Chereads / Case Book of Detective Kaeden (TAGLISH) / Chapter 52 - Matilda's Puzzle: File 2

Chapter 52 - Matilda's Puzzle: File 2

MATILDA'S STORY PART 2

Halos hindi siya makasigaw nang makita ang wala nang buhay niyang asawa. Niyugyog pa niya ito dahil sa pag-aakalang baka nahilo lang. Pero alam niyang sa lakas ng pagkakahampas niya, hindi basta-bastang hilo lang ang aabutin ng tinamaan. Nanginginig ang kamay nitong tumayo at agad na tumakbo sa telepono at tumawag sa local police hotline para ireport ang nangyari.

Dumating ang mga pulis pagkatapos ng kalahating oras. Ayon sa initial investigation nila, maaaring gustong surpresahin siya ng kaniyang asawa, pero nauwi sa hindi magandang pangyayari. Peke ang hawak na kutsilyo ng asawa. Laruan lang na nabibili sa mga local stands. Plastic at malambot. Pero dahil madilim ang kwarto, hindi agad ito mapapansin.

"Ma'am, it seems that this is an accident, rather than a crime. Wedding Anniversary niyo pala ngayon. We checked your husband's pocket. He had this…" paliwanag ng isang pulis na rumisponde sa nangyari at iniabot kay Trisha ang isang box. Binuksan niya ito at naroon ang isang napakagandang kwintas. Ang pendant nito ay parang isang magnifying glass, pero ang mismong ring ng pendant ay maliliit na diamante.

Hindi napigilan ni Trisha ang kaniyang pag-iyak. Hindi niya mapatawad ang sarili na siya mismo ang nakapatay sa asawa. Higit pa dito, nalimutan niyang wedding anniversary nga pala nila ngayon.

"I'm sorry, ma'am. Irereport na po namin ang nangyari sa headquarters. Tinapos lang po ng forensics ang report nila. Kailangan lang po namin kayo sa presinto para ipaliwanag ang pangyayari."

Tumango si Trisha at kahit nanghihina na siya ay pinilit niyang sumama sa mga pulis sa presinto para ipaliwanag ang buong pangyayari. It wasn't a crime. The husband was trying to surprise her with a prank and then show her the necklace and tell her that it's their 10th wedding anniversary.

***

"That's a sad story. Bakit pa kasi ganun ang paraan ng asawa para surpresahin ang babae?" komento ni Dustan pagkatapos marinig ang kwento. Tahimik na sumimangot sina Johann at Mitchell habang itinango ang kanilang ulo. A sign of amusement sa kwento. pero sa isip nila, may naglalarong mga tanong.

"Wedding anniversary and you're pranking your wife as a bonneted thief. Sounds to me like this guy is rather a creep. What a weirdo," tugon naman ni Stephen at umiiling na tumingin sa oras. Mag-aalas-siyete na. Naramdaman niya ang gutom matapos marinig ang kwento, pero nagkaroon siya ng interes sa kung ano ang sasabihin ni Kaeden tungkol dito. Narinig niya ang reputasyon ng yumao nitong ama. Bata palang siya noon nang may bisita ang kaniyang ama, isang kaibigan sa negosyo na sinabing kakilala daw nito ang kilalang detective na si Red Boa Vista.

"So, Kaeden. What do you think? Kung may tanong ka, I will clearly answer them in the perspective of Trisha. All of it would be honest answers, except one. There is one lie that I'll tell you, to keep you away from the truth. Treat it as if ikaw ang pulis naka-assign to re-investigate. Or maybe sa mismong scene of the crime nung rumisponde ang mga pulis. This is why I said it's an armchair style," patuloy ni Matilda.

Sandaling nag-isip si Kaeden. It is a basic knowledge na hindi aksidente ang pangyayari. Matilda is trying to say that there is a foul play, or else it won't be such a game to think of.

"By fitted bonnet, ano exactly yun?" unang tanong niya.

"The same cloth they use in stockings. Yung didikit sa mukha mo talaga. The husband used a black one."

"Palagi bang hindi binubuksan ni Trisha ang ilaw nila sa top floor kapag naninigarilyo o naroon siya para magrelax? Wouldn't it have been better if she did?"

"Yes. She doesn't turn it on. The street lights and the moonlight actually keeps the top floor really luminated. Not as good as the one with lights, but she does like that one way better. In fact, she and her late husband sometimes prepare food and eat there. Mas romantic for them."

No matter how you see it, napaka-plain ng pangyayari. A wife mistakes the husband as a thief, kills him instead. Prank gone wrong.

