Habang sinasabi ni Leonard ang patungkol sa kaso, mabilis na hinanap ni PO1 Allen Pacheco ang kaso sa kanilang digital library sa kaniyang computer ang patungkol sa killer. Si Allen ang kanilang researcher sa unit na dating nagta-trabaho sa cybercrime division pero na-transfer sa cold cases unit.
"Bossing, looks like one of those killers with a policy," sagot ni Allen nang makita ang case information. Pinasa niya ito sa bawat account ng kaniyang mga kasamahan, kasama sa cellphone ni Leonard na konektado sa database ng pulisya.
"One of those crazies. Gia, anything in mind?" patuloy ni Leonard, na nakatingin kay Hygia na hinihintay kung ano ang masasabi ng kanilang expert profiler patungkol sa kaso.
"I think this killer is someone who really has an obsession for the color red. If we look at the crimes he committed, he started with something small."
"Small?"
"Sa unang pinatay niya, she was only stabbed once. Probably, the killer wanted to see the blood and that's it. The second murder includes the victim getting cut on her neck. The violence just levels up in every murder. There's probably a reason why the killer prefers to kill women in red. Could be that the color may trigger anything in the killer's life."
Naintindihan na ni Leonard ang ibig sabihin ni Hygia. Profiling is all about science, psychology and data reading. Ano ang nasa preference ng killer at bakit kulay red ang trigger niya?
"So, what you're saying is that this killer is perhaps an abused person in his or her childhood. The abuser might be someone who wears red all the time. So, whenever the killer sees a woman in color red clothes, the trigger happens."
"Bingo, sir."
"A killer that somehow, a new case victim knows," sabat ng isang lalakeng pumasok sa loob ng opisina at tinignan ang bawat isa sa kanila. Siya si Dr. Blair Banna, ang medical doctor at forensics sa unit. Dati siyang nagtatrabaho sa NBI pero sa hindi niya alam na dahilan ay biglang pinasa siya sa Cold Cases.
Nagkaroon ng curiosity si Hygia sa narinig. Alam kasi niya kung sino ang tinutukoy na new case victim. Walang iba kundi ang nabalitang pinatay sa kaniyang sariling bahay, ang sikat na si Ben Tudio.
"Ben Tudio Murder Case?" hula ni Allen.
"You're right. Pero, hawak nung dalawang kumag sa Quezon City ang kasong iyon. Pinasa sa akin nung tamad na matanda ang patungkol dito sa killer sa Santiago Park. Alam kong gusto na namang magbakasyon agad ng dalawang yun kaya sa atin pinapabasa ang kasong ito," patuloy ni Leonard. Ang tintukoy niyang tamad ay walang iba kundi sina Melchor at Bok. Kilala ang dalawa sa departamento na laging naghahanap ng shortcut para maresolba agad ang kaso. Dahil sa katamaran ng dalawa, hindi sila pinapahawak ng malalaking kaso. Nagkataon lang na nasa jurisdiction nila nangyari ang krimen at sila lang ang naroon para rumesponde.
---
One of the things that caught Kaeden's attention was the theme of each Ben's paintings. Bukod sa kakaiba ang tema ng kaniyang mga painting, it draws inspiration a lot with one painter's style. Ben's works are all about sceneries with lonely people. Sa kaniyang unang painting kung saan naroon ang cipher ay ang "Loneliness". Isang lalake na nakatingin sa isang babaeng nakapula habang umuulan. The colors were not as bright as how other painters would do their artwork.
"The paintings remind me of Edvard Munch. Melancholy, The Scream, The Murderess…it just has that same vibe," wika niya sa kaniyang isipan habang pinapasadahang tignan ang litrato ng bawat painting sa website ng art site ni Ben Tudio mula sa kaniyang dalang laptop.
Iniwan siya ni Sienna na nakangiti at parang may sariling mundo at nakatingin sa kaniyang cellphone. Kakain lang daw ito sa malapit na café habang hinihintay ang kaibigan niyang gusto niyang katagpo.
"Better look at your phone sometime," wika niya, na natatawang nakatingin sa kaniya bago umalis. Hindi nagtagal ay nagring ang kaniyang Facebook. Isang message ang natanggap niya mula kay Josephine.
"What the hell is this!?"
