Chereads / Case Book of Detective Kaeden (TAGLISH) / Chapter 47 - Lull Between Battles

Chapter 47 - Lull Between Battles

"Criminal offenders are essentially hunter-gatherers; they forage for opportunities to commit crimes. The behaviors that a hunter-gatherer uses to choose a wildebeest versus a gazelle are the same calculations a criminal use to choose a Honda versus a Lexus." - Jeffrey Brantingham, UCLA Assistant Professor of Anthropology

---

Halos limang buwan ding hindi nagtrabaho ang tatlo. They consider this a lull sa kanilang trabaho. Umupo sa round table ang lalakeng nakaputi. Tumingin siya sa kaniyang tabi at ngumiti ang kasama niya. Matangkad ito at masasabi mong pwedeng pwede siya maging isang male supermodel o cover ng magazine dahil sa taglay nitong kisig at kagwapuhan.

Kung ano si Master Murderer from Hell, walang nakakaalam kundi si Sam at Janus lang. Tanging ang dalawa lang ang may alam kung ano ang tunay niyang nakaraan, kung sino siya at kung ano ang nasa isip nito. Silang tatlo ay normal na nakikitungo at nabubuhay sa gitna ng mga tao na parang normal lamang ang buhay, pero lingid sa kaalaman ng lahat, sila ang tatlo na notorious sa paggawa ng masama. Unknown killers. Unknown identities. The uncaught serial killers.

"So, ano na naman ang trip ni Sam ngayon?" tanong ng lalake sa nakaputing kasama.

"She prepared for us a full course French meal," tuwang tuwang sagot ng nakaputing lalake. Ito si Master Murderer from Hell.

Nang makaupo ang dalawa, hinintay nilang lumabas mula sa kusina si Sam. Wala pang limang minuto ay lumabas si Sam na hawak ang isang malaking tray. Naroon ang kanilang full course meal. Isa isa niyang nilagay sa table ang mga ito at ipinaliwanag kung ano ang mga ito.

"For our appetizer, we have some gargouillou of abalone with various vegetables. For our second food, we have Paris Soir. For our main dish, we have Spiny Lobster Vapeur. Lastly, our dessert, Macarons de Niort. Enjoy, gentlemen," paliwanag ni Sam. Umupo din ito sa tabi ng boss nila at kumain.

"I have to give it to you Sam, aba, ngayon lang ako nakakain nito a," papuri ni Janus at tumingin sa dalaga. Napangiti naman ito. Maging ang kanilang boss ay natuwa.

"Kailangan na nating gumalaw uli. Tama na ang pahinga natin. For almost six months, wala tayong ginawa. Siguro panahon na para buksan natin ang kadiliman sa bawat puso ng tao," ngiti ng boss. Precisely, ang tatlo ay tinatawag na master murder planners. Humahanap sila ng mga taong may balak na masama, mga taong sa puso nila ay gusto nilang maghiganti, at gagamitin nila ito para maging rapport para ibigay sa kanila ang isang master plan ng isang perfect crime. Sometimes, ang client na mismo ang hihingi ng master plan sa kanila.

"Tamang tama, boss. Mayroon akong nakitang magiging kandidato para sa pangunang galaw natin this month. You'd surely love this guy," sagot agad ni Janus. Tumayo ito mula sa kinauupuan at hinanap ang remote control ng TV na naka-display sa kaliwang bahagi ng dining room. Naka-pwesto ito malapit sa dalawang bintana na may mga flower vase sa tabi nito. Nang magbukas ang TV, sakto namang na-orasan ni Janus na lalabas ang balita.

---

Hindi maipinta ang tension sa loob ng opisina ng pulisya. Nakaupo ang ilang mga police officers sa meeting room habang nakaharap sa kanila si S.I. Phillip Cabral. Tumingin muna ang pulis sa kaniyang mga kasama at ipinakita sa kanila ang ilang mga balita mula sa malalaking pahayagan maging ang mga tabloid. Si Senior Inspector Cabral ang nangangalaga sa kapulisan ng Cebu City.

