---
Kakatapos lamang maglaro ni Trek sa kaniyang PS4 nang marinig niya ang cellphone niyang nagriring. Si Kaeden ang tumatawag. Ang ipinagtataka nito ay kung ano ang kailangan nito. Balita kasi niya ay nasa Cebu ito at napilitang sumama lang dahil sa kaniyang pinsan. Ayaw niyang marinig ang kaibigang magreklamo patungkol sa sapilitang bakasyon niya pero naisip niyang baka importante naman ang sasabihin nito. Hinintay niyang magring ito ng tatlong beses bago tuluyang sinagot ang tawag.
"Yo, what's up? Kumusta ang Cebu?"
"Not well. Para bang hinahabol talaga ako ng kamalasan dito."
"Well, what's new? Don't tell me may namatay na naman?"
Hindi agad sumagot si Kaeden, dahil sa katotohanan, totoo ang hinala ng kaibigan.
"Check the news, Trek. You won't believe it."
Kinuha ni Trek ang remote control ng kaniyang wall tv at pinindot ang POWER button. Doon, nakita niya ang kasalukuyang news. Serial Murderer at Cebu, still at large.
"Oh boy, you're in deep trouble. Don't tell me, nasa crime scene ka ngayon?"
"Unfortunately, yeah. Bagong kaibigan ko yung anak ng may-ari ng mansion, so we're here to stay for the rest of the week."
"Is she hot?"
Nagulat ang kausap dahil hindi pa naman niya nasasabi kung babae ang anak ni Ronwaldo. Kung patungkol sa babae, napakalakas talaga ang radar ni Trek.
"How did you – "
"I asked you if she's hot…"
Napabuntong-hininga na lamang ang binata at pinagpasensyahan ang kaibigan.
"Yup, she is."
"Cool!"
"Look, I'm not here to discuss the girl. May ipapahanap lang sana ako sa iyo."
"Dude, if it's on the internet, you can just use your phone."
"I know. Pero, I think it's better if it's you. Tsaka, wala kaming oras. Gusto naming magrelax pero hindi namin magawa. Don't worry, I can get you a picture and autograph of Matilda Locsin. Fan ka niya di ba?"
"What!? Andyan si Matilda Locsin?"
"Uh-huh. Dude, I'll get you a greeting video if you want."
"Consider it done, bro!"
Mabilis na ibinaba ni Trek ang kaniyang tawag at hinintay na itext ng kaibigan ang hahanapin nito sa internet. Nang makita niya ang listahan ng mga tao at kung ano ang background nila, agad niyang hinanap ito at tinignan kung ano ang meron sa kanila bakit sila ang pinatay ng serial killer.
---
Idinial ni Janus ang numero ni Ace of Spades. Nakailang ring din ito bago sumagot ang client. Nang marinig niya ang boses nito ay agad niyang binigyan ng papuri ang serial killer.
"How bold of you to do that. Ikaw lang ang naging client ko na talagang hindi nag-atubiling gawin ang krimen, even in the presence of a few intellectuals around. At ano to? Nagpadala ka pa pala ng message of killing? I'm very impressed," wika nito, at napangiti habang nasa isip nito ang mga walang alam na pulis sa kung ano ang talagang nangyari at paano nakapasok sa mansion ang isang serial killer.
"Kailangan na niyang mawala sa mundo. Wala akong pakialam kung sino pa ang nandoon," sagot ng serial killer. Halata sa boses nito na masaya siya, at nagtagumpay na siya sa kaniyang paghihiganti.
"Well, that concludes our contract. Pwede ka nang mabuhay na Malaya. All of the evidence will never be placed against you. Walang natural traces, walang leads, walang suspect. Napaka-simple, hindi ba?"
"Oo. Pati ang anak ng dating detective, walang alam sa nangyayari. Kahit na hanapin pa nila sa internet ang mga profile ng pinatay, wala silang mahahanap. Since the killer never existed in the first place."
Sa pagkakataong ito, hindi siya maiisahan ni Kaeden. The murder plans are perfect. No hints of the victims' reason of getting killed, no traces, no leads, nothing. Para kay Janus, ito ang kaniyang first victory.
