Chereads / Case Book of Detective Kaeden (TAGLISH) / Chapter 30 - Death Prelude

Chapter 30 - Death Prelude

"A detective must be a keen observer. He knows when a place reeks of crime."

---

Hindi pa rin maalis sa isip ni Kaeden ang narinig mula kay Miranda. Hindi daw siya ang nagplano ng kanyang ginawang krimen. Ang Master Murderer from Hell daw ang may gawa nito. Nasa isip parin niya ito habang iniimpake ang kanyang mga gamit at tinulungan si Josephine na maayos ang kanyang malaking maleta. Napansin ng dalaga na tahimik lang ito ngunit inalis niya dito ang pagaalala.

"Are you sure you're okay?" tanong ni Josephine sa kanya sa bus, at agad siyang tumango. Ilang minuto ay nagsimulang umandar ang bus patungong Baguio. Nang mapansin niyang nakatulog na si Josephine, agad niyang tinawagan sa cellphone ang kanyang Uncle Jun kung kilala niya kung sino si Master Murderer from Hell. Matagal bago sumagot ang matanda sa kanya.

"Siya ang serial killer na matagal nang hinuhuli ng iyong ama at Inspector Basil sampung taon na ang nakakaraan," sagot ni Jun, na may pagaalala sa kanyang tono ng boses.

"Ano pong ibig niyong sabihin?"

"Kaeden, makinig ka. Si Master Murderer from Hell ay isang matinding kaaway. Sampung taon na siyang iniimbestigahan ng iyong ama ngunit hindi parin siya nahuhuli. Sasabihin ko sa iyo ang buong detalye tungkol sa kanya kapag bumalik ka na dito."

Hindi niya narinig ang pangalan na ito mula sa kanyang ama. Kahit mahilig itong magkwento ng kanyang mga kaso, hindi pa niya naririnig na nagkwento ito tungkol sa matagal na pala niyang iniimbestigahang serial killer. Ang alam niya, maging records ng kanyang mga kaso ay wala siyang binaggit na kahit na ano tungkol dito.

Kinulit niya si Inspector sa gabing iyon nang mahuli si Miranda, ngunit kahit na ano ay wala siyang narinig mula sa kanya. Parang isang puzzle sa kanyang isip ang pagkatao ng serial killer na iyon, at ano ang ibig sabihin ni Miranda na ang serial killer na iyon ang nagplano sa kanyang paghihiganti?

---

Kasalukuyang nasa canteen ng police station sina Inspector Basil at SPO2 Alfred na naguusap habang binabasa ni Alfred ang halos sampung taong pagiimbestiga nina Basil at Red tungkol kay Master Murderer from Hell.

"Inspector, bakit hindi niyo sinabi sa kanya ang tungkol dito?"

Tinignan siya ng pulis bago linagok ang natitirang laman ng bote ng kanyang green tea.

"Hindi ko alam kung handa na ba si Kaeden para malaman ang tungkol sa kanya."

"Ano pong ibig niyong sabihin?"

"Sigurado akong alam niya ang tungkol kay Kaeden. Sigurado akong nagbabasa siya ng newspaper at nanonood ng balita. Hindi siya basta-bastang serial killer lang. Kung malalaman niyang si Kaeden ang nasa likod ng pagpalya ng kanyang mga plano, sigurado akong siya ang susunod niyang papatayin."

Tumahimik si Alfred sa narinig. Hinintay niya na ang Inspector na ang magkwento at magbigay sa kanya ng impormasyon tungkol sa serial killer na ito.

"Ayokong siya naman ang mawala."

Nagkaroon ng interes si Alfred sa ibig sabihin ng Inspector. Ibig bang sabihin nito ay may napatay na noon ang serial killer na kakilala niya at ayaw niya itong sumunod na mamatay?

"Makinig ka, Alfred. Dalawang taon pagkatapos mamatay ng ama ni Kaeden, naisipan kong magpaimbestiga tungkol sa talagang pagkamatay nilang mag-asawa. Sabi ng tiyuhin ni Kaeden, inayos ng mabuti ni Red ang kanyang sasakyan bago pa man sila bumiyahe. Pero paanong nawalan ng preno ang sasakyan nila? Paanong sumabog ang sasakyan?"

"Ibig niyo pong sabihin…."

"Oo, Alfred. Along the way, they could have met someone."

"At ang taong iyon ay…"

"Master Murderer from Hell himself. Dahil hindi pa namin nakikita ang talagang mukha ng serial killer na iyon, we can't disagree on the fact that we could have seen this serial killer before. Ang sinasabi ko lang, hindi ako naniniwalang aksidente lang ang pagkamatay ng mag-asawang Boa Vista."

Hindi na nagsalita pa si Alfred. Isinara niya ang folder ng report at napatingin sa telebisyon ng canteen. Ibinaling niya dito ang atensyon nang makitang ang balita.

"Inaasahang babalik dito sa bansa ng bestselling author na si Ricardo Rodriguez! Nagaabang naman ang kanyang mga tagahanga sa kanya sa airport para makahingi ng autograph at malaman kung kailan ang susunod nitong book signing sa bago nitong nobelang 'Message from the Sky'."

"Inspector, hindi ba 'yan yung nakasabayan natin sa eroplano nung isang buwan?" turo niya sa nasa tv.

