Chereads / Case Book of Detective Kaeden (TAGLISH) / Chapter 34 - Friend's Request: File 1

Chapter 34 - Friend's Request: File 1

Maaraw ang oras na iyon, pero hindi na ito pinansin ni Kaeden nang maibigay na sa kaniya ng car dealer ang susi ng nabili nitong sasakyan. Pinag-ipunan ito ng binata sa kaniyang mga proyekto sa design. Ilang taon din bago niya tuluyang naipon ng buo ang pambayad dito.

"Congratulations for purchasing Suzuki Vitara, sir! Maganda po talaga ang sasakyan na yan. That's the best as of the moment," puri ng car dealer sa sasakyan. Isang matangkad na babae ang car dealer, balingkinitan ang katawan, maputi, mapungay ang mga mata at mahaba ang buhok nito. Kung susumahin, ito ang babae na hindi mo makikita sa pangkaraniwan. Talagang naging puhunan nito ang kanyang hitsura at bagay siya sa car dealing.

"Thanks! Ito talaga ang pinag-ipunan ko ng ilang taon."

"Sana sa susunod maimbitahan mo naman ako para maikwento yung naging experience mo sa mga police cases," wika ng car dealer. Napangiti ang binata dahil sa totoo lang hindi niya aakalaing may nakakakilala sa kaniya o nakakaalam sa mga tulong na ginawa nito sa mga pulis.

"Teka nga Sienna, saan mo nalaman yan?"

Ngumiti ang dalaga at tumingin sa kanya ng diretso.

"Nakwento sa akin ni Inspector Basil. Inimbitahan kasi ako na pumunta sa parang isang police party minsan, nung medyo nakainom na yata, ayun, kinuwento sa akin ang tungkol sa iyo. Dito rin kasi sa amin bumili yung partner niya ng sasakyan. Same as you. Black color."

"Tsk, hindi talaga nag-iingat yung si tanda kapag nakainom!" wika ni Kaeden sa isip. Tinawanan na lamang nito ang dalaga at nagpaalam. Idrinive na din nito ang sasakyan pauwi. Hindi talaga siya makapaniwala na nakabili na rin ito ng sasakyang pinangarap niya.

"Alright, it's time to try that one out!" wika niya, at binuksan ang modern stereo. Kinuha nito ang isang CD na nabili niya kamakailan lang. Inilagay niya ang CD sa player at sinimulang makinig ng musika.

Habang nagda-drive ay pinatugtug nito ang isang set ng Eurobeat na pinapakinggan niya kamakailan lang.

Naisip niya ang patungkol sa mga nangyari sa buhay niya. Simula nang namatay ang kanyang ama, naging mahirap ang takbo ng buhay niya. Narito na rin na medyo matanda na rin si Jun na nagaalaga sa kanya. Naalala niya tuloy ang pagkamatay ng kanyang ama at ina. Car accident. Noong una ay nagkaroon siya ng duda kung yun nga ba ang dahilan. Sa dami nang nakabangga ng kanyang ama, siguradong mayroong may galit sa kanya. Pero hindi na niya ito binigyan ng pansin, dahil mas nais niyang paniwalaan na hanggang doon nalang talaga ang buhay nila. Hindi naging matagal na nakasama niya ang mga magulang, pero naaalala nito palagi ang pagaalala ng kanyang ina kapag lumalabas siyang walang kasama, o di naman ay ang mga tinuturo ng kanyang ama sa kanya sa murang edad.

Nasa malapit na crossroad na siya nang marinig niya na nagriring ang kanyang cellphone. Hininto niya sa pinakamalapit na lugar ang sasakyan at hininto ang tugtog bago sinagot ang tawag. Si Trek, ang computer wizard na kaibigan niya noon pang kolehiyo.

"Trek? Napatawag ka? It's been awhile!"

"Hello, Kaeden? Busy ka ba?" medyo mababa ang boses ni Trek na sumagot sa kaibigan. Nahalata ito ni Kaeden kaya't tinanong nito ang dahilan.

"Anong balita?"

"Hindi kasi ako makakalabas ngayon, kaya dito nalang sa phone. Something bad happened," sagot ni Trek.

Narinig ni Kaeden ang tunog ng police siren sa background. Hindi kaya may ginawang kalokohan ang kaibigan?

"May ginawa ka bang kalokohan, pare?"

"Wala! Well, there's a murder case here. I'll tell you the details."

