Chereads / I Am His (Completed) / Chapter 40 - Chapter 38

Chapter 40 - Chapter 38

Chapter 38: Halloween Party (Part 2)

Maël's POV

I gently put down Mon Coeur on the bed.

"Ano kayang nangyari sakaniya?" nag aalalang tanong ni mommy.

"I don't know,Mom. Pagkabalik ko na lang sa table namin ay umiiyak na si Lie."

Mom sighed." Maiwan ko muna kayo. Tulungan ko lang ang Daddy mo na asikasuhin ang mga bisita."

I just nodded.

Binaling ko ang tingin ko kay kay Lie.

"Mon Coeur,what happened?" napatawa ako dahil alam kong hindi siya sasagot dahil tulog ito.

Lie,kung ano man ang magagawa kong kasalanan sayo,sana mapatawad mo ako. I know,I don't deserve your forgiveness but still,I want it. Maling mali ang nagawa ko sayo,pero alam kong sa tamang panahon maiintindihan mo rin kung bakit ko nagawa yon.

I kissed her forehead. Nagpasya na akong lumabas para makapagpahinga siya.

Pagbaba ko ay nakasalubong ang buong section 5.

"Boss kamusta na si Lie?"

"Ayos lang ba siya?"

"Ano ba talagang nangyari?"

"She's still sleeping." I answered. My forehead creased when I noticed Max and Frank are missing."Where's Max and Frank?"

"Naku boss,si Frank kasama si Elora. Si Max naman nagpaalam na magccr lang daw siya."sagot sakin ni Jackson.

I looked at them." Come with me."

Nagtataka man,ay sumunod pa rin sila sakin. Tumigil kami sa hideout namin.

Nagpagawa ako ng hideout namin kay dad dito sa mansyon para kapag may kailangan kaming pag usapan ay dito namin ginagawa.

"Boss,may problema ba?" tanong ni Justine.

"Yes. Black Warrior wants to revenge. They keep on sending death threats to my sister and to Zariah."I explained.

Nagulat naman sila sa sinabi ko.

"Boss,wala namang nagpapadala ng death threats kay Lie,diba?" Christian asked.

"Wala pa. But I want you to keep an eye to Zariah."

"Ano?!!"sabay sabay nilang tanong.

"Boss,paano si Lie?"tanong ni Sebby.

"Oo nga. Tsaka si Aimée?" tanong naman ni Fritz.

"Dad will give Aimée, bodyguards. While Lie,Loïc and Louis will handle her."

"You really love Zariah,huh?"mapanuyang sabi ni Luke.

Natigilan naman ako.

"Ano bang pinagsasasabi mo Luke?"

"Oo nga. Si Lie ang girlfriend ni boss."

"Ano bang nangyayari sainyo?"

"Stop it Luke."seryosong sabi ni Kayden.

"What? Why would I stop?" mapang asar na ngumisi sakin si Luke kaya hindi ko na napigilan ang sarili kong sugudin siya.

"Awat na,awat na!!"

"Wag na kayong mag away!!"

"Tumigil na kayo!!"

Pilit kaming pinaghihiwalay ng section 5.

"Ano? Totoo naman diba?! Mas mahal mo yung Zariah na yon kaysa kay Lie!!" sigaw sakin ni Luke.

Pinakubabawan ko naman siya at sunod sunod na pinagsusuntok.

"STOP IT!!" napatigil ako nang marinig kong sumigaw si Dad."WHAT ARE YOU DOING MAËL STEPHANE?!!!!"

"Just teaching him a lesson."bored kong sagot at umalis sa ibabaw ni Luke.

Mas lalong nagalit si Dad sakin."GO TO MY OFFICE,MAËL!! NOW!!"

After saying that,ay lumabas na siya. Lumingon ako sakanila na kasalukuyang tinutulungan si Luke.

Sumunod na ako kay dad.

Hindi na ako kumatok at tuloy tuloy na pumasok sa office ni dad.

"Why did you do that,Maël?"seryosong tanong ni dad.

"I told you dad, I'm just teaching him a lesson."

The door opened."Maël,Lie is awake and she's looking for you."mom said.

Agad akong pumunta sa guest room kung nasaan si Lie.

Lumapit ako kay Lie. Napansin naman niya ako at nginitian.

"Mon trésor." nakangiting tawag niya sakin.

"Are you okay now? Do you want anything? Or what?" natawa naman siya dahil sa pagkataranta ko.

"I'm okay, Mon trésor."

I hugged her."Do you want to go home now? Hmm?"

She hugged me back."Yes please."

Inalalayan ko siya pagbaba. Nakita ko ang section 5 sa tapat ng pinto.

"Ayos ka na ba Lie?"

"May masakit ba sayo?"

"Pinag alala mo kami."

Nginitian naman sila ni Lie at nagsabing okay lang siya.

Nagpaalam na muna ako kay mommy na ihahatid ko muna si Lie.

"Let's go,mon coeur."

Nagpaalam na din siya sa section 5.

Habang nasa byahe siya ay ramdam ko ang pananahinik niya. I hold her hand kaya napatingin siya sakin. Saglit ko siyang sinulyapan.

"Are you sure you're okay, Mon Coeur?" I asked worriedly.

She just nodded.

Pagkarating namin sa mansyon nila ay agad akong bumaba para alalayan siya.

Nagpaalam na kami sa isa't isa.

Nung makita kong nakapasok na siya sakanila ay agad akong pumasok sa kotse ko at pinaandar na ito.