Chapter 59 - Sink or Swim

TIla nabuhay ang dugo ni Basil sa narinig. Wala pa kasing kahit isang makahanap ng lead sa kanilang ginagawang imbestigasyon sa kaso.

"Nasa message ko ang isang CCTV video, sir. Nagimbestiga na ako and I have a hunch na ang taong nasa sasakyan doon sa video, siya ang isa sa mga kasamahan ni Master Murderer. Matagal ko na pong iniimbestigahan ang patungkol dito. I have given a written document sa lahat ng findings ko. Sir, I think we have been played for a very long time. Kung tama ang hinala ko at makakuha ako ng iba pang ebidensya, I think we have seen these criminals long time ago already. They have been guising under normal faces – that we don't know ay sila pala ang hinahanap natin matagal na."

Nang maabot ni Basil ang waiting shed, umupo siya sa bench at dinamdam ang malamig na simoy ng hangin. Inayos niya ang kaniyang coat bago sumagot kay Winston.

"Papunta palang ako sa bahay para magpaalam sa asawa ko pero parang pinigilan mo ako sa isang banda. Magpapaalam lang ako sa asawa ko at babalik na ako sa presinto para i-check ang sinasabi mong message. Pero, nagtataka ako at ako ang tinawagan mo. Magkaiba ang jurisdiction natin, I am sure nakarating na ito kay Inspector Antonio ng Unit 3…"

"Sir, pumunta ako sa malapit na registration ng mga sasakyan at ang plate number. Ayon pa sa mga witness na nakausap ko, wala talaga silang kilalang ganoong tao. Sa nakita kong huling CCTV video, nahagip ang sasakyan na papunta ng Baguio. Pagkatapos ito nang ma-solve namin ang kaso ng isang babaeng hinulog sa bangin ang kaniyang boyfriend."

"So, you're saying…"

"July 30 nangyari ang kaso. We had it solved right after Kaeden lent us a hand. Nahagip ng CCTV ang sasakyan na yun palabas ng Bulacan. Humingi ako ng tulong sa ibang jurisdiction at ayon sa kanila, papunta daw ng Baguio ang sasakyan. Nasa message ko ang brand at plate number."

"I'll check the other details. Kailangan kong malaman bakit mo nasabing kasama ito ng hinahanap nating mastermind."

"Roger on that, Inspector."

Ibababa na sana ni Basil ang tawag nang maisipang balaan si Winston at mag-ingat ito. May nararamdaman kasi siyang kakaiba, na para bang may nagmamasid sa bawat galaw nilang mga pulis. Master Murderer from Hell is always one step ahead of them.

---

Pagka-bukas ni Basil sa message ni Winston, nakita nito ang isang document file at ilang CCTV video files. Agad niyang idi-nownload ito at tinignan bawat isa ang laman nito. Katulad nang nasabi ng pulis, nahagip ng CCTV ang isang audi na nasa San Rafael, at palabas ng Bulacan, at patungo naman sa route ng Baguio. Tinignan niya ang document para alamin kung bakit naghinala si Winston na kasama ito ng mastermind sa lahat nilang mga kasong hawak.

Halos hindi siya makagalaw nang mabasa ang lahat ng ito. Kung kausap ng killer ang taong ito na nasa audi, ang siguradong pinaguusapan nila ay walang iba kundi ang murder plan. Hindi lang natuloy ito dahil nandoon si Kaeden at na-solve agad ang kaso. The boy was the thorn on their throats for a very long time. Pero ang pinagtataka niya, bakit hindi pa sila gumagalaw hanggang ngayon? Why are they enjoying the murder plans they are giving kahit ilan sa mga ito ay hindi nagtagumpay dahil sa anak ng dating kalaban ng boss nila?

Nagprint si Basil ng ilang kopya ng binigay ni Winston na document at inilagay niya sa isang flash drive ang mga CCTV footage. Kailangan niyang magtawag ng emergency meeting patungkol dito.

---

Kanina pa napapansin ni Remedios ang kaniyang partner na si Winston na wala sa sarili. Nasa isang restaurant silang magkakasama sa team para kumain pero parang nasa ibang dimension ang isip nito.

"Psst, hoy! Kanina ka pa wala sa sarili ah," untag niya dito. Muli namang bumalik sa kaniyang sarili si Winston at napatingin sa kaniyang mga kasamahan.

