Hindi na nagsayang pa ng oras sina Basil. Mabilis nilang binisita ang bahay ng killer. Sumakay naman si Troy sa sasakyan ni Kaeden, kasunod ng police mobile na naguna sa kanila.
"I can't believe it. It all boils down to this…" hindi makapaniwalang wika ni Trek nang marinig ang buong deduction ng kaibigan sa nangyari, habang nasa biyahe. Nakailang liko na din sila bago marating ang huling daan patungo sa destinasyon nila.
"Binigay ko lang sa iyo ang initial, Trek. You know the rest. Sigurado akong nag-research ka din," sagot naman ni Kaeden sa kanya.
"Yeah. Remember that discord channel I told you about where I have friends from different careers who are all geeks when it comes to things like this? I asked advice from them."
"That's so convenient."
Nang makita ang bahay na hihintuan nila ay agad iniliko ni Kaeden ang sasakyan para pumarada. Agad namang lumabas ang nais nilang makitang tao para salubungin sila. Bakas sa mukha nito ang pagtataka kung bakit naroon ang mga pulis.
"Anong meron? Ang dami yatang pulis?" tanong nito.
"Romy, alam namin ang nangyari. Mas maganda kung sabihin mo nalang sa amin ano talaga ang nangyari kaysa magsinungaling ka," paliwanag ni Basil.
Nagulat si Romy dahil hindi nito maintindihan kung ano ang ibig sabihin ng pulis sa kanya.
"Yung nawawala sa crime scene, alam kong alam mo kung ano ito," mabilis na sabat ni Kaeden. Tumingin sa kanya si Romy na para bang nagulat sa narinig. Sa isip ni Romy, baka pinaglalaruan lang siya ng mga ito para umamin kahit hindi niya kasalanan.
"Nung una, akala namin isa itong simple case of robbery, at bago pa man mamatay ang biktima, ay naisulat niya sa pamamagitan ng isang dying message ang pumatay sa kanya. Pero nakakapagtaka naman na ang isang biktima na agad na namatay ay may lakas pag isulat ng buo ang pangalan ng killer. Paano maisusulat ng isang biktima ang pangalan ni Fulgencio so clean kung sa dibdib at ilang bahagi ng kaniyang katawan ang tinamaan ng baril? Mahina na si Aling Flora sa dalawang tama palang ng baril sa katawan niya, how much quicker is her death at binaril mo siya sa puso?" patuloy ni Kaeden.
Napatigil si Romy at nagiba ang timpla ng kaniyang boses at paningin sa mga pulis.
"A-anong ibig mong sabihin? Si Fulgencio ang pumatay kay Aling Flora. Tsaka, di ba nahuli na siya? Umamin naman na siguro siya sa ginawa niyang krimen…"
"At ano ang kanyang magiging motibo para patayin si Aling Flora? Na may utang siya? Hinanap na namin ang mga testigo at napag-alaman namin na ibabalik kinabukasan ni Fulgencio ang pera kay Aling Flora na pinasahod sa kanya. The money is at his home, Romy. Nagkamali lang kami na hindi nakita ang perspective na iyon."
"A-at ano naman ang dahilan para patayin ko siya kung ako man ang pinagbibintangan niyo!?"
"Nung una, akala ko last will and testament ang nawawala sa crime scene, na ninakaw mula sa bookshelf. Pero nang inimbestigahan namin kung ano talaga ang nangyari sa buhay ni Aling Flora, naintindihan ko na ang buong pangyayari. Ganito ang ginawa mo, Romy. Nang oras na nagtalo si Fulgencio at Aling Flora, sinigurado mong wala masyadong tao noon at nasa labas ka. Hinintay mo ang pagkakataong makaalis si Fulgencio at tsaka ka naman kunwari ay bibisita. Yun ang oras na ginamit mo ang isang silenced na baril at pinatay ang biktima. Natakot kang baka makita ng mga pulis ang connection mo kay Aling Flora, kaya kinuha mo ang parang diary ng biktima, at nagpanggap na isang taga-kontrata lang niya."
Hindi sumagot si Romy kay Kaeden. Linapitan sila ni Trek at ipinakita ang laptop niya kay Romy.
"Anak ka sa labas ni Aling Flora, hindi ba? Tinanong na ni Inspector Basil ang kapamilya ni Aling Flora. Alam ng panganay niyang anak na may isang kapatid sila sa labas nang nagkaroon ng karelasyon ang kanilang ina sa ibang lalake. Sa nakakapagtakang pangyayari, hindi na nila nakita ang lalake at ang anak nila nang mahabang panahon. The same age as you are now," paliwanag nito. Tumingin lamang sa baba si Romy at bakas sa kanya ang galit nang marinig ang sinabi ni Trek.
"Hindi mahirap hanapin ang silenced gun o ang ninakaw mong notebook ni Flora. Kung andito na ang mga kapamilya niya, makikilala ka nila agad. It's much better if you surrender," payo naman ni Basil kay Romy. Nakikita kasi nitong meron pa itong pagmamatigas sa kaniyang puso. Ipinakita din nito ang kanilang Search Warrant, kung sakaling hindi pa man itinatapon ito ni Romy, nasa kaniya parin ito.
Pinikit ni Romy ang kanyang mga mata. Ngumiti ito at muling tumingin sa langit. Mag-aalas kwatro na ng hapon at palubog na din ang araw. Nakita niya kung gaano kaganda ang liwanag ng kahel na langit.
