Chereads / Case Book of Detective Kaeden (TAGLISH) / Chapter 45 - Challenger in the Sunset: File 3

Chapter 45 - Challenger in the Sunset: File 3

BAGUIO TOWER BUILDING

Tinakbo agad ni Kaeden ang pinakamataas na banda ng tower at nakita niya si Josephine sa loob ng control area. Nakakabit sa katawan nito ang isang timed bomb. Sumunod naman agad sa lugar sina Alfred at ilang pulis. Nang nasa malapit sila ng gas station, biglang sumabog ang lugar at kaunti na lamang ay maaari na silang mahagip nito.

"Buddies, puntahan natin agad sina Kaeden sa tower, baka ano nangyari sa kanila!" agad na utos ni Alfred sa kaniyang mga kasamahan. Agad namag tumalima ang mga ito at kasama siyang tumakbo papunta sa tower. habang nagmamadali, tinimbrehan niya naman agad ang bomb disposal unit na sumunod sa kanila sa tower.

Ilang segundo lamang ay nakarinig sila ng putok ng baril sa itaas. Napansin niya ang isa sa kaniyang mga kasamahan na natamaan ng kung sinomang nagpaputok ng baril. Nakita niya ang isang lalake na naka-bonnet at nagpaputok uli sa kanila ng kaniyang hawak na baril. Napilitan sina Alfred na makipagpalitan ng putok sa kaniya hanggang sa napansin na lamang niyang hindi siya ang target ng lalaki kundi ang kaniyang bomb disposal unit.

"Sir, natamaan si Mendez! Kailangan natin siyang dalhin sa ospital!" sigaw ng isa sa mga pulis niyang kasamahan.

"Sige, bilisan niyo! Kami na ang bahala dito ni Rodriguez!"

Naiwan si PO1 Armando Rodriguez kasama si Alfred. Nakipagpalitan pa silang dalawa ng putok hanggang sa tumahimik ang lugar.

"Rodriguez, magpapatrol ako. Cover me!" sigaw ni Alfred at inihanda ang sarili sa gagawin. Kailangan nilang mapuntahan si Kaeden sa itaas!

"Yes, sir!" agad namang sagot ni Rodriguez at sinamahan si Alfred.

Binagtas nila ang hagdanan hanggang sa naabot na nila ang pinakamataas na floor ng tower. Nakita nila si Kaeden na kasama si Josephine sa control area. Napansin nila ang nakakabit ditong timed bomb.

"5 minutes nalang ang natitira, Kaeden. You should help yourself and escape. Di mo na ako kailangang iligtas!" pamimilit ni Josephine sa binata.

"Baliw ka na ba!? Kailangan kitang iligtas!"

Tinignan ni Kaeden ang bomba. May apat itong wire. Yellow, Blue, Red at Green. Ang struktura ng bomba ay hindi kapareho ng mga common bomb schematics na alam na ng mga pulis o available sa internet. Isa itong well organized customized schematic. Hindi dapat siya magpapadalos dalos dahil maaaring sumabog agad ang bomba!

"Alam mo, since mamamatay na lang din ako. Okay sige na, aamin na ako," mangiyak-iyak na si Josephine habang nakatingin sa binata.

"Huwag ka nga! Ang ingay mo! Kailangan kong malaman alin sa mga wires na ito ang kailangan kong alisin. May tatlong minuto pa ako."

"Kaeden, gusto kita! Noon pa kita gusto, manhid ka lang kasi! Ang dami ko namang pinakitang hints para lang maramdaman mo pero sa iyo kasi parang laro lang eh. You've never been serious. Parang di mo naman ata kasi ako nakikita bilang isang babae eh. You've always seen me as a playmate, kaibigan lang, kapatid. You've never seen me as a woman to date, di ba?"

Hindi na kailangan pang aminin ng binata na parehas sila ng nararamdaman ni Josephine. Mahal niya din ang dalaga, ngunit sa ngayon ay hindi niya kailangan itong aminin dahil kailangan niyang i-diffuse ang bomba. At isa pa, wala sa diksyunaryo nito ang umamin na lamang basta-basta.

"Di ka ba talaga tatahimik!? Nag-iisip ako dito!" sagot niya. Kailangan niyang iwala ang nasabi ni Josephine sa kaniya dahil nasa bingit na sila ng kamatayan. Mabilis niyang kinuha ang pliers sa tool box na nasa control area. Hinanap niya ang construction ng bomba at inalam kung alin dito ang magpapatigil sa oras nito. Dalawang minuto nalang.

Nakita niya na ang blue wire lang ang tanging iba ang pinagkabitan dito. Napansin niya na lahat ng wire ay naka-connect sa explosion at oras. Pero ang wire na iyon ay nakakabit lamang sa explosion device. Ipinikit niya ang kaniyang mga mata at pinutol ang blue wire. Hindi niya alam kung tama ang desisyon niya. Kung nagkamali man siya, talagang doon na ang huli nilang buhay, ngunit kung ito ang tama, he would live another day to scold Josephine for crying and saying such words.

45 seconds. Huminto ang oras ng bomba at tumunog ng isang beep. The blue wire was indeed the stopper. Mabilis niyang inalis ang tali sa katawan ni Josephine. Napansin nilang muling gumalaw ang orasan ng bomba, at mas mabilis! Agad silang tumakbo palabas ng control area. Eksakto namang dumating na roon si Alfred at Armando.

"Sir Alfred, kailangan na nating umalis dito. Sasabog na ang bomba!" sigaw ni Kaeden sa kanila. Tumalima agad ang mga ito at tumakbo kasama niya. napakalakas na pagsabog ang nangyari at niyanig nito ang buong gusali. Nakita ni Alfred na tumatakbo na sa ibaba ang kidnapper na nakasagupa nila kanina.

"Rodriguez, unahan mo na kami. Kailangan mong hanapin yung kidnapper na yun! Habulin mo!"

"Yes, sir!"

Pinauna nila si Armando at hinabol ang kanina ay nagmamadaling kidnapper.

"S-Sir Alfred, patungkol dun sa kidnapper, parang narinig ko na ang boses niya pero hindi ko lang matandaan…" wika ni Josephine sa pulis. Naalala niya kasi na parang narinig niya kung saan ang boses ng kidnapper. Hindi niya maalala kung saan niya narinig o sino ang kidnapper, pero alam niya na pamilyar ito sa kaniya.

"Tsaka na natin pagusapan yan, Josephine. Kailangan nating madala ka muna sa ospital. I know it has been a shock to you."

---

"Nandito lahat ng police report. Sana matulungan mo kami, Kaeden."

Iniabot ni Alfred kay Kaeden ang isang malaking folder ng lahat ng police report. Kailangan nilang malaman kung ano ang koneksyon mayroon ang kidnapper sa mga police report na natanggap nila mula nang mangyari ang krimen. Nabasa niya ang huli nilang iniimbestigahan. Inaresto nila ang kasambahay, dahil ito ang pumatay sa biktima.

Natigilan siya sa binabasa sa police report nang magkainteres siya sa ikalawang anak ng biktima. Ayon sa report, hindi ang biktima ang kaniyang tunay na ama. Lagi din silang nagtatalo dahil sa girlfriend nito na pinakilala sa ama. Ipinagtanggol niya sa ama ang girlfriend at ipinangakong magpapakasal parin ang dalawa sa ayaw at sa gusto ng biktima.