Chereads / I Am His (Completed) / Chapter 41 - Chapter 39

Chapter 41 - Chapter 39

Chapter 39:White Serpentine

Lie's POV

Natapos ang Halloween at ngayon ay balik na naman sa pag aaral.

Normal lang ang araw na toh sa iba,pero sakin hindi.

Nakakatanggap pa rin ako ng death threats.

Kung hindi tula, stolen shot ko naman na may nakasulat na death.

Kung anong ginagawa ko o kung nasaan ako ay yun ang picture na matatanggap ko.

Hindi ko pa rin masabi kila mommy kung anong nangyayari sakin.

Ayokong mag alala sila sakin.

At isa pang nakakagulat na pangyayari, ang section 5, gangsters pala sila.

Narinig kong pinag uusapan nila Stephane na may mga nagpapadala daw ng death threats kay Estée at Zariah.

Pinababantayan din niya si Zariah sa section 5.

*sarcastic laugh*

Paano naman ako? Si Zariah na lang ba lagi?

Si Kuya Loïc, siya ang bumuo ng white serpentine, na pinamumunuan niya ngayon.

Kanang kamay niya si Stephane. Base sa mga narinig ko sakanila, may balak daw na gumanti ang Black Warrior sa White Serpentine.

Hindi ko alam kung sino ang leader ng BW.

Kung saan ko narinig ang mga yan?

Minsan na silang nag usap sa hideout nila Kuya  sa mansiyon. May hideout din kila Stephane pero para sa mga section 5 lang yon.

*Sigh*

"Nakakailang buntong hininga ka na. May problema ba?" tanong ni Luke.

" Wala naman."mahinang sagot ko.

Si Luke lang ang kasama ko dito sa room. Yung iba ay nasa cafeteria at naglulunch. Wala akong ganang kumain ngayon pero itong si Luke nagpumilit kaya kahit ayoko ay napilitan akong kumain.

Wala si Stephane,hindi siya pumasok. Hindi ko rin nakita si Zariah. Ayokong isipin na magkasama sila,pero di ko talaga maiwasan.

"Tell me. I know something is bothering you." napaiyak na naman ako.

Niyakap ako ni Luke at sa dibdib niya ako umiyak. Hinayaan lang akong umiyak nang umiyak.

Kailan ba ako titigil sa pag iyak?

"Just cry."

Hanggang sa matapos ang lunch ay tsaka lang ako tumigil sa pag iyak. Inayos ko muna ang sarili ko pero halata pa ring umiyak ako.

Napansin naman ng section 5 na mugto ang mata ko pero hindi na nila ako tinanong dahil alam nilang hindi ko sila sasagutin.

After class hour,nauna na akong umalis. Ni hindi ako nagpaalam dahil sa sobrang pagod ko.

Pagod sa mga nangyayari sakin.

Pagod sa kakaiyak.

At higit sa lahat,

Pagod na akong masaktan.

Hanggang kailan toh matatapos?

Hanggang sa mamatay na ako?

Pagkauwi ko ay naabutan ko sila Kuya. Nakauwi na pala sila. May pinag uusapan sila na hindi ko maiintindihan kaya nagpasya akong umakyat na lang.

Nagbihis na ako at hinayaan ang katawan kong mahiga sa malambot na kama.

*Knock knock*

Napakusot ako sa mata ko at parang zombie na binuksan ang pinto.

"Kuya Loïc, Kuya Louis. What are you doing here?" I asked.

Tuloy tuloy silang pumasok sa kwarto ko at naupo sa kama.

Kuya Loïc stared at me."Did you cried?"

"No Kuya. Kakagising ko lang kaya ganito ang mata ko." napaiwas ako ng tingin.

" Are you okay,bébé? It's seems that something is bothering you this past few days."tanong ni Kuya Louis.

" Wala naman Kuya. Stress lang sa school."hindi ko kinaya ang lalim ng titig sakin nila Kuya." Kuya,I want to rest, please."

"Okay. But tell us your problem. We're just one call away, a'right bébé?"Kuya Louis said.

I just nodded.

Nahiga na ako sa kama ko pagkaalis nila Kuya.

Habang nakapikit ako ay may nakaramdam ako ng lamig. Nakapatay naman ang air-con kaya napamulat ako.

Bukas pala ang bintana. Tumayo ako at isasarado ko na sana nang may makita akong tao sa labas,malapit lang sa mansiyon.

Bigla na lang niyang tinutok ang baril sakin kaya nanigas ako sa kinatatayuan ko.

Kinalabit niya ang gatilyo kaya napapikit ako at hinintay ang balang tatama sakin.

Nakarinig ako ng mahinang pagcrack ng isang bagay sa tabi ko kaya napatingin ako don.

Black arrow. Hindi bala ang nasa baril niya,kundi arrow.

Nanginginig ko itong kinuha at dali daling pumasok sa kwarto at sinara ang bintana.

Kinuha ko ang sulat na nasa arrow.

Time is ticking

Stop preparing

End of suffering

Nabitawan ko ang sulat at wala nang nagawa kundi ang umiyak na lang nang umiyak. Yun lang naman ang kaya ko eh. Ang umiyak.

Oh God,please help me.

Wala naman akong natatandaang may atraso kahit kanino.

Bakit ba nangyayari sakin toh?