Sumandal si Kaeden sa upuan ng sasakyan at pinakinggan ang kwento ni Trek.

4 DAYS AGO

May narinig na sumisigaw sa labas si Trek. Sigurado niyang si Aling Flora ito. Si Flora Asuncion ay ang mayamang matanda na kapitbahay niya. Nagiisa na ito sa Pilipinas, habang ang kanyang mga anak ay nasa Canada. Noon pa daw nila gustong kunin ang matanda pero mas gusto niyang mabuhay sa Pinas hanggang sa huling hininga nito. Walang nagawa ang kanyang mga anak kundi sundin nalang ang gusto at pinapadalhan na lamang ito ng allowance. Naaawa siya sa matanda dahil madalang lang siyang bisitahin ng kanyang mga anak kasama ang kanyang mga apo, kaya minsan binibisi-bisita niya at dinadalhan ng paborito nitong siopao at siomai.

Dahil nasa second floor ang kwarto ni Trek, isang dungaw niya lang ay makikita niya sa kabila kung sino ang kausap ni Aling Flora. Ibinuka ng kaunti ni Trek ang window blinds ng kaniyang bintana at tinignan ang nangyayari.

Nagsasagutan si Aling Flora at ang isang lalake na nasa trienta anyos. Yung karpinterong si Fulgencio. Isa ito sa mga gumagawa ng muebles at nagrerepair ng mga sira sa bahay. Parang pinagaawayan nilang dalawa ang hindi pa daw nagagawang muebles ng karpintero, at pinipilit ni Aling Flora na ibalik nalang ang perang pinambayad sa kanya kung ayaw niyang tapusin ito. Napailing nalang si Trek at ibinalik ang sarili sa kaniyang computer. Kailangan niyang tapusin ang isang bagay na matagal na niyang ginagawa bilang proyekto.

Isang araw ang nakalipas mula nung nangyari iyon ay nakita ni Trek na may isang lalakeng pumapasok sa bahay ni Aling Flora. Ang matanda mismo ang nagpapapasok sa kanya kaya naisip nitong baka kamag-anak ng matanda. Masaya siya na sa wakas eh hindi na masyadong mapag-isa ang matanda.

Dalawang araw lang ang nakalipas nang magulantang si Trek sa narinig na balita mula sa isa pang kapitbahay niyang si Aling Macia. Natagpuan daw na patay ang matanda sa loob ng kanyang sariling bahay. Mayroon itong tatlong tama ng baril sa katawan.

Pero ang kinagulat nito ay ang nadiskubre ng mga pulis sa crime scene. Naisulat daw ni Aling Flora ang pumatay sa kanya. Walang iba kundi si Fulgencio. Kaya't pinaghahahanap na nila si Fulgencio ngayon na kasalukuyang hindi mahanap. Hindi din daw ito umuwi sa kanila kaya siguradong siya nga ang criminal, na pinaghahahanap ngayon ng mga pulis.

---

"If that's the case, hindi na question sa atin na yung Fulgencio nga ang salarin, di ba?" wika ni Kaeden sa kausap.

"It gets interesting from there. The victim was shot dead. At kung buhay man siya right after her being shot, well, you just gotta come here."

Sinususpense siya ng kaibigan.

"Let me guess, si Inspector Basil ang naka-destino diyan?"

"You guessed it."

Napabuntong hininga siya, dahil siguradong ilang minuto ang lilipas at tatawag na sa kanya ang Inspector. Sa totoo lang ay gusto niya sana ienjoy ang kanyang driving moments pero parang mapapanis yun dahil mayroon na namang komplikadong kaso ang idudulog sa kanya ni Basil.

"Alright, I'll surely be there. Pero uwi lang muna ako. I just need to take some fresh water," paalam niya sa kaibigan at tinapos ang tawag. Inistart niya uli ang sasakyan at nagpatuloy sa paguwi.

Hindi nga nagtagal matapos siyang makapagpahinga at makapagayos ay tumawag na sa kanya si Inspector Basil. Dumiretso na ito sa crime scene para malaman kung ano ang nangyari. Sa totoo lang ay tila nawawalan na siya ng free time dahil sa mga kasong ito. It's as if someone is making sure that these murders continue until they are satisfied.

Nadatnan niya si Inspector Basil na kausap si Trek at isang may katandaan nang babae. Binusinahan niya ang mga ito bago ihininto ang sasakyan sa malapit na bahagi kung saan nakaparke ang mga sasakyan ng pulis.

