Sakay ng police car sina Greg, Basil at Ricardo. Si Basil ang nag-boluntaryong imaneho ang sasakyan pabalik sa station. Tsaka nalang daw babalik si Greg at Ricardo sa kanilang opisina pagkababa ng station. Sa totoo lang, marami pa silang dapat pag-usapan.
"Hanggang ngayon hindi parin alam ni Kaeden na ang kaniyang tiyuhin ay ang Master Murderer from Hell, hindi ba?" tanong ni Greg sa dalawa.
"Hindi pa. Wala siyang alam tungkol sa tito niya. Ang alam ko, ilang beses lang nagpakita si Seth sa kanya bago pa siya maligaw ng landas. Kwento ni Jun, may binigay daw na mga libro si Seth sa kanya na mga manuals ng detective work. Ayaw ni Red na masira ang imahe ng tiyuhin sa bata, kaya't hanggang ngayon akala ni Kaeden ay isang mabait na tao ang kaniyang tito Seth," paliwanag naman ni Basil, habang kumaliwa sa daan.
"Naiintindihan ko siya. Mahirap sa bata na kagalitan ang sariling kapamilya. Actually, gusto kong alamin kung may kasama siyang gumagalaw. Hindi ako mapakali kagabi. Hindi kaya, may kasama siyang gumagawa ng mga krimeng ito?" patuloy ni Ricardo.
"Anong ibig mong sabihin?" sabat naman ni Greg sa kaniya.
"Well here's the thought. To have two cases almost as fast as this na mayroon siyang involvement, hindi kaya mayroon siyang mga tauhan na naghahanap ng mga tao to become victims of their trade? Paano kung marami na sila?"
Tahimik na nagmaneho si Basil habang iniisip ang nasabi ng kaibigan. Possible nga ito. Sa totoo lang, kung buhay pa si Seth hanggang ngayon, kailangan nilang alamin kung saan siya nagtatago. Itinago ni Red sa lahat niyang kapamilya ang tungkol sa pinsan, kaya't ang alam nila, he's just out there somewhere traveling. Ito ang sinabi ni Red sa kanila kaya't hindi nila ito matawagan. Hindi na nila pinag-aksayahan pang alamin kung ano talaga ang nangyari sa kanya. All they know is what they've been told.
"Are you saying there's a possibility we're not dealing with the same number of enemies now?" sabat niya sa dalawa.
Tumango si Ricardo sa backseat na kinauupuan niya.
"Meron akong duda na siya lang ang kalaban natin ngayon."
Hindi napigilan ni Basil ang manginig sa nasabi ng kaibigan. Isa lang ang ibig sabihin nito. Hindi magiging madali sa kanila ang mahuli si Seth, dahil kung may kasama na ito at marami na sila, mahirap hanapin ang mga ito isa-isa.
---
Sinalubong sina Kaeden at Josephine ng maaliwalas na umaga ng San Rafael. Napakaraming mga lugar kung saan sila nagpunta. Huli nilang pinuntahan ay ang River Adventure, hanggang sa naisipan nilang maglibot libot nalang sa buong lugar. Nadaanan nila ang isang mountain pass patungo sa mismong Town's Fair.
"Alam mo bang maraming mga car racers ang pumupunta dito para lang dayuhin tong lugar na to?" papuri ni Josephine sa binata habang nasa downhill na sila papunta sa sentro, kung saan may parking lot para sa mga may sasakyan na pupunta sa fair.
Tinignang mabuti ng binata ang lugar. Pwede nga itong maging isang race course. Pero sa totoo lang ay delikado ang dalawang downhill nito, kung hindi magiingat ang driver. Pinarada niya ang sasakyan sa kanang bahagi ng parking lot. Nang makababa sila, sinalubong sila ng mga batang nagbebenta ng mga souvenir at palamig.
"Kuya, bili na kayo ng keychains. Dito lang to sa Bulacan!" pagmamalaki ng isa. Nasa siete anyos na ito. Kitang kita sa kanyang mumunting kamay na pagod na rin ito sa paglalako, pero masaya parin itong humaharap sa mga taong dumadaan. Hindi na siya nagsayang ng oras at bumili sa kanilang lahat. Si Josephine naman ay bumili ng palamig para sa kanilang dalawa.