"What's the meaning of this!? Napapahiya na tayo dahil wala tayong leads kung sino ang gumagawa nito at kung kailan. When are we going to find this serial killer!?" galit na tono nitong sinigawan ang mga pulis sa opisina.

"Sir, we're doing our best to find a lead pero-" hindi naituloy ng isang pulis ang pagsagot nang binalikan siya agad ni Phillip.

"Pero wala parin kayong nahahanap!"

Hindi na muling sumagot pa ang pulis na iyon at tumahimik na lamang. Hindi niya kayang sagutin pa ang boss nito dahil hindi siguro nito maiintindihan ang hirap nilang humanap ng kahit isang lead man lamang kaso. Halos lahat ng asset nila ay pinagalaw na nila, pero ni isa walang bumabalik na magbigay ng kahit isang maliit man lang na impormasyon.

Ang kaso na tinutukoy ni Phillip ay walang iba kundi ang pagpatay sa ilang mga tao sa kanilang lugar. May pulitiko, pulis, pari, limang dating barangay tanod at isang kamakailan lang, ay isang dating magaling na basketball coach. Nababagabag na ang buong siyudad dahil hindi nila alam kung sino nalang ang susunod na mamamatay. Kung sino ang killer, hindi nila kilala. Nakaka-tindig balahibo din ang ginagawa nitong pagpatay sa mga biktima. The politician had his throat slashed, the priest, nailed on a stauros position and hanged on a near mountain, the policeman was shot on his head, the coach was shot in his head, body and feet and all the barangay tanod were all burned to death.

"We need to find a connection. Ano ang meron sa mga ito and why are they targeted. Doon tayo magsimula. Back to square one tayo. We may have missed something sa kasong ito. Kailangan nating magdouble time. Nakakapressure na sa itaas," patuloy ni Phillip.

Connection. Ito ang matagal nang naisip ni PO3 Enrico Salcedo. Binackground check na niya ang mga ito pero wala siyang nakikitang dahilan para magkakakilala ang bawat isa sa kanila. Pero naisip niya ang isang bagay na maaaring na-overlook nila. Ito ay ang record ng kasama nilang pulis na pinatay.

"Sir, na-check ko po ang background ng bawat isa. I was thinking na may isa tayong hindi pinagtuonan ng pansin. Maaaring anduon ang connection ng kaso," suhestyon niya sa boss. Nakatingin sa kaniya ang lahat, kasama si Phillip, na parang sinasabing, ituloy nito ang sinasabi. Sinenyasan niya ito na sabihin ang buong detalye sa lahat.

"Proceed, officer Salcedo," tugon ni Phillip.

"Sir, hindi kaya may isang kasong hawak noon ang biktima na si Conrado Leal? Probably a case that connects him and the other victims."

Napaisip si Phillip sa sinabi ng tauhan. Hindi nila ito naisip at pinatuonan ng pansin noon dahil ang nasa isip nila ay kung paano respondehan ang mga ito. Ngayong nasabi nito ang connection ng bawat tao sa kaso, dapat siguro ay mag-back read din sila sa kasong hawak ng pulis. Maaaring mayroong koneksyon ang bawat isa sa kanila na maaaring magtatali sa kanila sa kasong kaharap nila ngayon.

"This is just my theory sir, pero, hindi kaya may nahawakang kaso si Conrado that turned sour and the serial killer is back for it?" patuloy ni Enrico.

Nakuha niya ang interes ng lahat ng pulis sa loob ng opisina. This is something they never thought of. Ang naisip nila, paano hulihin ang serial killer, hindi ang origin nito.

