Chapter 43: Revelations (Part 2)
Someone's POV
"Kuya,kailan ba natin siya papatayin?" inis na sabi ko.
Tiningnan ako ng masama ni Kuya kaya natahimik ako.
"Shut up! Maghintay ka lang. I will make sure she will going to taste the hell."napakuyom ang kamao ni Kuya.
I hugged him to make him calm.
Hindi sana mangyayari toh sayo kung hindi mo sana kami inabandona.
Say goodbye to your love ones 'coz one of these days, you'll die.
"Kuya,are you sure you want to do this?" I asked. Hindi naman sa ayaw ko siyang mapatay. Pero kasi si Kuya,minahal din naman niya yung babaeng yon eh.
"Of course. Are you going to back out sis?" napahiwalay naman ako sa yakap.
"No way Kuya. I want to make her suffer. Ayokong nakikita siyang masaya. I want to see her slowly dying."I smirked.
He patted my head." Good."
Lie's POV
It's already Christmas Eve.
Excited na akong makita ang kambal ko,pero after Christmas nga lang. Sa New Year pa namin siya makakasama dahil gusto daw muna niyang icelebrate ang pasko sa mga nag alaga sakaniya.
And yep! Nagkausap na kami, through video call nga lang.
Inasar pa nga niya ako na bakit daw ako ang naging kambal niya,ang panget ko daw kasi.
Baliw din eh.
Hindi naman siya nagalit kila daddy dahil alam naman niyang may reason kung bakit ang tagal niyang mahanap.
Bait na bata.
Yung gift ko daw sa New year na lang daw niya ibibigay.
And about nga pala sa mga death threats na natatanggap ko,hindi niya pa alam,at wala akong balak na ipaalam.
Kakatapos ko lang manood ng k-drama. Oo,french ako pero mahilig ako sa k-drama at kpop. Hahaha.
Nagpagulong gulong ako sa kama ko. I decided na bumaba na lang.
"Mommy,punta lang po akong mall." paalam ko. Hindi pa nga pala ako nakakabili ng pangregalo.
"Okay,just be careful. Isama mo ang mga bodyguard mo okay?"mom said.
Tumango naman ako. Wala sila daddy,nasa company sila. Si Lolo naman,mamaya pa ang dating.
Nagpahatid ako sa mall at syempre kasama ang mga bodyguard ko.
Pinagtitinginan ako ng mga tao dahil sa mga nakasunod sakin na Men in Black. Charot lang. Bodyguards ko yon.
Nang matapos akong makabili ng pangregalo sa section 5,kay Sir Clyde,sa three piglets(sila Elora po yon. Shh lang kayo ha?),sa parents ko at sa mga kapatid ko. Ay meron pa pala,sa mga maids namin at sa bodyguards. Syempre close ko sila eh.
Nakaramdam ako ng call of nature kaya nagpaalam ako sa BGs ko na magccr lang. Hindi pa nga sila pumayag na ako lang mag isa kaya sinabi ko na lang na sa labas lang sila.
Habang naihi ako ay nakaramdam ako ng kaba. Hindi ko alam kung bakit,kaya nagmadali akong umihi.
Paglabas ko ng cubicle ay may bigla na lang tumakip sa ilong ko.
And everything went black.
Mariz' POV(Lie's Mother)
"How did that happen?!" nagulat ako sa sigaw ni Amaury. He's in the living room while I'm helping Nanny Lorie in the kitchen. Lumapit ako sakaniya.
"What happened hon?" I asked him.
Napahilamos siya sa mukha bago tumingin sakin."O...our princess,s...she's m...missing."
Natulala ako sa sinabi niya." W...what?"
"She's missing."tuluyan na akong napaiyak sa sinabi niya.
"Who's missing?" I looked at Louis."Mom,why are you crying? And where's bébé?"
Loïc's forehead creased." Where's Lie?"
"She's missing."mahinang sagot ko.
"What?!!!"gulat na sigaw ng kambal.
"H...how?" Louis' voice cracked.
Amaury told us what happened.
We were stunned by what he said.
God,not my princess please.
Lie's POV
"Sana naman bago patayin ni boss 'tong babae,ibalato muna satin."rinig kong sabi nung lalaki.
"Oo nga,ang kinis pa oh." naramdaman kong hinawakan ng lalaki ang legs ko kaya minulat ko na ang mga mata ko.
"Hmm! Hmm!" hindi ako makapagsalita dahil sa nakatakip na tela sa bibig ko. Nakatali din ang mga paa at kamay ko sa isang upuan.
Nilibot ko ang paningin ko at nakita ko ang mga lalaking nakatingin sakin. They're smiling like they want to eat me.
Napaiyak ako. I was kidnapped.
Nasa isang kwarto ako at kasama ko ang mga lalaking mukhang rapist.
"Aba,gising na pala ang prinsesa." ngumisi sakin ang lalaking puro tattoo na siyang humawak sakin.
"Tawagan niyo si boss." utos ng lalaking puro piercing ang mukha.
Sumunod ang lalaking pinakamaliit sakanila. "Parating na daw."
"Baka naman pwede muna nating tikman ang batang to?" sabi nung lalaking mataba na may mahabang balbas.
Santa?
Nagsimula akong pumiglas nang hipuan nila ako.
'Mommy,Daddy help!!'sigaw ko sa isip ko.
"STOP THAT!!" umalingawngaw sa buong kwarto ang sigaw ng lalaki. Hindi ko makita nang malinaw ang mukha nito dahil sa luha.
"Boss!"
"Andyan na pala kayo boss."
"Boss."
Naramdaman kong lumapit siya sakin at marahas na pinunasan ang mukha ko na puno ng luha.
Nagulat ako ng makita ko kung sino ang Boss nila.
N...no it can't be.