Chereads / Case Book of Detective Kaeden (TAGLISH) / Chapter 54 - Ace of Spades Serial Murders: File 2

Chapter 54 - Ace of Spades Serial Murders: File 2

6:00PM, Mansion Dama de Noche

***

Malalim na ang gabi at kakaunti nalang ang nasa labas ng siyudad. Sa isang madilim na lugar at patay-sinding street light, pinilit ng isang lalake na tumayo at tumakbo, para takasan ang taong sumusunod sa kaniya sa likod. Naramdaman niya ang kirot sa kaniyang katawan nang masagi ito sa kaniyang pagkakatayo. Nagtamo kasi ito ng dalawang saksak mula sa taong sumusunod at humahabol sa kaniya.

Habang ramdam ang sakit at pagod, sumandal ang lalake sa isang puno sa malapit at kinuha ang cellphone nito mula sa kaniyang coat. Sinimulang tawagan ang isang malapit sa kaniya at hinintay nitong mag-ring ang kabilang linya. Pero habang hinihintay ang tinatawagan, inabutan siya ng taong humahabol sa kaniya at tinutukan ng baril. Hindi na nag-atubili pa ang taong iyon at kinalabit ang gatilyo. Kasabay ng pagputok ng baril ang pagkawala ng isang buhay. Pinulot ng tao ang cellphone at kinancell ang tawag. Sinigurado niyang malinis ang kanyang galaw, kaya't nakasuot na ito ng surgical gloves para hindi makuha ang kaniyang fingerprints. Pinatay nito ang cellphone at mabilis na tumakbo paalis sa lugar na iyon.

***

Hindi pa nakakatulog ng maayos si Senior Inspector Phillip nang tumakbo sa kaniyang opisina si PO3 Enrico Salcedo para gisingin siya.

"PO3! Hindi pa ako nakakatulog ng maayos!" reklamo nito sa tauhan.

"Sir, kailangan nating pumunta sa crime scene! May namatay na naman! Same MO sa hinahanap nating killer!" sagot ni Enrico. Agad na napatayo si Phillip sa narinig at inayos ang kaniyang sarili. Kinuha agad nito ang kaniyang baril na nasa pa at iniayos sa katawan. Mabilis nilang pinuntahan ang crime scene at kailangang alamin kung anong nangyari doon.

Habang nasa police car, naglalaro sa isip ni Phillip kung ano na naman kaya ang ginawa ng killer sa biktima. Tumingin siya kay Enrico na siyang nagdadrive at tsaka ibinaling sa dalawang pulis pang nasa likod, mula sa front mirror.

"Sino nga pala ang biktima?" tanong nito sa mga kasama. Isa sa mga pulis ang binuksan ang kaniyang notebook para sagutin siya.

"Shane Denzel Ando. Anak ng dating councilor na si Conrad Ando."

"COD?"

"Gunshot on the head, sir. The killer inflicted a stab wound, before actually firing a shot."

Nagkaroon na ng ideya si Phillip sa sinabi ng kasamahan. Ibig sabihin, inintensyon ng killer na pahirapan pang tumakbo ang biktima bago niya ito patayin. Kung parehas ang MO gaya ng sabi ni Enrico, ibig sabihin ay mayroon itong mensahe katabi ng bangkay ng pinatay niya.

"What makes this the same killer with the same MO?" tanong niya.

Si Enrico na ang sumagot ng tanong niya. "May note po sa puno kung saan siya natagpuan, sir. But I believe mas magandang kayo na mismo ang tumingin."

Napatingin siya sa kaniyang wristwatch. 9:30AM. Sakto. Hindi pa siya nakakapag-agahan pero may bago na naman silang problema. Limang araw na siyang hindi nakakauwi ng maayos sa kanilang bahay. Siguradong nag-aalala na ang asawa nito dahil sa nangyayari. Naiintindihan naman ng asawa nito na kailangan nilang mag-overtime dahil sa kasong ito, pero hindi parin maaalis sa isang babae ang mag-alala para sa kalusugan ng asawa nito. Kinuha niya ang kaniyang cellphone at agad na tinext ang asawa na baka uuwi siya pagkatapos nilang makuha ang detalye sa crime scene. Sa totoo lang ay hindi pa siya nakakaligo ng ilang araw dahil sa gusto nitong makakita ng bagong lead patungkol sa serial killer na gumagala ngayon sa Cebu.

"Uuwi kayo pagkatapos, sir?" tanong ni Enrico. Alam kasi nito ang ugali ng boss. Kapag may kaso silang kailangang ma-solve, hindi ito umuuwi at masigasig na naghahanap ng lead para lang makagalaw ang buong kapulisan at mahuli ang criminal. Alam na din nito na kapag ganitong alam niyang nag-aalala ang asawa niya, ito ang unang-una niyang itetext.

"Once in a while, kailangan mong itext o tawagan ang asawa mo. That's my advice, Salcedo. Nagaalala na rin ang asawa ko dahil maglilimang araw na din akong hindi nakakauwi. Pinupuyat ako ng serial killer na kailangan nating hulihin. Di na nga ako nakakaligo dahil hindi pa tayo nakakakuha ng kahit isang connection sa mga pinapatay ng killer eh."

"Ay! Kaya pala may naaamoy akong medyo hindi maganda, sir!" tawa ni Enrico. Sinesenyasan naman siya ng dalawang kasama sa likod na tumahimik. Minsan kasi ay hindi nito alam pigilan ang bibig niya kapag magbiro at magsalita. Kahit totoo, boss parin nila ang kasama nila sa sasakyan. Hindi kasi talaga marunong magbasa ng sitwasyon si Enrico. He can't catch the air. Tuloy lang ito sa pagbibiro at pagtawa habang sinesenyasan siyang tumahimik. Hindi na siya pinagalitan pa ni Phillip at tumingin nalang sa bintana ng sasakyan.

