Chereads / Case Book of Detective Kaeden (TAGLISH) / Chapter 26 - Curse of Almira Murder Case: File 3

Chapter 26 - Curse of Almira Murder Case: File 3

---

Maagang nagising si Kaeden sa kanyang kwarto. Pagkabangon niya, iginala niya ang kanyang mata sa loob ng bahay bakasyunan nina Josephine. May ilang mga antigong bagay sa sentrong lamesa.

1970s inspired ang design ng bahay. Sa ilang parte ng dingding ay may mga plakang nakasabit bilang wall design. He saw Patsy Cline, John Denver and Crystal Gale singles na phonograph discs. Sa taas ng aparador, may ilang mga antigong flower vase.

"Nabili yan ni Papa sa China. Made around the time of Emperor Shi Huang Di. Preserved. Astig no?" wika ni Josephine sa kanya, nang makita ng dalaga na nakatingin ang binata dito. Binaling ni Kaeden ang kanyang mata sa dalaga. Naka-blue tshirt ito at tight shorts. Hindi pa niya naaayos ang kanyang magulong buhok, ngunit kita parin sa hitsura ng dalaga ang maningning nitong ganda.

"It's amazing how your dad was able to get it. Paano nga ba kayo nagkaroon ng ganyan? Buti hindi pa napapasok ng mga akyat bahay itong bakasyunan niyo,��� biro niya sa dalaga.

"Dad got it from an auction. Underground. Alam mo naman si Papa di ba? Kapag may nakitang nagustuhan, hindi makakatulog yun hanggang hindi niya nakukuha. Akalain mong kahapon, pumunta siya sa Arizona to buy an antique typewriter. As for the akyat bahay, hindi nila magagawa yun kasi may caretaker. Kapamilya din namin. Kung may mawala man, alam na naming siya ang nagkulang. That, or she took the things herself," paliwanag ng dalaga, habang inayos ang kaniyang sarili sa life sized mirror sa gilid ng sala.

Napailing at napangiti ng bahagya si Kaeden. Ito kasi ang unang pagkakataong makita niya ang dalaga na nagdamit ng maiksing damit. She's sexy in it after all. She has that beauty that keeps the man going to have his glance every time she moves.

"Kaeden, that's creepy. Hindi ko alam na may fetish ka sa legs ko," matigas na tonong wika ni Josephine sa kanya.

"Alam mo, you should be thankful. Iyan na nga lang ang magandang asset mo eh," pabirong sagot niya sa dalaga. Agad na kumuha ng maliit na unan si Josephine mula sa sala at ibinato sa mukha ni Kaeden.

"Sira! If I know, crush mo ko nung high school palang tayo."

"And what makes you think crush kita noon pa?"

"I just know."

Saglit na tumawa ang binata at nilayasan si Josephine. Come to think of it, ito ang unang beses na magkasama sila sa isang bubong. Isa sa pinagtataka niya ay kung bakit hindi pa siya tinatawagan ng ama ng dalaga para sabihing akatayin siya kung may gagawin siyang milagro sa anak niya.

Nilibot niya ang bahay bakasyunan. Namangha siya sa kagandahan ng mini garden sa ibaba. Two storey house ito, gawa sa narra at ilang klase ng bato. Sa kanan, naroon ang mini garden, habang sa kabila naman ay ang house backyard nila. Mula sa putol na mga damo, alam niyang buwan buwan, may nagaalaga at nagbabantay sa bahay. Sa mini garden, ilan sa mga tanim ay kalabasa, pipino, kamatis at repolyo. Hindi na kailangang mamalengke masyado nina Josephine kung sakali, dahil lahat ng kailangan nila, nasa tabi na.

Sa malapit, narinig niya ang ugong ng sasakyan. Lumabas siya sa gate at tinignan kung sino ito. Si Inspector. Nang makita siya nito, agad itong bumati sa kanya.

