Chereads / Case Book of Detective Kaeden (TAGLISH) / Chapter 31 - Curious Case of the Kind Professor: File 1

Chapter 31 - Curious Case of the Kind Professor: File 1

DAUPHIN CAFÉ

"Kaeden, alam mo na ba ang nangyari kay Prof. Del Carmen?" tanong ni Mercedez, ang kanyang dating kaklase noong college. Nagkita kasi sila dahil mayroong malaking project ang local government tungkol sa isang gagawing Public Market Hall, at sila ang kailangang gumawa ng plan.

"Ano nangyari kay Sir Osman?" tanong niya at tinignan ang kaklase. Matagal na niyang hindi nabibisita si Osman, ang kanyang dating propesor sa Chemistry.

Tumingin muna sa labas si Mercedez. Dahil glass wall ang gamit ng café, natanaw ng dalaga ang mga taong naglalakad. Sari-sari. May pamilya, magkasintahan at nagiisa lang.

"Patay na si Prof, Kaeden. His crying wife told me last night."

Naalala niyang na si Mercedez ay ang paborito niyang estudyante noon. Kaya't siguro ito ang naisipan na din ng asawa ng propersor na tawagan.

"I haven't received a call yet. Paano daw siya namatay?"

"Kaya kita gusto ding makita, classmate. Hindi na nasabi sa akin ni Ma'am Amara ang dahilan. Nagpasya nalang siyang tanggapin na namatay sa katandaan ang asawa."

Hindi nawala sa pandinig ni Kaeden ang unang nasabi ng kaklase. Ano ang kailangan niya sa kanya at nasabi niya ito?

"Anong ibig mong sabihin na kailangan mo ako? Is there something else about it?"

Naging seryoso ang mukha ng dalaga na tumingin sa kanya. She enclosed both of her hands together and looked at him intently.

"Classmate, kilala ko si Prof. malakas pa siya three months ago when I saw him. Hindi ako naniniwalang basta nalang mamamatay si Prof na walang dahilan, let alone sasabihin mong namatay siya sa katandaan. Remember, we will have our reunion next month! Tinawagan ko siya a week ago and asked him about it. Medyo mahina ang boses niya and told me na kung magiging malakas uli siya sa sakit niya, siguradong pupunta siya."

"You mean he was sick when you called? Nasabi ba niya kung ano ang sakit niya?"

"Ang sabi niya lang nanghihina siya."

Alam na ni Kaeden ang gustong pabor ni Mercedez sa kanya; ang imbestigahan ang nangyari. Dahil alam niyang may koneksyon siya sa mga pulis, magiging mas mapapadali ang pagtukoy sa kung ano talaga ang nangyari sa kanyang guro.

"I want you to investigate it for me, Kaeden. Hindi tayo masyadong close pero ikaw lang ang malalapitan ko. I tried my best to connect to the police pero, alam mong hindi naman nila ako papayagan just for this cause. Kaya gusto kong ikaw na mismo ang pumunta at imbestigahan ito. Naging prof mo din naman siya, so I know you know my sentiments. Para ko na siyang ama," pagmamakaawa ni Mercedez, na nakatingin sa kanya. Nakikita niya ang sinserong mga mata ng dalaga nang tanungin siya nito.

Isang ulila si Mercedez. Nang makatungtong ito ng elementarya, agad siyang kinuha ng sangay ng gobyerno para pagaralin pa ng High School. Naging working student ito at doon nakilala ang kanyang gurong si Osman Del Carmen. Parang ito na ang nagsilbi niyang ama, at ang asawa naman nito ang kanyang naging ina.

"Hindi ka ba nagtanong sa mga private detectives? Siguradong mas matutulungan ka nila kaysa sa akin. Si Inspector Basil lang ang kilala ko sa police force, siguradong hindi ko rin masasabi kung matutulungan kita," pauna ni Kaeden.

"I tried, pero alam kong ikaw ang mas makakatingin sa nangyari kay Prof."

He tried to feign her request but he knew he would fail. Makulit si Mercedez at alam niyang hindi siya nito titigilan hangga't hindi siya papayag. Wala na itong nagawa kundi bigyan ito ng pansin at tulungan ang kaklase.

"Alright, but I won't promise."

