Ilang taon ang nakalipas noon at tila ngumiti rin sa kanila ang langit. Unti-unting nakaipon sa kinikita niya sa bangko si Carlos bilang janitor. Kahit papaano, nakabili sila ng malaki-laking bahay. Nagresign na siya sa trabaho at ang natira sa ipon niya ay nagpatayo na din sila ng maliit na groserya. Parang kidlat na yumaman ang mga Sembrano.
Dahil sa pagyaman nila Carlos, naging inspirasyon sila ng marami para magsipag at nagbakasakaling maging maganda rin ang buhay sa pagtatrabaho. His success was their driving force. Naging matulungin din si Carlos sa kanila at tumutulong sa mga iba't ibang charity program ng bayan para mapabuti ang lugar.
Nakilala nila ang pamilya Monteverde dalawampung taon na ang nakakalipas. Naaalala niya nang naguusap ang kanyang asawa at ang bagong kasal na Antonio at Serafica Monteverde. Dalawamput anim na taong gulang noon si Antonio at nagtatrabaho siya bilang doktor sa Vicente Cruz General Hospital noon. Si Carlos ang naging second father ni Antonio, dahil ayon sa kanya, maagang nawalay sa kanya ang mga magulang niya.
Hindi niya lubos akalaing ilang taon ang lilipas mula noon ay mamamatay sa isang aksidente ang pamilya.
"Misis?" tawag ni Inspector sa kanya.
"Ah, pasensya ka na Inspector. Nagbalik lang kasi sa akin ang alaala namin ni Carlos at ng mga Monteverde. Ano ang gusto niyo malaman sa mga Monteverde?"
Tumingin sa kanyang notebook si Inspector.
"Matagal na bang magkakilala noon ang asawa niyo at si Antonio?"
"Matagal na, Inspector. Nakuwento sa akin ng asawa ko na nakilala niya si Antonio simula nang magtrabaho siya sa general hospital dito. Tumutulong din daw kasi ang binata sa charity works ni Carlos, at kung may mga mahihirap na nangangailangan ng tulong, isa si Antonio na nagbibigay ng libreng serbisyo. Natuwa siya sa bata, kaya gusto niyang tulungan din ito. Noong nagasawa nga siya, tumulong na din si Carlos sa paggastos sa kanyang pang-kasal."
Napaisip ng malalim si Kaeden. Why would such a good man be a target for murder?
"May naaalala po ba kayo kung may mga napaguusapan sina Antonio at ang inyong asawa?"
"Wala masyado. Laging tungkol sa hospital, charity work o kung hindi naman ay kung kailan daw sila magkakaanak ni Serafica para daw maging ninong siya."
May isang alaalang bumalik kay Karina. Naaalala niya ang asawa na bumalik sa pamamasyal niya nang isang araw. Umupo ito sa sala na tila pagod at may malalim na iniisip.
"Carlos, mukhang pagod ka ah? Anong nangyari? Ang lalim naman yata ng iniisip mo?" tanong niya sa asawa noon.
"Wala ito, Serafica. Siguro napagod lang ako na maglakad pabalik dito. Bumisita ako kina Antonio kanina."
"Ikaw naman kasi Carlos, may sasakyan naman tayo. Bakit hindi ka nalang nagpasundo kay Tonying? Kaya nga natin siya driver, para ihatid ka sa gusto mong puntahan."
Natawa sa kanya ang asawa.
"Tumatanda na ako, Serafica. Pero gusto ko naman okay parin ang katawan ko. Dapat may kaunting exercise. Mahirap din kung puro sasakyan."
"Hay, mas lalo mo lang pinapagod ang sarili mo sa ginagawa mo. Oh siya, ipagtitimpla muna kita ng kape."
Naikwento niya ito kay Inspector. Dalawang taon kasi matapos nilang magusap ni Antonio, nangyari ang aksidente.
Doon na nagkaroon ng interes si Kaeden. Ano kaya ang pinagusapan nila ni Antonio noong araw na iyon? Naging kwestiyon din sa kanya ang pagyaman ng mga Sembrano. Habang pinapakinggan niya ang mga kwento ni Karina, mas nagiging maliwanag sa kanya na maraming mga tanong ang nagsusulputan, habang papalayo naman sila sa kung ano nga ba ang nangyari sa pamilya.
"Anong nasabi sa inyo ng inyong asawa tungkol sa nangyaring insidente?" tanong ni Alfred. Bumaling ng tingin sa kanya si Karina.
"Devastated. You can see it from his face. Siya na ang umako sa gastos ng pagpapalibing sa kanila maging ng pag-cater sa mga bisita ng pamlya."
May isang nasabi ang kanyang asawa na bigla niyang naalala matapos ang pagpapalibing sa mga Monteverde.
"May mga bagay na kailangang mangyari, Karina."
Nang masabi niya ito sa kanila, nagkatinginan si Inspector Basil at Alfred. Napaisip din si Kaeden. Ibig sabihin, mayroon talagang koneksyon ang Monteverde sa kung anuman ang sinasabing kasalanan ni Carlos ayon sa death threats na natatanggap niya. nagpatuloy ang pagtatanong ni Inspector sa buong pamilya kung may naaalala silang naging kaaway o naging hindi kasundo ang kanilang asawa. Wala daw. The victim was a clear good conscience man.
Muli, parang isang umaandap-andap na headlight ng sasakyan ang kaso.