"Wow, are you serious!? Nakabili ka na pala ng Vitara!" bungad na bati ni Trek sa kanya.

"Ganda di ba? Eh ikaw, nakabili ka na ba nung gusto mong Subaru?"

"Soon, Kaeden…soon!" sagot ng kaibigan habang hinahawakan nito ang front base ng sasakyan.

"Ahem! So, shall we get into the case? We are running out of time. Kailangan naming hanapin yung si Fulgencio," basag ni Inspector sa dalawa.

Seryoso namang bumaling sa kaniya ang dalawa para pakinggan ang findings ng mga pulis.

"Totoo ba yung kwento sa akin ni Trek sa cellphone kanina? There's a dying message?"

Tumango si Basil.

"Fortunately, the victim did. Kaya nga hinahanap namin yung Fulgencio na yun e."

"So, what seems to be the problem?

"Well, rather than a problem, may nakita kaming kakaiba sa dying message."

"And that is?"

"Tara, samahan ko kayo para makita."

Pinasok nina Kaeden ang bahay kung saan natagpuan nga ang biktima. Magulo. Sa first analogy, malalamang maaaring nanlaban ang biktima o di kaya dahil sa natanggap impact, ay napahawak siya sa mga malapit na bagay.

"Here ya go, this is the dying message."

Tinignan ni Kaeden ang sinulat ng biktima bago ito mamatay gamit ang kanyang sariling dugo. A clean name. Fulgencio. Nagka-ideya si Kaeden sa ibig sabihin ng inspector. Siguro ay naisip na din ito ni Trek kaya siya ang unang tinawagan nito.

"Clean writing. Saan natamaan ang biktima ng baril?"

"Isa sa kanang paa, sa kanang dibdib at at sa may right lower abdomen. Enough to pierce the lungs."

"So that means the victim could have fell down first, then tried to get up, gets shot twice. She could have had a hard time breathing."

"Yun din ang nasa isip ko, Kaeden," sabat naman ni Trek. Hindi nakuha ni Inspector ang nasa isip ng dalawa kaya't agad itong naguluhan.

"Teka teka teka, anong ibig niyong sabihin?"

"Ha? Hindi ba yun ang sinasabi mong kakaiba sa crime scene?" sagot ni Kaeden.

"H-hindi. Ang gusto ko sana ipakita sa inyo dito ay kung paano siya pinatay. Hindi ba kayo nagtataka, kapag baril ang ginamit niya, then there should be someone who had witnessed it!"

"I-inspector, there are silencers, remember?" sagot ni Kaeden, na may kahalong sarkastikong boses.

"A-Ahhh, oo nga pala! Hahaha. Pasensya na kayo, medyo di pa siguro naaalis yung epekto ng alak sa akin. May nakainuman lang eh."

"Well anyway, as I was saying, kung nahirapan siyang huminga, it would have been hard for the victim para isulat ng buo ang pangalan ng biktima. If your lungs were shot and even if you survived, it won't take long. Mahina ka na. you can't write the name as clean as this."

"May nagsulat kaya niyan para palabasin na si Fulgencio nga ang pumatay?" tanong ni Trek. Napamahal na sa kanya si Aling Flora, kaya't masakit sa kanya na sa ganito pa ang kahahantungan nito. Siya na mismo ang tumawag sa pamilya ng matanda sa Canada at pinangako nilang makakabalik sila sa mabilis na panahon sa Pilipinas.

"There's a big chance. Ibig sabihin, kung sinoman ang bumaril sa biktima sa oras na iyon, could have made this para sabihing si Fulgencio ang pumatay. Interesado akong malaman sa sinabi mong pumapasok sa bahay ng biktima before the crime happened, Trek."

"Oh yeah, I can still remember his face. Taga dito lang siguro yun, kasi halos parang pamilyar sa akin pero hindi ko lang matandaan. I had Inspector Basil look for him already."

Hindi lang iyon ang napansin ni Kaeden sa crime scene. Napansin niyang parang nilinis ng killer ang lugar. Sa right side, may malaking muebles na pinaglagyan ng mga displayed vases. Walang kahit isang basag. Sa left side, may isang bookshelf doon at nakita niyang nakaayos ang lahat na parang walang gumalaw. Pero napansin niyang sa itaas na banda, may nakatumbang mga libro na para bang may isang kinuha doon para hindi maging balanse ang mga ito sa shelf corner.

"Mayroon kayang libro doon na kinuha ang killer?"