"Ah, Elmer! While they are looking at your paintings, parang nagustuhan kong pagusapan kung ano ang emosyon sa painting mo," pabati ni Ronwaldo sa kasama. Tumingin si Elmer kay Hailey na parang sinusukat nito ang kaniyang katalinuhan base sa kaniyang hitsura.
"Miss, that was a great observation. Alam mo, inanyayahan ako doon sa isang art gallery kung saan nakita ko ang mga paintings ni Edvard Munch. Di ko aakalaing maiinspire uli ako sa gawa niya. Indeed, this painting, was inspired from his. Pero, I have a reason for this painting. Tama ang sinabi mo. It was about solace and the horizon. Pero may punto ang kasama mong binata. This painting – shows also the darkness of the human mind," buong paliwanag ni Elmer sa kanila. Nakinig naman sa malapit ang ibang mga bisita. Ito ang isa sa mga bagay na hindi kadalasang ginagawa ng isang painter – ang ipaliwanag ang kanilang mga gawa. Why, it makes the art less valuable, or rather, the mystery that should have been in the painting has been unraveled. Pero sa painting ni Elmer, para bang imbes na ma-unravel ang mga misteryo sa painting, mas lalong nadadagdagan pa ito.
Sa hindi kalayuan, nakatingin ang isang tao. Si Ace of Spades mismo. Nakatingin siya sa painting na pinaguusapan nina Elmer. Naalala niya ang isang bagay sa kaniyang buhay kung saan kasama niya ang isang babae at pinaplano nila noon na kung magpapakasal sila balang araw, gusto nilang bumili ng isang cottage.
---
"Sir, ano ba talaga pakay natin sa Mansion Dama De Noche na sinasabi niyo? Parang paliliparin natin tong sasakyan ah," tanong ni Mitchell kay Stephen, habang minamaneho nito ang isang hired van. Nasa likuran sina Dustan, Johann, Matilda at Hilda na naki-ride in na rin.
"Kaibigan ng papa ko si Ronwaldo Castiglione, ang may-ari ng mansion. Tsaka, gusto ko namang makita yung sinasabi nilang painting nung sikat na painter ng Pinas…" sagot ni Stephen. Siya lang sana ang pupunta pero nang marinig ni Dustan na bibisita si Stephen sa mansion na iyon, nakisali na rin sila. Sa totoo lang, ngayon lang talaga naging magka-close ang dalawa.
"Besides, paraan na rin ito para magkakilala naman kami ni Stephen. Habang andun tayo, eh di party party na rin!" sabat naman ni Dustan.
"Siguraduhin niyo lang na may fans ako dun ah. Baka naman pagdating natin dun eh, puro matatanda lang ang andun," tuloy ni Johann.
Natawa ang mga kasamahan nila at napatingin na lamang si Mitchell sa actor.
"Well, I ensure you may mga dalaga at binata doon na kilala ka. Sigurado akong hindi lang naman ang mga mayayamang matatanda ang aattend sa party, kasama na rin ang asawa at anak nila for sure," sagot ni Stephen.
"Alam niyo, nakakainggit din ang buhay niyo, mga sir, ma'am. Buti pa kayo nakakapag-party kayo ng ganiyan. Ako kasi, kung wala itong si Sir Stephen na ipagda-drive ko, matagal na akong walang trabaho. Eh, sa pagdadrive lang naman ako kumikita ng pera," pasubali naman ni Mitchell sa kanila. Nagiisang anak si Mitchell at pinadadalhan niya ng pera ang kaniyang mga magulang sa probinsya. Nasabi niya din ito kay Stephen, at naawa ang binata sa kaniya kaya kinuhang personal driver.
Nagkatinginan ang lahat sa nasabi ng driver nila at napangiti namang tumingin mula sa front mirror si Hilda.
"Sus, ganun lang ang buhay, kuya, chambahan. Kung wala yung drama naman na pinagtrabahuan ng scriptwriter namin, eh di wala din kaming show. Tsaka, mahirap ang kumpetisyon ngayon dahil may youtube na. Kahit sino, pwedeng sumikat basta may talent at diskarte," sagot ni Hilda sa kaniya. She is trying to cheer him up, and she seems to have succeeded.
Tumingin si Mitchell sa daan at nakita niya na malapit na sila sa mismong mansion.
"Sir, eto na po pala eh. Konting metro nalang andun na tayo," wika niya. Sumunod ng tingin ang lahat at nakita nila ang isang nagliliwanag na mansion. Alam na nilang kahit gabi na, tuloy parin ang party. Siguradong kakasimula lang dahil nakikita niya ang karamihan sa mga tao ay kumakain parin at ang iba naman ay nagsasarilinang kwentuhan na habang may tugtog na jazz music.
"Pero sir, parang may nararamdaman akong kakaiba sa mansion na to. Parang hindi tama eh," sunod niya.
"Alam ko kung ano yan, kuya…" sabat ni Dustan sa driver. "Alak! Yan ang kulang dyan!"
Nagtawanan ang lahat sa narinig at nailing na lamang na sinenyasan ni Stephen na i-park ni Mitchell ang sasakyan sa parking space malapit sa mansion kung saan naroon din ang ibang mga sasakyan. Mabilis silang bumaba nang makitang lumapit sa kanila ang ilang mga guard ng mansion.
"Ah, pwede pa ba kaming pumasok? Actually, wala kaming invitation, pero kaibigan kasi ng papa ko si Sir Ronwaldo eh," wika ni Stephen sa isa sa mga guard. Tumawag sa ICOM radio ang guard mula sa mga guard na nasa loob ng mansion at tinanong kung may kilala ang amo nilang Stephen Curtis. Agad namang sumagot ang nasa kabilang linya na kilala ng amo nila ito. Pinapasok agad sila ng guard at nang makita sila ng ilang mga anak ng bisita ay agad silang nagbulong-bulungan.
