Chereads / Case Book of Detective Kaeden (TAGLISH) / Chapter 68 - Art Movement: File 7

Chapter 68 - Art Movement: File 7

---

Hindi naging madali kay Raffy ang pagkawala ng kaniyang ama. Halos limang araw din bago tuluyang nailagay si Ben sa kaniyang huling hantungan. Minabuti ni Sienna na bumalik na lamang sa Baguio dahil dalawang araw lang ay maaaring malagay ang kaniyang trabaho sa alanganin. Si Kaeden naman ay desididong tulungan sina Melchor at Bok, kaya nanatili siyang naging bisita ni Raffy. Ipinangako ng binata na tutulong siya upang mabigyan ng hustisya ang pagkamatay ni Ben Tudio.

Kasalukyang magkasama si Kaeden at Raffy sa dining room, habang hinihintay ang inihandang mga pagkain ng kaniyang mga kasambahay. Napansin ni Raffy na wala pa sa hapagkainan ang kaniyang kasamang house boy, si Mang Tonying, ang matagal na nilang naging katu-katulong sa bahay, bata pa lamang si Raffy.

"Saan si Mang Tonying? Dapat kasama natin siyang kumain. Pagkatapos niyo diyan samahan niyo naman kami."

Nakita ni Kaeden na kakaibang tao si Raffy. Kadalasan, nauunang kumain ang mga amo ng bahay bago ang mga kasambahay. Pero para sa taong ito, gusto niyang kasalo ang mga kasambahay na para bang isang pamilya.

"Been a custom since I was young, Kaeden. Tinuruan ako ng aking mga magulang na dapat nating galangin at ituring na kapamilya ang aming mga kasambahay. No one here would feel as if they are below the ranks."

"I'm rather amazed, sir Raffy. Kakaunti nalang siguro sa buong mundo ang katulad niyo ng pananaw."

"Hindi naman siguro."

Pinanood ni Kaeden kung paano maingat na iayos ng mga kasambahay ang mga pagkain. They started from a small entrée, tapos sa gitna ang main dish, huli naman ang desert and beverage. Para kang nasa isang five-star fine dining restaurant sa mga pagkain.

"Sir, sab ni Mang Tonying kahit mauna na daw kayo, inaayos pa daw kasi niya yung pinapagawa niyong iron fence sa hardin," paliwanag ng isa sa mga kasambahay.

"Ah, ganun ba? Well, kung ganun, sige, please, samahan niyo kami."

Nang masabi ito ni Raffy ay umupo na rin ang mga kasambahay at humarap sa dining table kasama ang kanilang amo. Nang marinig ni Kaeden ang nasabi ng kasambahay na ginagawa ni Mang Tonying, isang bagay ang nagliwanag sa kaniyang isipan. It was like a current of endorphin that awakened his curious brain. Habang pinagmamasdan niya kanina ang paglalapag ng mga pagkain, mas naging maliwanag sa kaniya ang lahat.

Fence. Arrangement. Ciphers. Painting orientation.

"S-Sir Raffy…I think I know who killed your father after all," mahinang wika niya sa katabi. Nagulat si Raffy sa narinig, ngunit alam niyang hindi nagbibiro ang bisita niya.

"A-anong ibig mong sabihin!?"

"I think we too should escape breakfast. I'll explain it to you right away!"

Iniwan nina Kaeden at Raffy ang dining room. Iniutos niyang mauna na munang kumain ang kaniyang mga kasambahay at iligpit ang pinagkainan dahil may importante pa silang gagawin. Tinawagan nila agad sina Melchor at Bok na pumunta sa bahay ni Raffy para mapakinggan ang nadiskubre niya. Wala pang 30 minuto ay dumating sa lugar sina Melchor at Bok. Dinala ni Kaeden ang lahat sa salas at binuksan ang kaniyang laptop. Binuksan si Kaeden ang Photoshop at inilagay sa isang arrangement lahat ng mga painting ni Ben doon.

"Hindi lang iisang code ang iniwan ng iyong ama, sir Raffy. The whole painting is a code itself!"

"I don't get it, Kaeden. Ano ang ibig mong sabihin?"

"Look, Sir Raffy. Una kong napansin na ang mga painting ng iyong ama mula sa ilang taon ay Portrait. Ang mga kasunod naman ay naging Landscape na. Nakuha ko ang ideya na i-arrange ang mga painting one orientation at a time. So bale, portrait-landscape-portrait. The paintings are actually a Rail Fence Cipher."

"Rail Fence Cipher?"

"One of the easy ciphers in the book, but very effective. You imagine the arrangement like a split rail fence. They got this idea like the rail fence used in the American Countryside noong 19th century. Parang zigzag. So if we put all the paintings in Portrait-Landscape-Portrait and Zigzag, we get this," patuloy ni Kaeden at inilagay sa isang zigzag arrangement ang bawat painting ni Ben.

1982 – Calm Memory

1989 – Harmony of the Sisters

1983 – Enigma of the Loving Sea

1990 – Finding Fears

1984 – Affluent Lovers

1992 – The Lovers at Thorn Bridge

1985 – Mother

1993 – Internal Sadness

1986 – Geneva Love Affair

1996 – Nocturne

1987 – One Family

2000 – Never Cry

1988 – Eleven Sisters

"Look at each letter of the painting, sir Raffy."

CHEF AT MIGNONE

"Chef at Mignone!?"

