Chereads / Case Book of Detective Kaeden (TAGLISH) / Chapter 38 - Death's Concerto: File 1

Chapter 38 - Death's Concerto: File 1

Matao ang lugar at tila hinihintay nila ang paglubog ng araw. Bukod kasi sa makikita nila ang matamis na kulay kahel ng araw, magpapasimula na ang kanilang selebrasyon ng kanilang "Town's Fair" na gaganapin sa halos buong dalawang linggo. Hindi nag-aksaya si Josephine na maglakad habang ineenjoy ang mataong lugar at tumingin tingin sa mga binebentang souvenirs.

"Hindi ko aakalaing ganito pala kaganda sa San Rafael!" masayang turan ng dalaga. Hinihintay niya si Kaeden na makarating sa lugar. Ayon sa binata, kailangan pa niyang maghanda bago makarating sa lugar kung saan siya magbabakasyon. Dahil na-enjoy niya doon, imbes na umuwi pagkatapos ng event ni Ricardo Rodriguez, naisipan niyang doon na muna magpapahinga. Pumunta naman ng amerika ang sikat na mystery author pagkatapos ng kanyang event. Nanghihinayang daw ito at hindi naman nakasama si Kaeden doon, pero siguro ay magkikita daw ang dalawa sa susunod na pagkakataon.

Sa totoo lang, hindi pa niya talaga naeenjoy ang kabuoan ng mga bakasyon niya, kahit hindi niya kasama si Kaeden. Lagi kasing nagdadahilan ang papa niya na may pupuntahan sila, pero alam niyang sinasabi lang ng mga magulang niya na siya ang pumunta at hindi sila ay para mas mapabilis ang kaalaman niya sa mga business relations. Gusto kasi ng ama nito na kung pupwede ay siya nalang ang mag-manage ng kanilang financing business.

Habang namimili siya ng souvenir, isang babae ang tumabi sa kaniya. Minasdang Mabuti ito ni Josephine. Maputi. May kalakihan ang kaniyang mga mata pero nagpapaganda sa kaniya. Sumasabay din ang maputlang kulay rosas niyang labi. Kung idedescribe niya ang dalaga, ito na yata ang pinaka-cute at pinaka-attractive niyang nakita. Pero parang pamilyar sa kaniya ang babae. Parang nakita niya na ito pero hindi lang niya matandaan kung saan at kung kailan. Tinignan siya nito at binigyan siya ng ngiti.

"Hmmm, are you a tourist here too?" wika niya.

"Ay, inglisera pala to. May accent pa."

"A-ah, yes, yes. I���m here for the rest of the week. You?"

"Ohhh, I was here just yesterday. My flight is a total stress, so I'm here to at least spend my afternoon looking at things."

Hindi talaga mawala sa isip ni Josephine ang dalaga. She's not sure pero alam niyang nakita na niya ito noon.

"H-have we met before?" diretsong tanong niya.

Tinignan siyang mabuti ng dalaga bago siya sinagot nito.

"I don't think so. I stayed for years in Germany. Pinay ako, but I lived in Germany for a very long time. Mabuti nga at alam ko pa magsalita ng Filipino eh. Nakakahiya naman if I don't."

Habang naguusap sila, may ilang mga kabataang nakapansin sa babae at nagbulong-bulungan. May isa sa kanila na lumapit sa kaniya na hawak ang kaniyang cellphone.

"Uhm, is that you, Hailey Mallari?" tanong ng bata. Nasa edad 16 na ito.

"Ay hello! Yes, it's me!"

Nang marinig ng iba ito, agad silang lumapit sa kaniya at isa-isang nagpapicture. Halos hindi magkamayaw ang mga ito na kuhanan siya ng litrato kasama sila. Kinuha agad ni Josephine ang kaniyang cellphone at niresearch kung artista ba ito o ano.

"Hailey Mallari. Famous make up tutorial youtuber. Social influencer. The Celine Dion of Make Up."

"Kaya pala. She's a celeb. Pero, bakit sa dinami-dami ng pwede niyang pagbakasyunan, dito pa sa San Rafael? Pwede naman sa Bora, Baguio o di naman kaya sa Puerto Princesa…"

Nang matapos makapagpapicture ang mga fans ni Hailey, binalikan siya nito at humingi pa ng pasensya at naputol ang usapan nila.

