Ginala niya ang kanyang mata sa crime scene. Ilan sa mga bagay doon ay naayos na. Nagaayos si Crisanto nang mangyari ang krimen. Ilan sa mga bagay doon ay mula kay Carlos, na nakaayos na para maitago. Ngunit mayroong nakita sa kahon ang biktima na siyang dahilan kung bakit siya namatay. Whatever it is, he must find out what.
Makaraan ang ilang oras ay naimbestigahan ang bawat isa sa kanilang alibi nang mangyari ang krimen. Ayon sa imbestigasyon, magkausap sina Crisanto at Marco bago nangyari ang krimen, tungkol sa kanilang ama. Naisipan ni Crisanto na ayusin na ang gamit ng kanilang ama para hindi na masyadong magalala ang kanilang ina at maging depressed sa pagkawala ng asawa. Si Karina naman ay nasa kwarto, samantalang si Miranda ay nasa kusina. Bumaba si Karina sa kwarto at naabutan si Marco na magisa sa sala, at sinabing tawagin na si Miranda para maghanda ng pagkain. Dito nga, ay hindi na nila matagpuan si Crisanto.
Sa malapit na café, naroon sina Inspector Basil, Alfred, Mel, Kaeden at Josephine. Inutusan ng Inspector ang dalawa pang pulis na imbestigahan ang mga nasa loob ng crime scene at magconduct ng imbestigasyon sa background ni Crisanto.
"Inspector, based on your experience, sino sa tingin ninyo ang killer?" natanong ni Josephine habang kinakain ang masarap niyang carbonara.
"Well, kulang pa kami sa ebidensya. Tsaka, hindi ba dapat bakasyon mo ngayon?"
"Nandito nalang din kayo, ito nalang bakasyon namin. Alam ko namang hindi rin mapapakali ang isang 'to kung hindi nasosolve ang kasong ito."
Ngumiti nalang si Kaeden sa kanila at hinintay ang sasabihin ng Inspector.
"Sa ngayon wala pa kaming masasabi. Lahat ng mga imbestigasyon hindi pa rin tapos. Nakakapagod na nga rin kung tutuusin," patuloy ni Inspector.
Naisip ni Kaeden ang tungkol sa mga Monteverde. Hindi pa pala niya nababasa ang news tungkol sa insidente nang nangyari ito. Saglit niyang tinext si Jun para hanapin ang news report na ito. Mabilis namang sumagot ang matanda at sinabing gagawin ito. Sa kanyang cellphone, napansin niya ang contact number ng isa sa mga kilala niya noong nasa university pa ito. Si Troy. Isang hacker. Naalala niyang magkakilala sila noon sa university. Magkagrupo kasi ang dalawa sa computer programming subject nila.
"I like you. Hindi ka katulad ng mga kaklase natin na walang ginawa kundi pagusapan ang mga walang kabuluhang bagay," wika sa kanya noon ni Troy.
"If you want some of my help, don't forget to call me. Ito number ko," patuloy niya. Naisipan niyang imessage ito at humingi ng tulong. Ayon kay Inspector, kakaunti lang ang nalalaman niya tungkol sa mga kaso ng Monteverde at mahirap mareopen ang kaso. Gusto niya ng thorough research at files tungkol sa nangyari sa mga Monteverde, from crime scene, the people involved and lots of things. Nakakasigurado siyang mayroon ding mga bagay na itinago ang superiors ni Inspector Basil sa kanila nang mangyari ang krimen.
"Pero naniniwala akong kung sinoman ang nagbigay ng death threat kay Carlos, siya din ang pumatay kay Crisanto," nawika ni Alfred sa lahat. Nagkatinginan sina Mel, Kaeden at Inspector Basil.
"A big possibility. A big chance na nasa malapit lang natin ang killer. There was no struggle. There was no break of entry. Nakapasok ang salarin na ni walang kahit anong ginawa para makapasok sa bahay. It means that whoever killed Carlos and Crisanto, is just one person," sagot ni Inspector.
"Ah, siya nga pala Inspector. Hindi ko ba nasabi sa inyo? May napansin ako sa crime scene," wika ni Kaeden. Binaggit niya ditto ang napansin niya tungkol sa dust marks na nakita niya sa pader.