---

Hindi nagtagal ay dumami nang dumami ang mga bisita sa mansion, halos napuno na nga ang pinaka-labas ng mansion at pati ng veranda, kung saan may mga kilalang taong naguusap-usap patungkol sa kani-kanilang buhay. Hindi lang naman kasi isang simpleng sightseeing ng mga paintings ang pinunta nila doon. May party rin para dito. Sa isip ni Kaeden, siguro wala lang talagang mapaglagyan ng pera ang mga mayayaman katulad ng pamilya ni Chelsea at pati pagtingin sa paintings ay kailangang may party. Extravagant wine, classical songs as background and well decorated space – lahat ay talagang pinaghandaan. Mayroong mga floral based ribbons at well-lit din ang mansion, it's as if you're in Venice or Toscana, all of a sudden, dahil sa theme ng organizer.

"Look at all the people who gathered here. Most of them are probably politicians, investors or big businessmen, no?" wika ni Hailey kay Kaeden. Nakaupo ang tatlo sa isang short round table na may pearl and violet flower ribbon design. Naroon din ang tatlong maliit na nameplate na nakapangalan sa kanila. Everything is well placed and organized, para hindi rin magkamali ang bawat guest sa kung saan sila uupo.

Tumingin naman si Kaeden sa pinsan nito at hindi nito aakalaing tinotoo nito ang biro na susuotin nito ang kaniyang matingkad na red silk dress. Si Josephine naman ay nagsuot ng sleeveless na yellow dress. Napansin din nitong con todo make up ang dating nito.

"Ako nagmake-up diyan, kaya talagang maganda!" biro pa ng pinsan nito sa kaniya. Truly, Josephine is as pretty as always – the make up only did enhance the uniqueness of her charm.

"You know, kung ganyan pala palagi ang look mo, it would have made all our classmates back in college swoon over you for the entire four years," pasunod namang biro ni Kaeden sa kaniya. Well, she was not called "Madonna" for nothing. Pero kung tungkol sa kagandahan niya, nagkakaroon siya ng insecurities sa iba lalo na kay Chelsea ngayon.

"Wala akong pambili ng make-up! At wala kang binibigay na pambili!" sagot ni Josephine dito, tsaka umupo kaharap ng binata. Halos hindi maiwasan ni Hailey na tignan ang dalawa habang nagsasagutan. Hindi kasi nito aakalaing ganito ang dalawa lalo na kapag mayroon na palang kakompetensya si Josephine sa puso ng pinsan niya.

Hindi nagtagal ay nagsimula na ang party. Maraming nagpakilalang mga businessman sa harap ng stage, ganoon din ang kani-kanilang project na naka-konekta sa business ng ama ni Chelsea. Naroon din ang ilang mga art afficionado na naghihintay na ipakita ni Ronwaldo Castiglione ang mga paintings ni Elmer Buencamino. Hindi lang pang-national ang gawa ni Elmer. Matunog ang pangalan niya ngayon dahil maraming mga gallery owners sa buong Europe ang gustong ilagay ang gawa niya sa mga art galleries nila. It would not just make him rake thousands of dollars, but millions.

Kagaya ng lahat, sumali din sina Kaeden sa mismong painting viewing. Nakatingin si Kaeden sa isang painting ni Elmer, patungkol ito sa isang lalake na nakatayo sa isang parang cottage at nakatingin sa malayo. Para bang may iniisip ito.

"You know, this reminds me a lot of one painter as well. The melancholic feeling that it has reminds me of him," komento ni Hailey, nang makita ang painting na tinitignan ng pinsan.

"Sino?" tanong ni Josephine na hindi maintindihan kung ano ba ang nasa painting at parang interesado ang mga tao na tignan ang mga ito. Josephine has always been the "painting clueless girl".

"Francis Bacon" – unang sagot ni Kaeden.

"Edvard Munch" – sabay na sagot ni Hailey.

Nagkatinginan ang magpinsan dahil hindi nila aakalaing magkaiba ang sagot nila.

"Aba, conflicting views and ideas!" wika ng isang matandang nasa kanilang likuran. Si Ronwaldo ito, ang ama ni Chelsea.

"Sir Ronwaldo, kayo po pala," unang bati ni Kaeden dito. Nagkausap na sila kanina nang ipakilala siya ni Chelsea dito.

"Young man, why do you view Elmer's work na katulad ni Francis Bacon?"

"Ah, about that sir…I just feel that Elmer's work has always been the melancholic and dark ones. Gusto niya kasing i-portray ang emotion ng bawat tao, na nagpapakita hindi ng happy side ng tao kundi – the darker part of the human mind," paliwanag ng binata. Tumingin naman si Ronwaldo kay Hailey, na para bang gusto din niyang marinig ang dahilan bakit iba ang sagot nito.

"It's the emotion and ambiguity of the painting. While totoong melancholic ang feeling, para bang nagpapakita naman ito ng liwanag after the dark part of the emotions. The reason why the man looks at the horizon while in the cottage, kasi it shows na while nasa safest place na niya siya, the man is probably thinking of going into the place where there are people. Because perhaps the solace that he was in, was – " hindi naituloy ni Hailey ang paliwanag niya nang isang lalake ang sumabat sa kaniya.

"The end of his misery," sabat ng lalake. Napatingin sina Kaeden dito at laking gulat ng binata kung sino ito. Si Elmer Buencamino mismo!