"Oh siya, Ace of Spades. Mag-lie low ka na hanggang sa mamatay ang kaso patungkol sa iyo. Live as you want to."
"Salamat, Janus."
Pinutol na ni Janus ang kaniyang tawag at inalis ang sim card na gamit niya at itinapon na sa basurahan. Nasa isang hotel siya at nakatingin lamang sa mga magagandang mailaw na lugar ng Cebu. Sa unang pagkakataon ay nakahanap siya ng client na naisakatuparang mabuti ang kanilang mga murder plans.
---
Nakailang oras din na pagreresearch at pag-aanalyze si Trek pero wala siyang makitang koneksyon sa bawat isa sa kanila, maliban sa isa. May krimen na nangyari sa panahon na mayor pa ang isa sa mga biktima, ang Andrea Mildred Alegre Kidnapping, Rape and Slay Case. Walang nahanap ang mga pulis na lead kung sino ang gumawa nito. Natagpuan na lamang nila ang bangkay ni Andrea at ng kaniyang kasintahan na nasamang nakidnap nang mga panahong iyon. Ito ang tinawag niya sa kaibigan sa cellphone at pinagisipang mabuti kung paanong ang mga taong iyon ay bigla na lamang pinatay ng serial killer. Sa kabilang banda, gusto niyang tawagan ang kaniyang pinsan na isang pulis sa maynila kung ano ang masasabi niya tungkol sa kasong iyon at sa kung ano ang nangyayari ngayon.
Nang marinig naman ni Kaeden sa kaibigan ang report, tila naglalakad siya sa isang alleyway na walang patutunguhan kundi isang continuous loop of alleyways. Hindi niya alam kung sino ang serial killer, ang dahilan kung bakit niya ginagawa ito, as well as the murder tricks. This is probably the first time he was outmatched by the serial killer. Pero sa nasabi ng kaniyang kaibigan patungkol sa nangyaring krimen nang mayor pa ang isa sa mga biktima, naisip niyang baka may koneksyon ito sa nangyayari. Why else would it be like this kung walang rason?
Nawala siya sa concentration at sa pagiisip nang tinapik siya sa balikat ni Hailey. Nasa salas ang mga ito ng mansion at hinihintay na matapos ang questioning ng mga pulis.
"Cous, we have to go back to Baguio tomorrow, unfortunately," wika ni Hailey sa kaniya.
"Ha? And here I thought we're going to stay here for more – " hindi na naituloy ng binata ang kaniyang sasabihin nang muling sinunod ni Hailey ang dahilan.
"Well, unfortunately, our free stuff ends tomorrow. Alam mo rin na hindi natin afford na magstay dito since we have a tight budget."
"Tsaka, wala namang mawawala kung babalik na tayo. Hindi ba, ayaw mo din naman na masama sa mga ganitong klase ng kaso? Kinokontra mo na ba ang sarili mo?" sabat naman ni Josephine na nasa tabi nito.
Well, tama nga naman ang kaibigan. Sa totoo lang ay nakakapagod pang magisip kung ano ang nangyari, sino ang killer at kung anu-ano pa. Naisip niyang ang pinakamagandang solusyon ay ipaubaya niya na lamang ito sa mga pulis, since they know better than him kung ano talaga ang dapat gawin.
"Well I guess you're both right. Sandali lang, magpapaalam lang ako kay Inspector Rivas. We have to set off early tomorrow. Mas maaga, mas mabuti. We can at least relax at home earlier than expected. You both know that I can't stand the ship that much."
Tumayo siya sa sofa at hinanap ang senior inspector upang magpaalam. Nakita niya ang inspector na hindi rin alam kung ano ang gagawin habang nakatingin sa crime scene at tinitignan ang kaniyang notebook.
"Senior Inspector?" tawag niya dito.
"Oh, ikaw pala. Well, as you can see, ganun parin. Naisahan na naman kaming mga pulis."
"Actually, senior inspector, nandito lang ako para magpaalam sana. Babalik na kami ng Baguio bukas ng maaga. Although, may kaibigan akong niresearch ng mabuti kung ano ang maaaring koneksyon, pero wala…except for one thing."