Hindi maalis ang tuwa sa mukha ng dalaga nang marinig ang nasabi ng kaklase. Gusto niyang malaman kung bakit ang isang mabait na guro na malakas pa ay bigla na lamang mamamatay.

---

DEL CARMEN MANSION

Isang araw matapos malibing si Professor Osman, bumisita si Kaeden para kumustahin ang asawa ng guro. Malawak na hardin. Malamig na simoy ng hangin. Magarang mansion gawa sa marmol, semento at ilang magagandang klase ng makinis na bato ang sumalubong kay Kaeden nang mapuntahan ang bahay ng mga Del Carmen.

Sa hardin, napansin niya ang hardinero na mabusising ini-spray-han ang mga lavender. Naalala niyang mahilig sa halaman ang yumaong guro. Lavender ang pinakapaborito ng guro, kaya siguro isang napakalawak na lavender garden ang pinatayo nito malapit sa mansion. Nakailang doorbell siya bago siya pinagbuksan ng house boy.

"Sir, diretso na daw po kayo sa sala sabi ni Ma'am," wika niya at binate ito ng magandang araw. Nilakad niya ang hallway ng mansion at dumiretso sa sala. Sa tingin palang, alam niyang napakalawak na nito. Nakita niya na nakalagay sa isang picture frame ang buong plan ng mansion. Mayroon ding Conservatory at Study Room ang mansion.

Ilang minuto pa ay narinig niya ang mahinang paglakad na papalapit sa sala. Si Amara, ang may bahay ni Osman.

"Pasensya ka na, Kaeden. Hindi ko na pala nasabi sa iyo agad ang pagkamatay ni Osman. Gusto mo ba ng maiinom? Wine? Juice? O baka gusto mong matikman ang sariling timpla ng aming family chef?" wika ng matanda. Hindi makapaniwala si Kaeden na ganoon pala talaga kayaman ang kanyang guro. Mayroon silang family chef!

"Para pong kakaiba yan ah. Sige po, gusto ko po ma-try yung sinasabi niyo," sagot niya dito.

"You'll love it. Mula sa hardin kasi namin ang mga ginagamit ni Chef Edel sa kanyang mga spices. Papatikman ka naming ng Thyme Juice na sarili niyang gawa."

Tinawag ni Amara ang isa sa kanyang mga kasambahay at inutusang sabihin sa chef na gumawa siya ng juice para sa kanilang bisita. Mabilis namang tumugon ang kasambahay at dumiretso sa kusina. Ilang minute pa ay bumalik din ito dala ang juice. Inanyayahan agad siya ng matanda na umupo at malaman ang sadya niya sa mansion.

Nang makaalis ang kasambahay, doon sinimulan ni Kaeden na ipaliwanag kay Amara ang sadya niya. Nagiba ang hitsura ng matanda nang marinig ang nasa isip ni Mercedez.

"Sa totoo lang, maging ako ay hindi makapaniwalang namatay siya, pero, anong magagawa ko? Hindi ko alam kung sinong sisisihin ko."

"Ma'am, gusto kong malaman, ano ba talaga ang kinamatay ni Prof?"

Tumingin muna sa kanyang paligid ang matanda bago magsalita.

"Tinanong ko ang mga doctor at ang sabi nila, cardiovascular problem ang naging dahilan. His heart just stopped beating. Pero alam kong walang sakit sa puso ang asawa ko."

"Nasabi kasi sa akin ni Mercedez sa akin na may sakit daw siya nang huli niya itong makausap. Ano po ang nangyari sa kanya nang mga oras na iyon?"

"Lagi siyang nahihilo. Minsan okay siya, pero madalas nahihilo. Nagsusuka na din siya at hindi maganda ang bowel movement. Lagi niyang sinasabi sa akin na nababanas siya at hindi raw maganda nararamdaman niya kapag nag-c-cr."

May naisip si Kaeden sa narinig. Sa mga ganitong bagay, ang unang-unang pumapasok sa isip niya ay may nangyari sa guro bago ito tuluyang mamatay. Whatever it is, ito ang kailangan niyang alamin. Bago siya umalis sa mansion, itinawag niya kay Inspector Basil ang lahat. Ayon sa Inspector, mahirap nang magrequest pa ng autopsy lalo na't nakalibing na ito, at hindi pa napapatunayang may nangyari sa guro. Sa madaling salita, walang ebidensya.