"Eto oh. Buko Juice," alok ng dalaga pagkatapos.
Na-miss niya ang probinsiya. Iba parin talaga ang lasa ng purong buko juice doon. Habang umiinom ang dalawa, may isang humarurot na lumang Tamaraw FX pababa ng huling banda ng mountain pass. Pagka-parada niya ng parking lot, agad na bumaba ang driver.
"T-tulungan niyo ang tumawag sa pulis! Telepono, dali!" sigaw nito. ang una niyang nakita sa paradahan ay ang mag-kaibigan.
"A-ano pong nagyari?" tanong agad ni Kaeden sa kanya.
"M-may nakita akong lalake, nasa bangin!"
Hindi na nagdalawang isip si Kaeden na senyasan ang dalaga para tumawag sa pulis. Mabuti na lamang at hindi naman mahina ang signal ng cellphone kaya direkta nang dito ito tumawag. Inalam ni Kaeden mula sa lalake kung ano ang nakita niya. Ayon dito, huminto ito saglit para uminom ng tubig at lumabas ng kanyang sasakyan nang tumingin siya sa bangin at nakita ang isang lalake na duguan. Kaya minabuti niyang bumaba at tumawag ng pulis para iligtas ito kung buhay pa. wala pang sampung minuto ay dumating ang isang ambulansya at police mobile.
---
Isang oras ang lumipas bago nila marecover ang bangkay ng lalakeng natagpuan ng FX driver. Minabuti namang kinuhanan ng initial statement ang FX driver, Kaeden at Josephine. Nakita ng magkaibigan na dinala sa body bag at stretcher ang biktima. Naka-white polo ito, brown tux and slacks. Halatang ayos na ayos ito.
"G-Garcia?" nagtatakang tanong ng pulis kay Josephine nang marinig ang apelyido nito. Kilala ang mga Garcia doon, dahil isa din sila sa mga sponsors ng mga kapulisan sa materials na mayroon sila, mga road constructions at school constructions. Hindi lang mayaman ang pamilya ni Josephine, matulungin pa.
"Ka-ano ano mo si Renato Garcia?" patuloy nito.
"Papa ko po."
Ngumiti agad ang pulis nang marinig ang sagot ng dalaga. Nagpakilala itong si Inspector Antonio Buendia. Ang nangunguna sa investigations department ng San Rafael. Pinakilala pa niya ang dalawa nitong kasamang nagiimbestiga sa lugar sa kasalukuyan. Isang nasa bente sais anyos na lalake, si PO1 Winston Pagsanjan at ang kaniyang partner na babae, nasa bente singko anyos, maputi at mapungay na mga mata, si PO1 Remedios Arkanghel.
"Inspector, pwede po bang malaman kung ano ang findings ninyo sa nangyari?" tanong naman ni Kaeden. Nag-alinlangan naman si Antonio na sagutin ang binata, pero agad namang pinasiguraduhan ni Josephine na okay lang ito dahil anak ito ng dating yumaong detective na si Red Boa Vista.
"Kaya pala parang pamilyar din ang apelyido mo. Who would've guessed!" sagot nito at tinawag si Winston para i-report ang findings nila.
"Ang biktima ay si Arnold Quisumbing. Isang IT professional na nagtatrabaho sa Pine Crest Technologies. Nahanap namin ang ID niya sa kanyang suot na amerkana. Kasalukuyan na naming tinawagan ang ilang mga malalapit sa kanyang kapamilya pati na rin ang girlfriend nito para tignan kung ito nga ang biktima. Ayon sa nakikita nating punto, ang nakikita lang naming punto dito ay suicide."
Nagtaka si Kaeden sa narinig. Kung gusto nitong magpakamatay, mas marami pang lugar ang pwede nitong piliing gawin yun. Why should it be this mountain pass?
"Gaano ba kataas ang bundok, sir?" patuloy na tanong ng binata kay Winston.