"Winston, may problema ba? parang napapansin ko sa mga nakaraang araw nagiging masikreto ka na sa amin," tugon naman ni Inspector Antonio, ang kanilang leader sa Violent Crimes Unit 3.

"Hindi naman, Inspector. May iniisip lang ako," sagot niya agad dito. Napatawa naman ang kasamahan nilang sina Junnie at Biboy. Ito ang mga kasamahan nilang mahilig magbiro, at kagaya ng dati ay agad nilang biniro na baka may naanakan itong babae at kaya ganoon siya kaproblemado. Napatawa ang lahat pero isang payak na ngiti lang ang iniwan ni Winston sa kanila para hindi na sila magtaka pa sa kaniya.

Hindi na niya napapansin ang oras at araw simula nang maisulat niya ang kaniyang findings sa kaniyang secret investigation sa taong pinaghihinalaan niyang maaaring kasamahan ni Master Murderer from Hell. Gusto niyang ipaalam ito sa kaniyang leader kapag buo na ang kaniyang hinala. Sa ngayon, ibinigay niya lamang ito kay Inspector Basil bilang lead. Nagiisip na siya na sa ginagawa niyang ito ay maaaring itinataya niya ang kaniyang buhay.

---

Balik sa normal ang buhay ni Kaeden. No murder cases around at wala na din siyang balita pa sa mga kahit anong kasong hawak nina Inspector Basil. Tinawagan niya ito minsan para kumustahin pero naging maikli ang paguusap nila dahil busy ang mga ito patungkol sa isang kasong hawak nila. Hindi na niya natanong ang tungkol sa nasabi ni Inspector Phillip sa kaniya na kay Basil niya nalang tanungin. Pero alam niya ang isang taong mas nakakaalam sa mga kaso ng kaniyang ama. Walang iba kundi ang natitira niyang kamag-anak na si Jun.

Kung may nakakaalam sa lahat ng mga bagay tungkol sa kaniyang ama, wala nang iba kundi si Jun iyon. Nakita niyang nagbabasa ang matanda ng newspaper sa outer garden ng bahay habang umiinom ng kaniyang paboritong tsaa, ang Earl Grey. Nilapitan niya ito at umupo sa katabing upuan ang binata at saglit na sinulyapan ang binabasa nitong parte ng dyaryo. Tungkol ito sa nababalitang vigilante killer na pinapatay ang mga taong nababalita o viral sa internet na gumagawa ng animal cruelty. Tinawag nila ang killer na "Savior of the Animals" dahil lahat ng pinapatay nito ay kadalasang mga nababalitaang malulupit sa mga hayop, mga zoo owners na hindi pinapakain ng tama ang mga hayop at iba pa.

"Yoyo Jun, I don't want to bother your daily reading ng newspaper pero, I just had the chance to ask you this, dahil kung may taong makakasagot sa akin ng mga bagay na gusto kong malaman, ikaw yun," wika niya dito at hinintay na ibaba ng matanda ang kaniyang binabasa. Tumingin ang matanda dito na para bang binabasa ang gustong tanungin sa kaniya ng apo. Yoyo ang tawag ni Kaeden dito, just because he wanted to be traditional with how people called their grandfathers back then during the pre-colonial era of the Philippines.

"Ano yun, apo? Parang importante iyan?"

"Well, remember the time na nasa Vicente Cruz kami and we had the case of the murders there solved? May nasabi sa akin ang killer bago siya dalhin sa presinto…"

"What is it?"

"Na hindi siya ang may plano ng mga paraan ng pagpatay. Someone with the name of Master Murderer from Hell did. The same goes nung nasa San Rafael kami. I have a hunch that the same person may have been the man behind the killings sa Cebu. And probably the news about the vigilante killer you're just reading."

Hindi agad nakasagot si Jun nang marinig ang pangalang nasabi ng kaniyang apo. Hindi nab ago sa kaniyang pandinig ang pangalang iyon.

"Sinabi ng killer ang pangalan na yan na siya ang gumawa ng plano sa mga pagpatay?" ulit ni Jun, para kumpirmahin ang narinig.

"Oo, yoyo. Seems like this man who plans all the stuff, siya ang nagbibigay sa mga killer ng gagawin nila. At first, hindi ko alam kung maniniwala ako kasi this is the usual na sinasabi ng mga criminal kapag nahuli na sila. You know, the usual 'I don't know a thing' stuff. Pero nakakapagtaka na kahit saang lugar ay naririnig ko ang pangalang iyan. Sinabi na sa akin ni Senior Inspector Philip ng Cebu MPD ang patungkol dito na kailangan ko daw tanungin si Inspector Basil, pero alam kong kung tungkol kay Papa, mas alam mo ang tungkol dito."