"Di ba si Stephen Curtis yon!?" wika ng ilan. Nang makumpirma nilang kasama niya ang ilang mga sikat na artista, agad na nagkumpulan ang iba at humingi ng picture kasama sila.
Ilang minuto lang ay sinalubong sila ni Ronwaldo sa labas at inimbitahang pumasok sa loob, dahil kasalukuyan silang tumitingin sa mga painting ni Elmer.
"Eksakto pala ang dating ko. Main event na!" wika nito at pumasok sa loob kasama ang mga kaibigang artista. Sumama na din si Mitchell dahil kailangan niyang alalayan ang amo niya kung sakaling malasing ito. Hindi kasi siya umiinom, lalo na't siya ang driver nito.
Pagpasok nila Stephen, nakita ng lalake ang isa sa kanila at nakilala niya kung sino ito.
"S-Si Janus! Anong ginagawa niya dito!?"
"Wow, these paintings are amazing! Although hindi ko alam ang buong imagery, I just feel that they give me the vibe, you know," komento ni Johann.
"Vibe of what��?" tanong ni Hilda sa kaniya.
"A vibe that…well, a murder will happen," sagot niya.
Natahimik ang mga kasamahan niya sa nasabi niya at sinenyasan siya ni Hilda na tumahimik nalang. The joke was insensitive.
"Hey hey hey, ano ba yang sinasabi mo dyan. We're here to party, not to sulk about killing or murder!" agad na pabalik ni Dustan para mawala ang aura na pinakawalan ni Johann sa nasabi. Tumawa lang si Johann at sinabing hindi naman daw siya seryoso sa nasabi. Pero sa loob loob niya, he just feels that the bereaving tone of Elmer's paintings somehow has the odor of murder.
Kanina pa tumitingin ang lalake kay Janus at hinihintay na tumingin sa kaniya ito para alamin kung bakit siya naroon. Ilang segundo pa ay nagtama ang kanilang paningin.
"Go!" sensyas ni Janus sa kaniya.
Napangiti ang lalake sa naibulong sa kaniya ng mismong nagbigay sa kaniya ng murder plan. Umalis ito sa gallery at sinimulang isipin kung papaano niya papatayin ang natitira niyang target!
---
Nakakadalawang baso na ng kape si Senior Inspector Phillip pero hindi parin siya makakita ng lusot sa kung sino ang serial killer sa nangyayaring krimen sa kaniyang jurisdiction. Nababato na siya ng kaniyang mga higher ups at laging sinasabon ng mga journalist sa radio, pahayagan at maging sa telebisyon tuwing press conference sa kung ano na ang estado ng kaso. Sa totoo lang para na rin siyang artista na may paparazzi dahil sinusundan siya ng mga mamamahayag tuwing may bagong patay silang matatagpuan at ang serial killer na iyon ang may gawa.
"Sir, isang kape pa di na kayo makakatulog niyan," wika ni PO3 Enrico.
"Yun na nga eh, Salcedo. Alam mo yun, hindi na tayo nakakatulog pero hindi parin natin nahahanap ang tarantadong serial killer na yun. At alam mo ang mangyayari sa atin kapag hindi pa natin yun nahuli? Lintik, baka tayo ang mawalan ng trabaho dito," sagot ni Phillip sa kaniya.
"Sir, relax lang. Di naman tayo siguro mata-transfer."
"Anong hindi? Alam mo bang yung matanda sa pwesto, siguradong ililipat na naman tayo, Saw ana akong ilipat-lipat. Violent Crimes Unit tayo. Isa sa mga kinikilalang unit. Ano, ita-transfer tayo sa Cold Cases? O baka naman sa Riot Division. Naku, sawa na akong tumakbo-takbo para humabol ng mga pipitsuging naghuhuramentado sa daan!"
Umiiling na umupo si Enrico sa kaniyang upuan at hinintay ang mga kasamahang dumating sa opisina. Sa totoo lang, may punto naman kaya nagkakaganito ang boss nila. Halos pinaglalaruan sila ng serial killer na para bang sumasayaw lang sila sa palad niya.
Hingal na pumasok sa opisina nila si PO1 Jeric Estabillo, ang kanilang "runner", o ang laging tinatawag nila kapag may kailangang gawin.
"Oh Estabillo, bakit parang ginahasa ang hitsura mo!?" agad na sigaw ni Phillip sa pulis.
"S-Sir, palagay ko kayo na ang dapat bumasa nito!" sagot niya at dali-daling ipinakita ang isang envelope na may lamang sulat. Mabilis na binuksan ni Phillip ang envelope at binasa ang sulat.
"Cebu MPD, Violent Crimes Unit 1. Murder at Mansion Dama De Noche. 11PM. – Ace of Spades"
Tinignang muli ni Phillip ang envelope at tinignan niya ang nakasulat doon.
"For Senior Inspector Phillip Rivas. From: The Serial Killer Ace of Spades"
"Estabillo, pumunta ka sa crime lab. Ipa-fingerprint scan mo to agad!"
"Yes, sir!"
Mabilis na kinuha ni Jeric ang envelope at ang sulat para dalhin na sa crime lab. Sina Phillip at Enrico naman ay agad na lumabas sa opisina para bumiyahe papuntang Mansion Dama De Noche. Tinawagan ni Enrico na sumunod na lamang sina PO3 Zavier at PO2 Sedro na kasamahan nila sa Violent Crimes Unit. Kailangan nilang mapigilan ang serial killer. Tinignan ni Phillip ang kaniiyang wristwatch. 9PM na.
---