"Well, considering I don't really know much about his cases, dapat nga sigurong balikan natin iyon. I'll assign you to find out all about his cases. Hanapin niyo rin kung merong mga kasong naging kasangkot ang bawat isa sa kanila. There must be something. I don't believe in a serial killer who just kills random people. There must be a reason why the killer is picking who he kills. Hindi ako sigurado kung lalake ang killer, but considering how the killer did all those crimes, sigurado akong lalake ito," sagot ni Phillip sa kanila. Agad namang tumayo ang bawat isa at mabilis na tinugunan ang sinasabi ng boss. Matapos ma-adjourn ang meeting, hindi na nagsayang si Enrico at ang kaniyang mga kasama sa paghahanap ng kahit isang anong lead.

---

"Pupunta ako ng Cebu to check it out. Masaya talaga na makita ang master plan mo in person," wika ni Janus habang pinapaliwanag sa kaniyang boss ang buong plano niya at kung ano na ang nangyari. Isang ngiti ang napinta sa mukha ng kanilang boss.

"Very well, Janus. Ibigay mo sa kaniya ang master plan na nababagay sa gusto niya."

"He believes that the master plans are the justice na kailangan niya at ipapataw ito sa mga kasalanang nagawa ng mga taong pinapatay niya."

"Nagulat nga ako, eh. Dahil sa pagkakaalam ko, unsolved ang kaso kung saan nanggaling ang alaga mong yan, Janus," sabat naman ni Sam.

"Yes. A crime that happened 20 years ago."

Na-curious ang boss nila sa nasabing ito ni Janus. Kung 20 years ago ito, maaaring noong hindi pa siya nagiging si "master murderer" nangyari ang krimen.

"Ano na uling krimen yun, Janus? Kung 20 years ago ito, maaaring alam ko o narinig ko ang kasong sinasabi niyo."

"Yung Andrea Mildred Alegre kidnapping, rape and slay case, boss. 20 years ago, kinidnap ang college student na si Andrea Alegre, pinagsamantalahan and unfortunately, killed after. Hindi lang iisa ang rapist. Sa nakalap ng mga pulis na semen sa maaaring naging crime scene, there were ten. Hindi lang siya ang nakidnap nung oras na yun. Kasama niya ang boyfriend niya noon, at maging siya ay kinidnap. Pinahirapan siya habang pinagsasamantalahan naman sa isang lugar ang kasintahan. After all was done, they were tied and shot. The sad part for the family is that hindi nila nakuha ang hustisya para sa anak nila."

"So, ano ba talaga ang connection ng alaga mong yan sa kaso? Ama ng pinatay? Cousin? Kapatid?" tanong ni Sam.

Tumawa ng maikli si Janus at ipinakita sa kaniya ang isang police document. Isa itong police report ng mga unang rumesponde sa kaso. Ayon sa nasa document, ang natagpuan lang nila sa crime scene ay ang bangkay ni Andrea. Ang bangkay naman ng kaniyang boyfriend na si Lander Tugalde ay inalis sa pagkakatali at sinunog ng buhay. Nasunog ito ng sobra kaya ang naging pagkakakilanlan na lamang ng kaniyang mga magulang na ito ang kanilang anak ay ang mga gamit nito sa bag.

"Don't tell me…"

Muling tumawa si Janus nang makita ang expression sa mukha ni Sam.

"Bingo."

Naalala ni Master Murderer ang kasong sinasabi ni Janus. Naalala niyang napakalaking kaso ito noon na halos lahat ay tumutok sa kanilang telebisyon para sa imbestigasyon ng mga pulis, pero ilang taon ang lumipas at walang naging progreso sa kaso. Marami ang nagsabi na maaaring malaking tao ang nasasangkot dito at binayaran na lamang ang mga pulis para tumahimik. Ang iba naman, naisip nilang baka matinik talaga ang grupo na kumidnap sa dalaga at pinagplanuhang mabuti ang nangyari. Naalala niya din na ang mga nakuha nilang fingerprints sa crime scene, walang kahit isang match sa nakarecord na sa bawat siyudad at barangay. That was the one that the police reported. But was it, really? Naalala niya ang isang pulis na hindi sumuko sa kaso noon pero katulad ng iba, wala siyang naging progreso sa kaso hanggang sa tuluyan na itong tumahimik.

---