"Talaga? You know what they mean?" tila sorpresang tanong ni Sienna sa kaniya, while looking at him na para bang gusto nitong marinig lahat ang paliwanag ni Kaeden.
"You just gave me a clue just now."
"Which is?"
"You said square."
"And then?"
"Ang mga numbers na ito ay walang iba kundi isang klase ng Greek Square Cipher. Isang klase ng multilateral cipher. The one who invented this was someone called Polybius. This was once called the Polybius Checkerboard, hanggang sa tinawag na itong Greek Square. Bawat letra ay mayroong two letter equivalent base sa lugar nito sa matrix. Dahil may 26 na letra sa alphabet at 25 lang ang nasa grid, pwedeng ilagay ang dalawang letra sa isang grid. Malalaman mo din agad kung ano ang substituted letters kapag idedecode mo na ang cipher."
Sienna's eyes rolled and looked at the representation na ginawa ng binata para sa kaniya para ipaliwanag ang sinasabi nitong cipher.
"So based on this decoder, ano ang ibig sabihin ng code?"
"24 is I, 25332452 is KNOW, 442315 is THE, 252431311542 is KILLER, 1144 is AT, 4311334424112234 35114225 is SANTIAGO PARK. Combined, I KNOW THE KILLER AT SANTIAGO PARK."
"Which killer? For all we know napakaraming killer sa Santiago Park. You know wide Manila is."
"Process of Elimination, Ms. Sienna. We can always find any murders in between the time the painting was created."
Napabilib agad si Sienna sa nasabi ng binata. She wasn't thinking for herself at that time. Oo nga naman. Ang dapat nilang tignan ay murders between the conception of the painting until it was done.
"We can always have the police at work take care of that one," suhestyon ni Sienna. Tumango lamang si Kaeden at hinintay ang umaga para ipaalam sa mga imbestigador ang natagpuan patungkol sa painting, at hanapin kung may mga krimen bang naganap nang mga panahong nagawa ang painting.
---
Nang marinig ni Melchor ang paliwanag ni Kaeden patungkol sa unang painting, agad niyang ipinag-utos sa kasamang si Bok na imbestigahan kung mayroong krimen na nangyari nang panahong ginagawa pa ang painting. Maging si Raffy ay hindi makapaniwala sa narinig, dahil hindi niya lubos akalain na totoo ang patungkol sa urban legend na may codes nga ang painting ng kaniyang ama. The only problem is that it's not about gold, but about a certain murderer.
"I was just ten years old when the painting was done," paliwanag ni Raffy.
Hindi nagtagal ay tumawag si Bok at agad na sinagot ni Melchor ang cellphone. Ayon kay Bok, may isang insidente ng unsolved case of murder na nagananp nang panahong matapos ang painting. The case was about a certain killer who stabs women at night. They dubbed it as the "Red Woman Killer", dahil lahat ng namamatay sa Santiago Park ay walang iba kundi mga babae na pula ang suot.
"So, nakita o alam ni Papa ang serial killer na ito at one point, and is trying to tell us who?" tanong ni Raffy. Still, he is as confused to what really does his father know about the murderer.
"Ang problema, wala nang messages sa ibang painting ng iyong ama. Tumawag sa akin ang forensics at ayon sa kanila, walang lamang cipher o code sa iba pang painting. Nagiisa lang ang painting na ito na may nilagay ang iyong ama."
It sounds rather anti-climactic, for Kaeden. Kung walang ibang codes o ciphers sa ibang painting, it would not serve a purpose kahit sinulat sa mismong painting na kilala ng biktima ang killer na nakita niya. There is no name, nor any clue for the identity of the killer. But there is something certain, if Ben knows who the killer is, then there is a chance that it is someone he knows closely, probably a friend or a family member. Ipinaliwanag niya ito kina Melchor at Bok, na nagkatinginan sa nasabi niya. They really have to investigate what's happening, and this time, serious. There is no room for joking or taking a lax time anymore.
---
Unang tinignang anggulo ng mga pulis ay ang mga taong kakilala ng biktima at kapamilya. Isa sa mga matalik niyang kaibigan ay si Connie Martinez, 54, isang art dealer na kilalang nakatira sa isang malaking bahay sa Laguna. Maraming beses silang nagkikita ng biktima para pagusapan ang mga bagong dalang painting o bagong tuklas ni Connie na maaaring maging potential product para sa kanila. According sa nakalap nilang impormasyon, kahit na matalik na magkaibigan ang dalawa, lagi nilang pinagaawayan ang patungkol sa isang artwork ng isang amateur painter na gustong pagkakitaan ni Connie.
Ang pangalawang kaibigan ni Ben ay si Gregorio Martin, 52, isang matandang mayamang sponsor sa mga maraming art exhibit. Kumikita ito sa mga mayayamang bumibili ng VIP tickets, which usually contains many perks as an art collector. Maraming nagsasabing isang secret Mafia member si Gregorio, at doon niya nakuha ang kaniyang hindi maipaliwanag na yaman. May hindi sila napagkaunawaan ni Ben nang malaman ni Gregorio na kinukumbinse ni Ben ang ilang mga amateur painters na huwag ibenta kay Gregorio ang kanilang mga gawa dahil binebenta niya ito ng triple ang bayad sa mga dayuhang gustong kumuha ng artwork mula sa pinas. Dahil sa ginawa ni Ben, nawalan si Gregorio ng halos 12M US Dollars. The artworks were never delivered and he had to resort to buying expensive paints from another dealer.