Tumingin agad si Basil at namukhaan ang sinasabi ni Alfred. May katandaan na ang lalake. Base sa hitsura nito, nasa singkwenta na ito mahigit. Marami-rami na rin ang mapuputi nitong buhok, ngunit sa kanyang ngiti at hitsura, marami paring babae ang siguradong mahuhulog ang loob dito. Nang nasa eroplano sila, nakatabi nila ito at nakipagkwentuhan. Nasabi nitong isa siyang mystery writer, at sinusubaybayan niya sa tv ang mga kasong hawak ni Inspector Basil. Ilan sa mga nobela nito ay hango sa mga totoong kasong hinawakan na niya.

"Oo. Hindi ko akalaing hindi siya nagbibiro nang sabihin niya sa akin na sikat siya. Binigyan niya ako ng isang libro niya na may autograph niya."

Natawa si Alfred sa narinig. Hindi mahilig ang kanyang superior sa mga libro. Nakikita niya ito noon na nagbabasa, pero alam niyang mababa ang pasensya nito sa mahaba-habang basaan.

---

Sa isang madilim na kwarto ay nagliwanag ang ilaw mula sa screen ng isang laptop. Napangiti ang nakaharap dito at sinimulang basahin ang message nito sa email. Masigla ang kanyang mukhang nagbigay ng kanyang reply message. Napakahaba. Detalyado. Bawat parte ng kanyang mensahe ay walang tapon, at madaling maintindihan. Napangiti uli ito bago isend sa kausap.

"Nakakapagod ang ganitong trabaho, pero nageenjoy ako," wika ng lalake sa harap ng laptop. Ang kanyang handle name sa email ay 'Master Murderer from Hell'. Gumagamit siya ng encrypted email, para hindi malaman ng mga tao kung sino siya.

Ang kanyang kausap sa email ay isa sa kanyang mga kliyente na humihingi ng isang 'perfect murder plan'. Isang murder plan na kanyang isasagawa para makapaghiganti sa taong nagkasala sa kanya. Si Master Murderer from Hell ang perpektong catalyst ng mga murder plans, ang siyang gumagawa ng mga krimen na hindi siya mismo ang kailangang gumagawa nito kundi ibang mga tao.

Naalala niya ang tungkol sa nangyari sa kaso ni Miranda. Nabanggit sa balita na nahuli ang salarin at napatawan ng kasong homicide at attempted murder. Ayon sa balita, nahuli ng police department si Miranda bago niya patayin si Marco.

"Tch! Hindi ako makapaniwalang gumalaw sa sarili niya ang babaeng iyon. Hindi siya sumunod sa sinasabi ko sa kanya. Masyado siyang atat. Pero…hindi ako makapaniwalang ang pulis pa na 'yun ang makakahuli sa kanya."

Nagbalik sa kanyang isipan ang nakaraan. Sina Basil at Red ang mga tinik sa kanyang lalamunan. Whenever he makes a crime, the two of them will stop him. Hindi sila nawawala sa landas niya. Ngunit mas lalo siyang tuso kaysa lahat. Ilang taon din niyang pinagplanuhan ang kanyang perfect crime, at dito nga ay napatay niya ang pinakamalaking pader na humaharang sa kanyang mga plano. Alam niyang kung wala si Red, magiging walang silbi si Inspector Basil. Hindi na niya dapat pang patayin ito, dahil alam niyang nagsasayang lang siya ng panahon dito.

---

Hindi mapakali si Josephine sa bahay ilang araw makalipas ang bakasyon nila sa Vicente Cruz. Paano ba naman kasi ay hindi siya nagenjoy sa napuntahan. Bukod sa nag-focus sila sa kaso ng mga Sembrano, hindi niya nakasama at nasolo ang oras kasama si Kaeden.

"Oh, anong meron at hindi ka mapakali dyan?" tanong ng kanyang ina sa kanya nang mapansin na hindi ito mapakali sa kwarto.

"Mom, I need another place to visit. Alam mo naman nangyari sa Vicente Cruz di ba? We never had the chance to enjoy our vacation!" reklamo niya sa ina.

"Hindi naman sinasadya yun, anak. Bakit, gusto mo ba ng isa pang bakasyon?��

"Of course, ma! Ni hindi nga ako nakapagswimming sa Vicente!"

Napabuntong hininga ang kanyang ina sa narinig. Alam niyang darating sa ganito ang sasabihin ng anak sa naging resulta ng bakasyon niya.

"Oh sige. Last na ito ha. Your dad has a friend, iniimbitahan siyang pumunta doon. Pero alam mo naman ang Dad mo, busy. Kaya, kung wala namang problema sa kaibigan niya, kayo nalang ang dadalo."

Nabuhayan ng dugo si Josephine sa narinig. Natutuwa sa kanya ang tadhana.

"Sinong friend niya?"

"Yung sikat na mystery writer, Ricardo Rodriguez. Kaibigan ng dad mo yun. Iniimbitahan kasi kaming pumunta sa mansion niya, kasama na rin ibang mga personalities. Four day stay."

Hindi siya makapaniwala sa narinig. Kaibigan pala ng kanyang ama ang sikat na writer na iyon. Naririnig na niya ng pangalan ng mystery writer na iyon, pero hindi pa niya nababasa ang kanyang mga nobela. Mabilis niyang hiningi ang pabor sa kanyang ama na sila na lang ni Kaeden ang umattend. Walang nagawa ang kanyang ama kundi sundin ito at pinakiusap kay Ricardo na sila na lamang ang pumunta. Nang marinig ni Ricardo ang apelyido ni Kaeden at nalamang anak siya ni Red, hindi na ito tumanggi.

---