Chereads / I Am His (Completed) / Chapter 43 - Chapter 41

Chapter 43 - Chapter 41

Chapter 41:Problem

Lie's POV

Pagkatapos akong maihatid ni Luke ay agad na bumungad sakin sila Mommy. Hindi ko alam kung anong sasabihin ko,natuod na lang ako sa kinatatayuan ko.

"P...princess k...kailan pa? Kailan ka pa n...nakakatanggap ng death threats?"nanginginig ang labing tanong ni Mommy habang ipinapakita sakin ang mga death threats na nakukuha ko.

Hindi ako sumagot. Naghintay silang sumagot ako,pero hindi ko kaya.

"BULLSH*T!!" sinuntok ni daddy ang center table.

Samantalang sila Kuya ay napasabunot na lang sa buhok nila.

"M...matagal n...na." mahina kong sambit na sapat lang para marinig nilang lahat.

"W...what?" gulat na tanong ni Kuya Loïc.

"Bakit hindi mo agad sinabi samin?!"napatalon ako sa gulat nang sumigaw si Daddy.

Napaiyak ako."Do you think,na masasabi ko sainyo yan? Dad,busy ka sa mga kalaban niyo sa company. Mom,ikaw ang nagpapatakbo ng company nila dad habang busy siya. And Kuya,may problema kayo sa gang niyo diba? A...ayoko ng dumagdag pa."

Mas lalong lumakas ang iyak ni mommy. Napatulala na lang sila Kuya at Daddy.

"Alam ba toh ni Maël?" Kuya Loïc asked.

Umiling ako. Ayokong sabihin sakanila na wala na kami.

"K...kuya don't tell him,please."

"What? Why?" takang tanong ni Kuya Louis.

"J...just don't." pakiusap ko sakanila.

Bumuntong hininga sila tsaka tumango.

Sandali kaming binalot ng katahimikan.

"I will send you a bodyguards." seryosong saad ni Dad.

Agad akong umalma pero sinamaan niya ako ng tingin kaya wala na akong nagawa kundi ang tumango.

Pinakyat na nila ako para makapagpahinga. Bago ako umakyat ay sinabi ko sa kanilang walang pwedeng makaalam nito kahit ang section 5. Nung una ay nag aalangan pa sila pero sa huli ay pumayag din sila.

Nagpahinga na ako.

############

Nandito na ako sa school. Pagkapasok ko pa lang ay iba na ang atmosphere sa room. Nakita ko si Maël na nakaupo nasa pwesto niya.

Umiwas ako ng tingin nang makita niyang nakatitig ako.

Naupo ako sa dati kong upuan.

"Lie,diba dun ka sa tabi ni Boss Maël?" nagtatakang tanong ni Sebby.

"Sebastian."may pagbabantang sabi ni Luke kaya nagpout si Sebby.

Bumulong naman sakin si Luke."Are you okay?"

"Yeah. I think so." mahinang sagot ko.

He sighed.

Napatitig ako kay Luke. He's handsome. Bagay sakaniya ang blonde hair color. Kung siya kaya ang una kong nakilala,is it possible na mahulog ako sakaniya.

Bahagya akong namula nang bumaling ang tingin niya sakin."Why are you staring at me? Naiinlove ka na sakin noh?"

Pabiro kong sinuntok ang braso niya. Nagkunwari pa siyang nasaktan.

Nakarinig ako ng pagdabog sa likuran kaya napatingin ako. Masama ang tingin sakin ni Maël pagkadaan niya sa tabi ko.

Anong problema non?

Hindi ko na namalayan ang oras,lunch na pala.

"Tara sa cafeteria,Lie." Yaya sakin ni Sebby.

Umiling naman ako kaya nagpapapadyak siyang lumabas.

"Ayaw mo bang kumain?" nagulat ako sa nagsalita. Si Max lang pala.

"Ahh ano kasi,si Luke ang bumibili ng pagkain ko."

"Anong meron sainyo ni Luke?"

"Magkaibigan lang kami."

Tumango tango siya. Nagpaalam siya sakin na pupunta na siya ng cafeteria.

Dumating na si Luke at hinila ako papuntang garden. Dun kasi kami naglulunch.

Tahimik lang kaming kumakain hanggang sa matapos kami.

"What's this?" matigas na tanong ni Luke.

Nanginig ako nang makita ko kung ano ang hawak niya.

"S...saan mo yan n...nakuha?"

"It's not important, I'm asking you. WHAT. THE. HELL. IS. THIS?! "

"L...Lukie."napaiyak ako sa takot. Alam na niya.

"Oh God. "he hugged me."Kailan ka pa nakakatanggap ng mga ganito?"

"Matagal na din."

Inilayo niya ako sakaniya at gulat na gulat na tiningnan ako.

"H...how? Bakit di mo sinabi sakin,ha?" may galit na tanong niya.

Iling lang ang naisagot ko.

Napahilamos siya sa kaniyang mukha."Sino pa ang nakakaalam?"

"A...ang p...parents ko at mga Kuya k...ko. And y...you."

He pulled me into a hug again then kissed my forehead. I felt secured when he's with me.

"I'll protect you no matter what happens." he muttered.

Ilang minuto lang kaming nasa ganung pwesto at bumalik na din sa room pagkabell.

They already know. Oh God, that's a big problem.

Third Person's POV

He's secretly crying while watching them. It hurt him a big time. He regret everything what he did.

Hindi niya alam na unti unti na palang nahuhulog ang loob niya dito,pero dahil sa pagmamahal niya sa ex niya ay nagawa niya ang bagay na pagsisisihan niya.

He just need a closure to the past.

'I'm sorry Mon Coeur.'he whispered.