"Kapitbahay niyo lang pala ang mga Sembrano. We're here to take another look at the case. Kailangan lang namin mainterview ang mga kapamilya ng biktima," paliwanag ni Inspector Basil sa kanya.

"Ganun po ba? Kumusta po yung pinapagawa ko? May nakuha po ba kayong bagong detalye?"

"Negative, Kaeden. What's written is what we have."

Habang naguusap sila, bumaba ng police mobile si Alfred. Nakita niya ang Inspector at si Kaeden na naguusap. Agad siyang lumapit dito para alamin kung tungkol saan ito.

"Inspector, siya po ba ng sinasabi ninyong anak ni Red Boa Vista?" tanong nito sa superior niya.

"Oo, Alfred. Siya ang tumulong sa akin sa ilang mga hawak kong kaso. Alam mo, he's volunteering this time to help us in the case. Dati kasi ako lagi ang kumukulit sa kanya. Others are, well, accidental."

Nginitian agad ni Kaeden si Alfred at nakipagkilala. Hindi naman makapaniwala ang pulis na nakita na niya ang laging kinukwento ng superior niya na magaling sa pagsolve ng mga kasong hawak ng pulisya.

"Anyway, Kaeden. Kailangan muna naming magtrabaho. I'll pitch you in sa imbestigasyon namin. Mamayang gabi, kakausapin naman namin sila tungkol sa nangyari sa mga Monteverde. Pwede kayong sumama ni Josephinem" paalam ni Inspector.

"Sige po. No worries. Samahan ko muna si Josephine."

Mabilis na lumakad ang dalawang pulis at tinungo ang bahay ng mga Sembrano. Sa isip ni Kaeden, ang susi sa kaso ay ang nangyari sa biktima bago ito namatay at kung sino ang mga nakausap niya bago ito natagpuan. Naglalaro din sa isip niya kung sino ang nagpapadala ng death threats sa biktima at ano ang dahilan.

"In most cases where the death threats are sent towards the victim, the sender is someone who was once a victim to him or her. For them, sending the threats have the high chance to incite fear towards the victim. They are the people who the victim had relation with in the past that they may have wronged; and while it happened in the past, they want to get their revenge – in other words, by sending the threats to the victim and finally executing the said threats."

Naalala na niya kung bakit pamilyar sa kanya ang kasong ito. Nabasa niya ang isa sa mga nahawakang kaso ng kanyang ama. Mabilis siyang bumalik sa bahay bakasyunan at binuksan ang kanyang laptop sa sala.

"Something wrong? Nakita kong naguusap kayo ni Inspector sa labas. Don't tell me, you're into the case as well? Akala ko pa naman sasamahan mo ako sa dagat mamaya," tampong tanong ni Josephine sa kanya, habang minamasdan ang binata na tutok sa kanyang laptop.

"Phine, let's go there later. May naalala lang kasi ako sa nangyari sa mga Sembrano. May naalala lang ako mula sa record file ni daddy."

"Talaga? Ano yun?"

"May kaso kasing nahawakan dati si daddy tungkol sa ganito ding sitwasyon. Death threat at first, then it became a real murder."

"So you're saying, hindi talaga nagpakamatay si Mang Carlos?"

"No one commits suicide when he plans to watch something with his family, Phine. Alam mo yan."

Napaisip ang dalaga. Kilala niya simula bata pa si Carlos. Mabait itong tao at wala itong naging kaaway. Laging tumutulong sa mga mahihirap at hindi niya nakakaligtaang manalangin. Para sa kanya, Carlos was indeed one good man. Tama nga naman si Kaeden, there's no reason for a good man to take his life.

Puno ang sala ng mga Sembrano nang dumating sina Kaeden at Josephine. Nakaupo sa kanang long sofa ang pamilya ni Carlos at sa kabila naman ay sina Inspector Basil at dalawa pang pulis na kasamang nagiimbestiga sa kaso. Habang naguusap ang mga ito, dinadala naman ni Miranda sa long table ng sala ang mga miryenda ng bawat isa.