Tumingin sa malayo ng saglitan ang matanda at naalala ang mga bagay patungkol sa kaniyang anak at ang asawa nitong si Red. This was before Kaeden was even born.

"Well, siguro panahon na para malaman mo ang tungkol sa isang serial killer na hindi pa nahuhuli kailanman. But before I can explain you everything, doon tayo sa study room ng iyong ama. Doon ko maipapaliwanag ang lahat," sagot ni Jun at iniuna ang sarili papunta sa study room. Agad namang sumunod ang binata at sa totoo lang ay hindi niya mapigilang magkaroon ng malaking interes sa kung ano talaga ang nangyari sa kaniyang ama at kung ano ang involvement ng nasabing Master Murderer from Hell sa kanilang mga kaso.

Sa study room ay may binuksan si Jun sa pinakaibabang drawer, na hindi pa nabubuksan kahit ni Kaeden mismo, dahil mayroon itong tatlong padlock. Ang drawer na iyon ay isang secret safe, dahil sa loob nito ay nakalagay ang isa pang locker na may master knob. Nang mabuksan ito ni Jun ay kinuha niya ang luma nang notebook, kulay blue at makikitang sa tagal na nito sa drawer ay kaunting naglulumot na ang telang bumabalot sa hard carton cover nito.

"I can't believe it, bata pa ako ay hindi ko tinangkang buksan yan, dahil sa totoo lang ay hindi ko pa naman nababasa ang lahat ng libro dito, let alone to even check all the drawers. Ano ito, yoyo?"

"That notebook belongs to Seth Infante, anak ng lola mo sa mother's side. Pamangkin ng iyong ina. Sa katunayan ay, siya ang pinakaclose na pinsan ng iyong ina."

Tinignan niya ang notebook at agad na binuksan para basahin ang unang tatlong pahina nito para alamin kung ano ang maaaring laman ng notebook na iyon. It's all about rigorous investigation techniques, ilang mga Private Eye secrets at Criminal Psychology terms.

May napansin siya sa ilang mga nakasulat sa notebook. Kapareho ito ng mga nabasa niya sa notebook ng kaniyang ama.

"That notebook, consists of all the secrets your uncle had."

"Secrets?"

"Get to the middle pages, apo. You'll see what I mean."

Nilipat niya ang mga pahina ng notebook sa kalahating parte at nakita niya ang hindi niya inaasahang mga notes. List of Perfect Crimes. The planning, the execution, how to escape the police, false memory control at iba pa.

"A-ang sabi sa akin ni Papa, si tito Seth daw ay isang magaling na police investigator at naging criminal psychologist ng NBI bago nagsilbing private detective ng ilang taon. Ang kwento sa akin ni Papa, siya ang leader ng Cerulean Eyes, ang pangalan ng detective agency na researcher lamang si Papa noon."

"That's correct. Pero, ang tito Seth mo…well, he succumbed to his madness. Totoong napakagaling niyang criminal psychologist, pero ito rin ang dahilan kung bakit ang dating liwanag ng mga pulis ay naging isang kadiliman."

"Anong ibig niyong sabihin, yoyo?"

"Seth became a criminal. Noong una, he was just fascinated with studying the criminal brain, how they think and analyzing them. Hindi nagtagal, all of a sudden, he wanted more. He descended into a psychologist who wanted to commit crime himself para alamin kung ano ang pakiramdam ng isang criminal. Your father can't stop him. He went missing suddenly after his crime. Walang mahanap na lead ang mga pulis sa bawat ginagawa niyang krimen. He executed the crimes so perfectly that no one can ever catch him. Tanging ang iyong ama at ang noon ay SPO1 pa lamang na si Basil ang tanging humahanap ng paraan para mapigil siya. They succeeded. To Seth, ang iyong ama at si Basil ang kaniyang tinik sa lalamunan. His crimes ended after killing his own parents."

Hindi alam ni Kaeden kung ano ang mararamdaman sa mga naririnig. Hindi niya alam kung ano ang iisipin sa kaniyang tito.

"Is he still alive? Siya ba ang Master Murderer from Hell?"