Inalam din ni Kaeden kay Amara kung mayroong naging kaaway ang guro nang buhay pa siya. Dito niya nalaman na estrikto pala ang guro sa mga bagay-bagay. Isang taon ang nakakalipas nang napagalitan niya ang family chef nilang si Edel, dahil hindi daw masarap ang niluto nito. Muntik na siyang masisante pero kinumbinse ni Amara na matagal na si Edel sa kanila, at wala na silang mahahanap na katulad niya. Kagaya ni Chef Edel, lagi ding napagiinitan ang hardinerong si Tommy at ang house boy nilang si Berto. Ayon din kay Amara, ilan sa mga co-professors niya ay nakaaway niya dahil nalaman niyang ilan sa mga ito ay nagnanakaw ng thesis results mula sa estudyante nila. Mabait nga ang yumaong guro, ngunit marami din siyang naging kaaway.

---

Gumawa ng isang relationship chart si Kaeden sa kanyang kwarto. Una sa chart ay si Osman. Inalam nya ang mga talagang mayroong mga motibo para patayin si Osman. It was down to five. Inilagay niya ang unang string sa asawa ng guro, si Amara. Kung naging estrikto siya sa kanyang mga tauhan at kaibigan, maaaring maging sa kanyang asawa ay ganoon din siya. Sunod niyang nilagay ang kasunod ng tali sa kanilang family chef.

Isa-isa niyang kinausap ang mga pinaghihinalaang pumatay kay Osman. Nasabi niyang kailangan ito ni Inspector Basil para ma-clear agad ang kaso. Agad naman silang sumunod dito. Ipinakilala na lamang niya ang sarili na assistant siya ng mga pulis para sa kasong iyon.

Si Chef Edel Madlangawa (49) – hindi lang ang pagiging strikto ni Osman ang hindi niya nagustuhan dito. Lagi din siyang nilalait ng guro na hindi ito nakapag-aral kaya natali na ito sa pagluluto. Dating mayaman kasi sina Edel, pero dahil sa malaking utang ng ama, napilitan sina Edel na magtrabaho para mabayaran ang utang ng ama. Naging mahirap sila dahil dito.

Si Berto Gaudia, ang houseboy (31) – bukod sa madalas siyang sigawan, laging sinasabi ni Osman na walang mangyayaring maganda sa pamilya ni Berto dahil hindi sila nagpupursige sa buhay. Kontento na ito sa pagiging house boy. Tuwing bumibisita ang asawa ni Berto, lagi niyang idinidikdik sa kanilang dalawa na hindi na sila lalago dahil tamad si Berto at hindi nagiisip ng paraan para paunlarin ang buhay nila. "Hindi ka yayaman kung palagi ka nalang houseboy!" ang siyang sinisigaw ni Osman sa kanya.

Si Tommy Espina, ang hardinero (29) – lagi siyang napagiinitan at sinisigawan kasi hindi daw nito inaalagaan ang hardin. Nakilala ng professor si Tommy sa casino. Umutang sa kanya si Tommy ng malaking halaga, ngunit dahil hindi niya ito mabayaran, kinailangan niyang maging hardinero para siyang ipambayad dito. Hindi naging maganda ang trato ni Osman sa kanya. Lagi niyang sinasabi dito na habang buhay na siyang magiging hardinero sa laki ng utang niya.

Si Edgardo Sobrevilla, isang zookeeper (35) – Dating professor sa pinagtatrabahuang university ni Osman. Dahil sa kanya, natanggal si Edgardo sa trabaho nang sabihin sa head na tumatanggap siya ng suhol mula sa mga estudyante. Ayon sa kanya, ginawa niya lamang ito dahil gusto niyang ipaggamot ang ina na kasalukuyang inooperahan sa puso. Hindi naging maawain sa kanya si Osman at agad siyang nireport, kaya't agad din siyang natanggal sa kanyang trabaho.

Hindi lubos akalain ni Kaeden na ang hinahangaan ng lahat ng kanyang mga kaklase noon na guro ay marami ding tinatagong ibang ugali. Lalo siyang nakumbinseng hindi nga lahat ng tao na sinasabing mabait ay walang ginagawang masama; kagaya na nga lamang ni Osman.

Author's Note:

Relationship Chart – a chart that shows the relationship of the victim with his/her friends and close family members, which may be considered innocent or are suspects of the crime.