"Josephine, kumusta ka na? Hindi ka na naabutan ni Tito Carlos mo. Matutuwa pa naman yun kung makitang magandang magandang dalaga na pala ang batang tinuturuan niya ng gitara," bati ni Karina sa dalaga.

"Condolence po, Tita. Hindi po ako makapaniwala sa nangyari."

"Kami rin, hija. Kami rin. Sige, upo muna kayo sa malapit, naguusap kasi kami nina Inspector tungkol sa pangyayari."

"Sige po, Tita Karina," sagot ni Josephine at sinenyasan si Kaeden na dumikit na lamang ang upo nila malapit kina Inspector. Nang makaupo ang dalawa, agad namang bumalik sa paksa si Inspector. Tamang-tama ang dating ng dalawa, kasi tungkol na nga sa mga Monteverde ang tatanungin niya.

Mabilis na binuksan ng dalawang pulis ang kanilang memo. Ganoon din si Alfred. Ito ang pinakaunang kasong kabilang siya at kasama ang Inspector. Napakataas ng respeto niya sa superior niya dahil siya ang may pinakamadami nang kasong nahawakan. Noong nasa academy pa siya, lagi na niyang nababalitaan ang Inspector na nakalutas ng kaso ng iba't ibang klaseng krimen.

Tumingin muna sa bawat kapamilya si Inspector bago tuluyang simulant ang pagtatanong.

"Misis, sana hindi po kayo magtaka. Pero necessary po ito sa imbestigasyon namin. May theory kami na ang nangyari sa asawa niyo, maaaring konektado sa isang trahedya na nangyari noon," pauna niya.

Nagtaka si Karina sa narinig. Hindi nito alam kung anong trahedya ang ibig sabihin ng Inspector. Bakas sa mukha nito na hindi niya maintindihan ang tanong.

"A-anong trahedya?" tanong nito.

"Misis, naaalala niyo pa ba ang pamilya Monteverde? Dating family friend niyo sila at tinutulungan ninyo sila sa mga ginagawang proyekto. May alam ba kayo kung may nabanggit ang asawa niyo bago namatay tungkol sa pamilya?"

Nagkatinginan ang mga anak ni Karina sa isa't-isa. Nang napakiramdaman nila ang sarili, tumingin sila sa ina.

"Anong ibig niyong sabihin, Inspector?"

"Ganito, misis. May teorya kami na hindi basta-bastang faulty wiring ang dahilan ng pagkamatay ng pamilya. kung totoo man, madali sana nilang naagapan ang sunog kasi marami sila noong araw na iyon. Pero bakit nasunog sila kasama ng bahay nila? It was unusual to have a faulty wiring like that kasi linggo-linggo na may line check, dahil bago palang ang kuryente noon dito sa Vicente Cruz. Gusto kong malaman kung may nasabi ba ang asawa niyo tungkol sa mga Monteverde bago mangyari ang insidente."

Hindi makapaniwala si Karina na babalikan nila ang nakaraan. Biglang bumalik sa kanya ang buhay nila bilang bagong mag-asawa ni Carlos. Dalawput dalawang taon noon si Carlos at labing siyam naman siya nang naisipan nilang bumukod na at magpakasal. Hindi naging madali ang buhay nila noon. Sa umaga, lumalakad na si Carlos para magtrabaho habang nagaaral sa gabi. Siya naman, lumuluwas pa sa bayan para maghanap ng magbibigay ng labada sa kanya. Halos lahat na yata ng trabaho pinasok na niya at ng kanyang asawang si Carlos.

"Kailangan nating mag-sikap, Karina. Balang araw, makakabili din tayo ng bahay. Nakakahiya namang sa tagpi-tagpi parin tayo kung may anak na tayo," wika ni Carlos sa kanya. Hindi niya maiwasang maluha habang nakikita ang asawa na pawisang uuwi at ibibigay sa kanya ng buo ang sweldo niya sa pang-araw araw.