe number, Ms. Sienna. Usually, safe codes are under 6 to 9 numbers only. Besides, my father is not fond of entrusting things to a Safe or Security company," agad na sagot ni Raffy.
"Totally not a password as well. This is a very easy to crack password if that's the case…" patuloy ni Kaeden. Nagkatinginan lang ang dalawang pulis dahil maging sila ay walang alam sa kung ano ang meaning ng nasabing code.
---
Habang hinihintay na makita ng mga forensics ang code sa bawat painting, pinagdesisyunan ni Raffy na magpahinga ang dalawa niyang bisita sa kanilang bahay. The guest room can fit only one, so kailangan nilang magshare ng tulugan. Walang nagawa sina Kaeden at Sienna but to share the room. Sa totoo lang matatagalan pa bago makita ng forensics ang bawat hidden message dahil ilalagay nila ito sa isang special scanning method.
Hindi na rin naka-hindi sina Melchor at Bok na icancel muna ang kanilang bakasyon dahil kailangan nilang maresolba ang kasong kinahaharap nila.
"I'll just sleep in the sofa, Sienna. The bed is yours. I want to solve this code," paliwanag ng binata at hinayaang iayos ni Sienna ang kaniyang mga gamit, na nakaupo sa kama at nakatingin sa kaniyang cellphone. Halatang may kausap ito sa text message o social media dahil tutok ang mga mata nito sa cellphone.
"You sure? Don't want to share the bed with me? Malawak pa naman," biro ng dalaga.
"You're joking, I know. Sharing the bed with me is not a good idea, trust me," tawang sagot ni Kaeden at ibinaon ang mata sa mga numero sa papel. He wants to know what is the meaning of the code.
Una niyang tinignan ang spacing ng mga numero. Clearly, it is a set of words. Because if it is just a single word, there is no need for the spacing.
"This isn't a simple letter substitution cipher. I tried substituting each number into letters, as well as by pairs but it doesn't show me anything. It doesn't make any sense."
"You know, the code is just too long. Bilib din ako kay Ben Tudio, that he is able to put that plenty of numbers in his painting. The painting isn't even rectangle, you know. Maliit lang na piece ang painting. It's amazing how he is able to fit those in a small square," wika ni Sienna, habang tinitignan ang kaniyang bagong Instagram post. Natatawa siya habang hinihintay na magreact ang taong inaasahan niya kapag nakita ang kaniyang post.
Tumatak sa isip ni Kaeden ang nasabi ni Sienna.
"Square?"
Tinignan niyang muli ang mga numero at mabilis niyang nakita na hindi siya nagkamali sa naiisip na paraan para ma-crack ang code.
"These numbers…I know what they mean now!"
---