Chapter 35:The Ex
Lie's POV
Masakit. Masakit makitang kasama ng taong mahal mo ang ex niya.
Hindi naman ako pwedeng gumawa ng iskandalo dahil wala naman silang ginagawang masama.
They're just talking but I can see spark between them.
Ni minsan hindi ko nakita kay Stephane yon. Tuwing tititigan niya ang mga mata ko,wala akong nakikitang pagmamahal.
Ipinagsawalang bahala ko na lang yon dahil alam kong paunti unti,ay nahuhulog na din ang loob niya sakin.
Naramdaman ko naman na kahit papaano ay may nararamdam na siya sakin.
Pero alam kong hanggang ngayon ay mas matimbang pa rin ang pagmamahal niya kay Zariah,kaysa sa pagmamahal niya sakin.
Hindi yon sapat na dahilan para bitawan ko siya. I don't care if he's still in love with Zariah.
Minsan lang tayong magmahal,kaya sulitin na natin.
Ipaglalaban ko kung ano ang akin. Iniwan na niya si Stephane,kaya sakin na siya.
Kahit alam kong mahal pa rin ni Stephane si Zariah. Hindi pa rin ako susuko,kahit kamatayan ko pa ang kapalit.
I'm just watching them, laughing at each other, smiling at each other,and hugging each other.
Masakit,oo pero mas nanaig sakin ang inggit. Inggit na,kahit kailan hindi niya man lang ako nginitian ng ganon.
Ni hindi ko pa nga siya napapatawa ng ganon. Hindi ko man lang siya mayakap ng hindi humihingi ng permiso sakaniya.
"Stop hurting yourself,Lie." naramdaman kong tinakpan ni Luke ang mga mata ko."He's not worth it."
Hinila na niya ako paalis. Nakarating kami sa may garden.
"Shh. Stop crying,Lie."niyakap ako ni Luke.
Hinayaan lang niya akong umiyak hanggang sa mapagod ako. Nanatili pa rin akong nakayakap kay Luke.
"B...bakit ganito k...kasakit? A...ayoko ng ganito.*cries* Ano bang g...ginawa kong m...masama para m...maramdaman to."hinahagod lang ni Luke ang likod ko."A...ayoko ng ganito,L...Lukie. *cries* P...please alisin no yung s...sakit. A...ayoko nito!!"hinahampas ko na ang dibdib niya pero hinahayaan lang niya ako."Bakit a...ako pa? *cries* Hindi n...naman ako naging m...masamang anak. H...hindi rin ako naging masamang k...kaibigan pero bakit....bakit ko nararamdam tong sakit na to.*cries* Alisin mo to p...please."
Hindi ko na alam ang nangyari nang biglang dumilim ang paligid ko.
Stephane.
Maël's POV
I'm currently walking papuntang room ng makita ko si Sebby na tumatakbo papalapit sakin.
"S...si *hingal* Lie nasa *hingal* clinic."hinihingal na sabi ni Sebby.
"What?!"dali dali akong tumakbo papuntang clinic.
Nang makarating ako don ay agad kong binuksan ang pinto at naabutan ko si Luke at ang nurse na nasa tabi ni Lie.
"What happened?" I asked.
"She fainted." cold na sagot ni Luke.
"Why? Ano bang nangyari sakaniya? Is she okay?" sunod sunod kong tanong.
Napatawa ng pagak si Luke." Seriously? You're asking me that kind question? Why won't you asked yourself,kung bakit nga ba nagkaganito si Lie?"
"Excuse me."hindi ko na pinansin ang sinabi ng nurse.
I glared at Luke." What are you talking about?"
He just smirked at me. Kinuwelyuhan ko siya.
"What the hell is your problem?"I asked angrily.
He just shrugged his shoulder. Inalis ko ang pagkakakwelyo ko sakaniya at lumapit kay Lie.
I hold her hand."Mon Coeur,what happened to you?"
Narinig kong bumukas ang pinto at naramdaman kong lumabas na si Luke.
I sighed. I'm caressing her face when she opened her eyes.
"H...hey." paos niyang sabi.
"How are you feeling?" tanong ko.
Instead of answering me,she hugged me tight.
"P...please don't l...leave me."she said.
I stiffed.
Lie's POV
He stiffed.
Mas lalo akong nasaktan nang hindi siya sumagot. So it means, iiwan din niya ako?
Napaiyak ako sa naisip ko.
"Shh. Stop crying Mon Coeur." mas lalo akong napaiyak dahil sa sinabi niya.
"P...please promise me t...that you w... won't leave m...me. Please."nagmamakaawa kong sambit.
"P...promise."I smiled bitterly.
I'm hoping that promise of yours, Mon Trésor.
Ilang oras kaming nasa ganung kalagayan nang biglang pumasok ang section 5.
Agad na lumapit sakin si Sebby at tinulak si Stephane.
"Okay ka lang Lie?" nag aalalang tanong ni Sebby.
"WTF!!!" sigaw ni Stephane na hawak hawak ang braso niya na tumama sa may kama na hinihigaan ko.
Nagpeace sign lang si Sebby kaya napatawa kami.
Tanong lang sila ng tanong kung okay lang ako.
Hanggang sa gumabi na ay nagprisinta pa silang lahat na ihatid ako pauwi kaya pinagsabihan sila ni Stephane.
Wala din naman siyang magawa dahil iisa lang siya laban sa kakulitan ng section 5.
Tawa kami ng tawa nang makita namin si Stephane na parang binagsakan ng langit at lupa.
Sana ganito na lang lagi.
Yung walang problema.
Yung puro saya lang.