"Hmmm, ayon sa forensics nasa 25.4 meters. Yung distance naman ng bundok sa katawan, nasa 11.8 meters. Chineck-up na namin ang bigat ng biktima at nasa 57 kilograms ito. Hindi naman mahangin o maulan, para maaaring sabihing may natapakan itong basa pa kaya nadulas ito. Cause of death is all about the damage na nakuha niya mula sa mababatong parte ng bangin."
Napaisip siya sa narinig. Hindi mailagay sa puso niya na isa lamang itong suicide.
"Inspector, mayroon kayang problema sa pamilya o buhay ang biktima?" natanong naman ni Josephine.
"Yan ang tatanungin natin sa mga kapamilya at girlfriend niyang papunta na dito, hija. Maaaring gipit ang biktima at kung wala siyang mapuntahan, he decided to end his life here. Pero sa totoo lang hindi ko gustong isipin na dahil sa problema kaya naiisip ng tao magpakamatay. I don't want to get there."
"Josephine, I have a bad feeling about this. Parang hindi ito basta suicide lang," bulong ni Kaeden sa dalaga nang bumalik sa trabaho ang mga pulis habang hinihintay ang mga kapamilya ng biktima.
"What do you mean?"
"Itong lu – " hindi naituloy ni Kaeden ang sasabihin nang may sumabat na babae mula sa maraming taong nakikiusyoso sa nangyari. Nasa harapan ito na nakatayo kaharap ng mga cime scene tapes.
"The place is just not right for a suicide. Kung iisipin mo, napakaraming lugar para gawin yun. Why does it have to be this mountain pass? To drag attention? Probably. Pero, the greatest question that poses a threat to call this a suicide is, why would a man dressed so well commit a suicide? Kailangan pa niyang mag-ayos ng katawan bago magpakamatay? It doesn't make sense."
Lumingon si Kaeden para tignan kung sino ang sumabat sa kanya. Nagulat siya nang makita kung sino ito.
"Hailey! You're here? Siya yung sinasabi ko sa iyo Kaeden na nakilala ko dito!" pakilala ni Josephine sa kaniya sa binata. Medyo nagtaka ito nang hindi sumagot agad ang kaibigan sa kanya.
"Since when did you come back dito sa PInas!?" tanong ni Kaeden kay Hailey. Meron itong tonong inis at tuwa. A mixed emotion for an unusual reunion.
"M-magkakilala kayo!? Don't tell me – " selos na tanong naman ni Josephine sa kanya. Ang akala kasi nito, baka girlfriend niya ito o crush.
"Kokak ka talaga! Pinsan ko yan! That's Hailey Mallari, pinsan ko sa father side. Pumunta siya ng Germany bata palang kami at doon tumira!"
Napatawa si Hailey sa nakita sa dalawa.
"Don't you worry dear, di ko aagawin tong bangag na to sa iyo. I'm his cousin and we're actually just that. I came back here in the Philippines para sana ayusin ang ilang bagay. So, how have you been?"
"I'm sure kinuwento na ni Uncle Jun ang lahat sa iyo. No need for me to tell. Ikaw ang kumusta. Ni tawag o ano wala akong narinig sa iyo. After all, you've been doing your celeb life, walang oras para tumawag at mangumusta?"
"I've been busy. Besides, the fact that you're subscribed to my channel, at least alam kong kilala mo parin ako."
Bumalik sa seryosong mukha si Hailey nang mapatingin sa bundok. Binaling niya ang tingin sa pinsan nang makitang parehas sila ng iniisip.
"You're thinking the same, right? That this is just not an ordinary case."
Tumango ito at tumingin kay Josephine. Namangha naman ang dalaga dahil hindi lang pala si Kaeden ang marunong sa deductions kundi pati ang pinsan niyang babae. Ipinaliwanag ni Kaeden sa kanya na nang bata pa sila, tinuturuan siya ng kanyang ama. Ayon kay Red, kung talento at galing sa detective work, halos magkaparehas lang ang utak ng dalawa. Kaya lang, hindi naman ito ginagamit ni Hailey dahil bukod sa tinatamad ito palagi, mas nakahiligan nito ang beauty products. Hailey might be on par with Kaeden in their thinking prowess, but she is lazy and doesn't want to test her deductions.