Tumingin sa kaniya si Phillip at tila ba binabasa nito kung ano ang ibig niyang sabihin mula sa kaniyang mga mata.
"Andrea Mildred Alegre Kidnapping, Rape and Slay Case," agad na sambit ni Kaeden sa kaniya.
"Anong sabi mo? Yung kaso noon na hindi parin nareresolba hanggang ngayon?"
Sa katotohanan, kinilabutan si Phillip sa narinig. Alam niya ang buong pangyayari sa kasong iyon. It was one of the most terrifying cases he investigated. Pero walang nangyari sa kasong iyon dahil naglahong parang bula ang mga ebidensya.
"Yes sir. According sa researcher ko, nangyari ito nung mayor pa ang isa sa mga naging biktima."
"Hindi ko pwedeng maiconsider na lead yan kung walang true connection. Pero, sige, iimbestigahan ko yan. Ipapakita ko sa mga kasama ko at titignan pa namin kung merong mga pwede naming makita na koneksyon sa kaso."
"Salamat, Senior Inspector. Unfortunately, I won't be here to help. It's rather strange to meet someone na sa pangalan ko lang nabasa."
"Nabasa?"
"01-14-1992. Cebu Runaway Bride Case. Nakasulat sa notebook ni Papa. I have the notes memorized."
Napangiti si Phillip sa narinig. Ang Cebu Runaway Bride Case ay ang kasong nagsama sila ni Red na hanapan ng solusyon. Trip to memory lane sa kaniya ang narinig niya mula sa binata. Tungkol ito sa isang napakagandang bride to be na biglang nawala bago ang kanilang kasal. Kinabukasan, pumunta sa istasyon ang groom at nagrequest ng imbestigasyon kung nasaan ang kaniyang bride. Kasama si Red na nagbabakasyon noon sa Cebu, nagtulong ang dalawa na alamin kung ano ang nangyari. Upon their investigation at two days of search, they were able to find out na ang bride ay patay na, and the killer is no other than the father of the groom, who happened to have raped the woman and forced to kill her since she would never get silent over what happened.
"Trip to memory lane. Napakadilim na kaso niyan. Although, hindi ko alam kung ano ang sinulat ng ama mo tungkol sa akin."
"He said you were an excellent PO2 back then. Hindi ka raw natutulog hangga't walang bagong lead. Pero, I guess you're still the same and even fired up until now. Kung kailangan mo ng tulong sa imbestigasyon, I'll try my best, kahit sa tawag lang. unfortunately, we have to go back tomorrow."
"It's a big honor, na ang anak ng dating kasama ko ang tutulong naman sa akin ngayon sa kasong ito. Sige, tatawagan kita. Pero, may advise lang ako sa iyo."
"Ano po yun, sir?"
"Narinig mo na ba ang pangalang, Master Murderer from Hell?"
Hindi maikakaila ng binata na nagkaroon siya ng goosebumps nang marinig niya ang pangalang iyon.
"Kilala niyo rin ba siya? Nung nasa Vicente Cruz kami, yan ang pangalang sinabi sa akin ng killer nang mahuli siya."
"Na hindi siya ang may plano ng pagpatay?" sabat ni Phillip. Tumango lang ang kausap bilang pagkumpirma sa sinabi niya. Pagtataka ang bumalot sa mukha ni Kaeden nang oras na iyon, dahil hindi niya alam kung sino ang tinutukoy ng kausap.
"Well, you better not know. Pero magiingat ka. Whoever that person is, hindi ko alam kung sino. Pero nang nabubuhay pa ang ama mo, ilang beses na rin naming narinig ang pangalang yan. Mas maganda siguro na ang magsabi sa iyo ng lahat ay si Inspector Basil, dahil siya ang mas nakakaalam."
Iniwan siya ni Phillip matapos maibigay ang kaniyang babala sa binata. Hindi basta-bastang kaaway ang nasabi nitong tao. Hanggang ngayon ay hindi pa nahuhuli ang taong ito, at sa napakatagal na panahon ay misteryo parin talaga kung sino siya.