Chapter 46 - Unravel

Dahil sa ayaw tumalima ng kaniyang anak, napilitan ang biktima na sabihin sa anak niyang ampon lamang ito. Bago namatay ang biktima, narinig ng panganay na anak na nagtatalo na naman ang dalawa. Ayon sa kaniya, narinig niya ang ama na sinasabi sa pangalawang anak niya:

"Kasama mo na naman siya sa sine! Babawasan ko talaga ang sweldo niya! kung hindi lang dahil sa kaibigan ko…"

Dito nagka-interes si Kaeden.

"Ano ang ibig sabihin nito? Kung ang killer ay walang iba kundi ang 26 anyos na kasambahay, nawala ang conviction sa pangalawang anak at eliminated na ito bilang suspect. Ang nakakaintriga dito ay ang sinabi ng biktima bago ito namatay, nang magtalo sila ng pangalawang anak niya. Kailangan kong makausap ang kasambahay na yun. Kung ang nasa isip ko ay tama, hindi pa tapos ang lahat. Inspector Basil, sisiguraduhin kong mahuhuli ang criminal!"

---

Binisita ni Kaeden ang kasambahay sa kulungan. Nagtaka man si Alfred kung bakit, sinabi nitong tungkol sa isang bagay na hindi niya maintindihan patungkol sa kaso. Nagulat ang kasambahay nang makitang hindi niya kilala ang kaniyang bisita.

"Ako si Kaeden Boa Vista, Ms. Baldomero. Gusto ko sanang magtanong ng ilang bagay patungkol sa kaso. Don't worry, this is off the record ng mga news scoopers," panigurado ni Kaeden sa kasambahay. Tumango lamang si Risa Baldomero.

"Nasaan ang murder weapon bago mo pinatay ang diplomat, Ms. Baldomero?"

"Hawak ko. Tinago ko sa bulsa ko para hindi nila mapansin. Pocket ng apron ko."

Nagliwanag sa isip ni Kaeden ang nasa kaniyang conviction.

"Bingo! Gaya ng sinasabi sa police record, ang murder weapon, na isang kutsilyo, ay walang nahanap na fingerprint, mapa-babae man o lalake na nasa bahay. Dahil sa fingerprints na ito, hindi nila makita ang tunay na killer. Ang dahilan kaya walang kahit na anumang fingerprint si Ms. Baldomero sa mismong murder weapon ay dahil hindi siya ang killer. Pinalitan din ito. Alam ko na kung sino ang tunay na criminal!"

---

Maghahapon na ng pumunta si Kaeden at Alfred sa bahay ng namatay na diplomat. Kasama ang ilang kapulisan, kailangan nilang alamin ang katotohanan.

"Ano pong problema, Sir Alfred?" tanong ng unang anak ng biktima, si Mayumi Andrada.

"Actually, kaya kami napunta dito ay mayroon kaming bagong lead sa kaso ng iyong ama. Kasama ko ngayon si Kaeden, at mayroon kaming update sa kung ano ang nangyari talaga sa iyong ama."

"Lead? Hindi po ba nahuli na si Risa?"

"Papasukin mom una kami, Ma'am Mayumi. We will explain it clearly," sagot ni Alfred. May pagtataka sa mukha ni Mayumi pero pinapasok niya ang mga ito. Tinawagan niya rin ang mga kapatid at ina sa bahay para pakinggan ang sasabihin ng mga pulis at ni Kaeden.

Nang lumabas ang pangalawang anak ng diplomat na si Vincent, ngumiti agad si Kaeden sa kaniya. May pinta ito ng sarkasmo.

"Ganito mo ba tatratuhin ang taong nagsakripisyo para sa iyo dahil mahal ka niya? Walang kapatawaran yan sa sarili mong konsensya. Ikaw ang pumatay sa ama mo, Mr. Vincent Andrada. Ikaw ang tunay na killer!" wika ni Kaeden dito at idinuro siya bilang criminal.

Pangamba at pagtataka ang naghari sa buong mansion nang oras na iyon. Ngunit para kay Vincent, isa itong katatawanan. Tinawanan niya lamang ang sinabi ni Kaeden sa kaniya.