Tinignan ni Kaeden ang mensahe at binuksan ang Instagram link na binigay ng dalaga sa kaniya. It was Sienna's post, kung saan pinost niyang kasama niya sa iisang kwarto ang binata. Nilagyan niya ng "Bed Date" na caption at nakatag ang binata sa post na iyon. Kaeden knew it. Sienna was up to something. Napabuntong hininga na lamang itong ipinaliwanag sa chat ang nangyari at kung ano ang involvement ng dalawa sa kaso ni Ben Tudio. Nang una ay hirap siyang kumbinsehin ang kaibigan ngunit napaniwala niya agad ito nang makita ang balita tungkol sa namatay na art expert.
Pangalawang nagmessage sa kaniya si Chelsea na tinanong ang parehas na post ng kaibigan niyang si Sienna, and like how he did it with Josephine, he had to explain everything. Hindi niya nga alam at bakit maging si Chelsea ngayon ay tinatanong siya kung ano ang ibig sabihin ng post ni Sienna. Why would she care?
Biglang nagmessage naman sa kaniya si Sienna na may maraming laughing emoji.
"How are you coping up with the messages you're probably getting, lover boy?" tawa niya. Tinignan ng binata ang kaniyang "other" inbox, at doon ay maraming mga fans ni Sienna ang nagtatanong kung siya ba ang boyfriend ng dalaga.
"You're dead when you come back!" reply niya at ngiting binalikan ang mga artworks ni Ben sa isang tab window ng browser.
---
Nakakaisang oras nang nakatingin si Kaeden sa mga painting nang may mapansin siyang kakaiba sa mga ito. When they are displayed sa mga art gallery, it seems that Ben has a specific style on displaying them. Nakita niya kasi ito na siya ang nagaayos ng mga painting sa exhibit, ayon sa isang video mula sa Facebook na kinunan ng kaniyang marketing team. Binalikan niya ang order ng mga ginawang painting ni Ben at tinignan kung mayroong maaaring makitang clue sa mga ito.
1982 – Calm Memory
1983 – Enigma of the Loving Sea
1984 – Affluent Lovers
1985 – Mother
1986 – Geneva Love Affair
1987 – One Family
1988 – Eleven Sisters
1989 – Harmony of the Sisters
1990 – Finding Fears
1992 – The Lovers at Thorn Bridge
1993 – Internal Sadness
1996 – Nocturne
2000 – Never Cry
Ito ang order ng buong natapos na painting ni Ben. Napansin niya na ang mga painting niya mula 1982 na Calm Memory hanggang 1988 na Eleven Sisters ay Portrait Size, samantalang mula 1989 na Harmony of the Sisters hanggang 2000 na Never Cry ay Landscape Size.
"There must be something in these paintings. I just can't believe na ang painting niyang Calm Memory lang ang may cipher na naitago niya sa loob ng painting. It doesn't make sense that the paintings tell you about a murderer he saw before but won't give the name or some other clue. There must be something in these paintings…"
Habang tinitignan niya ang mga painting ay narinig niyang nag-ring ang kaniyang cellphone. Bagong number. Maaaring si Melchor ito o si Bok, na may hawak ng kaso. Hindi siya nagkamali, dahil nang sinagot niya ito ay si Melchor ang tumatawag. Ayon sa kaniya, hawak na ng Cold Cases Unit ang patungkol sa killer sa Santiago Park, samantalang sa kanila naman ang bagong kaso patungkol sa pagkamatay ni Ben Tudio.
"Balita ko ay marami ka na daw itinulong sa isa naming kasamahan sa inyong lugar. Baka naman may maitutulong ka din sa kasong ito," pakiusap ng pulis.
"I'll do what I can, sir. Pero, gusto ko lang malaman kung paano na ang imbestigasyon niyo sa mga kaibigan ng biktima. May nakita ba kayong maaaring dahilan para patayin siya?"
"May dalawang may maaaring motibo para patayin siya. Chinecheck pa namin ang kanilang alibi nung namatay ang biktima. Interrogation mamaya."
"Pwede ba akong makinig, sir? Tsaka, may ipapakita ako sa inyong napansin ko sa mga painting. May kutob akong ang pumapatay sa Santiago Park noon ay siya ring pumatay sa biktima ngayon."
"Anong ibig mong sabihin?"
"Hindi kaya, nalaman ng serial killer na nakilala siya ni Ben? Nang makita niya ang code sa painting, nalaman niyang nakita siya nito, at para patahimikin, ay pinatay siya?"
