Tinignan ng isang lalake ang kanyang wrist watch. Alas siete y media na. Nilakad niya ang daan papunta sa pinakamalapit na Children's Park at umupo sa isang bench kung saan may iisa pang park lamp na nagbibigay liwanag sa buong lugar. Hinintay niya na tumawag sa kanya ang inaasahang caller.
Maya-maya lang ay tumawag nga ito. Unknown caller.
"Hello?" sagot nito, na kinumpirma kung sakaling ito na nga ang taong tatawag sa kanya.
"Ikaw ba ang kliyente kong ibinigay ni Sam?" tanong ng caller.
"A-ako nga. Ikaw ba ang magbibigay sa akin ng perfect murder plan? Master Murderer from Hell?"
"At your service. Makinig ka, sasabihin ko sa iyo ang oras at paraan para magawa mo ang inaasahan mong tagumpay. Kailangang maging maingat ka dahil inaasahan kong gagawin mo ito na sakto sa instructions ko. Nagkakaintindihan ba tayo?"
Ngumiti ang lalake at naisip na kung paano niya maisasakatuparan ang kanyang paghihiganti.
"I'm all ears," sagot nito bago pinakinggan ng kabuoan ang murder plan.
---
Maghahapon na nang makarating ng maayos si Kaeden sa San Rafael. Malayo-layo din pala ito. Apat na oras na biyahe. Hindi parin niya maalis sa isip niya na ayaw magsalita ni Inspector Basil sa nangyari kay Romy. Sino ang sniper na bumaril sa kanya at bakit? May connection bai to sa nasabi niya bago siya patayin? Maging ang partner ni Basil ay ayaw din magsalita. Mayroon ba silang tinatago sa kanya na hindi niya dapat malaman?
Ipinarada niya ang kanyang sasakyan sa isang parking lot ng isang convenience store. Kumakaway sa kanya sa malapit si Josephine na ayon sa kanya sa text ay kanina pa naghihintay sa kanya. Pagkababa niya sa sasakyan ay agad siyang sinalubong ng dalaga.
"So, what do you think? Isn't the place beautiful? Hindi masyadong matao, walang masyadong usok at higit sa lahat, malamig ang simoy ng hangin!" pagmamalaki sa kaniya ng kaibigan.
Tumango lang ito at tinignan ang lugar. Luntiang kabundukan, makulay na langit at mga taong umuuwi galing sa kani-kanilang trabaho. Nasurpresa nga siyang kahit probinsya ito ay mayroon parin itong mga convenience stores at isang mall na nadaanan niya kanina lang. sa isip niya, nagaadjust na rin ang mga tao sa modernity ng katabing siyudad, pero nakikita mo parin ang pagka-probinsya ng lugar.
"Oo nga eh, this place is amazing. Nasabi mo pang ngayon ang Town's Fair ng lugar. I think this is for the best. Na-stress ako sa hininging tulong ni Trek."
"I just heard it from him. Nagtext sa akin eh. Pinapasalamatan ka, eh kako makakarating."
"Anyway, saan ba ang rest house mo dito?"
Ngumiti ang dalaga at itinuro ang kabilang bahagi ng lugar.
"May binili ang dad ko na separate rest house doon. Well, hindi siya malayo sa tourist resort, so you'd be able to communicate with the other tourists in town. May nakilala nga ako eh, celebrity."
Natawa lang ang binata sa nasabi nito. Hindi na siya nagtataka kung may makita mang artista ang kaibigan o kung may rest house sila sa bawat sulok ng bansa. The Garcias are at the top richest families in the Philippines.
"Well then, let's go!" tugon niya dito at bumalik silang dalawa sa sasakyan ni Kaeden. It was an hour drive. Kaeden's guess is right. Malaking rest house ito at parang kahit sampu pa ang tumira doon, walang problema.
---
"So, have you told him I'm in the Philippines already?" tanong ni Hailey sa kausap sa telepono.
"Hindi pa. Kanina lang, pumunta siya sa San Rafael to see his friend. Magbabakasyon daw."