"Excuse me ha, pero katangahan ang tawag diyan. Besides, may ebidensya ka ba? Pwede kitang kasuhan sa sinasabi mong yan," sagot sa kaniya ni Vincent. Pero determinado ang mukha ni Kaeden na nakatingin sa kaniya. Alam nito sa sarili niya na hindi siya nagkakamali. Kaharap nila ngayon ang tunay na killer!

"Mr. Jeffrey Andrada, ang solution sa kasong ito ay may limang elemento. Una, gusto kong unahin sa parte na may isang naging kasintahan kang hindi gusto ng iyong ama. Nasabi ng biktima na bababaan niya ang sahod ng girlfriend mo nang malamang magkasama nga kayo sa sinehan," patuloy na paliwanag ni Kaeden kay Jeffrey, ang pangalawang anak ng diplomat.

"Narinig ko ang nasabing iyan ni Papa, pero ano ang koneksyon niyan sa kaso?" tanong ni Mayumi.

"Kaya sinabi ng inyong ama na bababaan niya ang sweldo ng kaniyang girlfriend ay dahil…" hindi itinuloy ni Kaeden ang sasabihin. Tumingin muna ito kay Jeffrey bago ito tuluyang magsalita.

"Si Risa ang girlfriend niya."

Nagulat ang lahat sa narinig. Hindi kasi nila kilala kung sino talaga ang kasintahan ni Jeffrey. Alam lang nilang mayroon pero hindi pa nila alam kung sino.

"Salamat kay Officer Alfred nalaman ko kung ano ang totoo. Mula sa binigay niyang mga investigation files nila, may isa akong napansin. Ito ang pangalawang bagay sa kasong ito. Hindi tunay na anak ng yumaong Mr. Andrada si Jeffrey. Dahil wala silang koneksyon sa dugo, madali nitong magawang patayin ang diplomat. Akala ni Jeffrey, magkakaroon siya ng parte sa mana ninyong mga magkakapatid, pero nalaman niyang wala ang kaniyang pangalan sa last will and testament…kaya mas nag-alab ang damdamin nito upang patayin siya. Inimbestigahan ni Jeffrey ang patungkol kay Risa at nalaman nitong siya ang anak ng kaibigan ni Mr. Andrada na binablackmail nito. Ang hindi niya inaasahan ay ang mahulog ang loob nito kay Risa. Sinabi ni Jeffrey kay Risa ang patungkol sa plano niya at sa hindi niya inaasahan, sinuportahan siya nito. Sigurado akong nabuhay kay Risa ang matagal na nitong kinikimkim na paghihiganti sa nagpahiram sa kaniyang ama. Dahil sa malaking pagmamahal ni Risa kay Jeffrey, ito ang sumalo sa conviction. Kampante si Risa na siya ang umako sa kasalanan dahil tiwala itong kapag nakuha ni Jeffrey ang kayamanan ni Mr. Andrada, madali na lamang siyang piyansahan."

Ngumiti lang si Jeffrey at mabagal na binigyan si Kaeden ng kaunting palakpak.

"Napakagandang kwento. Pero may ebidensya ka ba sa sinasabi mo?"

"Kaeden, meron ka bang ebidensya na magpapatunay diyan?" tanong naman ni Alfred. Alam nito na hindi pa nagkakamali ang binata, pero alam din niyang maaaring mapahamak ito kung nagsasabi siya ng bagay na walang patunay.

"Ang murder weapon, Sir Alfred, pwede na ba itong maging ebidensya?" tanong ni Kaeden sa pulis. Umupo ito sa upuang libre sa lounge ng mansion.

"Anong ibig mong sabihin?" sagot ni Alfred.

"Hindi ba ang murder weapon ay hindi pa natatagpuan hanggang ngayon?"

"Oo. Hindi nila nahanap ang murder weapon, pero ayon sa forensics, sigurado silang isang klase ito ng patalim."

"Ito ang gusto kong ipaliwanag, Sir Alfred. Ang murder weapon na sa paniwala ng marami ay nawala at inalis, ay binago."

Nagtaka ang mga pulis at si Alfred sa narinig. Ganoon din ang mga naroon sa mansion.