Pangatlong kaibigan ni Ben ay si Bernadette Licarte, 50, isang restaurateur na ang ilan sa kaniyang mga pinatayong restaurant ay may dalawang Michelin Star. Dahil siya ang kauna-unahang Pilipina na may hawak na Michelin Star, isa siya sa mga kinikilalang celebrity sa larangan ng hotel and restaurant management. Lingid sa kaalaman ng lahat, isang malaking renaissance art fan ang matandang dalaga. Isa sa mga obsession niya ay mabili ang ilan sa mga kilalang renaissance painting sa buong mundo, and who else does she know she can turn to, kundi si Ben Tudio na maraming mga koneksyon sa art giants ng bansa, katulad nina Gregorio at Connie. Siya lamang ang walang naikitang butas sa pagkakaibigan nila ni Ben, dahil matagal na silang nasa magandang pagkakaibigan at walang nabalitang nagaway ang dalawa.
"Siguro kailangan pa nating imbestigahan ang tatlong ito. Maaaring isa sa mga ito ang nagpapatay sa biktima, o sila mismo ang pumatay sa kaniya," wika ni Melchor, habang hawak at binabasa ang mga impormasyon sa mga kaibigan ng biktima. Nasa File room silang dalawa ni Bok na pinapaprint ang bigay ng ilang kasamahan nilang pulis na naglead sa imbestigasyon sa mga kaibigan ng biktima.
"Sir, yung tungkol sa killer doon sa Santiago Park, tayo parin ba hahawak nun?" tanong ni Bok, na para bang may gusto itong sabihing mas mahalaga pa sa kausap. Kinuha niya ang kaniyang styro cup na puno ng kape at uminom dito. Nang malasahan niya ang mapait na kape ay hindi niya na itinuloy pa at hinintay nalang ang sagot ng kausap niya.
"Sigurado. Bakit?"
"Doble trabaho sir, di na tayo makakapagbakasyon."
"Hindi mo parin nakakalimutan yan? Kapag hindi tayo nagtrabaho at maisara ito, siguradong tayo ang dudurugin ng nakakataas."
"Sir, hindi naman kailangang tayo ang durugin doon sa paghahanap nung killer."
"Anong ibig mong sabihin, Bok?"
"Sir, di ba, may bagong bukas ngayon? Yung mga dating warehouse men, pinalitan nila ng bagong department. Ginawa na nilang Cold Cases Department ang dating warehouse room."
Inalala ni Melchor ang sinasabi ng kasama. Ito ang Cold Cases Department ng mismong Central Station ng Manila Police. Ang warehouse room kasi nilang napakalaki kung saan nilalagay ang files ng mga kasong hindi pa naisasara ng pulisya, o ang tinatawag nilang unsolved and cold cases, ay nakalagay roon. Dahil sa demand ng mga tao at kritisismo ng mga netizens, naging conscious ang buong PNP at naglabas ng bagong klase ng mga pulis na hahawak sa mga unsolved cases.
"Ang galing mo talaga, Bok! Oo nga pala, pwedeng sila nalang ang humawak nito. Balita ko hawak naman nila ang buong jurisdiction ng Manila, kaya sa kanila nalang natin ipasa yun," ngiting sagot ni Melchor, at agad na tinawagan ang kaibigang pulis na nagtatrabaho sa main office.
---
COLD CASES UNIT, MANILA MPD
Sa bagong warehouse room, maririnig mo ang maraming tunog ng pagtipa ng computer keyboard sa bawat upuan, ang pagbuklat ng mga lumang folder o pagbukas ng nakatagong mga case boxes. Makikita rin mula sa bagong disenyong bintana na may blinds ang atmosphere na isa itong department office, dahil sa mga hindi naka-unipormeng pulis na may kani-kaniyang mundo at expertise na ginagalawan sa kanilang lugar.
Si SPO1 Leonard Joaquin ang leader ng unit at siya ang laging sumasabak sa on-foot investigation, o ang kumakausap sa mga pamilya ng biktima sa kanilang mga hawak na kaso. Binuksan niya ang pintuan at nang makita ang kaniyang mga kasamahang busy sa kanilang sariling mga trabaho, pinakpak niyang saglit ang kaniyang mga kamay para makuha ang kanilang atensyon.
"Guys, we're going to be double busy. Habang hawak nating ireview lahat ng mga pwede pa nating hawakan na wala pa sa statute of limitations, mayroon tayong fresh case na may connection sa isang cold case," anunsyo nito.
Tumingin sa kaniya ang isa niyang kasamahang si PO3 Hygia Dela Vega, ang criminal profiler ng unit. Parang binabasa nito kung ano ang ibig sabihin ng kanilang pinuno. Iniisip niyang maaaring isang murder case na naman itong hindi nabigyan ng solusyon.
"We're probably born during the case, pero hindi pa tayo pulis. We're probably just there playing on the school grounds. Take a research sa Red Woman Killer, isang serial killer sa Santiago Park. September 15, 1982. First victim was a woman wearing a red coat."