"Yan din ang nasa isip namin, pero, hindi ko alam kung paano natin yan mapapatunayan. Anyway, siguro pwede kang pumunta nalang dito at pwede nating hanapan ng solusyon ang kaso na ito. Ayokong magtagal ito."
Naalala ni Kaeden na may kapamilya ang kaniyang kaibigang si Troy sa Manila na nagtatrabaho sa Cold Cases Unit. Tinext niya ang kaibigan at tinanong kung ano ang pangalan ng pinsan niyang nasa Cold Cases, at agad namang sumagot ang kaibigan. Hygia Dela Vega. Ito ang pangalan ng pinsan ni Troy sa Manila. He quickly asked for details ng kaniyang cellphone number para matawagan. Just in case there's something that he discovers about the Santiago Park case, madali nalang niya maibibigay sa mga kapulisan ang nalaman niyang detalye.
---
Naisipan ni Hygia na tignan ang case information ng bawat pinatay ng serial killer. Gaya ng alam na nila, lahat ng pinatay ay nakasuot ng pula, either a coat, dress, tshirt – as long as it's red, siguradong yun ang magiging biktima ng killer. Pero ang atensyon niya ay nakafocus sa kung ano kaya ang motibo ng serial killer sa bawat pinapatay niya. If these are all random red clothed women attacks, it makes sense…pero for her it is just so far off na papatay lang ang serial killer ng ganun-ganun lang.
"So, what do you think?" tanong ni Blair kay Hygia habang tinitignan ng dalaga ang bawat litrato ng pinatay ng serial killer.
"Of what? We have a serial killer that's basically new to our details and database. Many serial killers usually have motives, perspectives or any kind of desire to kill. Though, I find it odd that this killer's targets are not just red clothed women, for sure. There must be something that links all of them together."
Tinignan ni Blair ang unang biktima at pangalawa. Sa kaniyang pagkakaalam, kapag ang isang serial killer ay pumapatay at ang kaniyang mga methods ay nagiging extreme sa bawat pinapatay niya, ang desire na nag-da-drive sa kanila na pumatay ay mas nagiging extreme din.
"So you're saying that, it's not just the clothing that this killer is after in their murders, but rather, there must be something in these women that links them together as targets?"
"Exactly. There's that. Yan ang pumipitik sa isip ko kanina pa."
"I ran through the autopsies and investigations ran by the MD and main detective on the case. Napagalaman ko na ang bawat pinatay na babae ng killer had something in common, albeit really trivial."
Nang mabanggit ito ni Blair ay napinta ang interes sa mukha ni Hygia. It might just be that something na na-overlook ng mga imbestigador ng kaso noon.
"Interested?" patuloy ni Blair.
"Hook me."
"They all ate dishes that are only prepared in a single restaurant throughout the country. Mignone French Restaurant, Quezon City."
"Mignone? I think wala na ang restaurant na yan. Closed?"
"Went bankrupt. When the owner died, the restaurant died with him."
Habang naguusap ang dalawa ay biglang nagbukas ang pintuan ng opisina nila at sumabat sa usapan si Leonard, na narinig ang kanilang pinaguusapan at naalala niya ang isang bagay narinig niya sa kaniyang mga kaibigang mahilig sa urban legends at kung anu-anong chismis sa internet.
"And also did the recipes. May mga naniniwalang nawala din daw ang recipe book ng may-ari. It was just in his office desk but then, poof."
Nagkatinginan sina Hygia at Blair sa narinig. Is there something in the recipe worth the taking? Nakita ni Leonard na nagkainteres ang kaniyang mga kasamahan kaya itinuloy niya ang kwento patungkol dito.
"Ang recipe ng may-ari ng Mignone ay isa sa mga nirerespeto at kilalang chef noong araw. I think he pioneered fine dining here in Manila around the 80s or something like that. Ilan sa mga kilalang artista noong araw ay dinadayo pa ang restaurant makakain lang ng kakaibang dishes ng owner doon."
"Any idea if any of the people who worked for Mignone are still alive today, boss?" unang tanong ni Hygia.
"Won't be easy, unfortunately. Wala nang record ang siyudad sa establishment nor any archive by the owner's family. There were no records of the people who worked there for now. It's in the 80s."
Ito ang frustration ni Leonard sa pamamaraan ng Pilipinas sa mga cold cases. Halos wala na silang record kapag masyadong matagal na. Since there are no available wide warehouses or digital database of all the cases in the city, there are eras they can't really find leads dahil lahat ng archives ay hindi naitatagong maigi.