Chereads / Case Book of Detective Kaeden (TAGLISH) / Chapter 67 - Art Movement: File 6

Chapter 67 - Art Movement: File 6

---

"Stolen recipe book…" wika ni Kaeden sa kaniyang isipan habang binabasa ang isang entry ng isang user sa Urban Legends Forum. Naghanap pa siya sa ilang mga news report kung saan nanggaling ang urban legend na ito at napag-alaman niyang hindi lang pala ito basta chismis lang sa internet kundi isang well known fact. Hinahanap ng kapamilya ng yumaong restaurant owner ang recipe book nito ngunit biglang naglahong parang bula ang libro.

"Field Investigation," sambit niya at tumayo sa kaniyang pagkakaupo sa sofa ng salas. Sinarado niya agad ang kaniyang laptop at agad na nag-ayos para puntahan ang sinasabing kinatatayuan ng restaurant na Mignone noong araw. Alam niyang wala na ito, pero isa sa mga napagalaman niya sa pagiimbestiga ay maaaring may maibigay sa kaniyang ideya sa pagbisita sa mga lugar kung saan kailangan niyang imbestigahan, may it have been a cold case or a brand-new case.

Ang dating kinatatayuan ng Mignone ay isa nang malaking general business building. Bawat kwarto ay iba't ibang opisina. May dental clinic, bilihan ng piniratang VCD at DVD, music instrument shop at kung anu-ano pa.

Tumingin siya sa mga katabing gusali at napansin niya ang isang may kalakihang movie and bookstore. Ayon sa obserbasyon niya, matagal na itong naitayo dahil sa halos hindi pa na-rerepaint na walling at poste ng gusali. Nakita din nito na may ilan sa mga door placards at post cards sa loob ng shop ay halos kupas na ang kulay. Napansin din niya ang isang lumang poster ng pelikula ni Audrey Hepburn na "Bloodline" at ilan sa mga pelikula ng director na si Dario Argento ay nasa kanilang VHS archive.

"Bloodline…that was released around 1979. Dario Argento's films were around the 70s. I have a hunch that this building existed the same time Mignone did."

Pinasok niya ang shop at kunwaring tumingin-tingin sa mga item na nasa malalaking shelf ng libro, Betamax, VHS, VCD, DVD at BluRay. He was rather impressed how all generation of movie materials he knows are in there. When he was four, naalala ni Kaeden na palagi silang nanonood ng kaniyang mga magulang ng pelikula sa Betamax.

"Platoon! This is nostalgic!" sambit niya nang makita ang isang Betamax copy ng pelikulang Platoon."

"Bilib ako at alam mo ang pelikulang yan!" wika ng matandang nasa counter. Ito ang may-ari ng shop at natuwa nang marinig ang nasabi ng binata patungkol sa pelikula.

"Ah, opo. May Betamax kasi kami dati. Isa sa mga naalala kong pinanood namin noon ay itong Platoon."

Namangha sa kaniya ang may-ari. Kakaunti na lamang kasi ang nakaka-appreciate sa Betamax at VHS. Sa totoo lang ay wala siyang nakikita sa mga iyon, lalo na't kakaunti na lamang ang mga taong mayroon pang gumaganang Betamax o VHS.

"May tanong lang po ako. Naabutan niyo ba ang restaurant na Mignone nang maipatayo ninyo ang shop niyong ito?"

Nang marinig ng matanda ang pangalan ng restaurant ay naalala niya ang mga panahong buhay pa ang kaniyang kaibigang may-ari ng restaurant. Magkaklase kasi ang dalawa noong high school pa at nangako ang magkaibigan na dapat ay magkatabi silang magpapatayo ng kani-kanilang negosyo. Sa kasamaang palad ay naunang nawala sa mundo ang kaniyang kaibigan.

"Siyempre naman. Kaibigan ko yata ang nagpatayo noon ng Mignone. Nakakapagtaka at alam mo ang restaurant na iyon, eh dekada otsienta pa yun."

"Ah, sa katunayan po ay sa internet ko nalang nalaman ang patungkol doon. May tanong lang po ako, dahil sa tingin ko ikaw ang may alam ng kasagutan."

"Ano yun, hijo?"

"Nabanggit ba sa inyo ng may-ari kung ano ang nasa nawawalang recipe book niya?"

Saglit na natahimik ang matanda at inalala ang patungkol sa sinasabi ng kaibigang recipe book niya. Naalala niyang minsan na sinabi ng kaibigang ang nasa laman daw ng kaniyang recipe book ay ang mga unique na dishes na siya lang ang nakaisip. Ito daw ang sikreto at bakit gustong gusto ng mga tao ang kaniyang mga signature dishes katulad ng Cheese Pasta with Cherry Tomatoes, o ang kaniyang Pork Steak Rubies.

Nang mabanggit niya ito, isang bagay ang naglaro sa isipan ni Kaeden. Kung mga secret recipe ito, siguradong ilan sa mga nakakaalam nito ang siyang nagnakaw. Pero hindi ito ang focus ng kaniyang imbestigasyon. Ano ang koneksyon ng Mignone at ng Red Woman Killer? Bakit niya pinapatay ang mga taong iyon na kumain sa restaurant?

