Chereads / Case Book of Detective Kaeden (TAGLISH) / Chapter 35 - Friend's Request: File 2

Chapter 35 - Friend's Request: File 2

Ilang oras lang ay nahanap na nila ang lalakeng pumunpunta sa bahay ni Aling Flora. Kayumanggi, nasa 5'4 ang taas – ang bente sais anyos na si Romy Espinosa. Isang karpintero at kinukuhang contractor ng lugar tuwing may pinapagawang mga kagamitan sa munisipyo. Inimbitahan nila ito sa isang interrogation sa police office. Nasa outer room sina Kaeden at Trek habang si Basil naman ang nasa interrogation room.

"Siguro naman kilala mo ang biktima?" tanong ng inspector sa kanya. Uminom muna ito sa ibinigay na bottled water sa kanya bago sumagot.

"Opo. Kinuha po akong magaayos ng dingding nila tsaka yung sirang hagdan. Nakakailang araw lang po ako eh nabalitaan kong patay na daw po."

"Ibig mong sabihin kinuha kang bagong magaayos ng bahay niya? Hindi ba pinapagawa niya ito doon kay Fulgencio?"

"Hindi raw po tinapos ni Fulgencio yung trabaho. Tapos kung papasok, eh palaging half day. Kaya yung dingding tsaka yung hagdan, substandard ang pagkakarepair. Nakita ko pa parang lumang mga pako pa yung ginamit niya. Yung pambili sanang binudget sa kanya, hindi niya pinambili. Nasabi sa akin ni Aling Flora nung tinanong ko bakit kailangan niya ako eh may kontraktor na siya."

"Pero bakit sa tingin mo umabot sa ganito at pinatay ni Fulgencio ang biktima?" tanong ni Basil, na para bang may gusto siyang linawin at kunin kay Romy.

"Nag-away daw po kasi sila ni Aling Flora ayon din po sa kanya, sabi eh kung hindi raw ibabalik ni Fulgencio ang binudget para sa pagpapagawa at sinahod niya, ipapapulis at ipapabaranggay. Sabi daw po ni Fulgencio pagsisisihan daw ni Aling Flora kung gagawin niya."

Tumango ang inspector sa naisagot ni Romy. Mas napaigting ang nasa isip niyang si Fulgencio nga ang pumatay, pero hindi ito ang parehas na nasa isip ni Kaeden. Ano ang ibig sabihin ng malinis na crime scene? Kinatok nito ang pintuan ng interrogation room at dagli naman siyang pinagbuksan ng inspector.

"Inspector, gusto ko lang malaman kung may pagnanakaw na naganap sa crime scene. May ninakaw ba sa biktima?" bulong nito sa pulis.

"Unfortunately, wala. In tact parin ang pera ng matanda sa kanyang kwarto nang nagsearch kami. Bakit?"

"Gusto ko lang malaman ang napansin ko kanina sa crime scene."

"What do you mean?"

"Please inspector, we have to know from him kung aling parte ang trinabaho niya sa crime scene, kung saan ang pinagawa ng biktima sa kanya, all of it."

Tumango si Basil at sinenyasan siyang bumalik muna. Ito nga ang ginawa niya at tinanong si Romy ng detalye kung saan ang pinagawa ni Aling Flora.

"Hagdan papunta sa itaas po. Kung napuntahan niyo na po yung bahay, mayroon doong isang parte ng hagdan na umuuga-uga na. yun po yung inayos ko. Sa dingding naman, malapit po doon sa bookshelf na nasa first floor."

Nang marinig ito ni Basil, tumingin siya sa layered glass ng interrogation room. Matamang nakikinig sina Kaeden. Hindi nakikita ni Romy kung sino ang nasa labas, dahil iisang parte lamang ng salamin ang nakakakita sa loob ng kwarto.

---

Nakumpirma ni Kaeden sa narinig na kung may kinuha man ang killer sa crime scene, hindi iyon pera. There's something more important than cold hard cash, at kung ano man yun ay kailangan niyang alamin. Pinagbigay alam niya ito agad kay Basil para mapaimbestigahan. Kailangan nilang alamin kung ano ang mga librong nandoon at kung ano ang maaaring kinuha ng killer, at kung malalaman na nila kung ano ito, isa itong malaking lead sa kung sino ang pumatay at anong dahilan.