"Nagimbestiga ako kasama sina SPO2 Melchor at PO3 Bok. May isang kaibigan ang inyong ama na nagtrabaho dati sa Mignone bilang isang head chef…"

"Si Bernadette Licarte. Bago mamatay ang may-ari ng Mignone noong araw, naging head chef noon si Bernadette," patuloy ni Melchor.

"Di ako makapaniwala na isang code ang buong painting ni Sir Ben!" sabat naman ni Bok habang tinitignan ang pagkaka-ayos ng painting sa Photoshop.

"Your father probably saw the Red Woman Killer. Then, he realized na hindi lang basta niya nakita kung sino ang killer. Kilala niya ang killer. To warn the killer that he knows who she is, he created these paintings. It seems ngayon lang nakita ni Bernadette ang ibig sabihin ng mga painting, which prompted her to ask someone to kill your father," muling paliwanag ni Kaeden kay Raffy, na hindi parin makapaniwala sa naririnig mula sa mga kausap.

"Bok, tawagan mo ang Cold Cases Unit. Kailangan nating makipagtulungan sa kanila. Kailangan nating mahuli si Bernadette na may ebidensya!" utos ni Melchor sa kasama at agad namang tumalima ito.

"Pero, may pinagtataka lang ako…" balik ni Bok kay Kaeden, nang may isang bagay siyang naisip patungkol sa identity ng serial killer.

"Ano yun, Bok?" si Melchor ang sumagot.

"Sir, hindi ba magaling din sa pagkilala sa painting si Bernadette? Talaga kayang ngayon niya lang nalaman ang meaning ng mga painting? Kung ngayon lang, hindi ko lubos maisip na isang magaling na tao eh naging tanga sa pagtingin sa ibig sabihin ng mga ito."

This became a lightning and stumbling block for Kaeden. Hindi nagkakamali si Bok. In fact, that itself is an intelligent question. It's not impossible for Bernadette to have cracked what the whole thing means. Not unless, someone told her about it. But who?

----

20 DAYS AGO

Isang maliit na art symposium ang dinaluhan ni Bernadette kung saan naroon din ang kaniyang mga kaibigan. Ayon sa kanila, magkakaroon ng ilang oras na speech ang sikat na pintor na si Elmer Buencamino. Naging matagumpay ang symposium, nagkaroon din ng tatlumpong minutong presentation ng ilang rare to find na paintings, sculptures at jewelries na tinatayang nagpepresyo mula dalawang milyon hanggang tatlumpong milyon.

Paalis na sana si Bernadette nang may isang lalakeng nakipagusap sa kaniya. Ang pagpapakilala sa kaniya ng lalake ay isa siyang art dealer at researcher sa Romania na bumisita sa Pilipinas, dahil na-miss daw nito ang kaniyang lupang tinubuan. She felt enchanted with the man. Isang Romania based art dealer and has an incredible charm with him was all that it took her to stay at kausapin pa ng mabuti ang lalake.

Inimbita ng lalake si Bernadette sa isang Italian restaurant at doon ay nagusap sila patungkol sa mga interes nila sa paintings, hanggang sa isang bagay ang nasabi ng lalake na hindi inaasahan ni Bernadette.

"Pero Ma'am, do you know the secret code that this painter Ben Tudio somehow placed in all of his paintings? Siguro narinig niyo na yung urban legend?" ngiti niya. He had this instigating voice, that makes the listener interested about the subject.

"Ahhh, na may kayamanang tinatago si Ben Tudio? I think it's ridiculous," tawang sagot ni Bernadette at sinimulang uminom ng Bordeaux sa kaniyang kopita.

"Not really. Actually, the paintings depict a certain thing."

"Which is?"

"A murderer," diretsong sagot ng lalake. This time, his tone was flat. He is sending the tone na hindi lang isang biro ang sagot niya.

"A what? I think marami ka nang nainom na wine, Mr. Bermundez!"

"I have a high wine tolerance, Ms. Licarte. One of his paintings actually have a Greek Square Cipher, which tells this code: I KNOW THE KILLER AT SANTIAGO PARK. You can have the paintings scanned if you don't believe me. You know what else? If you arrange his paintings ala rail fence, you'll get the code CHEF AT MIGNONE."

Nang marinig ni Bernadette ang nasabi ng kausap, bumalik sa kaniya lahat ng ala-ala ng mga pangyayari sa buhay niya. All the women she killed during those times, who never understood the meanings of her dishes, the women who wore the same clothes as her mother who always berated her father's job when he was still alive.

"Well then, Ms. Licarte, I think we have to enjoy the dishes tonight. Please, don't drink too much of the Bordeaux. I'm keeping something after we eat the clams. One of the best white wines I think you'll love. It's perfect for our dinner," wika ng lalake at ngumiti sa kausap.

His role is done. He was able to send the warning. Nabuksan na niya ang puso ni Bernadette at siguradong gagawa na ito ng paraan para mapatahimik si Ben Tudio. After all, he is not after Bernadette herself, but rather, he was after the darkness in her heart.

"MISSION COMPLETE!" wika ng lalake sa kaniyang isipan at tinext niya ang isa sa mga iilang contacts sa kaniyang phone book.

"Oh, I'm sorry Ms. Licarte. I just had to text my driver na mauna na siya. I don't want to make this date a rushed one," paliwanag niya at tumingin sa mga mata ni Bernadette. He can see the fear behind the fake smile that she released. Alam niyang hindi maiwala sa isipan ni Bernadette ang narinig, even if they are in this special time.