"Dahil ito sa fingerprints. Kung ang fingerprints ni Jeffrey ay naroon sa murder weapon, siguradong siya ang unang unang iimbestigahan. Ang maganda nito, nang bisitahin ko si Risa, may nasabi siya sa aking napakalaking clue."

"Clue?"

"Na sabi niya, nasa kaniya ang murder weapon bago pa mangyari ang krimen. Kung nasa kanya ito, dapat naroon din ang kaniyang fingerprints. Natakot siyang baka ang fingerprints ni Jeffrey ang makita sa isang kutsilyo kaya pinalitan niya ito. The fact that there isn't any of these two, makes the perfect murder."

"P-pero, paano yung fingerprints sa damit ng papa, hindi ba naroon ang fingerprints ni Risa?" tanong naman ni Mayumi.

"Oo, dahil ang tela na ginamit nina Jeffrey ay ang telang ginagamit ni Mr. Andrada para linisin ang kaniyang mga libro. It would be logical na may fingerprints siya doon na transferrable. Pinalitan ito nina Jeffrey ng telang ginagamit ng mga kasambahay para linisin ang mga bintana ng mansion."

"A-alam ko na!" ngiti ni Alfred nang malaman ang gustong sabihin ni Kaeden. Napagtagpi tagpi nito ang nangyari sa kaniyang isipan at kung ano ang gustong ipunto ng binata sa kaniyang paliwanag.

"Ang pinakamalaking decisive evidence para malamang si Jeffrey nga ang killer ay ang telang gamit ng mga kasambahay! Nandoon ang fingerprints nina Jeffrey at Risa!"

"Ganun na nga, Sir Alfred."

Sinenyasan agad ni Alfred ang forensics team para halungkatin ang mga telang ito at imbestigahan. Kapag nakita nila ang fingerprints ng dalawa, siguradong hindi na makakaligtas sina Jeffrey sa ginawa nilang ito.

"Hindi niyo na kailangang gawin yan, officer. Totoo ang sinasabi ng taong ito. Hindi ko na kayo aabalahin pang masyado. Ako ang tunay na killer ng taong umampon at nagmaltrato sa akin. Ako ang killer," pagamin naman ni Jeffrey. Alam kasi nitong kapag mahanap na ng mga forensics ang tela, siguradong wala din siyang lusot kahit ilaban niya sa korte. Alam din nito na walang maaaring gawin para magkaroon siya ng parte sa mana ng pamilya Andrada. Napakalupit na kahit sa pagmamabuti ng isang tao ay nakatago ang tunay nitong kulay.

Matapos maposasan si Jeffrey ay dumiretso sila upang ibiyahe siya sa presinto.

"Sandali lang, Mr. Andrada…" pigil ni Kaeden sa paalis nang si Jeffrey at mga pulis. Lumingon ito sa kaniya at parang nagtatanong kung ano pa ang kailangan nito sa kaniya.

"May isa pang hindi ka sinasabi sa amin. Ang shooter na bumaril kay Inspector Basil, hindi ba ikaw din yun?"

Nagulat si Alfred sa narinig. Parang napaka-imposible namang ang kasong hawak ni Inspector ay may kinalaman sa pagbaril sa kaniya.

Tumawa ng malakas si Jeffrey nang marinig ito.

"Akala ko hindi mo na sasabihin. Oo, ako nga yun. Hanga ako sa galing mo. Siguro napansin mo ang kamay ko kanina nang posasan ako," pag-amin ni Jeffrey. Itinaas nito ang kaniyang kamay. Mayroong ilang freckles sa kaniyang kamay.

"Paraffin!" wika ni Alfred sa isip niya. Kapag pinuputok ng isang tao ang baril, nagpapalabas ang baril ng paraffin at maaaring dumikit sa kamay. Ang iba naman ay nagkakaroon ng burns lalo na kung high powered ang baril, o kaya naman ay homemade. Namangha ang pulis kay Kaeden, kung paano niya ito nalaman bago sila. Isang nakakamanghang katotohanan na kung naging pulis ang binata, maaaring marami na itong nahuling criminal.