"Hindi na kailangan, sir. Akala ko nga eh malalaman agad ng mga pulis na ako ang pumatay eh. Sa takot ko, kinuha ko yung notebook. Dahil siguradong kapag nakita nila yun, mababackground check agad ako. Tama kayo, ako ang nawawalang anak niya sa labas."
��Ano ang kasalanan niya at bakit mo siya pinatay? Sa anong dahilan!?" galit na tanong ni Trek sa kaniya.
"Alam kong humingi siya ng picture ko nung bata pa ako. Gusto ko sanang magpakilala sa wakas na ako ang anak niyang nawala sa kanya nang itakas ako ng aking ama sa mga pananakot ng pamilya ng aking ina. Hindi kailanman sinabi ng aking ama bakit niya ako itinakas, pero naintindihan ko ang lahat nang ikwento niya bago siya namatay. Pero nung pagpunta ko sa nanay ko, kahit kailan di niya ako nakilala. At nung gabing iyon na gusto ko sana sabihing ako ang anak niya, hindi ko nagustuhan ang sinabi niya!"
"May anak akong ka-edad mo din, Romy. Naging anak ko sa labas, dahil nagkaroon ako ng relasyon nung kabataan ko. Pero hindi ko na siya binibilang na anak. Wala akong anak sa isang duwag na lalake."
"Binastos niya ang ama ko, na halos pahiyain ng pamilya niya at takutin na kung magpapakita siya, ipapapatay siya! Karpintero lang ang ama ko kaya wala siyang nagawa kundi lumayo nalang. Kahit ano pinasok niya para lang mapalaki ako. Hindi ko aakalain na ang kwento ng aking ama na mabait ang aking ina ay kabaligtaran ng makikita ko!"
Hindi na nagsalita sina Kaeden at Trek sa narinig. Hindi malimutan ni Trek ang matanda dahil naging mabait naman ito sa kanya. Pero gaya nga ng sabi nila, maaaring mabait siya sa iyo, ngunit hindi malalaman ng kahit sinong tao ang nasa puso ng kapwa.
Sinenyasan agad ni Basil ang kasama na posasan si Romy at dinala sa police mobile. Habang lumalakad sila, huminto ito at tumingin sa kanila.
"Akala ko pa naman, okay ang lahat gaya ng sinabi niya," wika niya bago tuluyang pumasok sa sasakyan at dinala sa kulungan.
"Niya?" tanong ni Kaeden sa isipan. Ano kaya ang ibig sabihin ni Romy? Para kay Basil, pamilyar na ang nasabi ng criminal. Kinabahan ito at agad na tinawagan si Ricardo. Lumayo muna siya sa dalawang magkaibigan bago nagsalita.
"Pare, I have a bad feeling about this. Yung killer sa pagpatay doon sa matanda, yung hawak kong kaso. Pwede mo bang bantayan? Hindi maganda ang pakiramdam ko."
"Anong ibig mong sabihin, pare?"
"Naninigurado lang ako, bud. I sense something sa nahuli namin. Pakibantayan mo."
Hindi na nagtanong pa si Ricardo. Sa loob niya, parang nagka-ideya siya sa ibig sabihin ng kaibigan. Agad niyang tinapos ang ginagawang document at tinawagan ang ilan na sila na muna ang bahala. Kailangang siya mismo ang magdala sa kulungan kay Romy.
---
Isang babae na naka-all black overall catsuit ang matiyagang naghintay sa isang parte ng bundok, kung saan makikita ang one way na daanan papuntang police station. Halos makikita mo ang kabuoan ng siyudad mula sa bundok na iyon. Nakalugay ang mahabang buhok nito at sumusunod ito sa direksyon ng hangin. Kinuha nito mula sa kaniyang maliit na bag ang kanyang cellphone at tinawagan ang nagiisang tao sa phonebook nito.
"Hello, Sam. Medyo maingay yang kliyente ko na yan. Baka mamaya eh ano pang sabihin sa mga pulis. Alam mo na ang kailangan mong gawin," wika ng tinawagan niya. Nasa katandaan na ang boses, nasa mga edad kwarenta na o higit pa.
"Special ata sa iyo ito, boss? Bakit kailangan pa nating patahimikin? Besides, ang sloppy niya gumalaw."
"I just want to send the police a message, lalong lalo na ang tatlong itlog na yun."
Napatawa ang babae bago ibinaba ang kaniyang tawag. Binuksan niya ang isang mahabang bag at inassemble ang kaniyang Steyr SSG 69 Sniper Rifle. Nang maayos na ito ay inihanda niya at tinignan ang isang lugar kung saan dadaan ang kaniyang target. Naka-kalahating oras din siyang naghintay bago nakita ang police car. Tinignan niyang mabuti at nakita niya si Romy na nasa back seat.
Ngumiti ito at hinintay na makalapit ang sasakyan sa range na gusto niya at nang mag-red signal ang street light, mabilis niyang ipinokus ang cross hair mula sa scope ang ulo ni Romy. Agad na kinalabit ng babae ang gatilyo. Kitang kita niya mula sa rifle scope ang gulat na mga pulis nang makita ang wala nang buhay na si Romy. Mabilis nilang hininto ang sasakyan at hinanap kung saan nanggaling ang shooter. Mabilis naman siyang umalis at tila parang bulang naglaho sa bundok bago pa man siya mahanap ng mga pulis.