"Ano pa ang mga nasa loob ng bulsa ng asawa niya?" muling tanong ni Kaeden. Tumingin sa kaniya si Matilda nang malalim bago muling sumagot.

"A beeper, his wallet and a handkerchief."

May naisip na si Hailey sa tanong ni Kaeden. Alam na nito ang nais na buksan ni Kaeden sa kaso. Questions that usually the police should've asked.

"I know what you're thinking. You are thinking that the wife intentionally murdered her husband, yes? Kaya lang, you can't prove it. Very well, I will share a few information as clues. I will also continue the story. This is where the whole plot thickens, ika nga," patuloy ni Matilda.

Inimbistigahan ng mga pulis ang pangyayari nang mapansin nilang parang may foul play. Para maalis ang duda nila, pinuntahan nila ang bahay nina Trisha at nagkaroon ng investigation sa effects ng namatay. Una nilang pinuntahan ang kwarto nilang mag-asawa. Typical married room. Wide bed at iisang shelf sa damit nilang dalawa.

Napansin nilang mahilig sa record book at notebook ang yumaong si Chito. He keeps records sa lahat ng mga naging transaction nila sa kumpanyang pinapasukan niya. There's another note for his personal experiences, isang note para sa mga current na meetings o pupuntahan niya at iba pa. Nakita nila sa note niya ang "12-2-1982". This is their wedding day. Ibig sabihin, talagang pinagplanuhan n ani Chito ang gagawing surprise para sa asawa. There was one thing they noticed though – walang kahit isang picture nila sa wallet niya o kaya sa notes niya. it's a quality notebook where you can stick pictures on the cover. Mayroon pa itong button lock.

Binalikan nila ang iba pang notebook at nakita nila na may mga araw sa mini calendar section nito na may bilog. Mostly Saturdays and Thursdays. Tinanong nila si Trisha kung alam niya ang ibig sabihin nito pero ayon sa kaniya ay hindi niya alam kung ano ito. Maaaring sa trabaho ito. Napansin din nila na may isang section ng note na sinabi ni Chito ang ganito: "We had fun! Coffee from Riika Café!". Sinenyasan ng isang imbestigador na huwag munang tanungin si Trisha tungkol dito. Ipinagpaalam nilang kunin muna ang notebooks ni Chito for investigation. Sinigurado naman nilang walang kinalaman ito sa kaso niya at rest assured na hindi binibilang itong foul play. Hindi tumanggi si Trisha at ibinigay sa kanila ang kailangan nila.

"It's an accident. No matter how you investigate it, hindi parin nila mapapansin na sinadya ko ang lahat," ito naman ang nasa isip ni Trisha.

Ilang araw na inimbestigahan ng mga pulis ang notebook ni Chito. Ayon sa nakalap nilang impormasyon, ayon sa mga crew ng Riika Café, palagi daw sa café na iyon si Chito at ang isang babae. Pinakita nila ang picture ni Trisha kung siya ang kasama at sinabi ng crew na siya nga. It means, matatag naman ang pagsasama nilang mag-asawa. Pero ang isang bagay na ipinagtataka talaga ng mga pulis ay kung ano ang meaning ng mga nabilugang mga araw na iyon sa mini calendar ng notebook ni Chito. Ayon kasi sa café, hindi naman daw present si Chito sa mga araw na iyon dahil may record sila ng mga pumupunta doon araw araw. They keep records of their customers dahil meron din silang membership para magkaroon ka ng discount o kaya ticket for free coffee kapag naabot mo na ang 10 stars. That means 10 present days.

Tinanong na din nila ang kumpanya ni Chito kung alam nila ang mga araw na nabilugan, kung may meeting ba sila o wala sa panahong iyon. Ayon sa kanila, maaga daw umaalis si Chito sa mga araw na iyon. Mukhang may kikitain daw na tao. Kung hindi si Trisha ito, sino?

Natagpuan din nila sa effects ni Chito ang ilang maskara at bonnet. May ilan din sa mga ito na picture nilang mag-asawa sa ilan nilang mga wedding anniversaries. May ilan doon na nakasuot ng superman at batman costume si Chito.

Ayon naman sa forensics na tumingin sa beeper ni Chito, may napansin silang message na tila hindi magka-ugnay. "Balik ako" at "Yes babe". Ayon kasi sa notebook ni Chito, ang tawag niya kay Trisha ay "honey". Who could this babe be?

***

"He is having an affair, that's for sure," tugon Johann nang matapos marinig ang pangalawang parte ng kwento ni Matilda. The first message was sent to Trisha, the second to his mistress.