"Ibig mong sabihin, malapit sa pader, may kahon na nakalagay doon. At dahil inalis nga ng biktima ang kahon, ang mga nabuong dust marks, makikita mo sa crime scene. Kung anuman ang laman ng kahon na iyon at kung nasaan ang kahon, iyon ang hinahanapan mo ng kasagutan?"
"Napansin ko din ang sinasabi niya. Pero akala namin walang koneksyon ito sa kaso. Ang akala ko, kinuha ito ng biktima at ito nga ang pinaglagyan niya ng inaayos na gamit ng biktima," patuloy naman ni Mel.
"Kailangang itanong iyan ng mga officers ko kay Karina, kung ano ang laman ng kahon na iyon. Sigurado akong alam niya kung ano ito," sagot ni Inspector.
Habang naguusap silang lahat, nagring naman ang telepono ni Kaeden. Agad siyang umalis saglit para sagutin ang tumatawag. Si Troy.
"Bonsoir, mon amie!" pabati ni Troy sa kanya. Naaalala niyang mahilig itong bumati sa kanya sa iba't ibang lenguahe.
"May nalaman ka ba sa pinaresearch ko?"
"Masyado ka talagang mainipin, Kaeden, hanggang ngayon. Oo, first of all, whatever you're doing right now, better be careful. May binuksan akong mga database at may nalaman akong mga bagay na hindi lumabas sa police reports."
"Ano iyon?"
Nabuhay ang dugo niya sa narinig. Hindi siya nagkamali ng nilapitan. Sigurado niyang binuksan ni Troy ang police database at humanap ng mga bagay na nasa report ng mga higher ups na hindi lumabas sa publiko.
"Ayon dito, when they found the body of the whole family, apat lang ang natagpuan nila. But then it was reported later on na nahanap nila ang pangatlong anak ng mga Monteverde sa kusina. She was already dead by then."
"By four, you mean the parents and two children ang talagang natagpuan nila?"
"You heard me. It seems that the news report na hinahanap mo sa tito mo is not the exact thing that happened. May bumago sa police report. Tsaka, nagkainteres na rin akong alamin ang buhay ng mga Sembrano at Monteverde. This is the first time na magreresearch ako ng ganito ka-mysterious, and mind you, my blood is boiling with excitement."
"Go on."
"The Sembranos are poor, hindi ba? Magically, the breadwinner became wealthy. Actually, a few years back there was a murder that happened. One of the wealthiest families on the other side of the city was killed."
"What are you suggesting?"
"Kaeden, come on. Hindi ka basta-basta yayaman, especially in the case of Carlos. I think he has something to do with the murder of that family. Ditto pa sa research ko, the son of the wealthy family lived, but became missing after the incident. And this is where I think you need to continue your investigation."
Napaisip si Kaeden sa nasabi ng kaibigan. Hindi nga kaya may kinalaman si Carlos sa pagkamatay ng pamilyang iyon at sa mga Monteverde? Napansin niyang may bagong message si Troy sa email niya.
"I've mailed you my research. Ngayon, para naman sa mga Monteverde. There's nothing much that I can say about them but I heard someone who went in the crime scene stole something."
"Anong ibig mong sabihin, Troy?"
"Remember the crime scene scavengers? Yung mga pumupunta sa crime scene at kumuha ng mga bagay doon bilang collection? Maraming nahuhuli sa ganun but one is out there free. He gave me a message and told me na may bagay siyang nanakaw sa bahay ng mga Monteverde matapos maapula ang apoy."
Hindi na nagdalawang isip si Kaeden na tanungin kung ano ito. Biglang tumunog uli ang cellphone niya. Message ito galing kay Troy sa email niya.
"Buksan mo iyan, mon amie. You'll know what I mean."
Binukan ni Kaeden ang email ng kaibigan at nakita ang isang litrato. Family picture ng isang pamilya. Tila may napansin siya sa mukha ng batang lalake, may kamukha ito.
"Thank you, Troy. Hindi ako nagkamali na sa iyo ako humingi ng tulong. This is a big answer to our questions."
"You know me. Since I like smart people, I like you."
Binaba ni Kaeden ang kanyang cellphone at nagconcentrate sa mga nalaman niya tungkol sa kaso. Isa-isang bumukas ang mga pintuan ng katanungan sa kanyang isip at unti-unting nabubuo ang solusyon sa misteryo. Lahat ng pagkakabuhol-buhol ay isa-isang nawawala.