"Kaeden, I hope you'll solve this case," wika ni Trek habang nasa sasakyan ni Kaeden. Nagprisenta kasi ang binata na ihatid ito pabalik sa kanila. He was enjoying the drive of his new car.

"Napamahal na din kasi sa akin yung matanda. Look, her family isn't even trying their best para irush pumunta dito. They could have found a way to come here quick, pero may rason pa ang pamilya niya na medyo matatagalan konti."

Nagulat ang binata sa kaibigan. He thought this computer geek is heartless, but it seems meron din pala itong tinatagong kabaitan at concern.

"I'll do the best I can. For now, kailangan nating malaman ano yung Nawala sa bookshelf ni Aling Flora. The killer is the only one who took it. Pansin mo, yung buong bookshelf, halos puno. There's just one part there where it has a space. What does it mean? Mayroong kinuha doon ang killer and that could be the reason why he killed the victim."

Sandaling nagisip si Trek. May naalala siya nang pumapasok siya sa bahay ng matanda kung dadalhan niya ito ng pagkain.

"I think I might now something about that. Last year, nang dinalhan ko siya ng siomai napansin kong may tinitignan siyang parang notebook o booklet. May sinusulat siya doon. When I entered mabilis niya itong tinago."

Napaisip ng bahagya si Kaeden habang niliko ang sasakyan papunta sa kanto ng bahay ni Trek.

"Hindi kaya last will? Or a locked safe number? It could also be a message or bank account number. Nevertheless, it's something important kaya kinuha ito ng killer. I must find out what that is," wika niya sa kaniyang sarili.

"It just doesn't make sense kung last will. Why would the killer want to get the last will and testament of a person? Lalo na at hindi naman magkamag-anak ang killer at ang biktima?"

"I know what you're thinking, pare. Kilala kita. Are you thinking na baka last will?" pansin ni Trek sa kanya.

"How did you – "

"Sabi ko nga, kilala na kita. Unfortunately, hindi ako naniniwalang last will yun. Although I have a hunch that it has to do with something very important. Nung nakita ko kasi siya, ingat na ingat talaga siya. I remember she had it with her all the time. Ayaw niyang may makakitang ibang tao."

"So, what you're saying is something like a diary, which contains something very important."

"I assume that's the case. Hindi naman siguro pagiinteresan ng isang karpintero ang bagay na yun kung hindi importante, di ba?"

---

Nang makauwi sa bahay, agad niyang tinawagan si Josephine. Mabilis naman sumagot ang dalaga sa kanya at kinumusta agad ito.

"Wait, that voice, let me guess, may nangyari na naman no?" tanong ng dalaga sa kanya.

"Ang galing mo naman! Yes, something happened. Murder case. Pero hindi naman ako dapat kasama dito eh. Trek dragged me into this."

"Aba himala, sa iyo humingi ng tulong si Troy?" tinatawag ni Josephine si Trek sa tunay niyang pangalan. Hindi kasi sila kasing close ni Kaeden para tawagin ito sa pangalan na ayon kay Trek, ay ang kaniyang "call sign".

"Uh-huh. So how's this event of yours with the famous author Ricardo Rodriguez?"

"It's amazing. Sa isang linggo pa ako babalik. Four day stay but they decided to extend it. Naenjoy kasi namin. You know, I learned a lot from him. May nasabi siya sa akin na I think you'd love to hear."

"Ano?"

"When a murder case follows a detective in consecutive turns, someone is pulling the strings."

Natigilan si Kaeden sa narinig. Hindi niya maalala kung kanino niya ito narinig. Hindi niya mailagay sa isip niya kung kailan at sino ang nagsabi. He just remembers he heard that quote before.

"Hala ka!" biro ng dalaga sa kanya.

"That's ridiculous. They happen and accidentally, andun ako. Tsaka andun ka rin. Baka naman ikaw tong malas?"

"Che!"

Tinawanan niya nalang ang dalaga. Alam naman nito na nagbibiro siya. Nagulat lang siya at bakit nasabi ni Ricardo ang isang bagay na narinig niya na noon.