Pinuntahan nina Kaeden at Josephine ang mga malapit na café sa lugar. Ayon sa isa nilang napuntahan, doon kumain si Irina ilang oras bago mangyari ang krimen. Kumain lang ito ng isang sandwich at umorder ng isang baso ng macchiato. Tinignang mabuti ng binata ang lugar. Malapit lang ito sa mismong crime scene.
"Phine, favor nga," wika niya sa dalaga.
"What?"
"Can you run from here hanggang sa crime scene? Your fastest."
"W-what!? What for?"
"Please. Gusto kong i-confirm kung tama ang hinala ko."
Nakita ng dalaga na seryoso ang kaibigan. Kaya ibinaba niya agad ang dalang bag at sinimulang takbuhin ang crime scene ng buong lakas at bilis na nakayanan nito. Nang marating ang crime scene, tinakbo naman ni Josephine pabalik sa café. Hingal itong tumingin kay Kaeden para tanungin kung ano ang nalaman niya sa ginawa nito.
"Well, we confirmed that, considering the killer was here and that the victim was waiting on the crime scene, then there's a chance na tinakbo ng killer mula dito hanggang doon to cut time, talked with the victim and pushed him down. That, or directly pushing the person nang mapansin niya ito."
"Alam mo na ba kung sino?"
"It's definitely that person. Gusto ko lang ng ebidensya. While you were running, tinawagan ko si Officer Winston para i-check nila uli ang katawan ng biktima."
Habang nag-uusap ang dalawa, nagbukas ang pintuan ng café at nakita nilang si Hailey ang pumasok.
"Oh, it seems hindi ako nagkamali. Kaeden, you probably know who the killer is too, right?" tanong agad ng dalaga sa kaniya. Namangha naman si Josephine dito. Sa sinabi ng dalaga, ibig sabihin ay alam niya rin kung sino ang killer.
"Yes. We just need a striking evidence."
"P-pero, it's just amazing how you know the killer, Hailey. Nahirapan din si Kaeden na makahanap ng paraan para malaman kung paano ginawa ng killer yun at naipamukhang parang aksidente ang lahat. Yet you know who the killer is without doing it," manghang tanong ni Josephine kay Hailey.
"Like I said. She has more potential than me. Nung bata pa kami, laging sinasabi sa akin ni Papa that Hailey has the better potential to become a detective someday. It's just that she wasn't interested in it," paliwanag ni Kaeden dito.
"He said it. Investigating and all that doesn't interest me."
Napatawa naman si Josephine sa narinig. Hindi niya akalain na ang pamilya ng mga Boa Vista ay kakaiba. She thought Kaeden was alone being like this, pero maging ang kaniya palang pinsan.
"Pero sayang naman kung hindi mo ginagamit yan for a good use. I mean, if you have that train of thought, where do you use it?"
"Make ups, fashion, cosplay and the like," patawang sagot ni Hailey.
Habang naguusap naman ang tatlo, nagring ang cellphone ni Kaeden. Tinignan niya kung sino ito.
"Bingo," wika niya bago sinagot ang tawag.
"Kaeden, tama ang hinala mo. Yung gusot sa kaliwang bahagi ng damit ng biktima, nakahanap kami ng ilang fingerprints. Kung ima-match natin to sa mga suspect, ibig sabihin, siya nga ang killer. We can explain the method and the person on the court kung sakali, but we need more than that."
"That is?"
"Motive, Kaeden. Ano ang motibo ng killer?"
"Officer, that's what we're going to extract from the killer."
"I get you. Good luck. Di parin ako makapaniwalang makakatrabaho namin ang isang katulad mo. Salamat naman, naboboring na kami dito sa kakasulat sa papel at kumukuha ng record. Wala man lang murder case."
"Oi, oi. Officer, parang gusto mo pang may namamatay."
"Hahaha, joke lang. Sige, we're about to document these findings."
Nang maibaba niya ang tawag ng pulis, agad niyang sinabi sa dalawa na kailangan na nilang bumalik sa crime scene. Kailangang malaman ng lahat kung sino talaga ang responsable sa krimen.