"Ikaw, what's your name?"

"Josephine. Josephine Garcia."

Natigilan si Hailey sa narinig na pangalan ng dalaga. May naglaro sa kanyang isipan at parang may naalala siyang ganun ang pangalan. Hindi na siya nagdalawang isip na kaibiganin pa ito, inalam kung bakit siya anduon at kung sino siya.

---

Mabilis ipinarada ni Basil ang police car sa parking space ng Mycroft Café, kung saan nagtatrabaho ang kaniyang pamangkin. Nang makita siya nina SPO4 Ricardo, agad siyang kinawayan ng mga ito at doon pumunta. Ang kasama ni SPO4 Ricardo ay walang iba kundi si Major Greg Castillo, isa sa mga matatagal nilang kasama sa trabaho.

Seryoso ang dalawa habang umiinom ng kanilang brewed coffee. Tumingin muna sila sa paligid bago magsalita si Greg.

"Alam mo naman siguro kaya ka namin tinawagan dito," seryosong tono nito. Bakas sa mukha niya ang pagaalala na may makarinig sa kanila.

"Kaya dito tayo maguusap, hindi ako tiwalang walang tainga ang departamento. Hindi ko gustong may makaalam pa ng sasabihin ko kundi tayong tatlo lang," dagdag ni Greg.

Huminga ng malalim si Basil at sumandal sa upuan. Hindi parin umiimik na nakinig si Ricardo sa kaibigan, para ipaliwanag ang lahat.

"Oo. Alam ko. Noong una may duda na akong mayroong kakaiba sa mga kasong hinawakan ko lately. Yung kasong hawak ko sa Vicente, bago pa maaresto yung killer, sinabi niyang may nagplano sa ginawa niya," paliwanag ni Basil.

"I think I know who that is already. Siya din siguro ang pumatay doon kay Romy Espinosa. The person who we thought vanished but is now causing trouble here and there…" dugtong ni Greg.

"Master Murderer from Hell," agad na sabat naman ni Ricardo.

Kilalang kilala ni Ricardo kung sino si Master Murderer from Hell. Matagal na niya itong iniimbestigahan at nagpakalat na din siya noon ng napakaraming assets para lang malaman kung nasaan ito nagtatago o kung sino ang alam niyang may impormasyon patungkol sa kaniya. Hindi nagtagal nang halos maging blanko ang mga assets niya sa kung nasaan na ito.

"Hindi ako makapaniwalang buhay pa siya. He's probably doing the same thing he's doing before," paliwanag ni Basil. Silang tatlo, kasama si Red, ang siyang laging humahabol at tumutugis kay Master Murderer from Hell, isang serial killer. Hindi siya katulad ng common na serial killer na pumapatay lamang ng tao. Ang ginagawa nito, naghahanap ito ng mga taong problemado, mga taong gustong makapaghiganti at iba pa, at binibigyan niya sila ng isang 'perfect crime plan', na kung saan pinapangako niyang kapag susundin nila ang plan na ito, ay makakatakas sila kahit makagawa sila ng malaking krimen. Isang crime planner. He makes these murder plans and let the people do his dirty work for him. He enjoys the thrill of people committing a crime. A true personification of a psychopath who carries out what he wants.

Hindi lihim sa kanila kung sino si Master Murderer from Hell. Siya ang pinsan ni Red, dating magaling na private investigator at nakasama nila sa criminal psychology class. Silang lima ang dating magkakasama na nagsosolve ng mga mahihirap na kaso ng siyudad, pero sa hindi nila inaasahang pangyayari, nagiba ng landas ang kanilang kaibigan, hanggang sa ito na mismo ang gumagawa ng krimen. Naalala ni Greg ang nasabi sa kaniya nito: "Nung una, hindi ko maipaliwanag.

But for some reason I just wondered what it would be like to orchestrate the perfect crime no one can solve."

Hindi naman nila ito sineryoso dahil alam nila kung anong klase ito ng tao. Pero hindi nila inaasahang ito nga ang gagawin ng kanilang kaibigan. Hindi nila alam kung ano ang dahilan at humantong siya sa ganung kaisipan. Could his genius mind poisoned him to do it? Or was he a murderer from the start and he just want to cover it up by acting as if he's the justice?

---