"Those dates, yun ang mga araw na kinikita niya ang babae niya. The reason na nilalagay ni Chito ang date nila ng asawa niya however, is to fool Trisha," sunod ni Kaeden. Nagkainteres agad si Matilda nang marinig ito. Maging ang mga ibang naroon ay nagtaka sa nasabi niyang ito.

"Hooo, tell me more," sagot ni Matilda.

"Chito knew that Trisha checks his notebooks. Alam niya na mapapansin agad nito na may kakaiba if he placed all the places and dates with his mistress there."

"But wouldn't it have been more stupid placing dates itself in his notebook? Kung gusto niyang maging secretive sa affair niya, why not write nothing there at all?" pabalik na tanong ni Johann.

"That would heighten Trisha's suspicions. Because her husband who likes to write everything down suddenly became silent. For sure, pwedeng tawagan ni Trisha ang kumpanya ng asawa niya at alamin agad ito kung sakali. That's why to fend her off, Chito had to make the details changed."

Pinalakpakan siya ni Matilda. Hindi siya makapaniwala na alam nito ang mismong rason kung bakit ginawa ng biktima ang bagay na iyon. Mas nakukumpirma niya na hindi lang basta-basta ang kausap niyang tao.

"It seems you have a solution also to how the murder happened?"

"Yes. Trisha killed her husband, that's for sure."

"Murder? Paano yun? Kahit anong anggulo mo tignan, hindi ba talagang nagkamali lang yung asawa?" tanong ni Mitchell.

"It was murder. Let me explain. Tumawag si Trisha sa bahay nila mula sa telephone booth. Ang rason kaya siya tumawag ay para kumpirmahin na nakabalik na ang asawa niya. She never forgot their wedding anniversary. In fact, she knows that Chito would prank her. Kaya ko nasabi ito dahil sa natagpuan ng mga pulis na mga bonnets at mga maskara sa effects ng biktima. It means every time; the man is full of pranks. He likes doing it. Ibig sabihin, hindi na bago sa biktima at sa asawa nito ang ginagawa niyang ito. But on that certain night, she was waiting for the prank knowing it was one. Nang makita niya ang asawa, she acted out scared and took the metal figurine, smashed it to her husband's head and had him killed."

"How would she know na asawa niya yun? It could be a real thief. Remember, he was wearing a fitted bonnet," tanong naman ni Matilda sa kaniya. She is testing his intelligence to back up his claims.

"The fitted bonnet exactly shows that she is the murderer. Fitted bonnets are usually the same cloth used in women's stockings, right? Madali mo makikita ang mukha ng tao even with the bonnet. That's the reason Chito chose that kind of bonnet, for his wife to recognize him quickly. It wasn't a dark prank. It was light and he knows that his wife knows about it too. Even in that dark corner of the room, dahil sa ilaw sa labas, alam na alam niyang asawa niya yun. She deliberately did not open the light of the room, because it serves as her perfect reason and alibi."

"That makes sense. If Trisha knew that it was her husband, it means she intended the murder to happen. She acted as if she was surprised," patuloy ni Dustan.

"Kung ganun nga ang nangyari, ano naman ang rason kung bakit niya papatayin ang asawa niya?" pabalik na tanong ni Mitchell.

"It was the affair. Alam ni Trisha na may kabit ang asawa niya. She might have deduced it from the notebooks. If someone is trying to hide an affair, ang lagi niyang ilalagay sa notebook niya ay yung date niya sa legal na asawa niya. Another thing that aroused her suspicion is that there are no pictures of them or her in his wallet or notes. Why would that be? Lastly, the beeper. Gaya nga ng nasabi ng iba, kung ang tawag niya sa asawa niya ay honey, bakit sa beeper ay babe ang tawag niya sa minessage niya? It would not be hard for the police to track the message and see who received it. Surely, hindi si Trisha yun," paliwanag ni Kaeden. Tumingin ito kay Matilda para kumpirmahin ang kaniyang deduction at ngumiti sa kaniya ang artista. Pinalakpakan siya nito.

"Very well done! I expected it would not be hard for you to solve. Actually, that story you heard would be the basis nung isang script na ginagawa ng scriptwriter namin for some weekly mystery series!"

"Oi! I acted out na hindi ko alam yan ah. Pero sana huwag niyo muna sasabihin yan dahil hindi pa naman approved kung kailan sisimulan yung series! Unfortunately, ako ang Chito diyan!" sunod ni Dustan.

Natawa ang lahat nang malamang script pala ito sa paparating na drama series ng dalawang artista. It seems Hilda and Johann were in it as well.