---
Matapos ang pagpapalibing sa kanyang ama, inayos ni Crisanto ang mga gamit ng kanyang ama at nilagay ito lahat sa basement. Habang nilalagay sa pulang karton ang mga papel ng kanyang ama, may nakita siyang isang karton na nakatago sa gilid. Halos hindi na makita dahil sa mga nakaharang at nakapatong na mga lumang gamit. Hindi niya alam kung ano ito, dahil hindi pa niya nakikita ang pulang karton na iyon. Agad niyang iniayos ang mga lumang gamit at binuhat ang karton pabalik sa pinagaayusan niya.
"Ano kaya 'to? Meron palang ganito dito sa basement?" wika niya at sinimulang alisin ang tape na bumabalot sa karton.
Mga lumang papel at litrato ang unang tumambad sa kanya pagkabukas niya ng karton. Ilan sa mga ito ay litrato ng kanyang ama at ina noong kabataan nila. Nakita din niya ang litrato ng mga Monteverde, kasama ang kanyang ama.
Mayroon siyang nakitang isang litrato na nakasingit sa isang agfa photo album. Litrato ito ng isang mag-asawa at dalawa nilang anak. Bata pa ang mga ito sa litrato. Ang lalake, nasa pitong taong gulang habang ang babae, nasa tatlong taong gulang. Minasdan niyang mabuti ang mag-asawa. Hindi niya maalala kung nakita na niya ang mga ito. Mula sa karton, may nakita siyang lumang notebook. Kinuha niya ito at binuksan.
"Diary? Hindi ko alam na mahilig din pala sa ganito si Papa," patuloy ni Crisanto. Sinimulan niyang basahin isa-isa ang sinulat ng kanyang ama. Bawat pahina ay may nalalaman siya tungkol sa kanyang ama na hindi niya nakita at nalaman habang kasama nila ito. Hanggang sa may isang entry ng diary na nagpatayo ng kanyang balahibo. Mabilis niyang kinuhang muli ang litrato ng mga Monteverde at itinabi sa hawak niyang litrato ng hindi niya kilalang pamilya.
"I-imposible…h-hindi kaya…"
Bago niya matapos ang sasabihin, naramdaman niya ang presensya ng tao sa kanyang likuran. Bago siya makalingon dito, agad siyang inundayan ng saksak ng kutsilyo. Mabilis siyang bumagsak sa sahig. Inipon niya ang kanyang natitirang lakas para lumingon at tignan kung sino ang sumaksak sa kanya.
"I-ikaw…"
Binalot ng kadiliman ang mukha ng taong iyon, ngunit sa mahinang liwanag ay naaninag ni Crisanto ang ngiti sa mata nito, hanggang sa tuluyang naubos ang kanyang hininga.
Mabilis na dumating ang mga pulis kasama si Inspector Basil kinaumagahan nang maitawag ng pamilya Sembrano ang nangyari kay Crisanto. Ayon kay Karina, ilang beses na nilang tinatawag si Crisanto sa kanyang kwarto para kumain ng hapunan pero hindi parin ito sumasagot. Hindi ito lumabas dahil lahat ng gamit nito ay nasa labas lang. Nang hinanap nilang buong pamilya kasama ang kasambahay nilang si Miranda, natagpuan ng nakakabatang kapatid niyang si Marco si Crisanto na nakahandusay sa basement at naliligo na sa sarili niyang dugo.
Kasalukuyang kinakausap ni Basil ang forensic officers na nag-checkup sa bangkay. Sina SPO2 Alfred at ang dalawang pulis na kasama sa imbestigasyon naman ay kausap ang pamilya Sembrano habang tinatanong kung nasaan sila noong nangyari ang krimen.
The whole scene was intricately examined. Nilagay na din nila ang mga crime scene tape, chalk outline at photo evidence marker.
"Inspector, according sa rigor mortis ng biktima, namatay siya around 9PM. The stab wound was deep and it penetrated the victim's organs," paliwanag ni FS Officer Mel Amario. Nilista naman ito ni Basil sa kanyang notebook.
"I'd say whoever did this does not want to see the victim's face suffering," wika ni Inspector nang malaman ang buong report.
"Anong ibig mong sabihin, Inspector?" tanong ni Mel.
"It has to do with the criminal's psychological factor. When the victim is stabbed in the back, it usually is a revenge murder. Ibig sabihin, sinumang pumatay sa biktima, mayroon siyang prior relationship dito. In other points, maaaring natatakot naman ang criminal na makita ang mukha ng biktima na naghihirap. You're looking for an amateur killer," sabat ni Kaeden, habang bumababa sa hagdanan ng basement, kasama si Josephine.
Napabilib naman dito sina Mel at Alfred.
"So, are you saying na andito lang ang salarin?" tanong ni Alfred.
"We can't remove that possibility. Pero kung anuman ang rason bakit pinatay ang biktima, yan ang hindi pa natin alam," si Inspector ang sumagot. Pinansin ni Kaeden ang crime scene at tila may isang bagay dito na hindi naayon. He knew something was not right.
Pumunta siya sa mga gamit sa basement. Malapit sa pader ay mga dust marks.
"Dust marks…sa hugis nito, may isang bagay dito na inalis. Matagal na ang bagay na iyon dito at inalis lang kamakailan. Maaring isa itong kahon o safe. Hindi kaya, ito ang tinignan ng biktima bago ito patayin, at kinuha ng salarin ang kahon?" wika ni Kaeden sa kanyang isipan. Alam niyang mayroong koneksyon ang nakita niya sa nangyaring krimen.