Nagpaalam siya sa matanda, pero hindi hanggang hindi niya nabibili ang isang librong nakita niyang magkakainteres siyang basahin. Bumili rin siya ng isang lumang card na may Hawaiian theme.

---

Sunod-sunod ang naging interogasyon nina Melchor at Bok sa mga kaibigan ng biktimang si Ben Tudio sa interrogation room. Ayon kay Connie, nang mangyari ang krimen ay naroon siya sa kaniyang Pent House. Walang makakapagpatunay ng kaniyang lokasyon sa oras ng krimen, kaya hindi parin maalis sa kanilang isipan na maaaring siya ang may gawa ng krimen. Kahit man may alibi siyang solido, maaaring pinagawa niya sa isang hitman ang pagpatay. Si Gregorio naman ay pinatunayan ng kaniyang mga trabahador sa pier na bumisita ang kanilang boss upang tignan kung tapos na ang pinapagawa nito.

"Gaano ba kayaman itong taong ito? May pier pa siyang pagmamay-ari," kumento ni Melchor sa Outside Room, habang pinapakinggan ang kaniyang interrogation, na si Bok ang nagtatanong. Kasama ni Melchor si Kaeden, na tinawagan niyang sumamang pakinggan ang bawat kaibigan ng biktima.

"Sinisigurado ko sa iyo sir, hindi ka nagiisa na magtaka sa mga ganiyang klaseng tao. Kung kilala mo ang pamilya Garcia…"

"Oo naman. Sila ang may-ari ng complex kung saan kami nakatira."

"Kaibigan ko ang anak nila. Eh halos bilhin nila ang buong Baguio at La Union sa yaman nila," pabiro ni Kaeden, habang pinapakinggan si Gregorio na nagpapaliwanag patungkol sa kaniyang alibi.

Huling pinapasok sa interrogation room si Bernadette. Ayon sa kaniya, nasa MRT siya nang mangyari ang krimen. Ang maaaring magpatunay ng kaniyang alibi ay walang iba kundi ang dalawang lady guards at ang ticket niya.

"Well, it seems na malaki ang problema natin. Si Connie lang talaga ang naiisip kong kaduda-duda. Pero, hindi ko lubos maisip na kaya ng matanda na bumaril ng ganoon. Kahit na point-blank ang range ng shooter, may napansin akong kakaiba dito."

"Ano yun, SPO2?"

"Still hands. Isang professional hitman ang may gawa ng krimen. Consider na natin ang edad ng mga suspek. Hindi nila kayang patayin ang biktima. Pero kung magbabayad sila ng gagawa, madali lang. Walang mahirap sa kanila dahil sa totoo lang eh halos malalaking negosyante ang tatlo."

"Alam niyo po ba kung ano ang dating buhay nila bago sila naging mayayamang negosyante? May naalala lang kasi akong isang bagay patungkol sa code sa painting."

"Hmmm…ang alam ko, karpintero lang dati si Gregorio nung kabataan niya. Kapag may construction, may trabaho siya. Pachamba-chamba kung baga. Nung naka-ipon na siya, nag-aral siya ng culinary arts sa Juan Marcos Helping Foundation. Yun nga ang nakakapagtaka eh. Di mo lubos maiisip na ang isang culinary graduate na nagtrabaho bilang cook sa mga maraming restaurant eh biglang yumaman. Kaya talagang pinaghihinalaan na nila noon pang naging drug runner siya hanggang sa makapuntang ibang bansa. Si Connie naman, anak na talaga siya ng mayamang pamilya kaya ang alam ko, pinahawak na sa kaniya ang negosyo nilang pagawaan ng tela nung bente anyos palang siya. Hindi na niya tinuloy ang pagkokolehiyo dahil sa totoo lang, may pera na siyang kinikita. Ang pagkakaalam ko lang kay Bernadette, katulad ni Gregorio ay naging cook din siya sa ilang mga restaurant. Huling naging cook siya sa isang kilalang restaurant. Bago mamatay ang may-ari, siya ang naging head chef."

"Mignone? Yung French Restaurant?" hula ni Kaeden. Inaasahan niyang ito ang sasabihin ng kaniyang kausap. Tumango ito at napabilib, dahil sa totoo lang ay napakalumang restaurant na ng Mignone.

Kung nagtrabaho si Bernadette bilang head chef sa Mignone, maaaring siya ang makakasagot sa kung ano ang meron sa mga babaeng nakapulang pinapatay. At bakit yumaman agad si Gregorio? Ano ang meron at bakit naging mayaman siya, samantalang hindi talaga isang yayamaning trabaho ang pagiging isang cook ng iba't ibang restaurant? Hindi kaya siya ang nagnakaw ng recipe book ng may-ari ng Mignone?

Ito ang mga katanungang naglalaro sa isipan ni Kaeden habang pinapakinggan ang nagpapaliwanag na si Bernadette at sinasagot ang mga iba pang katanungan ni Bok sa interrogation room.