Chapter 40:Wounded
Lie's POV
"Lie,okay ka lang?" Sebby asked. I looked at him then sighed.
"I don't know." mahinang sagot ko.
Ilang araw nang hindi pumapasok si Stephane. Ilang araw na din akong wala sa sarili,tulala.
Where are you, Mon Trésor? I badly need you right now.
"Lie!!! Laro tayong truth or dare?" tanong ni Christian.
Umiling na lang ako at ngumiti. Bagsak naman ang balikat na bumalik sa upuan si Christian.
Pati sila naapektuhan na sa ginagawa ko.
Absent si Luke. Si Kayden naman ay pasimpleng binabantayan si Zariah,kasama niya ang triplets.
Nang magring ang bell ay pumasok na sila Kayden at ang triplets. Inaantay kong pumasok din si Stephane,pero nabigo ako.
"Good morning class."bati ni Sir Clyde.
They greeted back. Hindi ko magawang bumati dahil sa panghihinang nararamdam ko.
Nagsimulang magturo si sir,pero kahit isa walang pumapasok sa utak ko.
Nakatingin lang ako sa may bintana.
Nakarinig ako ng pagbukas ng pinto kaya napatingin ako don. Laking tuwa ko ng makita si Stephane.
Tumabi siya sakin na hindi man lang ako nililingon.
*Sigh*
Lunch na pero nandito pa rin ako sa loob ng room. Hinihila ako ni Sebby pero nabigo din siya ng hindi man lang ako gumalaw.
Nang makaalis sila ay naiwan ako at si Stephane.
"Mon Trésor." tawag ko dito.
"*Sigh* C...can we talk,Lie?" nasaktan man ay hindi ko na lang pinahalata.
"Sure."
Nauna na siyang lumakad kaya sumunod ako. Nakarating kami sa rooftop.
"A...anong pag uusapan natin?" tanong ko.
Tumingin muna siya sakin sandali tsaka umupo. Naupo din ako sa tabi niya.
"Lie,I'm sorry." yun pa lang ang sinasabi niya,pero grabe yung sakit na naramdaman ko."I...I'm so sorry. I used you."
Nagulat ako."W...what?"
"Ginamit kita para pagselosin si Z. Alam kong mali ang ginawa ko,pero nagmamahal lang naman ako. Z is my life,I can't live without her. Hindi ko alam kung anong pumasok sa isip ko at ginamit kita. Remember the day na niyaya kitang pumuntang amusement park? Dun ko sinimulan ang plano ko na gamitin ka. Every time na magkasama tayo,the love,the happiness,lahat ng yon puro pagpapanggap lang. Nakaramdam ako ng guilt, dahil mali na ginamit kita, but nakaramdam din ako ng tuwa when Z said that she still love me. I'm sorry,Lie. I didn't love you at all." I slapped him hard.
"Why? B...bakit ako pa?*sob* Sa daming babae diyan,bakit ako pa?!! May ginawa ba akong mali?!! B...bakit k...kailangan ko pang m...maranasan toh?*sob* Mahal na m...mahal kita,Maël!!! *Sob* Now I know kung bakit ayaw mong t...tawagin kitang Stephane. Si Z... Zariah ang dahilan diba?! Siya diba?! S...sana pinatay mo na lang ako.*sob* H...hanggang k...kailan?! Hanggang *sob* k...kailan ko to m...mararamdaman? K...kapag ba nawala ako?*sob* Ang s...sakit,para akong p...pinapatay sa sakit!! Ilang b...beses ko ba kayong *sob* n...nakitang magkasama? Tatlo? Apat? Lima? *Sob* Nung may h...halloween party sainyo,k...kasama mo si Zariah,diba? Naghalikan pa nga kayo!!"nagulat siya sinabi ko."A...ang saya,ang saya pala magmahal noh?! Yung tipong,akala mo mahal ka pala pero hindi eh,ginamit ka lang. *Sob* s...sana noon mo pa sinabi. U...unang beses ko pa lang nagmahal pero...d*mn,wala akong napala. Minahal kita,halos naibigay ko na nga sayo ang lahat eh. W...wala nang natira sakin,kahit konti.*sob* A...akala ko masaya,h...hindi pala."pinunasan ko ang mga luhang pumapatak sa mga mata ko pero wala ding silbi."D...don't worry,hindi ako maghihiganti. S...sana naman h...hindi masayang ang sakripisyo ko. Basta lagi mong tatandaan na,m...mahal na mahal kita,Mon Trésor."umalis na ako at iniwan siyang tulala.
Hindi ko makita ng malinaw ang tinatakbuhan ko pero dinala na lang ako ng mga paa ko sa garden.
Naupo ako sa isang bench at humalgulgol. May naramdaman akong umupo sa tabi ko at tsaka ako niyakap. Nagpupumiglas ako pero sobrang higpit ng yakap niya at dahil sa sobrang panghihina ko ay hindi na ako nakapalag.
"Shh,just cry. Ilabas mo lang lahat hanggang sa mawala ang bigat na nararamdam mo."si Luke na naman.
Bakit ba sa tuwing umiiyak ako,siya ang laging nasa tabi ko?
Niyakap ko siya at umiyak nang umiyak.
Kailan ba mauubos ang mga luha ko?
"L...Lukie *sob* please,i...ilayo mo ako d...dito.*sob*" pakiusap ko.
"Okay,okay. Where do you want to go,hmm?"sinusuklay niya ang buhok ko gamit ang mga daliri niya kaya kahit papaano ay huminahon ako.
"K...kahit saan. W...wag l...lang dito."
Binuhat niya ako ng pabridal style. Yumakap ako sa leeg niya at binaon ang mukha ko.
Naramdaman ko na lang na ibinaba niya ako. Nasa kotse na pala kami.
Habang nabyahe ay tahimik akong lumuluha.
"Stop crying, Lie." matigas niyang sabi.
Nakarating kami sa isang mansyon. Inalalayan niya akong makababa.
"Nasaan tayo?" tanong ko.
"Nasa bahay namin." sagot niya.
Pagkapasok namin ay nagulat siya ng makitang may tao don.
"Mom? Dad? What are you doing here?" gulat na tanong niya.
"We're resting,honey."nabaling ang tingin sakin ng mommy niya." Is she your girlfriend?"
"No mom. She's my friend."
Parang hindi pa naniniwala ang mommy ni Luke. Kaya napatungo ako dahil sa mga tingin niyang nanunukso.
"MOM!!" sigaw ni Luke.
Itinaas naman ng mommy niya ang dalawang kamay. Yung Daddy naman niya ay natatawa.
Nakita kong inirapan ni Luke ang parents niya,ang akala ko ay magagalit ang mga ito pero nagulat na lang ako na tumawa sila.
Inalalayan ako ni Luke hanggang sa makarating kami sa isang kwarto.
Mixed of black and white ang kulay ng room. Nahiya ang kwarto ko sa linis ng kwartong toh.
"Kaninong room to?"
"Mine."
Umupo ako sa gilid ng kama.
"What happened?" tanong niya.
Nagsimula akong magkwento. Umiiyak na naman ako habang nagkwekwento.
Hanggang sa matapos ako ay patuloy pa rin akong umiiyak. Namalayan ko na lang na nakatulog ako dahil sa pagod.