---
Hinintay nila Kaeden si Winston na makabalik. Nang maipakita niya sa binata ang resulta ng fingerprinting, agad na tumango ito at tinawag ang mga suspect at sina Inspector Antonio.
"So, why are we here? Alam na ba ninyo kung ano ang nangyari kay Arnold?" tanong ni Clemencio.
"Oo. Kaya ko kayo pinatawag ngayon dito ay para ipaliwanag ang lahat. Hindi isang aksidente ang nangyari. By that, alam niyo naman na siguro ngayon yan. Or else, we're not going to call you here. The bigger catch is that kung sinoman ang pumatay sa biktima, ay isa sa inyo." Sagot ni Antonio.
Nagulat ang lahat sa narinig. Nagkatinginan ang mga ito at parang bawat isa ay naghihinala sa kani-kanilang kasama.
"Nang makita ko ang biktima, ipinaimbestiga ko kaagad kina Inspector at Officer Winston kung bakit nandoon yun. Constantly, it was the one that brought us who the killer is. Uunahin kong ipapaliwanag ang tungkol sa crime scene. We calculate the position of the body, velocity and speed," sabat ni Kaeden at ipinakita sa kanila ang ginawa niyang solution.
"As you can see, it means hindi aksidente ang pagkamatay ng biktima. He won't fall this way if he got into an accident. This means that someone threw him from the cliff. Officer Winston…" patuloy niya. nang tawagin ang pulis, agad na pinakita sa mga suspect ang gusot sa damit ng biktima.
"What is this?" tanong ni Socrates.
"The evidence," paliwanag ni Kaeden.
"Ganito ang ginawa ng killer. Tinawagan niya ang biktima na magkita sila sa lugar na ito. The killer was just nearby. Tinakbo niya ang lugar hanggang sa makapunta siya dito. Nang makita siya ng biktima, huli na ang lahat," patuloy ng binata at itinuro ang salarin.
"Ms. Irina, you are the killer."
Tinignan siya ng lahat. Parang mayroong conviction sa mukha ng lahat sa kanya, ngunit mayroong parte dito na hindi sila makapaniwalang siya ang killer.
"H-ha? Bakit naman ako? Wala ako sa oras ng krimen, and besides, hindi naman masama ang terms namin ng boyfriend ko," tanggol ni Irina sa sarili niya.
"Ms. Irina, natagpuan namin ang fingerprints mo sa gusot ng damit ng biktima. Pina-check ko kay Officer Winston ang lahat. This is how I think you did it. Tinawagan mo si Sir Arnold somewhere along the way. Nang nakita mo siya na nasa cliff mula sa malapit na café kung nasaan ka, tinakbo mo ang lugar haggang sa makarating ka dito. We had it experimented kanina lang. It is the only reason how you were able to save up an alibi. You're an athletic person, at siguradong hindi naman mahirap sa iyo na takbuhin yun. This is also considered in the formula I presented. Ang gusot na nakita sa damit ng biktima…"
Saglit siyang huminto bago itinuloy ang kaniyang paliwanag.
"Judo throw," biglang sabat ni Hailey na kanina pa pala nakikinig sa paliwanag ng pinsan. Napatingin ang lahat sa kanya.
"Dahil sa mabilis na takbo mo, it adds force and if you use a throw like that, that is the only reason kung bakit may gusot na ganun sa damit ng biktima. If you were able to throw him like that, it means ang nahanap ng mga pulis ay ang fingerprints mo," patuloy ni Hailey.
"Oi, I should be the one explaining thi-" hindi naituloy ni Kaeden ang sinasabi nang magpatuloy naman si Hailey.
"You can't fool a woman who knows the essence of what's going on, Ms. Irina. Mula sa suot ng biktima, he's probably trying to patch up your relationship. He is probably thinking of going against his parents, at pakakasalan ka na sana. However, there is probably a bigger reason why you killed the victim…"
"Hindi pwedeng si Sir Clemencio ang killer. Although he is the only one who can throw the victim down the cliff, hindi niya kayang gawin yun dahil sa kanyang injury. It would've been easy for Arnold to actually fight back. Ang nakikita ko lang na dahilan bakit nagawa mo yun, Ms. Irina, ay dahil – " huminto si Kaeden sa pagsasalita bago sabihin kay Irina ang nasa isip niya.