"What a coincidence, Uncle Jun! Andito ako sa San Rafael! And lemme guess, ang pangalan ng friend niya ay Josephine Garcia, tama?"
Nasurpresa si Jun sa narinig. Hindi niya akalaing kilala nito ang kaibigan ng alaga.
"Paano – "
"Well, I just met her kahapon. I'm actually staying sa isang tourist house. Gosh, Uncle ha. Ang mahal na ng mga rest houses niyo dito sa Pinas!"
Napatawa ng kaunti ang matanda sa narinig. Siguradong mahaba-habang listahan na naman ng reklamo patungkol sa bansa ang maririnig niya sa dalaga. Si Hailey Mallari ay pinsan ni Kaeden sa father's side. Maliit palang ito nang dalhin siya ng kanyang mga magulang sa Germany. Doon na ito nanirahan at lumaki. Ngayon lang ulit siya babalik sa Pinas.
Matapos tawagan ni Hailey si Jun, inayos nito agad ang kanyang gamit at tumingin sa life size mirror kaharap ng kanyang kama.
"What kind of dress should I put on today? Yung pink summer dress, o yung kabibili ko lang sa kaibigan kong EFS brand?"
Hindi rin niya maikailang na-miss niya ang pinsan. Almost ten years din silang hindi nagkita. She was just nine years old when they separated because of a tragedy that left her and her cousin apart. Malapit sa kanya si Red. She was often given lessons about detective work kahit na maliit palang siya. Naalala niya ang nasabi ng Uncle Red niya na kung patungkol sa deductions, halos magkaparehas sila ng ability ni Kaeden, kaya nga lang ay hindi naman niya ito naimprove dahil mas nagustuhan nito ang graphic arts nang lumaki na. akala nga niya ay susunod sa yapak si Kaeden, hindi niya aakalaing sa Architecture ito pupunta.
---
Sakay ng isang pulang Nissan Presea ang isang babae, isang lalakeng nagmamaneho na katabi nito at isang lalake naman sa likod.
Walang iba kundi sina Sam, Janus at Master Murderer from Hell. Kung sino sila at kung ano ang tunay nilang pangalan ay walang nakakaalam kundi sila-sila lamang. They are a group of three who lurks in the darkness to pry on the dark emotions of men and exploit it for them to commit crime for them.
"Siguro naman sa ginawa mo kay Romy ay magigising ang tatlo nating best friends, Sam…" wika ng lalakeng nasa backseat. Tumingin sa top mirror si Sam sa lalake at nginitian ito bago ibinalik ang tingin sa harap.
"Sigurado yun, boss. Hindi magtatagal at babalik ulit ang pangalan mo sa hotlist nila. For all those years na akala nila bigla kang nawala."
Napailing naman ang lalakeng nagmamaneho.
"Pero boss, bigyan mo naman ako ng assignment. Lagi mo nalang ako ginagawang driver dito. Nakakadalawa na sa akin itong si Sam eh," biro niya. Napatawa naman ang dalawa sa narinig.
"Huwag kang mag-alala, Janus. There's a time for your type of work."
"Alright! Siya nga pala boss, aside doon sa client natin na hawak ni Sam, there's someone who contacted me. Baka naman pwedeng ako na ang humawak doon."
"As you wish. Baka nababato ka na rin."
Pinabilis ng kaunti ni Janus ang pagpapatakbo ng sasakyan. Dala na din ito ng kaniyang excitement na makakagawa na naman siya ng isang murder plan.
Ito ang tanging misyon ng tatlo sa pagbuo ng kanilang grupo. Gumagawa sila ng mga perfect murder plans at humahanap ng mga taong gagawa nito para sa kanila. They just plan the murder tricks and the methods and let someone do the handiwork for them. Humahanap sila ng taong may galit sa puso, mga may problema, mga taong kailangan ang kanilang serbisyo. One could say that they are somewhat looking for the evil in the human heart and they are the catalyst for them to become murderers. There's no reason why they do it rather than just for fun.