"Unfortunately, no. Patay na siya. Kinidnap niya noon ang iyong ina, limang taon bago ka niya ipinanganak. He wanted to use your mother as a hostage, pero nabaril siya ni Basil sa likod, habang tinatakot ang mga taong kaharap niya kasama naman ang iyong ama, who was buying time para ma-subdue ang hostage taker."

"Then…"

"Seth had a name before. The police force called him 'Heretic from Hell'. Heretic ang tawag nila sa kaniya dahil noong una ay kasapakat siya ng mga pulis, then he turned into the dark side of things. He calls his work as justice, yet brings chaos into the world."

"Ano ang koneksyon niya kay Master Murderer from Hell kung ganun, yoyo? Could it be that this serial killer now somehow follows him? Copycat murderer?"

Seryosong tinignan siya ng matanda bago ito sumagot. Batid sa mukha nito na hindi na ito basta nagkukwento lamang, he has something to point out.

"Sa tingin mo, apo, kung wala ka doon sa Vincente Cruz at sa San Rafael, do you think the police could have solved it? I don't think so. The reason the plans were foiled was because of you. Do you know the main reason how you were able to solve them, minus your knowledge as a person?"

Sandaling nag-isip si Kaeden sa natanong ng kaniyang lolo. Noon pa man, noong bata pa siya, lagi siyang kinakausap at binibilin ng kaniyang ama. May mga pinagagawa ito sa kaniya na, kapag nagagawa niya, agad na binibigyan siya ng chocolate bilang reward. Hindi niya ito pinansin dahil sa tingin niya, ganoon lamang ang mga ama sa kanilang anak lalo na kung bata pa lamang ang mga ito. Then he realized that everything his father was letting him do and think of were actually his mini-training to understand something deeper. For him to solve not just real-life problems but also bits and pieces of criminal psychology. Kasama na dito ang notebook ng kaniyang ama na iniwan niya para basahin.

"It seems hindi ko na kailangan pang hintayin ang sagot mo, dahil alam kong tama ang nasa isip kong sagot mo. It was your father's training, constant reminders and his notebook. Bilib ako sa ama mo dahil isa siyang visionary bilang ama. He was training you hindi dahil gusto niyang maging detective ka rin paglaki mo, rather, ginagawa niya iyon dahil maaaring sa isang araw ay makasalubong mo ang mga katulad ni Seth. Criminals who doesn't have a regard for life."

Mas lalong lumaki ang respeto ng binata sa kaniyang ama. Hindi lang dahil sa ginawa nito o ibinigay nitong mga bagay sa kaniya kundi ang buo nitong pagkatao. Dahil maaga siyang nawalay sa kaniyang mga magulang, it was only the videos that they left for him, the notes and the pictures were all he had to remember his parents.

"Apo, this Master Murderer from Hell is no copycat. Hindi niya kayang gumawa ng mga kasing complicated ng mga nakwento mo kung wala siyang vast knowledge sa mga bagay-bagay katulad ni Seth."

"Are you suggesting that this Master Murderer from Hell is…"

"Hindi siya si Seth. Pero may kutob akong hindi lang ikaw at ako ang may hawak ng notebook na iyan. What if this person got a hold of the same contents in that notebook?"

"Kung visionary si Papa, parang ganun din si tito Seth, kung ganun. He wanted to spread his knowledge para gawing impierno ang mundo."

"Kaya ko binibigay sa iyo ngayon ang notebook na iyan, ay para malaman mo kung ano ang nasa utak ni Heretic from Hell. Whatever he has left, mababasa mo sa notebook na iyan. Gamitin mo sa mabuti ang mga mababasa mo sa notebook na yan, because I have a hunch that if this new serial killer has read all the contents of that notebook, then he will follow the same pattern. Hindi rin ako naniniwala na lahat ng magbabasa niyan ay maiintindihan ang paraan ng execution, not unless he understands it completely."

Muling tinignan ng binata ang ilang pahina ng notebook bago muling ibinaling ang tingin sa lolo. Tumango ito, ngunit may isa pang bagay na bumabagabag sa kaniyang puso. Hindi pa niya ito maipaliwanag sa ngayon, pero parang may kakaiba siyang nararamdaman sa notebook. Would he also descend into madness knowing the criminal mind until the person with so much interest would commit the crime himself to satiate the hunger for his knowledge about the human brain?

Author's Note:

San Rafael Cliff Incident Case – Irina Mendez (from Season 2, Chapter 17 – 19)