"This is just an assumption. The reason you were able to throw Arnold is because – he knew you're going to do kill him," patuloy ng binata.
Nang marinig ito lahat ni Irina ay napaupo siya sa gilid. Naramdaman niya uli ang kaba at takot na kanina ay nawala nang makitang walang buhay na si Arnold.
"Hindi ko na naramdaman ang pag-ibig niya. Nung una, ang ganda ng relationship namin. I thought, ito na yata yung relationship at taong kailangan ko sa buhay. Everything was worth going on. Not until pinigilan kami ng bruha niyang ina!" sagot ni Irina at tinignan ng matalim ang ina ni Arnold. Nag-flashback sa kaniya ang lahat ng mga ginawang pamamahiya at panglalait ng ina ng nobyo sa kanya. Hindi makatingin ng diretso si Armida sa kaniya.
"At first, akala ko makakaya ko pa. Pinatunayan ko sa kanya na kaya kong tumayo mag-isa. Lahat ng mga pamamahiya niya hindi ko na pinansin. Pero, ang hindi ko matatanggap ay ang malaman kong siya rin ang dahilan kung bakit namatay ang aking ina ng maaga."
Nagulat sina Clemencio at Socrates sa narinig. Hindi nila alam na magkakilala ang kanilang ina at ang ina naman ni Irina.
"Mrs. Consuelo Del Mundo. Yan ang talagang apelyido namin. Pero para maiwasan ang nakaraan, pinalitan niya ito at nakipagasawa siya sa aking ama. Nang nasa tamang edad na ako, sinabi niya sa akin ang totoo. Dating magnobyo ang aking ina at ang ama ni Arnold. Pero dahil sa isang walang hiyang babae, pinagahasa ang aking ina sa kaniyang mga tauhan. Hindi nagbunga ang ginawa nila pero nawalan ng interes ang nobyo niya sa kanya at hindi na niya ito nakita kailanman. Nang marinig ko ito, isa lang ang nasa isip ko. Ipaghiganti ang aking ina na winalang hiya ng pamilya ni Arnold. Pero habang nakilala ko si Arnold, di ko naiwasang umibig sa kanya. I thought of reversing my plans and don't take revenge. But when I faced the woman who made my mother's life miserable, nagbalik sa akin lahat ng galit. I want her to see how it goes for her to lose her own son."
Tumingin si Socrates sa kaniyang ina na hindi makatingin ng maayos sa kanila.
"Ma, is this true? Kaya ba galit sa iyo si Papa noon dahil nalaman niya ang pinagawa mo sa pamilya ni Irina?"
Hindi parin sumagot si Armida sa kanya. Nanatili itong tahimik.
"Alam ni Arnold yun, Soc. Nang malaman niyang si Irina ang anak ng pinagahasa ni Mama, lumambot ang puso niya dito. He genuinely loved Irina," sagot ni Clemencio.
"It was that love that made this murder possible. I guess Arnold wanted to be killed by her, because he believes yun yung magrerelieve sa nararamdaman ng taong mahal na mahal niya," huling paliwanag ni Hailey bago tuluyang umalis at sinenyasan si Josephine na babalik siya sa café.
Nang marinig ni Antonio ang paliwanag ni Irina, agad siyang pinosasan at dinala sa kanilang sasakyan. Nagpaalam ito kina Kaeden at Josephine. Ayon sa kaniya, malaking pasasalamat niya at naresolba agad ang kaso. Hindi parin niya maintindihan si Irina, kung bakit niya ito nagawa. Parang hindi niya makita ang rason na dapat niyang patayin ang taong nagmamahal sa kaniya para sa nangyari sa kaniyang ina noon. Dinala rin sa presinto si Armida patungkol sa nangyari, upang maimbestigahan ang nangyari noon at mabigyan siya ng kaparusahan.